TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 6, 2011

Peks Man : Nagsisinungaling Ako


The latest book na nabasa ko ay itong obra ni Eros Atalia na Peks Man : Nagsisinungaling Ako At Iba Pang Kuwentong Kasinungalingan Na Di Pa Dapat Paniwalaan published by Visprint Inc.

Nakakatuwa ang pakikipagsapalaran ng bidang lalaki na bagong graduate sa kolehiyo at sinubukang mag-apply ng trabaho sa magulong gubat na siyudad.

Marami siyang mga kasinungalingang napagmasdan ( na kung susuriin ay isang malaking katotohanan pala ) tungkol sa maraming mga isyu sa lipunang kaniyang ginagalawan.

Nakakatuwa naman ang adventure ni Intoy Siyokoy sa Kalye Marino bilang isang magtatahong.

Sayang at di ko na makita sa shelf ng mga bookstore ang unang libro ni Eros na disin sana'y nasundan ko ang mga unang pakikipagsapalaran ni Intoy Syokoy.

Actually ay wishlist ko ito mula sa isang exchange gift naman ng aking mga katrabaho nitong nagdaang Pasko.

Ito talaga ang pinili ko dahil alam kong maganda ang nilalaman nito.

At hindi naman ako nagkamali.

Isang matalino at mabusising mag-isip na Eros ang aking nabasa mula umpisa hanggang wakas.

At kahit na maraming gustong sabihin ang librong ito tungkol sa lipunang ginagalawan ng bidang lalaki ay hindi ka pa rin mababagot at magsasawa na sumubaybay sa mga pakikibaka nito sa lungsod na punong -puno ng mga kasinungalingang may bahid ng katotohanan.

Nakakarelate ako sa bida rito dahil dati rin akong nangangamuhan at nakikipagbaka sa pag-aapply ng kung anu-anong gawain sa maraming mga pasilidad sa bahaging ito ng kalungsuran.

Parang talambuhay ko nga ang ikinukuwento ni Eros he he he.

Peks Man : Hindi ito totoo ha ha ha.

Basahin nyo at nang kayo man ay magising sa maraming mga kasinungalingan huh.

No comments:

Post a Comment