TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 16, 2011

Goodbye Karlo....



Isa sa puwedeng maging example ko ng " pangit " na " maganda " pala inside ay ang aking dating katrabaho na si Karlo Reyes.

Nakapasok siya sa aming kumpanya nitong Setyembre ng nakaraang taon.

On his first few days ay hindi mo pa ramdam ang kaniyang pagiging " kakaiba "

But as time goes by , nalaman namin na marami pala siyang nuances at mga kaweirduhan.

Unti-unting lumabas ang kaniyang mga " kapangitan " , so to speak , as days went on.

Nandiyang , magsasalita siyang mag-isa kahit wala siyang kausap.

Manggigising ng mga natutulog na kasamahan sa loob ng sleeping quarter kahit naghihilik na ang mga ito.

Walang patumanggang pagtayo kahit na oras ng trabaho.

Pang-iistorbo sa mga kasamahan kahit na they're in the middle of calls .

And annoying everyone sa kaniyang millions and millions of questions na tila ba wala namang kuwenta at katuturan and starting every sentences with " what , what , what , what? " or " why , why , why , why? " .

Naging classic na nga sa work ang kaniyang mga linyang iyan.

Ang sabi niya minsan daw ay pumapasok siyang hindi nakakaligo sa buong maghapon dahil wala daw tubig sa kanila sa Valenzuela.

Sabi niya ay minsan daw ay pumapasok siya nang walang tulog buong araw dahil meron pa siyang part time job na inaasikaso in daytime.

At kapag itinanong ko kung kaya ba niya iyon , ang sagot niya ay " kakayanin at may Cobra naman eh "

Nang tinanong ko siya kung bakit at his ripe age of 35 ay wala pa siyang asawa , ang sagot niya ay " I like girls , but I think girls don't like me "

At nang itanong ko kung bakit , sabi niya " I don't know , maybe it's my face " sabay bunghalit ng nakakalokong tawa.

Sabi sabi sa opisina na minsan na siyang nakasuhan ng kasong pangha-harass at naipa-blotter na rin sa isang presinto ng pulisya.

Nang matanong kung kaya ba niyang pumatay ay sumagot siya nang , " kaya ko , lalo na kapag lasing ako ; kaya nga di na ako umiinom ngayon eh , iniiwasan ko na"

On the question of why he doesn't smoke, his answer is " masama sa baga "

Lagi siyang may dalang payong na kulay pink kahit na hindi naman umuulan , at nang tinanong ko siya kung bakit , he answers , " you will never know when it's gonna rain"

Madalas ko siyang kakuwentuhan sa veranda kapag breaktime.

Ang iba kasi hindi na siya kinakausap dahil sa kaniyang mga weird na one liner.

Ewan ko ba kung bakit ko nakakasundo si Karlo.

Siguro dahil pareho kaming weird at different.

Labeled with so many aliases and monickers.

Maaga naman siyang laging pumapasok sa work. Minsan nga ay nauuna pa sa aming lahat na mga kasamahan niya.

At masipag namang magtrabaho dahil nakaka-collect naman ng mga liens sa accounts namin.

Minsan nga lang ay umaabsent dahil daw " he overslept "

Lagi siyang may dalang mansanas sa opisina at nginangata kahit nasa duty dahil daw " an apple a day keeps the doctor away"

Marami siyang mga hirit na nakakatawa at mapapagulong ka hindi dahil sa matalinong sinabi kundi dahil corny at parang binanggit ni Mang Kepweng.

Pero minsang sinabihan namin siya tungkol sa foul comment na pinawalan ng isa naming colleague patungkol sa kaniyang hindi paliligo ay mahinahon niyang sinabi na " okay lang yun , walang kuwenta yun sa akin , mabait naman siya eh , sinabi niya lang yung totoo , being brutally frank is okay with me " hirit niya.

Nung isang beses na umabsent ulit siya at ang rason na naman ay dahil he overslept ay sinentensyahan agad siya ng walking papers para i-terminate.

Ni walang due process.

Right there and then ay napalayas agad ang kawawang Karlo.

Ni walang written , oral and final warning na isi-nerve sa kaniya bago siya mapalayas . Mabuti pa nga sa Bahay Ni Kuya ay may warning , pero dito wala.

And that was a week before Christmas .

Suspetsa ng iba ay baka umiiwas lang ang company sa 13th month pay he he .

Nasilipan kasi ng butas .

And marami din ang nagsumbong at nagtsu-tsu nang said naman sa katotohanan.

Ah ewan.

There are many injustices in this world and one of them is the case of Karlo Reyes.

Pero nang tinanong kung anong masasabi niya tungkol sa kaniyang termination from the company, ang sabi niya ay " no problem with that , it's their call. "

At dagdag niya : " I have enjoyed my stay here in the company because I have met here people who are true to themselves and not plastic "

Pagkatapos ay lumabas ng conference room at ang sabi ay " don't cry , I'm not dead "

Pahabol pa niya " see you in Facebook "

Ha ha ha ha.

Nakakatuwa ka talaga Karlo.

And nagulat kami dahil may hidden talent pala itong si Karlo.

Napansin namin ang kaniyang mga doodles sa kaniyang scratch pad at nakita namin na magaling pala siyang magdrowing.

Here is a sample: he he he

Aba , artist pala ang loko.

Oh Karlo , saan ka man , I know God had made you that way : special.

Goodbye Karlo, my friend.

No comments:

Post a Comment