TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 11, 2011

My new cellphone

Bilang regalo ko naman sa aking sarili ngayong Pasko ay napagpasyahan kong bumili ng bagong cellphone na aking magagamit para sa aking malaking kapakinabangan na din.

Ito ay ang Q300 model ng Cherry Mobile na nabili ko sa Gateway Mall sa Cubao .

Matagal tagal na rin naman ang aking lumang cellphone na pinagdidiskitahan ko ng aking mga angst kaya ilang beses na rin itong bumagsak.

Kaya , no choice but have to buy new one dahil puro gasgas na at galos ang aking kawawang cellular.

For the record ay nakaka-ilang palit na rin ako ng aking cellphone.

I remember na una akong nagkacellphone was way back in 1998 nung nagtatrabaho pa ako sa Kowloon West diyan sa Marcos Hi-way.

The very first unit na nabili ko ay ang usong uso nuon na Nokia 3310 he he he.

Nuon kapag may 3310 ka , in ka at sunod ka na sa uso ha ha ha.

Nung time ring iyon binili ang aking simcard na hanggang ngayon ay siya pa ring number na ginagamit ko.

Di katulad ng iba na palit nang palit ng sim number gaya ng pagpapalit nila ng kanilang damit araw-araw ; ako I want to retain this number hanggang sa araw na hindi ko na kayang mag-text, mag-call at mag load dahil ulyanin na ako ha ha ha.

Nawala na ang 3310 na iyon . Di ko na matandaan kung nasira ba siya o ibinenta ko.

Naging uso ang mga camera sa cellphone.

Kaya sunod kong naging phone gadget ay ang Nokia 7650 na bumenta dahil sa VGA lang naman na camera nito.


Pero super wow na ang mga tao nun kahit ganun kalabo ang picture picture at Kodakan. Bilib na sila kapag na-picturan sila ng 7650.

Nagpalit ulit ako but this time ay umaapaw na ang kuwalta sa aking bulsa kaya nakabili ako ng Nokia N73 na 3.5 megapixel na ang camera ; super linaw with flash pa na kahit gabi mo i-click ay parang sa araw pa rin kinunan ang eksena.

3G na rin ito kahit hindi ko naman nagagamit dahil hindi naman naka- 3 G ang mga kausap ko ha ha ha ha.

Dumating ang time na natuyuan ng balon ang lola nyo kaya naibenta ko to the super lowest level bargain price ang aking N73.

Na pinalitan ko ng muralya lang naman na Nokia 2600c.

Eventually , dahil nauso naman ang mga Chinaphone na may TV na daw ay naisipan kong bumili din nito.

Kaya nagkaruon naman ako ng gawang China nga , mura lang pero may TV ka na on the go kaya kahit na nasa biyahe ako o rampa ay libre na ang panunuod ko ng May Bukas Pa ni Bro at ni Santino.

But then of course it's not as reliable tulad ng original na cellphone like Nokia dahil madaling ma-drain ang battery kaya wala ring silbi ang TV dahil it comes to the point na sa daling maubos ng battery ay hind ka na rin maka-view dahil lowbat na agad.

At ngayong datungera na ulit ang lola nyo , siyempre kailang nang idispatsa ang old Chinaphone.

Heto na ang new China na bagamat imbensyon ng mga Intsik pa rin ay quality naman at super -affordable pa.

Eh saan ka pa makakahanap ng cellphone na bukod sa may TV na , may radyo pa , may 2 megapixel camera na rin , may MP3 player na , may Wi-fi pa at san ka pa - 3 sim na ito ineng huh.

Kaya kahit naka Smart ka , o Globe pa , o kahit Sun ka pa , walang problema dahil lahat yan kayang isalpak sa cellphone na ito ng Cherry Mobile.

Pasok lahat sa banga ha ha ha.

Aba super affordable pa dahil almost 7,000 lang ang presyo ng all in one na ito sa merkado huh.

Next time na tayo mag-wish ng Blackberry o kahit na anong smartphone he he he.

For the meantime , love ko itong bagong cellphone ko complete with this red pouch bag na super alaga ko with this Scotch Brite anti-lint wipecloth.

Para hindi maalikabukan he he he.

Next in line to buy : Digital Camera.....

I-pad?

Next year na ha ha ha ....

No comments:

Post a Comment