TRAVELBOOK NOW!

Friday, December 31, 2010

Happy New Year!

It's new year once again.

Parang kailan lang.

Kasisimula lang ng 2010.

Ngayon patapos na ang year of the tiger ...papasok na ang year of the rabbit.

Ilang oras na lang at 01 01 11 na.

Suwerte daw sabi nila.

Parang kaybilis ng oras ano?

At ngayon heto at sumusungaw na ang Bagong Taon.

Hatid ay pag-asa at pag-ibig.

Last year has been a good one.

I just wish this coming year will be better than the previous year.

Nothing much to say.

I just wish everyone a ...


Fruitful and blissful year to come.

Happy 2011!!!!

Cheers!!!!

Thursday, December 30, 2010

Mi Ultimo Adios (in three languages)

Today is Rizal Day.

This is my tribute to Rizal's heroism and patriotism.

His great poem " Mi Ultimo Adios " in three languages.



Mi último adiós

¡Adiós, Patria adorada, región del sol querida,
Perla del mar de oriente, nuestro perdido Edén!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante, más fresca, más florida,
También por ti la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchando con delirio,
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio,
Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el día tras lóbrego capuz;
si grana necesitas para teñir tu aurora,
Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora
Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,
Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,
Fueron el verte un día, joya del mar de oriente,
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
¡Salud te grita el alma que pronto va a partir!
¡Salud! Ah, que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un día
Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acércala a tus labios y besa al alma mía,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría,
De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Deja a la luna verme con luz tranquila y suave,
Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cántico de paz.

Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore
Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;
Deja que un ser amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mí alguien ore,
¡Ora también, oh Patria, por mi descanso a Dios!

Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por ti que veas tu redención final.

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio
Y solos sólo muertos queden velando allí,
No turbes su reposo, no turbes el misterio,
Tal vez acordes oigas de cítara o salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido.
Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré.
Vibrante y limpia nota seré para tu oído,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,
Constante repitiendo la esencia de mi fe.

Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adiós.
Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.

Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía,
Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso día;
Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría,
Adiós, queridos seres, morir es descansar.



José Rizal, 1896

My Last Farewell

Farewell, beloved Country, treasured region of the sun,
Pearl of the sea of the Orient, our lost Eden!
To you eagerly I surrender this sad and gloomy life;
And were it brighter, fresher, more florid,
Even then I’d give it to you, for your sake alone.

In fields of battle, deliriously fighting,
Others give you their lives, without doubt, without regret;
The place matters not: where there’s cypress, laurel or lily,
On a plank or open field, in combat or cruel martyrdom,
It’s all the same if the home or country asks.

I die when I see the sky has unfurled its colors
And at last after a cloak of darkness announces the day;
If you need scarlet to tint your dawn,
Shed my blood, pour it as the moment comes,
And may it be gilded by a reflection of the heaven’s newly-born light.

My dreams, when scarcely an adolescent,
My dreams, when a young man already full of life,
Were to see you one day, jewel of the sea of the Orient,
Dry those eyes of black, that forehead high,
Without frown, without wrinkles, without stains of shame.

My lifelong dream, my deep burning desire,
This soul that will soon depart cries out: Salud!
To your health! Oh how beautiful to fall to give you flight,
To die to give you life, to die under your sky,
And in your enchanted land eternally sleep.

If upon my grave one day you see appear,
Amidst the dense grass, a simple humble flower,
Place it near your lips and my soul you’ll kiss,
And on my brow may I feel, under the cold tomb,
The gentle blow of your tenderness, the warmth of your breath.

Let the moon see me in a soft and tranquil light,
Let the dawn send its fleeting radiance,
Let the wind moan with its low murmur,
And should a bird descend and rest on my cross,
Let it sing its canticle of peace.

Let the burning sun evaporate the rains,
And with my clamor behind, towards the sky may they turn pure;
Let a friend mourn my early demise,
And in the serene afternoons, when someone prays for me,
O Country, pray to God also for my rest!

Pray for all the unfortunate ones who died,
For all who suffered torments unequaled,
For our poor mothers who in their grief and bitterness cry,
For orphans and widows, for prisoners in torture,
And for yourself pray that your final redemption you’ll see.

And when the cemetery is enveloped in dark night,
And there, alone, only those who have gone remain in vigil,
Disturb not their rest, nor the mystery,
And should you hear chords from a zither or psaltery,
It is I, beloved Country, singing to you.

And when my grave, then by all forgotten,
has not a cross nor stone to mark its place,
Let men plow and with a spade scatter it,
And before my ashes return to nothing,
May they be the dust that carpets your fields.

Then nothing matters, cast me in oblivion.
Your atmosphere, your space and valleys I’ll cross.
I will be a vibrant and clear note to your ears,
Aroma, light, colors, murmur, moan, and song,
Constantly repeating the essence of my faith.

My idolized country, sorrow of my sorrows,
Beloved Filipinas, hear my last good-bye.
There I leave you all, my parents, my loves.
I’ll go where there are no slaves, hangmen nor oppressors,
Where faith doesn’t kill, where the one who reigns is God.

Goodbye, dear parents, brother and sisters, fragments of my soul,
Childhood friends in the home now lost,
Give thanks that I rest from this wearisome day;
Goodbye, sweet foreigner, my friend, my joy;
Farewell, loved ones, to die is to rest.



José Rizal, 1896


PAHIMAKAS ni Dr. Jose Rizal


Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw

Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!


Sa salin ni Andres Bonifacio

Wednesday, December 29, 2010

Seating Arrangements


Tuesday, December 28, 2010

"ayaw ko ng baril " - Vice Ganda

Nakakaloka naman ang komento ni Vice Ganda sa Showtime Grand Finals nitong December 10 tungkol sa baril.

May phobia daw siya o takot sa baril kaya kung maaari ay ayaw na niyang makakita ng mga performance o anumang mga bagay na kung saan ay tinatalakay o pinag-uuasapan ang tungkol sa baril.

Much more ay sa putok ng baril na kaniya umanong kinatatakutan.

Ito ay sa dahilang , diumano , ay naranasan niyang mawalan ng mga minamahal sa buhay ng dalawang beses dahil daw sa baril .

Kasunod ang pagsasalita o paglilitanya laban sa mga umimbento o nakaisip gumawa ng baril.

Ito daw ang pinakapangit na imbensyong naisip ng sangkatauhan.

I beg to disagree with what Vice Ganda have said.

Walang ginawa dito sa mundo na pangit.

Walang naimbensyon na pangit.

Lahat iyan ay ginawa upang makatulong at magbigay kalinga sa tao.

But then , in the long process of the invention , ginagawang pangit ng tao ang disin sana'y magandang adhikain ng nasabing imbensyon.

Tao lang ang nagpapapangit sa lahat ng bagay na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari at maganap.

Kung lahat lang sana ng tao ay PRO-GUN o People who are Responsible Owners of GUN ; sana ay walang mga insidente at krimeng nangyayari dahil sa maling paggamit ng baril na ito.

It's a symbol of authority.

At this time na karamihan ay wala nang batas na sinusunod at ang iba ay hindi nangingiming gumawa ng mga karumal dumal na mga aktibidad , kailangan din ang baril para maipatupad ng tama ang batas.

At least magsilbing panakot man lamang sa mga tiwaling tao na gumagawa ng mga kabuktutan.

Isa lamang ang baril sa maraming mga ironies o kabalintunaan dito sa mundo : ang baril na siyang ginagamit para protektahan ang mga tao laban sa kasamaan ay siya ring baril na ginagamit naman ng ibang tao para lumaganap ang kanilang kasamaan!

On some funny notes : ayaw ni Vice Ganda ng baril ; but I'm sure gustong gusto niya ng buhay at pumapalag palag at kumikislot kislot na baril he he he .

Peace!

Monday, December 27, 2010

I will truly miss you Muning....

Dalawang araw bago mag Pasko , ay pumanaw ang aking munting kaibigan.

Si Muning.

Ang aking alagang pusa na itinuring ko hindi lamang bilang isang kaibigan kundi bilang anak ko na din.

Tulad nang naikuwento ko na dito sa aking blog, isa siyang pusakal , pusang kalye.

Amin siyang inampon dahil sa pangangailangang sugpuin ang paglipana ng mga bubuwit sa aming kasa.

At simula nga nuon ay naging parte na siya ng aming buhay.

Simula nga nang amin siyang ariin bilang sariling kapamilya ay naglaho na ang mga nagpapatinterong mga daga sa aming haybol. Tila ba pinalis ng superpower ng pusang ito na mala-Thundercats ang arrive.

We have come to like and love this cat.

Eversince the day one.

Nadisukbre namin na meron siyang manners pagdating sa pagsi-CR.

Di siya basta basta kung saan saan umiipot.

Dun lang siya sa loob ng banyo nag-iiwan ng kaniyang dumi at wiwi na buong tiyaga namang winawalis lalo na ni Mother dear.

Marunong . Di na kailangang i-potty training ang hitad.

At dahil nga nawala na ang mga pesteng bubuwit sa amin , mga maliliit na kulisap na lang ang hinuhuli niya kahit na ang mababait at maaamong mga butiki.

Kapag oras na ng kainan ay nandiyan na siya sa aming tabi at ngiyaw ng ngiyaw.Parang gustong sumalo sa aming plato at makisali sa rambol namin ng mga pagkain. Naniniwala kasi siya sa motto ng Lucky Me na " The family that eats together , stays together "

Lagi siyang present pagdating sa kainan.

Sinusubuan ko pa iyan ng aking nilalantakan na ulam na tuwang tuwa naman niyang isinusubo at nginunguya sa kaniyang maliit na lalamunan.

Pero nitong huling mga dalawang araw ay bigla siyang naging matamlay.

Nawalan nang ganang kumain.

Lagi na lang nakatalungko sa upuan sa isang tabi.

At kahit tawagin mo at suhulan ng paborito niyang pagkain na isda ; ay hindi siya nabibili.

Nang gabing iyon bago ako pumasok sa trabaho , ay napansin ko na talagang nanghihina na siya.

At tila ba dumadaing sa sakit at kirot na dinadamdam niya mula sa loob ng kaniyang katawan.

Nang sipatin ko ang kaniyang katawan ay wala naman akong nakitang sinyales ng anumang uri ng sakit na maaaring ikina-iirita niya.

Dinama ko ang kaniyang leeg kung nilalagnat.

Baka ikako nilalagnat din ang pusa?

Pero wala akong nakitang palatandaan sa kaniyang balat na siya ay nagdurusa na pala nung gabing iyon.

Maliban sa pagiging matamlay at mistulang mga palahaw niya ng pag-iyak.

Tinitigan ko siya sa mata bago tuluyang nagpaalam umalis patungong trabaho.

Nangako na bukas pagdating ko ay dadalhin ko siya sa beterinaryo upang ipa-konsulta.

In the meantime , nang usisain ko ang world wide web tungkol sa maaaring maging sakit ng pusa, nasumpungan ko na maaari pala silang mag-suffer sa isang uri ng bacterial infection sa kanilang tiyan. May recommended na gamot para dito mula sa nasabing website.

Binili ko iyon mula sa isang pet shop. At dala dala ko kinabukasan na ipapainom ko sana kay Muning.

Pero , wala na siya .

Pagdating ko ay inilibing na daw siya ni Papa.

Namatay siya ng umaga nang araw na iyon , 2 araw bago mag-Pasko.

At naramdaman ko na dumalisdis ang luha sa aking pisngi.

Wala nang sasalubong sa akin pagkagaling ko sa trabahao . Ngumingiyaw at kinikiskis ang kaniyang katawan sa aking paa.

Wala nang makikipag-patintero sa aking paglalakad na minsan ay natatapakan ko pa .

Wala nang sasabay sa aming orasyon tuwing kami ay kakain.

Hindi na rin siya makikisabay sa aming pagligo para siya ay maglabas ng sama ng loob.

Mami-miss ko ang mga hilot at masahe niya kapag ako'y pagod at nakahilata sa kama.

Ang pakikipaglaro at pakikipagharutan kapag siya'y natutuwa sa itinapon mong tinik.

Kapag , nakahiga na ako ay bigla siyang sumasampa sa aking tiyan upang duon humimlay.

Akala kasi niya ay nakatagpo siya ng isang malambot na kutson upang higaan.

Wala na lahat iyon.

Dahil si Muning ay nanduon na sa Cat Heaven.

Nang siya ay mapunta sa amin , maraming magagandang bagay ang nangyari sa aming buhay.

Ako ay nagkatrabaho.

Ipinanaganak ang aking panganay na libro.

Si Papa ay na-appoint bilang chairman ng buong baranggay namin.

Nanalo si Mama sa lotto ng halos sampung libo.

At higit sa lahat ay -na-realize namin na ang pagmamahal ay hindi lang pala kayang ibigay ng isang taong matalino daw kuno ; kundi maging ng isang hayop kahit na hindi husto ang pag-iisip at katalinuhan.

Naiinis din ako kay Muning!

Dahil hindi siya naging malakas.

Hindi niya ako nagawang hintayin sa aking dalang gamot para sa kaniya.

Akala ko kasi that cats have nine lives.

Si Medyas nga ay nabuhay pa kahit na halos hindi na makagulapay sa kaniyang pinagdaanang karamdaman.

Pero itong si Muning , minsan lang nagkasakit , ininda agad.

Siguro ipinahiram lang siya sa amin ni Lord upang kami ay turuan.

I will truly miss you Muning!

This is one pet na hindi mahirap mahalin dahil una siyang nag-alay ng kaniyang pagmamahal.

And for that , he truly deserves our honor and respect.

Promise , ito ang unang hayop na iniyakan ko sa buong buhay ko!

At habang isinusulat ko ang entry na ito ay bumabagtas ang luha sa aking mga mata .

Sabi nila , all dogs go to heaven.

But I am very sure that this one cat will certainly be with Him!


Sunday, December 26, 2010

A review of my book " Bakla Bakla Paano Ka GInawa ? "

Here's a review of my book " Bakla Bakla Paano Ka Ginawa ? " by Noel De Leon in his Facebook account:

Mga Eklay ni Edgar Portalan: Ang Pagbasa ng ‘Bakla, Bakla Paano Ka Ginawa’ at ang paghihintay ...

by Noel de Leon on Saturday, December 18, 2010 at 7:26am

Mga Eklay ni Edgar Portalan: Ang Pagbasa ng ‘Bakla, Bakla Paano Ka Ginawa’ at ang paghihintay ng susunod na librong ‘Paano Kung Wala Nang Bakla sa Mundo’

Ni Noel de Leon/ Isla Guimaras/ Disyembre 2010

NANG magkita kami ni Danton Remoto sa Christmas Party ng Metropolitan Community Church sa Quezon City ay ipinaalala nitong muli sa akin ang isa sa mga bagay na dapat ginagawa nating mga manunulat, ang pagi-edit at patuloy na pagi-edit ng mga gawa natin bago ipabasa sa iba o ipablis bilang libro o entry sa ating mga blog. Ito rin ang isa sa pinakamahalagang bagay na natutuhan ko sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo habang sumasailalim ako sa klase ni Virgilio S. Almario. Ito rin ang bagay na hindi ko makakalimutan na ikinoment sa akin ni Glecy Atienza at Ruel Molina nang ipabasa ko sa kanila ang dula kong may working title na Wanted: Vaginal Repair. Ngayon na nasa matahum na isla na ako ng Guimaras at ninanamnam ang dalisay na hangin ng Disyembreng malamig ay bigla-biglang bumalik sa akin ang gahum ng patuloy na pagi-edit at pagkatuto sa mga ini-edit.

Bago ako tuluyang umuwi ng Guimaras ay namili muna ako ng libro sa National Bookstore. Ang dalawa rito ay pangregalo, at ang dalawa naman ay babasahin ko sa byahe papuntang Guimaras. Isa sa mga nabili ko ay ang libro ni Edgar Portalan na may pamagat ‘Bakla, Bakla Paano Ka Ginawa’ na ipinablis ng Atlas Publishing. Ito ang unang aklat ng Atlas na mababasa ko. At dahil patungkol ito sa pakikipagsapalaran ni Edgar sa pagiging buhay bading ay sigurado akong maganda ito at entertaining.

Ito ang unang pagkakataon na nabasa ko ang pangalang Edgar Portalan. Sa tagal ko nang nagbabasa at nanonood ng mga akda at pelikulang patungkol sa ‘gay isyu’ ay hindi ko pa narinig o nakasalubong ang pangalang ito. Interesting. Masyadong matapang ang title ng libro. Kaya kaya nitong higitan o pantayan ang mga naging pagbasa ko na sa mga libro nina Danton Remoto, John Iremil E. Teodoro, at Louie Cano kung patungkol sa buhay bading ang pag-uusapan. Tingnan natin.

Pagiging Bading na Kristiyano ang paninindigan ng librong ito. Sa Unang pahina pa lamang ng libro ay mababasa na ang pangalan ng Diyos. Susundan ito ng pag-amin ng nagsasalaysay na bakla siya. At iisa-isahin na niya ang mga bagay na nagpapatunay o ang pagdiskobre niya na siya ay isang ganap na bading. Masyadong personal ang pagbanggit ng mga tagpo at bagay sa mga salaysay sa librong ito, walang problema rito. Ngunit, kung babasahin at pag-aaralan ang librong ito ni Edgar ay maaaring sabihing nagmadali ang publisher sa paglilimbag ng libro na kahit ang awtor mismo ay hindi man lamang nasagot ang title ng kanyang libro, kung paano nga ba ginagawa ang isang bakla.

Kung titingnan ng mabuti, wala naman talagang sinabing bago si Edgar sa una nitong libro. Ipinakilala lamang niya ang sarili nito sa atin, ipinaalalang muli ang ilang bagay na natatakot tayong mabasa, dahil totoo.

Patuloy ang hamon para kay Edgar Portalan na higitan o kung hindi man ay pantayan ang mga nangungunang mga gay writers sa ating bansa ngayon. Patuloy ang hamon na sana matapos na mabasa ang sanaysay na ito ay basahin niya ang ilang libro nina Remoto, Teodoro, Cano, Garcia at iba pang mga magagaling at natatanging gay writers ngayon sa ating bansa, ang Filipinas.

Sa ngayon, hihintayin ko muna ang muling paglabas ng libro ni Edgar na may pamagat ‘Paano Kung Wala Nang Bakla sa Mundo’ na sigurado na akong kayang higitan ang nauna nitong libro. Nakakatuwa, nakakaaliw ang naging pagbasa ko kay Edgar, pero parang may hinahanap pa ako. Baka nasa ikalawa nitong libro.http://noeldeleon.blogspot.com/

Saturday, December 25, 2010

Mga Kasabihan ng mga Ba­ding

Mga KASABIHAN ng mga Ba­ding:

#1 Walang kai-kaibigan kapag agawan ng dyowa ang usapan.

#2 Sa hinaba-haba man ng prusisyon, ba­ding din pala ang makakarelasyon.

#3 Walang matinong lalaki sa malanding kumare.

#4 Aanhin mo ang gwapo, kung ang hanap din niya ay gwapo?

#5 Matalino man daw ang bading, napeperahan din.

Friday, December 24, 2010

Pantay na ‘K’ sa LGBTs, iginiit

It's a welcome news , kaya naman I am happy to repost it here in my blog........read on.....

____________________________________________________________________

Pantay na ‘K’ sa LGBTs, iginiit
(Noel Abuel)

Panahon nang igalang ang mga bading at tomboy sa buong bansa tulad ng ordinaryong tao.
Ito ang iginiit ng militanteng partylist na Bayan Muna kung saan dapat na umanong kilalanin ang mga naiaambag at karapatan ng mga bading, tomboy, bisexuals at transgenders sa bansa at ilayo sa anumang diskriminasyon.
Kasabay nito, umapela si Rep. Teddy Casiño, sa mga kapwa nito kongresista na suportahan ang gay rights bill na isinampa nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na humihingi ng pantay na trato.
Sa inihain nitong House Bill No. 1483 o “Anti Discrimination Act of 2010” may katapat na parusa ang sinuman na lalabag sa karapatang pantao ng isang lesbians, gay, bisexuals at transgenders (LGBTS).
“LGBTs students are denied admission or expelled from schools due to their sexual orientation or gender identity. Companies block the promotions and stymie the career advancement of gay or lesbians employees due to the deeply embedded notion that homosexuality denotes weakness. Laws such as the current anti-vagrancy law are also abused by the law enforcement agencies to harass gay men,” idinagdag pa ni Casiño.
Sa sandaling maipasa ang nasabing panukalang batas ay pagmumultahin ang sinumang magdi-discriminate sa mga LGBTs ng P250,000 hanggang P500,000 o pagkakakulong ng anim na taon.


From Abante-Tonite
___________________________________________________________________

So LGBT's ......rejoice from now on......

Thursday, December 23, 2010

Fruitcake



Nakakahiya mang aminin , pero ngayon lang ako nakatikim ng legendary fruitcake courtesy of a gift from a friend.

Legendary ang fruitcake na tuwing Cristmas season lang yata ibinebenta at nakakain dahil puwede daw itong tumagal nang hindi napapanis o nasisira kahit sa loob ng ilang daang taon pa.

Ito ay dahil sa ibinabad ito sa spirit o alcohol kaya hindi agad agad pinamamahayan ng anumang klase ng amag o bakteryang sumisira sa mga pagkain.

At dahil nga babad sa alak ay siyempre may pagkapait at pakla din ang lasa nito.

At dahil nga lasang alak ay hindi ko ito masyadong nagustuhan he he he.

Alam nyo naman ang lola nyo, hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-take ang lasa ng mga wines he he he.

But for sure ang mga sunog-atay ay mag-eenjoy dito he he he.

Anyway , at least natikman ko na siya sa wakas ha ha ha.

Ganun lang pala ang lasa .

But this fruitcake is a good symbol of a lasting friendship and relationship. Magtatagal kahit na anumang panahon at oras. At di matitinag ng anumang mga pagsubok o suliranin.

Kaya sabi ng Eraserheads :


" There's a fruitcake for everybody
There's a fruitcake for everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun

Take a bite
It's alright
There's some brandy and star margarine to make it bright
Take a bite
It's alright
A little lovin' and some fruit to bake
Life is a piece of cake "


Fruitcake , anyone?

Wednesday, December 22, 2010

Katrina Halili vs Hayden Kho

Kasabay ng hatol sa Vizconde Massacre ay ang paglabas din ng hatol sa kaso ni Katrina Halili versus Hayden Kho na tulad din sa Vizconde trials ay acquitted din ang prime suspect dito na si Doctor Hayden Kho.

Ito ay sa dahilang , hindi daw kapani-paniwala na walang alam si Katrina sa nasabing video shoot na kumalat sa internet at eventually ay kinopya at ipinakalat sa VCD at DVD format.

Hmmm, mukha naman ngang nag-eenjoy pa si Katrina during the shoot he he he.

Hayy , naku , ewan .

Ang gulo ng mundo noh.

Matapos mag-liwaliw sa impyerno eh matatakot sa mga diyablong maaari nilang masalubong at bumulaga sa kanila ha ha ha.

Sabi nga , when you take a trip to hell , be ready to face the devil davah.

Eh kaso mukhang hindi sila handang makaharap si Lucifer dahil dito ha ha ha.

Tingnan nyo si Maricar tahimik lang.

Eh kasi naniniwala siya sa kasabihang less talk , less mistake !

And just the same , more talk , more mistake.

Oh well.

Tuesday, December 21, 2010

Monday, December 20, 2010

Vizconde Massacre , the verdict 2010

Lumabas na rin after more than 15 years of trials and hearings ang much publicized crime of the century na Vizconde Massacre with the final verdict of the Supreme Court declaring that Hubert Webb and others not guilty of the crime they are accused of .

Not guilty nga ang hatol ng Korte Suprema sa mga akusado na nakulong nuon pang at ngayon lamang nakalaya pagkatapos ng halos mahigit labinlimang taon..

Home sweet home at last para kina Hubert Webb et al.

Diumano ay lack of evidence at mga kahinaan sa panig ng mga witnesses ang dahilan ng acquittal.

Hindi umano napatunayan ng panig ng prosecution ang kanilang bintang na sina Hubert and company nga ang perpetrator ng nasabing krimen na pumatay sa mag-iinang estrellita (47) Carmela ( 18) at Jennifer (7) .

Nagtatatarang ang naulilang si Mang Lauro Vizconde at halos himatayin at atakehin sa puso dahil sa desisiyon na ito na ibinaba ng Korte Suprema.

Samantalang ang ilan ay sumakay din sa isyu at wiling wiling nag-komento pabor at panig sa biktima.

Samanatalang ang iba at karamihan ay hindi rin nagustuhan ang hatol ng korte at sinabing binayaran ang mga huwes at abugado para madesisyunan ito ng pabor sa mga akusado.

Pero sino ba tayo para manghusga.

Wala naman tayong alam kung ano ang pinagdaanan at ginawang basehana ng mga mahistrado para dumating sa nasabing hatol.

Ni hindi nga natin nasubaybayan ng husto ang kinahinatnan ng mga pagtatalo nito sa korte.

At ang state witness na si Jessica Alfaro ay nagtatago na sa Amerika.

Sa loob ng 15 taon ay bakit hindi humanap ng ibang mga ebidensya at saksi ang panig ni Mang Lauro para masubstantiate o mapatotohanan ang kaso nila laban sa mga akusado.

Ang nangyari , ibinuhos lamang niya ang buong panahon at oras sa paniniwala sa iisang saksi lamang na wala naman daw kredibilidad na si Jessica Alfaro.


Diumano ay dati rin itong asset ng NBI.

Anut- anuman ay hindi pa rin tapos ang kasong ito.

Maaring guilty nga sina Hubert Webb and company dito sa ibinibintang sa kanila ; pero sa kabilang banda maaari ding hindi.

Kung guilty nga sila , nautakan at napaglalangan nila ang hustisya at ang batas.

Kung tutoo namang hindi nga sila guilty , aba' y nasayang naman ang 15 taon na ginugol nila sa loob ng kulungan na hindi man lang nila napakinabangan.

Huwag nang magpatumpik-tumpik pa , hanapin agad ang tunay na salarin .

Huwag tumigil sa paghahanap ng katarungan.

Malay natin ay nandiyan lang pala sa paligid natin ang tunay na kriminal at hindi lamang natin napapansin dahil nakatuon ang ating paningin sa iisang direksyon lamang.

In the meanwhile , walang ibang nakakaalam ng katotothanan kung sino ang mga maysala kundi ang mga biktima lamang.

Alam ko , nanduon sila sa langit at tayo ay minamasdan.

Kinaaawaan tayo dahil sa ating mga kahangalan at katigasan ng ulo.

Hayy, kailan kaya tayo matututo?

Ilang pa ang kailangang magbuwis ng buhay bago matutong pahalagahan ng tao ang buhay ng kaniyang kapuwa?

Ikaw na tunay na may gawa ng krimen na ito , masdan mo ang ginawa mo!

Sana patuloy kang usigin ng iyong kunsensya , iyan ay kung meron ka pa nito!

Sunday, December 19, 2010

Power Of Your Love

I have always liked this Christian song entitled Power Of Your Love.

Why?

Because the lyrics says how much God loves us even though we're not that perfect and holy as he is.

If you have not listened to this song , please do it now , and feel the loving hands of God enveloping you all with His outsretched arms.

Here is the video:

Saturday, December 18, 2010

Ang Kanluran

Grabe ang hirap mag-apply ng work ngayon....walang katulad ang experience ko sa isang Call Center Company diyan sa Makati na nasa Kanluran. Karaniwang one day process ang aplayan sa mga Call Center ngayon. In the real meaning of the words ONE DAY- isang buong araw ka ngang maghihintay sa kanilang process ng pagha-hire. Hitsurang kung pwede lang eh dun ka na tumira at maglatag ka na duon ng kumot at banig para diretso tulog na.

Ganito ka in-demand ang mga call center ngayon kung kaya't ito ang pinupuntahan ng mga libu-libong jobless ngayon na naghahanap ng trabaho epekto na rin ng global financial crisis na humahagupit ngayon sa buong mundo.

Maganda sana kung makapasok ka sa Call Center dahil sa dami ng mga benefits, perks, incentives, bonus at kung anu-ano pa bukod pa sa mataas ang sahod. Pero bago ka man lang makapasok dito ay kailangan mo munang mamuhunan ng sanlibo't isang pasensya at pagtyatyaga dahil kung hindi ay tiyak na susuko ka agad lalo na kung wala ka pang experience sa pag-aaply dito.

Take it from me. Beterano na sa pag-aaply sa iba't ibang Kol Senter pero ngayon lang nakapasok sa isa sa mga ito. Nais ko lang ibahagi ang naging karanasan ko sa isang Tawagan diyan sa Makati na tinatawag na Kanluran.


Day 1- Punta akong Pasong Tamo Makati. Akyat sa mataas na building kung saan sila umuupa. Pinag log in muna ako sa computer para sa initial info ko. After that ay naghintay ako ng mahigit sa isang oras sa lobby bago tinawag para sa exam. Pinag-take kami ng exam.It is a three part exam . Una- ang tungkol sa Personal Info Data Entry. Pangalawa- Reading Skills-pinabasa sa amin ang mga ilang kataga sa Ingles. Pangatlo- Listening Skills- kung saan may pinarinig sa aming ilang sitwasyon at pagkatapos ay may magtatanong base duon sa ipinarinig sa amin. After ng 3 part exam na iyon ay muli kaming pinabalik sa lobby upang duon hintayin ang resulta ng exam. After almost 30 minutes ay isa isa na kaming tinawag upang sabihan kung pumasa kami sa exam. Sa awa ng Diyos ay isa naman ako sa ilang pumasa nung araw na iyon. Ngunit sa kadahilanang magtatapos na ang office hours nuon sa oras na alas-singko ay sinabihan kami na bumalik kinabukasan para sa Second Set of Exams na amin pa daw kailangang ipasa.

Day 2-Kinabukasan ay bumalik ako for the Second Set of Exams na kailangan ko daw maipasa.Ngunit sumpa ng mga sumpa, naabutan ako ng cut-off para sa mga nag-aapply- alas tres ng hapon! Wala akong nagawa kundi bumalik kinabukasan .

Day 3-Balik ako kinabukasan. This time ay inagahan ko na . Wala pang alas- dose ng tanghali ay nasa lobby na ako at naghihintay ng turn ko para mag-exam. After almost an hour of waiting , finally ay tinawag na ako to take the exam.

This time ay tungkol naman sa Computer Navigation Skills at Mental Intelligence Skills ang pinasagot sa amin. After taking the test for an hour ay natapos din ako. Balik ulit sa lobby for the result. Muli kaming tinawag isa isa for the result, at pagdating sa akin ay sinabihan ako ng proctor na hindi daw ako pumasa. Sad naman ang lola mo. Pero may consolation naman. Pwede daw akong bumalik ulit para i-retake ang mga exam kung saan ako bumagsak. Okay.

Day 4- After 5 days ay muli akong bumalik para sa retake. This time ay tinandaan ko ang bilin ng proctor na unahin ang mga questions na hindi nangangailangan ng mga solvings and computations dahil very time consuming ito because merong time limits ang nasabing exam.

Sa awa ulit ng Panginoon, this time nakapasa na daw ako sabi ng proctor, thanks to his advice.

Ang sabi sa akin ay bumalik daw ako ulit kinabukasan for the Preliminary or Initial Interview. Okay.

Day 4- Balik ako for the Initial Interview. Walang katapusang paghihintay pa rin sa lobby ang drama ko. After almost magtu-two hours na ay saka pa lang nila napansin yata ang namesung ko kaya't pinatawag na ako for the Preliminary Interview. Pasok ako sa cubicle at hinarap ang isang nag-Iingles na lalaki. Andaming tanong about me na nakasulat naman sa Resume ko. May pinabasa sa akin na mga Tongue Twisters at ilang mga phrases na kung hindi ka sanay ay magkakandapili-pilipit ang dila mo sa kakadeliver.

To make the long story short, balik sa lobby for the result, at pagtawag sa akin para sa inaabangang sagot kung pasado ako : "You passed the Initial Interview" daw sabi ng proctor. And then the next step daw is for me to "pass the Final Interview which will gonna happen later this day at 1:00 in the evening" and for me to see Ms.________ who will facilitate the Interview.

Sa madaling salita, dahil alas singko pa lang ng hapon nun ay naisip kong pumunta na lang muna at tumambay sa bahay ng isang kaibigan diyan sa Quiapo upang magpalipas ng oras hanggang sa dumating ang time na sinabi sa akin para bumalik.

Alas sais...

Alas siyete.

Alas otso.

Alas nuwebe. Gutom na ako.

Alas diyes. Inip na ako.

Alas onse. Antok na ako.

Alas dose. Bumiyahe na ako.

Ala una eksakto nakabalik ako sa Building, this time nasa Boni Avenue naman malapit sa Robinsons Pioneer.

Wait ulit sa lobby bago tawagin ang pangalan mo.

Ala una y medya na di pa rin ako tinatawag.

Mag-aalas dos na ng madaling araw pero nananatili akong naghihintay ng call for the interview. Inaantok na ako at nagsasara na ang mata ko sa antok. Imagine nagpupuyat ako nang wala namang Night Differential!

Sa wakas, alas dos y medya ay tinawag na ako for my turn sa Final Interview. Pinapunta ako sa isang tila ba Conference Room at hinarap ko ang aking berdugo . Standard naman ang mga tanong ng aking Berdugo:

Why did you choose to apply in a Call Center?

How do you see yourself ten years from now?

What are the qualities do you possess that would enable us to hire you?

If we hire you, what could be the contributions that you can make to the company?

I must believe that I have answered all this questions with flying colors!

Pero ang banat ng Berdugo: " Okay. What I would do is that submit this papers of yours to my boss who is actually must be the one to do the interview with you but sad to say she is having a meeting right now so she appointed me to do all the interviews tonight. Anyway after she is done with her meeting, I will immediately bring this paper to her and I guess she would evaluate my initial assessment with you and then she will be the one to decide whether you pass or not. So wait for the call this week and just keep your lines open okay? Thank you very much!"

I have waited for that damn call for one whole week but nobody did call me!

Maybe I have failed.

Or they just did not see my potential!

How could it be?

Ang nakalagay sa slip ko ay babae ang mag-iinterview, pero ang nag interview sa akin ay LALAKE!

Oh my God! Mabuhay ang mga Call Centers!

Long Live Kanluran Call Centers!

Friday, December 17, 2010

Brother kills sister

Nakakakilabot naman itong headline nuong isang araw tungkol sa isang binatilyo na pinatay ang kanyang nakababatang kapatid na babae na nangyari sa bandangBicol , partikular sa probinsya ng aking mga lolo at lola na Camarines Sur pa mandin.

Diumano ay nagulat ang buong baranggay isang umaga nang makita nila na ipinaparada ng nasabing binatilyo na may pagkukulang umano sa isip ang pugot na ulo ng kanyang nakababatang kapatid na babae na may edad na 7 , at halos tumutulo pa ang sariwang dugo mula dito , habang ang nasabing binatilyo ay nakangisi at tila ba tuwang tuwa pa sa kaniyang ginawa .

Nakakahilakbot ito at ni hindi ko ma-imagine na tutoong nangyari.

Truly , life is far more stranger than fiction.

Diumano ay iniwanan daw ng kanilang ama ang magkapatid na kumakain sa kanilang bahay nang umagang iyon. Ang nasabing binatilyo ay may diperensya daw sa kaniyang utak.

At nang puntahan ng mga pulis at tanod ang bahay ng nasabing magkapatid ay nakita pa ang sariwang mga dugo na nagkalat sa kusina ng bahay , ang itak na ginamit sa krimen na tigmak ng dugo , ang mga nagkalat na kanin at ulam sa buong kusina , at ang walang buhay na katawan ng bata na nakahandusay sa lamesa na wala nang ulo!

Grabe! So gross!

This one's for gory screamfest!

Kaya naman the moral of the story: huwag iwanan at pabayaang lumalaboy ang mga kasambahay na may diperensya o sakit sa utak!

Dapat sa mga iyan ay idinediretso na agad sa mental hospital.

Because you will never know kung kailan iyan aatakehin o susumpungin ng kanilang sakit at baka bigla na lang kayong daluhungin ng itak.

Eh di bat ganito rin ang nangyari sa isang baryo diyan naman sa Visayas.

Kung saan ang isa ring binatang anak na maluwag na din ang turnilyo sa utak ay inatado naman ang katawan ng kaniyang ama at ina.

At hindi pa nasiyahan , ay iniluto at isinalang sa kalan at ginawang tanghalian ang mga laman-loob ng kaniyang mga magulang!

Diyusko , ginawang menudo at bopis ang kaniyang mga paryentes hu hu hu.

Kaya iyang mga sintu-sinto na iyan dalhin na agad sa Mandaluyong at nang maipa-repair ng mga screwdriver , Philip screw at pliers ang mga maluluwag na turnilyo at bolts sa utak huh!

Thursday, December 16, 2010

Europe back to Ice Age



Nabaon na naman sa niyebe ang kabuuan ng Europe dahil sa pagbasak ng record high snowfall sa buong kontinente.

Lubog na naman sa malamig na buhangin ang buong kalupaan na naninigas na sa ginaw.

Back to Ice Age ang buong Europeo he he he.

I have never experienced snowfall pa.

Kay sana I wish na maranasan ko din ito bago man lang ako matigok he he he.

Ang naranasan ko lang ay ang pekeng mechanical yelo sa Star City ha ha ha.

Tiyak na gagawa ako ng Snowman pag nagkataon.

" ...I'm dreaming of A White Christmas......"

Wednesday, December 15, 2010

Philippines boycott Nobel Peace Prize ceremony?

Iboboykot daw ng Pilipinas ang Nobel Peace Prize Awards ceremony dahil sa pagbibigay ng trophy sa isang Chinese na si Liu Xiaobo na nag-aadvocate ng one-China policy.

Diumano ay pini-pressure ng China ang Pilipinas na isnabin ang nasabing seremonyas dahil nga hindi sila pabor na gawaran ng award ang naturang Chinese dissident.

At buhkeettt naman ?

Nobel Peace Prize Awards is such a distinguished event na sinumang kanilang mapili ay totally deserving naman sa nasabing award na kanilang ipinamimigay.

Hindi puwedeng sabihin ninuman na hindi karapat-dapat na parangalan ang isang tao dahil tiyak na dumaan ito sa mabusising pag-aanalisa kung dapat nga ba siyang parangalan at bigyan ng pagkilala. Kung ang dahilan ng pagtutol dito ay dahil hindi siya pabor sa mga ideyolohiyang kaniyang ipinaglalaban ay hindi ito katanggap-tanggap.

At bakit naman magpapa-pressure ang Pilipinas sa China huh.

Sino ba sila para utusan tayo kung saan tayo dapat pumunta?

Kung bakit naman kasi itong mg Intsik beho na ito eh ayaw pang pakawalan ang Taiwan bilang isang separate place na hindi na kabilang sa kanilang nasasakupan eh.

Basta ako , I declare that Taiwan is a separate country na with all it's ties from China cut off.

Eh bakit naman hindi eh may sarili na nga itong capital , gobyerno at mga liderato di ba?

Dabah naman , ha ha ha ha.

Tuesday, December 14, 2010

It's Complicated


Last year pa ipinalabas sa telon ang It's Complicated starring Meryl Streep, Alec Baldwin and Steve Martin.

Pero kahapon ko lang ito napanuod sa pirated DVD he he he.

At nakakaaliw naman pala ang romantic comedy na ito.

Never a dull moment habang aking pinapanuod.

At ni hindi ako tumayo mula sa aking pagkakatutok huh.

Ang gagaling naman kasi ng mga lead actors and actresses.

Especially the three senior ones.

Istorya tungkol sa life after a divorce.

And the possibility na makabalikan mo pa ang iyong former loved one.

Nakakaaliw ang mga hirit ni Meryl huh.

At ang mga nakakatawang eksena kapag magkakasama sa screen ang tatlong beterana.

A look at life and endless possibilities after a divorce.

Panalo na naman nito si Nancy Meyers.

Kudos.

Monday, December 13, 2010

Ang Mahiwagang Tanong

Ang sabi nila...

Ang babae pineperahan ang lalaki!


Ang lalaki pineperahan ang bakla!

Eh ang bakla , sino ang pineperahan??

Iyan ang mahiwagang tanong...

Sunday, December 12, 2010

The Jackpot Lotto Winner

Kinubra na ng lone winner ang 741 milyong pisong napanalunan niya sa sa grand raffle draw ng 6/45 lotto nitong nakaraang November 29 , 2010.

Isa daw siyang 60 years old balikbayan family man from the US na may tatlong anak.

Nagbalik Pinas lang daw siya para sa reunion ng kanilang eskuwelahan at pagkatapos ng event ay tumaya sa isang lotto outlet na nandiyan sa Subic , Zambales.

Ayon sa kaniya ay lucky pick ang kaniyang tinayaan kung saan ay computer ang pumipili randomly ng mga number combination. At napili ng computer ang winning combination na 11-16-42-47-31-37

Diumano ay may isang babae na sumingit sa pila sa unahan niya. Pinagbigyan daw niya ang babae. Kung hindi daw sana sumingit ang babaeng iyon ay baka-sakaling ito ang nanalo ng nasabing jackpot.

The moral of the story : Huwag kang sumingit he he he he.

Aba'y kasuwerte naman ng mamang ire.

May magandang trabaho na sa States eh , nanalo pa dito sa Pilipinas ng milyones.

What will he do to that million pesos he had just won?

I -donate na lang kaya niya sa mga nangangailangan tulad ko he he he.

Oh well , lucky for you.

That's what I call , sobra sobrang biyaya!

Makataya na din nga sa lotto at baka ako na ang sunod na suwertehin.

OA naman ang isang lola na nagki-claim na siya ang nanalo ng jackpot prize eh wala namang tiket na maipakita ha ha ha.

Nag-uulyanin na si lola ha ha ha.

Hayyy buhay Pinoy!

Saturday, December 11, 2010

ABAKADA

Aba , nakakabilib naman ang memory ko.

Akalain mong kabisado ko pa hanggang ngayon ang lyrics ng awitin ni Florante na ABAKADA na na-memorize ko pa nuong ako ay nasa elementary!!??

Ha ha ha ha, here's the lyrics:

A BA KA DA E GA HA I LA MA NA NGA O PA RA SA TA U WA YA

A - ang mag-aral ay gintong tunay

BA - bagay na dapat pagsikapan

KA - karunungan ay kailangan lang

DA - dunong ay gamot sa kamangmangan

E - ewan ang sagot kapag hindi alam

GA - gaga't gago ay yaong mga hangal

HA - hahayaan bang ika'y magkagayon

I- iwasan mo habang may pagkakataon

LA- labis labis ang mapapala

MA- magsikhay ka lang at mag-aral

NA - nasa guro ang wastong landas

NGA - ngayo'y sikapin mong ito ay mabagtas

O - oras na upang ikaw ay magising

PA - pansinin mo ang dako na madilim

RA- rehas ng mga tanong ay sagutin

SA - sabihin mong ikaw ay may alam na rin

TA - tatalino ang bawat isa

U- unawain lang at turuan

WA - wiwikain ang abakada

Ya - yaman at gabay sa kaunlaran


Oh see.

Walang tulong iyan from the web ha.

Galing lahat iyan sa labyrinth ng aking medulla oblongata .

Fresh na fresh pa rin sa aking memory .

Sabagay sabi nila , mas madaling tandaan ang isang bagay kung kinakanta mo.

Kaya siguro nananatili sa aking grey matter ang awiting ito kahit na ilang dekada na ang lumipas.

How marvelous.

When I'm sixty , tanda ko pa rin kaya ito?

Ha ha ha ha, malay!

Sana!

Friday, December 10, 2010

PINOY versions ng HOLLYWOOD movies

PINOY versions ng HOLLYWOOD movies:

I Know What You Did Last Summer… Uuy, Aminin!


Mary Poppins… Si Mariang May Putok


Snakes On A Plane… Nag-ahasan sa Ere


The Sum of All Fears… Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat


Swordfish… Talakitok


The Good, The Bad and The Ugly… Ako, Ikaw at Kayong Lahat


Click… Isang Pindot Ka Lang


Waterworld… Konting Ulan, Baha!


Employee of the Month… Ang Sipsip


Resident Evil… Ang Biyenan


Kill Bill… Kilitiin sa Bilbil


Beauty and The Beast… Ang Asawa Ko at Ang Nanay Niya


The Lord of the Rings… Ang Alahero


Cinderella Man… Ang Boyfriend Kong Bading


Mission Impossible… Ang Pangit, Pagandahin

Thursday, December 9, 2010

Philippines - is now the Call Center Capital of the World

Aba , winner na daw ang Pilipinas as the number one call center capital of the world huh.

At naungusan na ang India na bansa ni Sushmita Sen at ni Shivaker na siyang dating nangunguna.

Dapat lang eh mas magagaling naman talaga ang mga Pinoy kesa mga Bumbay noh pagdating sa tsikahan he he he he (peace tayo Mr . M. Night Shyamalan )

Sa galing naman ng mga Pinoy sa Inggles at iba pang wikang dayuhan gayundin ang maka-relate sa mga ugali ng mga foreigner na iyan eh dapat lang na tayo ang itanghal na champion sa pakikipagtalastasan at pakikipagtalakan dahil tayo ay numero unong mga taklesa at estimador sa buong mundo noh.

At pasok ako sa honor list na iyan huh dahil sa kol center din nagtatrabaho ang lolah nyo.

Hindi katulad ng ibang mga badet na sa Jakol Center nagpapapawis ha ha ha.

Hay naku , tayo daw ang laging hinahanap - hanap ng mga dayuhan na iyan na lagi nilang makakausap dahil magigiliw daw tayong makipag-dayalogo.

At mas clear ang voice at sound natin kesa sa ibang counterpart na halos di mo maintindihan ang sinasabi dahil sa sobrang twang naman.

Kaya mga call center agents , magdiwang tayong lahat dahil happy days are here again.

Let's give each other a toast!

Cheers!

Wednesday, December 8, 2010

Daily Bites or Weekly Bites? ...Comment please...

Super busy at hectic ng schedule ko ngayon.

Tila kulang na kulang ang isang araw na day-off para gawin ang mga bagay na dapat kong gawin when there is no work.

Ang daming load sa trabaho.

Plus may books na na-ipublished na at very busy promoting here and there.

May mga parties and shows na ako ang coordinator na akin ding inaasikaso.

Nag-oorganize din ako ng mga family affairs dito sa aming family clan.

Plus meetings and seminars kung kani-kaninong mga tao

Sumabay pa itong pagkaka-appoint ng Daddy ko sa pagiging chariman dito sa aming lugar.

Plus may mga commitments pa din sa aming Simbahan.

Kulang na sa rampa at night-out.

Wala nang time sa mga boys he he he.

Di bale , tipid naman sa gastos ng anda.

At least makakaipon ha ha ha.

Haayyy, parang kailan lang ay so bored ako sa kaka-nuod lang ng TV at surf sa web sa kawalan ng ginagawa.

Nakabisado ko na yata ang lahat ng tsismis at intriga sa pelikula at TV nung time na iyon.

Pati ng mga tsismis ng mga kapitbahay namin.

Halos maghapon at magdamag na lang ako nuon na natutulog at may bedsore na sa aking puwit dahil sa kahihilata sa kama.

Super miss ko na ang time na iyon.

Ngayon , di ko na iyon maramdaman.

Ganito pala ang sitwasyon kapag sikat ka na he he he.

Ang daming commitments.

Kay nag-iisip me kung makakaya ko pang ipagpatuloy itong Daily Bites ko.

Parang di ko na makakayang mag-deadline araw-araw nang maisusulat dito huh.

Help me dear readers and followers to decide if kelangan ko pa itong ipagpatuloy o hindi na.

Baka , gawin ko na lang itong weekly bites .

Ano sa tingin nyo?

Comment nga kayo !

Kahit ngayon lang sa tanang buhay nyo kayo mag-comment please!

At tatanawin ko itong malaking utang na loob.

Ano sa palagay nyo : Daily Bites o Weekly Bites ?

Tuesday, December 7, 2010

Makikilala Mo Ako - Repablikan

I like the this song by Repablikan entitled Makikilala Mo Ako.

Haunting ang melody niya at nakakapraning ang lyrics he he he.

Rap song it is.

Check this one out.


Monday, December 6, 2010

Samantha Borreo Andal

This is the Christening of my niece Samantha Jericka Andal last November 28 , 2010 at Saint John Mary Vianney Church in Antipolo City.

Reception followed at Balay Kainan in Masinag , Antipolo City also.


Mga bunso ito






Mga beauties he he he



My niece , Samantha Jericka Andal with her mom ( in green polka dots ) Jelyn Borreo Andal and her sister Janeth Borreo

2 sisters he he he



Ang gaganda naman ng mga lolah ( my mom is the one with the shouder bag )

Sunday, December 5, 2010

Willie Revillame versus ABS-CBN



Naglalaban na ang dating magkakampi.

Si Willie Revillame versus ang mga dati niyang boss sa ABS-CBN!

Nothing is permanent nga naman in this world , only change.

Ang mga dati mong kaibigan at kaututang - dila at kahit bestfriend mo pa kuno , ay puwede mong maging mortal na kaaway bukas.

At puwede rin naman na ang dati mong kaaway at kasagupa at kabasag - ulo ay maaari mong
maging pinakamatalik na kaibigan in the future di ba?

That is the case of this former mag-amo at magkabarkada na si Willie Boy and his former ABS-CBN bosses na ngayon ay nagsasagupa sa korte at sa media!

Dati ay magkakasama sila sa iisang bangka nang mangyari ang Wowowee tragedy na pinaka-worst yata sa mga stampede na nangyari dito sa Pilipinas.

Ngayon ay sino na ang aalalay sa mga namatayan dahil sa trahedyang ito na nangyari dahil din naman sa kapabayaan nila?

Wala na?

Ibabaon na lang ba sila sa limot at parte na lamang sila ng kasaysayan?

Ngayon ay nagbabangayan sila kung sino ang dapat na nagmamay-ari ng copyright ng isang programa.

Eh kung panonoorin mo nga naman ang Willing Willie ngayon sa Channnel 5 ay masasabi mong it's a complete duplicate , copycat , xerox , carbon copy , salamin , doppelganger at kakambal ito ng natigok na noontime show na Wowowee , in every bit of the program - magmula sa mga hosts , mga staff , pakontes at game portion ng programa , mga kantang inaawit sa palabas at maging ang mga style at design ng stage ay ultimong kopyang kopya sa defunct noontime show na Wowowee , halos walang pinagkaiba.

Hay naku , lilipat na rin lang naman kasi ng ibang channel ay bakit hindi pa ire-format ng husto at nang sa ganun ay hindi maparatangan ng plagiarism o copyright infringement ha ha ha.

Wala na ba talagang originality ang mga Filipino huh?

Kahit sa mga TV shows eh nagkokopyahan?

At naaliw naman ako sa headline ng isang tabloid.

Si Willie daw na kahit may yate , mall , mansion at mga building na ipinapatayo eh mistulang kawa-awa pa rin daw sa paningin ng mga tao.

Oo nga naman.

Para bang , super duper nakahandusay sa lupa ang image na ipino-project ni dating drummer at dating sidekick at Hawi Boy ni Randy Santiago na si Wilie Revillame na mistula namang siya na ang pinaka-kawawang tao sa buong mundo , where in fact ay siya nga yata ang pinakamayamang celebrity dito sa Pilipinas huh.

At iyan ay dahil sa mga masang kaniyang ipinagsusumamo.

Hay naku , mga Pilipino , gumising nga kayo !

Saturday, December 4, 2010

P741M Lotto Winner



Aba , napakaswerte naman at ang lakas kay Lord ng nanalo ng grand prize winner ng Lotto na umabot sa P741 milyong piso huh.

Sobra sobrang biyaya naman niyan ineng.

At ikaw lang ang kukubra niyan huh , wala kang kahati.

Tumaya daw itong bagong milyonaryong ito sa isang Lotto outlet diyan sa Olongapo City.

Aba'y kaswerte naman ng outlet na iyan at nabalatuhan din ng 500,000.00 naman bilang incentives.

Maagang Pamasko huh.

At tulad ng panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano dapat kahit papaano ay i-reveal ang pagkatao niyang lone winner na iyan huh.

At nang hindi naman mapaghinalaang hocus - pocus ang panalo niya noh.

Eh malay ba natin kung napunta ang premyong iyan sa bulsa rin nila mismo ha ha ha.

And the worst eh kung mayruon ngang tunay na nanalo at pinapasakay lang pala tayo sa tsubibo na ang tutoo eh wala naman palang nanalo he he he he.

Malay ba natin.

Kahit hindi sa sambayanan i-reveal at baka nga naman marami ang magtangka sa buhay nito ( isa na ako dun he he he)

Kahit sa ilang piling mapagkakatiwalaang personalidad lang na maga - authenticate ng tunay na katauhan nito da bah?

Sino nga kaya siya huh?

Ma-hunting nga he he he he.

Balato naman diyan!

Friday, December 3, 2010

World War 3?



Aba , binomba na ng North Korea ang matagal na nitong kaaway na South Korea!

Nagsalpukan na rin ang dalawang bansang simula pa nuon ay mortal nang magkalaban.

At ang sabi ng iba ay this is the start of World War 3.

Dahil kampi na ang US sa South Korea at ang China naman ay kampi naman daw sa North Korea.

At alam naman natin na matagal na ring may silent war o hindi pagkakaunawaan ang dalawang higanteng bansang ito sa maraming dahilan.

Akala lang ng marami ay maganda ang giyera.

Duon sa mga nakaranas nito , katulad ng aking mga lolo at lola , gayundin ang aking ama at ina at ilang mga tiyuhin na nakaranas nito nuong Second World War nuong dekada 40 ; ay alam nila kung gaano ka-horrible at kasaklap ang giyera na sa buong buhay nila ay ayaw na nilang maulit.

The horrors and atrocities of war is so much great and horrendous that the people who had outlived them are afraid even in their nightmares.

Subalit marami sa kabataan yata ngayon ay gusto pa yatang magka-giyera na tila ba sa kanila ay isa lang itong fiesta na madali ring matatapos at mawawala . Palibhasa nasanay na sila sa mga giyerang laro na ginagawa nila sa computer tulad ng Warcraft , Ragnarok at DOTA.

Akala nila ang tunay na giyera ay parang sa computer din lang na kapag namatay ay puwede pa uling mabuhay tulad sa Plants Versus Zombies ha ha ha ha.

Hay naku , dapat ay maghinay-hinay ang dalawang bansang ito sa pagbabanggaan at matuto na sila sa iniwang leksyon ng nakaraang dalawang pandaigdigang giyera.

Di bat sabi nga ni George Santayana " people who did not learn their history are doomed to repeat it "

Huwag naman sanang maging totoo ang kasabihang " History repeats itself " sa pagkakataong ganito.

Ayaw ko nang ma-repeat ang giyera please kahit di ko pa ito naranasan!!!!

Para sa akin naman ay ito : " the first time is okay to gain experience well , the second time is enough to learn a lesson still ; but the third time , oh hell , is an outright stupidity I will tell "

Sapat na ang mga librong nabasa ko , mga pelikulang napanuod ko at mga istoryang narinig ko para tumindig ang aking balahibo at hindi umasam na maranasan ito ni kahit sa panaginip!

Make love not war ikanga.

Mabuti pa ang giyera sa kama kaysa sa kalsada.

All is fair in love and war.

But in times of war , love doesn't exist.

Sabi nga ni John Lennon " All we need is love , love ..."

At sabi rin niya " All we are saying , let's give PEACE a chance ..."

Peace tayo , not war!

Thursday, December 2, 2010

Ang Kuya Niya’y Bakla

Love ko naman itong payo ni Kuya Rom sa isang letter sender na may kuyang bakla.
Read on at nang malaman kung ano ang magandang payo ni Kuya Rom sa Abante- Tonite.























Ang Kuya Niya’y Bakla
Kuya Rom

Dear Kuya Rom,
Ang kuya ko ay idol ko mula pa nang bata kami. Matalino. Honor student. Valedictorian sa high school. Ang paghanga ko sa kanya ay natapos nang nasa college na siya. Sinabi niya sa akin na bakla siya, hindi lang halata.
Ipinagtapat niya ito sa aming mga magulang. Hindi matanggap ng daddy ko ang paglaladlad niya. Muntik na siyang pinalayas sa bahay namin. Pinigilan ng mommy ko ang daddy ko. Sinabihan ng mommy ko ang kuya na kung may pusong babae man siya, huwag naman sana siyang mamuhay sa kalaswaan at mawala ang respeto niya sa kanyang sarili.
Hindi ko na siya kinakausap ng matagal tulad ng dati. Kinakausap ko lang siya kung kailangan. Ginagawa kong abala sa maraming bagay ang aking sarili para ‘di ko siya mapansin.
Hindi ko matanggap na may kuya akong bakla dahil iniisip ko ang kinabukasan niya. Mamumuhay ba siya habang buhay bilang bakla? Hindi ko siya itinatakwil na kapatid ko. Hindi ko lang matanggap talaga na bakla siya. Mali ba ako? -- PJ

Dear PJ,
Wika ng isang manunulat: “Hate the sin, but love the sinner.” Kamuhian mo ang ginagawang kasalanan, subalit mahalin mo ang gumagawa ng kasalanan. Huwag mong tatanggapin ang ginagawang kalikuan, ngunit tatanggapin mo ang gumagawa ng kalikuan.
Ang hindi mo pagtanggap sa kuya mong bakla ay nagpapakitang hinuhusgahan mo siya. Huwag kang manghusga pagkat wala ka sa posisyon upang gawin ito. Ang Diyos lamang ang may kapangyarihang manghusga pagkat walang hanggan ang Kanyang karunungan.
Babala ng Panginoon Jesus, “Huwag kang maghusga upang ikaw ay hindi husgahan.” Kapag mapanghusga ka, huhusgahan ka rin ng Diyos.
Wala kang karapatang manghusga pagkat ikaw mismo ay hindi perpekto at nakakagawa rin ng kasalanan. Huwag mong husgahan ang kuya mo pagkat ikaw rin ay makasalanan.
Nasasaad sa Genesis 1:26-27 na nilikha ng Diyos ang tao, lalaki at babae. Subalit nagkasala ang tao. Ayon sa Matthew 9:9-13, dahil sa kahabagan ng Diyos, dumating ang Panginoong Jesus para sa mga makasalanan. Binayaran ng Panginoong Jesus sa krus ang kabayaran ng mga kasanalan ng iyong kuya at mga kasalanan mo. Parehas kayo ng kuya mo na makasalanan. Parehas kayong mahal ng Diyos.
Kung kinahahabagan ng Diyos ang kuya mo, nararapat lamang na kahabagan mo rin siya. Mamuhay kang tulad ng Panginoong Jesus. Nang iniharap sa Kanya ang isang babae na nahuling nangangalunya, sinabi Niya sa mga taong nanghuhusga at naghahandang batuhin ang babae ang mga katagang ito: “Kung sinuman sa inyo ang walang kasalanan, siya ang unang bumato sa babaeng ito.” Walang isa sa kanila ang nagawang batuhin ang makasalanang babae, pagkat sila rin ay makasalanan.
Ang wika ni Paul sa Galatians 6:1-2: “Kung may mahina sa inyo, kayo na malakas ay magbigay ng kalakasan sa kanya.” Kung sa tingin ko ay mas malakas ang iyong pananampalataya, ikaw ang dapat tumulong sa iyong kuya.
Nawa’y makatulong sa iyo ang mga talatang ito sa Biblia upang maliwanagan ka. Ikaw ay maging instrumento upang maranasan ng kuya mo ang pag-ibig ng Diyos. God bless you!
Payong kapatid,
Kuya Rom



Wednesday, December 1, 2010

Buried


Nagandahan din ako sa isang Spanish produced film na dinirek ni Rodrigo Cortes entitled Buried starring Ryan Reynolds as Paul Conroy , isang American bus driver na nadestino sa Iraq at habang bumibiyahe ay inambush ng mga grupo ng mercenaries at lahat ay pinatay , maliban sa kaniya na inilibing sa lupa sa loob ng isang kabaong na walang ibang gamit kundi ang kaniyang Zippo lighter , cellphone , knife , glowsticks , at wine flask .


Nagsimula ang eksena sa isang kadiliman na halos tumagal ng 2 minuto na wala kang maririnig kundi mga boses at kaluskos na nang magsindi ng ilaw ay saka natin nalaman na galing pala sa lighter na sinindihan ni Paul na nasa loob na ng isang kabaong.

Very claustrophobic ang eksena at talagang sisikip ang iyong hininga dahil sa liit at kipot ng lugar na pinagdarausan ng ordeal ng bida.

Dito ko nalamang kahit na walang mga bonggang special effects at pabulosang production design ay puwedeng maging maganda at kaaya-ayang panuorin ang isang pelikula.

Na kahit iisang karakter lang ang gumagalaw at iisang setting lang ang ang pinangyarihan ng istorya ay puwede pa rin itong maging kapana- panabik at kahindik -hindik depende sa galing ng narratives ng pelikula.

Panuorin nyo ang pelikula nang mapa-agree kayo sa akin.