TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 27, 2011

Magic Gimik


Isa sa mga bagong show na inaabangan ko tuwing Linggo ay itong palabas nina Empoy at ng cute na si Kian Cipriano ng Calla Lily na Magic Gimik sa Channel 5.

Ito ay ang tagalized version ng Breaking the Magicians' Code: Magic's Biggest Secrets Finally Revealed na isang dating TV series sa US.

Dito ay inire-reveal ang mga sikreto ng mga salamangkero kung paano nila ginagawa ang isang act o illusion para magbigay daya sa mga manononod na parang totoong mahika ang kanilang pine-perform.

Of course alam naman na nating lahat na may daya talaga ang mga magicians sa tuwing ginagawa nila ang kanilang mga sleights of hand . Eh kung walang daya ang mga iyan ay di para nang may mga superpowers ang mga iyan dabah. But undoubtedly , nakaka-amaze , nakakagulat at nakakabilib ang mga salamangkerong ito sa galing nila sa kanilang mga crafts o skills.

Nuong bata nga ako ay ang buong akala ko ay mga tauhan ng diyablo ang mga magicians na ito.

Hinding - hindi ko makakalimutan ang unang illusion na napanuod ko kung saan ay lumutang ang isang babae sa ere at pagkatapos ay pinahiga sa talim ng mga espada sa kaniyang likod.

Pero ngayon alam ko nang dinadaya lamang ako ng aking mga mata na hatid ng mga ilusyunistang ito.

Maraming mga magicians ang nagagalit dito sa show dahil nga feeling nila ay mawawalan sila ng trabaho dahil nabubunyag nga ang kanilang mga lihim.

But then dapat din nilang malaman na ang show na ito ay isa ring form of entertainment tulad ng kanilang ginagawa.

Kung ako sa kanila ay mag-produce o mag-isip sila ng kanilang mga bagong tricks o gimmicks na hindi pa nabibisto ni Master para tangkilikin pa rin sila ng mga tao.

At hindi naman porke nanonood ka ng show na ito ay ibig sabihin ay bumababa na ang tingin mo o respeto sa mga magicians .

Kundi mas lalo pa nga kaming bumibilib at humahanga sa mga ito dahil ibig sabihin ay talagang magaling silang mag-manipula ng kanilang katawan at ng mga bagay sa kanilang paligid nang hindi napapansin ng mga manonood.

At any rate , suportado ko pa rin ang mga magagaling na mga salamangkero dito at maging sa buong mundo !


No comments:

Post a Comment