TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 30, 2011

Makati Mourns

Iyan ang heaadline ng isang dyaryo nitong nakaraang mga araw dahil sa sunud sunod na trahedyang nangyari sa Lungsod ng Makati nitong mga huling araw.

Una na ay ang pagpapasabog na naganap sa isang bus malapit sa kanto ng Buendia at EDSA na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Pangalawa ay ito namang pagbulusok sa kamatayan ng sampung mga construction worker na gumagawa sa isang gusali , partikular ang Eton Building diyan naman sa pusod ng Makati mula sa ika-32 palapag tungo sa pagbulusok sa ikawalong- palapag ng nasabing ginagawang gusali.

Doble dagok ito kay Mayor Jun Jun Binay na bagong kakaupo pa lamang sa opisina niya bilang alkalde ng lungsod.

Maraming mga inosenteng buhay ang ibinuwis dahil sa kapabayaan ng ilan at dahil naman sa kasakiman at kabuktutan ng iba pa.

Ang mga taong walang pakundangan sa buhay ng tao ay hindi dapat pinababayaang gumala sa sangkalupaang ito.

Ang mga nagtanim ng bombang iyan para kumitil ng mga inosenteng buhay ay walang puwang para patuloy pang mabuhay sa mundong ito
.

Sana , isinusumpa ko na ang mga kapamilya nila ang mag-suffer sa ginawa nilang kabuktutan para sa kanilang kapwa. At sumpa ng mga sumpa , tamaan sila ng mga nakakadiri at di gumagaling na mga sakit nang mapagtanto nila ang kanilang ginawa laban sa balana.

At duon naman sa sampung mga obrerong nagsisikap magpatulo ng pawis at dugo para sa kanilang pamilya ; maaaring dahil sa kapabayaan kaya nangyari ang pinsalang ito.

Aba'y marami na palang aksidente ang nangyari sa mga construction site na iyan ng Eton Properties pero bakit ngayon lang napansin.


Kung hindi pa parang mga bulateng nakalambitin sa mga palapag nito ang bangkay ng mga nasawi ay hindi pa ito malalaman.

Too late the hero na naman ang gagawing imbestigasyon dahil kung kailan may namatay saka lamng gagawa ng sangkatutak na imbestigasyong nauuwi din sa kawalan.

Hayyy ,buhay Pinoy , kailan ka lulubayan ng mga trahedyang dulot din ng kapwa mo mga Pinoy huh!

My condolences to all the victims!

Let us light a candle of mourning for them!

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete