TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 15, 2011

Pangit o Maganda ?

Hayyzzz , nakatikim na naman ako ng early morning sermon from my Father he he he.

Si Father , kina-career ko na lang ang mga orasyon niya.

Matanda naman na kasi kaya siguro ganun na lang talaga siya.

Saka na -immune na rin siguro ako dahil sa kaka-ineksyon niya sa akin ng mga aral niya he he .

Pasok sa kaliwang tenga , labas na lang sa kanan ang drama ko.

Kasi kung didibdibin mo , mabuburyong ka lang ha ha ha.

He always pointed out my ugly sides.

Yung mga kapangitan ko ang lagi niyang nakikita at binibigyang pansin.

Never na napuri ako dahil sa magandang ginawa ko.

Ang tanong , meron naman ba akong magandang ginawa huh?

But then when I come to think of it , posible pa rin namang meron di ba?

What I believe is that lahat ng bagay na may kapangitan ay mayruon ding counterpart na kagandahan , correct?

When you are ugly outside , I 'm sure there's a prettiness inside of you.

Is it possible that if you are beautiful outside , you can be bad inside?

But I believe that beauty is relative.

What I'm trying to point out is this.

Huwag tayong laging tumingin sa kapangitan ng isang tao.

Yung laging palpak na nagagawa niya.

Learn to appreciate some of the good things he had done also.

Huwag yung laging pangit at negative na issue sa isang tao ang palagi nating nakikita.

Take it from the song of Michael Johnson entitled " The Love She Found In Me "

Sabi sa chorus :

Give her thorns and she'll find the roses
Give her sand and she'll find the sea
Give her rain and she'll find the rainbows

Tamahhh!!!

Swak na swak.

Isipin nyo.

Minsan laging nakikita natin ay ang tinik : matulis , masakit , nakakatusok , nakakapagdulot ng sugat , nakakahiwa , nakapagpapadugo.

But when you look at the top of the thorns , you will see a beautiful red rose.

Mabango. Pulang pula . Maganda. Ibinibigay sa mga taong inaalayan ng pagmamahal. Simbolo ng pag-ibig.

Come to think of it ; there's always a rose among the thorns.

Minsan ang nakikita lang natin ay ang buhangin : magaspang , maalikabok , madumi , mainit sa paa , makati at nakakasugat . Simbolo ng pagsubok at suliranin.

But beyond the sand ; there's a beautiful blue sea in the horizon.

Maganda sa mata ang bughaw na kulay , malamig , misteryoso ang kalaliman , makulay ang mga nilalang na nabubuhay dito , nakakalinis , kaakit akit ang kariktan tuwing bagong umaga at sa dapit-hapon. Simbolo ng kahiwagaan.

Minsan nakikita lamang natin ay ang ulan: basa , bad trip kapag may lakad ka . Nakakapagdudulot ng baha ; nakakalunod , simbolo ng pagluha at pag-iyak.

Ngunit pagkatapos ng ulan ay ang bahaghari.

Makulay , maganda , nakapagpapangiti sa labi , simbolo ng paga-asa at pangako.

Sometimes we fail to see the beauty when our vision is too limited in seeing the ugliness inherent in us.

Let us be like God .

He can see the beauty in you ; inside and out.

Amen!

No comments:

Post a Comment