TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 23, 2011

Barong Barong


Aba aba aba sumosobra na yata ang Barong na ito sa kaniyang pagiging manyak huh!

Aba , daig pa ang nakatira ng mga pinagsama-samang rugby , katol at sinunog na styrofoam kapag nakakainom ang "aktor" na ito.

Pati ba naman ang premyado , beterana at kinikilalang aktres na si Cherrry Pie Picache ay pinagnasaan???!!!

The height ng kalurkihan ng Barong na ito.

Dapat ka nang kalusin dahil puno na ang salop mo huh!

Alam na kasing nag-iiba ang karakas kapag nakakainom ay sige pa rin sa pagnomo.

Daig pa nito ang sinasapian ng ispiritu ni Mr. Hyde kapag nalalasing eh.

Eh di ba nga at na-witness na natin ang pag-iibang anyo nitong Barong na ito nung nasa loob pa siya ng Bahay Ni Kuya ?

At ngayong nakalabas na siya ay kitang kita na ang transformation ng kaniyang pagkatao from being wholesome into becoming a monster once na nakakainom at lango sa ispiritu ng Pulang Kabayo ang loko.

Unang pinagtripan ay ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patricia Martinez.

Pangalawa ay itong si Yasmien Kurdi.

At pumangatlo pa kay Cherry Pie huh.

Truly , they come in threes.

Sa tatlong beses na babaeng nagreklamo sa kaniyang kamalasaduhan ay may maniniwala pa ba sa kaniya?

Dapat bang maging apat , lima o anim bago tayo maniwalang may kahayupan nga ang manyak na ito kapag nalalasing?

Barong , Barong .

Talagang pupulutin ka sa barung-barong sa ginagawa mong iyan.

Sige Cherry Pie magreklamo ka na!

Huwag manahimik para hindi mamihasa ang Barong na iyan sa kaniyang bad habit.

Oh such a hard bad habit to break!

No comments:

Post a Comment