TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 31, 2011

Azkals





Waaah, ang guguwapo naman pala ng mga member nitong Team Azkals huh.

Lalo na ang kanilang team leader na si Phil Younghusband na talaga namang husband material he he he.

First time yata na may mga heartthrob na player ng football o soccer dito sa Pilipinas ah .

Alam naman natin na hindi masyadong popular ang football o soccer dito sa atin na isang basketball crazy country na halos lahat ng kalyehon at maliliit na espasyo ay isinasarado para gawing court.

Ewan ko ba naman kung bakit natin nakahiligan eh likas namang hindi tayo matatangkad na mga Pinoy pero marami ang humaling na humaling sa larong ito.

Na hindi naman tayo madalas nage-excel dahil hindi nga tayo katangkaran kumpara sa ibang mga lahi na mas matatangkad at higante kesa sa atin.

Eh kailangan pa naman sa larong ito ay may height talaga para mai-dunk at mai-shoot mo nang maayos ang bola davah.

Kaya dapat go na tayo sa ibang sports kung saan magagamit natin ang ating physical characteristics na meron tayo , like dito nga sa soccer.

Kaya go go go Team Azkals at ipakita ninyo na may ibubuga rin ang mga Pinoy pagdating sa sucker , este , soccer pala he he he he.

Team Azkals , you're the man!!!

No comments:

Post a Comment