TRAVELBOOK NOW!

Sunday, October 31, 2010

Happy Hallowen 2010


It's Halloween time and it's time for trick or treating.

Me and my friends will go to the North Cemetery to have our own version of Trick or Treat he he he.

Dito maraming multuhan at aswangang nagaganap tuwing Halloween.

Pero hindi kami natatakot , bagkus ay nagkakatuwaan pa ha ha ha.

Dito ay may mirakulo kaming ginagawa.

Bumubuhay kami dito ng mga patay ha ha ha ha.

Happy Halloween po!

Saturday, October 30, 2010

Bakla Bakla Paano Ka Ginawa?


Finally , I get a hold of my first ever book entitled " Bakla Bakla Paano Ka Ginawa? "

It's out in your leading bookstore , so grab a copy for only Php 150.00 only.

Thank you sa lahat ng tumulong in realizing this book.

Especially to my Editor Mam Terry Bagalso and her assistants and my publisher Atlas Publishing Company.

A million thanks to all of you who made this possible.

You all will never be forgotten.

Jose Marti once told this when asked what every man ought to do before he dies?

He said : " Plant a tree , bear a child and write a book "

I have certainly planted a tree .

Now , I have a book written and get it published.

I' ve yet to bear a child.

Eh kaso di naman ako nanganganak eh.

So forget na lang ang pangatlo he he he he.

Malay natin debah???

He he he he.

I'll just cross that bridge when I get there.

In the meantime , please buy the book!
Bakla Bakla Paano Ka Ginawa?

Not only for all the Bakla out there.

But also for those who don't seem to understand us.

And to those who don't care.

Peace!

Friday, October 29, 2010

It Gets Better




Dedicated to all those bullied because of what or who they are!

Stop Homophobia!

Support this cause of Broadway Stars to come together and fight bullying different and labeled people especially homosexuals!

Thursday, October 28, 2010

Ituloy Mo Lang - Siakol

Wow , super naka-relate naman ako sa bagong senti song na ito ng Siakol.

Swak na swak sa emo senti ng aking life.

Magmula ngayon ay ito na ang theme song ng buhay kong lipos ng pagsubok .

Every line speaks for me.

Diretso sa puso.

Listen to the song and the lyrics:

I (A--F#m--E--D--2X)
Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama'y nagbi-bistida
Maging sa laruan manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan.

Refrain: (Bm--E--Bm--E--)
'Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki.

II
Gusto ng tatay mo na ika'y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka wala ring napala sila
Nung sabi mong ika'y sirena.

Refrain II:
'Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila.

Chorus: (A--F#m--E--D--A--F#m--E--D.Pause)
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao,
Ituloy mo lang ito!
Ang mahalaga ikaw ay masaya
'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba,
Sila ang may problema!

Interlude: (A--F#m--E--D.D.D.)

III
Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto.

Refrain III:
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain.

(Repeat Chorus)

Adlib: (A--F#m--E--D--2X)

(Repeat Refrain II)

(Repeat Chorus 2X)

Coda:
Silang lumalait, silang mahilig manakit
Silang 'di pupunta sa langit. (2X)


Wednesday, October 27, 2010

Jimboy is coming out to town


Hayy sa wakas at umamin na rin ang naturalesang bakla na si Jimboy Salazar na dating na-link rin kay Mahal na siya nga ay isang berdaderong lumalantak ng banana.

With all his ( her ) glory revealed , Jimboy has finally comes out to town he he he.

Wala naman sanang masama kung magtago ka ng iyong tunay na kasarian , basta huwag ka na lang sanang manggamit ng ibang tao at palabasin na super mhin ka talaga at para huwag lang mabuko ang iyong itinatagong kalandian ay kailangan mo pang mag-front ng maraming babae para lang mapagtakpan ang iyong sikreto ; just like what Jimboy did to Mahal a long time ago.

Okay na sana iyong huwag ka na lang magsalita o magreak.

But the height ng kaplastikan ay iyong ipangalandakan mo at magpanggap ka na lalaking lalaki ka tapos yun pala ay berde ang dugong dumadaloy sa iyong ugat ha ha ha ha.

Oopppsss , may natatamaan ba diyan huh!

Kaya kayo mga ___________ at __________ , stop pretending ; live in the real world and make sense.

Just like me ha ha ha ha.

Ready to come out to town too ha ha ha ha ha.

Tuesday, October 26, 2010

Dancing Flight Stewards and Strewardesses

Kaloka naman itong mga dancing flight stewards ng Cebu Pacific Air.

Kung ganito naman ang mga attendant na magse-serbisyo sa iyo during your whole flight , aba enjoy na ang pananatili sa eroplano huh.

He he he, lalo na itong mga otokong attendant , kung makagiling parang mga macho dancer he he he he.

Go and watch the video here and enjoy the flight:




Monday, October 25, 2010

Barangay Elections 2010


Eleksyon na naman .

And this ay time ay sa barangay level naman ang puntirya ng mga kandidato.

At tulad din sa national election sa bansa, walang pinag-iba , pareho lang ang mga pangyayari.

Magmula sa pangangampanya hanggang sa mismong araw ng elekyon ay pareho lang ang mga kaganapan.

Batuhan ng putik, patayan , iba't ibang klaseng mga gimik , sari-saring mga pangako- ngunit pagkatapos ng eleksyon - ibang istorya na naman.

Ang mga barangay chairman at mga kagawad na kumakandidato ay walang pinag-iba sa mga kandidato sa mas mataas na puwesto - ang makaupo lamang sa mataas na upuan sa gobyerno ang target nila!

At kapag nakaupo na - hindi na marunong tumayo at lumingon sa kanyang mga nasasakupan!

At pati ang mga Sangguniang Kabataan candidates , sad to say , ay nakikiuso na rin.

Mga baguntao pa sa larangan ng pulitika pero marurunong nang maglaro ng dumi nito.

Heto ang masasabi ni Gloc 9 para sa inyo:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)



Sunday, October 24, 2010

YOU AND ME AGAINST THE WORLD PART 2

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong tinawagan at tinext ng staff na bumubuo ng game show na You and Me Against the World ng ABC 5 upang maging isa sa mga contestant ng nasabing show.

Maaga ulit ang call time - alas sais ng madaling araw- malamig pa sa ganitong panahon.

Si-net ko ang alarm ng aking cellphone- 3:00

Puta, ginising ako ng sunod sunod na katok mula sa pinto ng aking kwarto. Ang aking ina, ginigising ako dahil alas singko na daw ng umaga, late na daw ako sa appointment ko. Putsa, hindi nag-alarm ang cellphone ko? O kung nag-alarm man, hindi ko narinig? Dahil sa sobrang antok at pagod? Waaaahhhhhhh.

Dali dali akong bumangon . Punta agad ng banyo. Ligo. Buhos ng tubig na nagyeyelo sa lamig.

Wala nang kain kain, agad akong nagbihis. Halos makalimutan ko nang magsipilyo sa kamamadali. Alas singko y medya na. Galing pa ako ng Antipolo, sa Novaliches pa yung istasyon ng ABC 5, paano ako makakarating ng alas sais ng umaga?

Ngarag na ngarag akong nagmadali. Pagdating ng Cubao, sakay agad ako sa isang bus na may karatulang Malinta Exit/ Novaliches.

Tinanong ko pa ang konduktor kung dadaan ba yung bus sa ABC 5? Sa San Bartolome Novaliches ikako. Sabi nya "oo".

Kampante akong nagbayad ng aking pamasahe.

Ilang oras pa ang tumagal at napansin kong tila ba iba ang rutang dinadaanan ng bus. Hindi duon sa dati kong nadaanan nung una akong magpunta sa istasyon.

Tinanong ko ulit ang konduktor kung "nakalagpas na ba ako sa ABC 5?"

" Saan ka nga ba bababa?"

" ABC 5 po mama"

"Alin ba yung istasyon ng channel 5?"

" Opo dun nga po"

" Ay mali ang daan mo! Hindi kami dumadaan dun. Dapat, Novaliches ang sinakyan mo. Papunta na itong Valenzuela eh. Akala ko kasi "AGC" ang sinasabi mo" sunod sunod na litanya ng mamang konduktor.

Muntik ko nang maibalibag sa kanya ang hawak kong paper bag na may lamang sandwich.

Amputah, ang liwa-liwanag ng pagkakasabi ko sa kanya na ABC 5 eh at inulit ulit ko pa sa kanya na TV 5 ikako tapos yun pala hindi naman pala sila dumadaan dun. Mangani ngani kong ibuhos sa kanya ang dala kong thermos bottle na may lamang mainit na kape.

Sa madaling salita, naligaw na nga po ako dahil sa bwisit na konduktor na iyon. Imbes na sa Novaliches ako pumunta ay sa Malinta , Valenzuela ako dinala ng hayup na bus na yon huh!

Sa pagtatanong tanong ko, nalaman ko na mayruong mga jeep na pumapasada papuntang Quirino Highway sa Nova, kung saan nanduon ang channel 5, at puwede akong sumakay duon.

Iyon nga lang medyo may kalayuan pa ang biyahe, at saka magdadalawang sakay ako dahil walang dumidiretso na pasada sa nasabing lugar.

Wala na akong nagawa kundi ang humarurot na lang palayo sa kamalasan!

Samakatwid, makalipas ang isa't kalahating oras, nakarating din ako sa Sangkareynahan ni La Greta dakong alas nuwebe na ng umaga--tatlong oras na late sa oras na itinakda para sa akin.

Hingal kabayo akong lumapit sa show organizer at ipinaliwanag ang mga " kamalasang " umabot sa aking biyahe.

Buti na lang at puwede pa naman daw akong makasali, kaso sa pangalawang taping na lang ako isasalang, dahil buo na daw ang mga contestant para sa first taping. Asus!

Mamaya pa daw yun ng alas diyes ng umaga!

To make a long story short- ganun ulit-fill up ng registration papers, VTR interview, make-up- at eksakto alas dos ng hapon ay kami na ang nakasalang para maglaro!

Guess what kung sino ang celebrity contestant na makakalaban namin sa show?

Walang iba kundi ang muse ng Sangkabadingan , si Bebe Gandanghari!

Last at farewell episode na daw yun ng show kaya " special" ang guest nila that day!

In fairness, nagandahan ako kay Bebe nung araw na yun. Seksing seksi ang hitad sa kanyang suot na tight fitting black dress . Hirit nga ng reyna ng Singko na si Greta " wala na akong ganang mag-host nitong show dahil natalbugan ako ni Bebe sa kaseksihan"

But of course, siyempre naman, wagi pa rin ang Reyna in all aspects he he he.

Speaking of Bebe, medyo may hawig yata siya ngayon sa kanyang estranged wife na si Carmina Villaroel? Pansinin ninyo ang commercial ni Carmina sa Lactum? Di ba para silang pinagbiyak na bunga ni Bebe? he he he he. Ang tanong nga ni Carmina kay Bebe eh " Kapanatag ka na ba?"

Diyata ang dapat na tanong ni Carmina sa kanyang dating asawa ay " Napanatag ka na ba?", matapos siyang batikusin ni Royette he he he he.

Okay naman si Bebe Gandanghari, at least siya may "balls" na humarap at ipangalandakan sa publiko ang bago niyang pagkatao debah naman. Hindi katulad ng iba diyan na nagtatago pa rin sa kapa ni Cece Gandangwari hu hu hu hu.

Pero confused pa rin ako sa pagkatao ni Bebe . Ano bang pronoun ang pwedeng ikabit sa kanya: He , She or It?

In fairness , keri ng lolah moh ang game show. Dahil after almost an hour ay nakahamig na siya ng 435,000.00 na madadagdag sa kanyang kaban ng yaman.

Di nagtagal natapos din ang taping. May iyakan blues pa na nangyari nung huling moment na nagpapaalam na si Greta to formally end the show.

Ang amo amo ng mukha ni Greta pramiz, habang umiiyak siya. Para siyang birhen na naka white satin dress at ipapakasal sa isang hari na hindi niya gusto habang umiiyak siya.

And to conclude the story, mega win na naman ang lahat sa mga kadatungan na maiuuwi nila sa kanilang bawat pamilya.

Dito sa show na ito, walang talo ikanga. Uuwi ka na may ngiti ka sa iyong labi.

At nung Linggong iyon , umaasam ako na sana hindi na naman masagot ng Homepartner ang question para madagdagan ang aming winnings na mapaghahatian bilang mga World.

At sana tuparin ni Bebe ang kanyang "pangako" na babalatuhan niya ang World ng perang napanalunan niya.

After all, mayaman naman na si Bebe. At kung magpapaopera man siya, siguro kasya na ang savings na naipon niya mula sa mga publicity na ibinunga ng "pagka-come out" niya.

Kapag nagpa -opera na si Bebe may maganda akong name na naisip para sa kanya:
Dede Gandangpepe.

He he he he. Yun na!!!!

In fairness , sa dalawang beses kong pag-apir sa game show na ito ni La Greta ay nakahamig ako ng " malaki- laking pera " na sapat para pambili ng mga papa ha ha ha ha.

Sana ibalik ang You And Me Against The World ni La Greta na tunay namang namimigay ng milyones sa mga Kapatid .

Saturday, October 23, 2010

YOU AND ME AGAINST THE WORLD

YOU AND ME AGAINST THE WORLD

Nope, hindi ito yung kanta ni Helen Reddy na sumikat nuong dekada 80.

Ito yung bagong show ni La Greta sa kanya mismong pag-aari na ABC TV 5 ( dati pa )

Isa ako sa masuwerteng napili para maglaro dito matapos akong mag-download ng halos isang dosenang picture message sa 2910.

Tinawagan ako para sa taping ng show nuong Lunes, January 19 , 2008 . Maaga ang call time, 6:00 AM. Whew, pahirapan ito sa pagligo, ang lamig pa naman nung umagang iyon, grrrrrr!

Hindi ko kabisado ang location ng studio ng TV 5 sa San Bartolome, Novaliches, kaya nagpatulong ako sa konduktor para ibaba ako sa mismong tapat nito. Muntik pa akong ilagpas ng bus na iyon, mabuti na lang at nakita ko ang pagkalaki-laking tarpauline ni La Greta na nakabalandra sa mismong harap ng building ng studio.

Pagdating ko ang dami ng tao, pang 39 na ako sa mga nagpatala, considering na maaga pa ako dumating, wala pang alas sais iyon ng umaga. Matapos ang ilang rekisitos para tuluyang makasali sa programa, ay binigyan kami ng almusal; 2 Lemon Square Brownies at isang Zesto Juice!

Ilang oras pa ay ready na kami para sa make- up. Umakyat na kami sa 2nd floor dressing room para make- upan. Maya maya ay dumating ang nakaraang homepartner winner na nanalo ng halos mahigit sa 800, 000.00 kaya kuntodo at hindi magkandaugaga ang mga bading para sila ang makapag- make up sa first time winner ng pot money bilang homepartner.

Ilang minuto pa at VTR interview naman ang isinalang. Harap sa kamera:

" bakit ka sumali sa game show na ito?"

" para manalo at magkaruon ng pera."

" bakit dito mo naisipang sumali sa show na ito?"

" dahil madali lang sumali dito at madali lang manalo."

"ano ang gagawin mo sa pera kung sakaling ikaw ang manalo?"

"ipambabayad sa mga utang!"

" anong klaseng mga utang?"

"marami kasi akong nakasanlang mga alahas eh ha ha ha."

End of interview......

Ilang minuto pa...orientation ng show.....

Ilang minuto pa ulit.....pinapasok na kami sa studio para masimulan na ang taping.....

Bongga ang studio, in fairness. Para kaming nasa outer space he he he he......

Matapos ang ilang pagpapakilala at pagbibigay instruction tungkol sa mechanics ng game show...nagsimula na ang taping.

Dumating na ang Reyna ng TV 5 na si La Greta. Seksing seksi ang hitad sa suot nitong backless na outfit. Ang ganda ganda talaga ng Reyna. Feeling ko nga ay nabuhay ang dugo ko ng pagkalalaki nang makita ko siya he he he. No wonder ay paborito siya ng marami dahil sa bukod sa maganda na at sexy ay kwela pa ang Lokah sa mga hirit nito.

Nang may mag-comment tungkol sa pagiging "perfect" niya ay sumagot ang Dyosa na " hindi ako perfect, flawless lang!"

Nang pinaulit sa kanya ang isang bahagi ng show na may mali, sabi niya " para akong tanga!"

Tawanan ang audience sa kanya. Napakakikay niya at bakyang bakya ang mga banat niya. No wonder marami ang nagkakagustong hingan siya ng mga bitchy one liners he he .

Hiritan ba naman si Vice Ganda ng " excuse me for being bitchy, pero bakit tinatawag ka nila ng kabayo?" na sinagot ni Vice ng " hindi ba obvious he he he" with matching neigh ng kabayo.

Sa tanong na sino ang gusto mong maging biyenan? Annabelle Rama, Imelda Marcos o Miriam Defensor Santiago? May side comment siya na, ayaw niya kay Miriam. Dahil kapag ito daw ang naging biyenan mo, hindi ka na makapagsasalita, oo ka na lang ng oo wehehehehe!

Gusto niya daw si Imelda, dahil marunong mag-share ng kanyang mga kayamanan. Hindi daw katulad ng ibang biyenan na hindi nagsi-share ha ha ha ha ha ha!

Nang maungkat ang tungkol sa pagiging matandang dalaga ng napiling studio contestant na si Ginnie, nagcomment siyang pareho naman daw sila na matandang dalaga he he.

Kalokah talaga si Greta. Kaya naman love siya ng mga tao. Nakatapak pa rin ang paa sa lupa kahit hindi na maabot sa tayog. Namimigay pa ng isang milyon.

Umusad ang show hanggang sa kahuli hulihang eksena. In fairness, hindi nakakabagot ang atmosphere sa loob ng studio ( kahit tila ba sa TV ay mukhang boring ang palabas?)

At bago matapos ang maghapon ay nakapag-uwi kami ng pera bawat isa. Tuwang tuwa ang mga nakasali dahil walang umuwi ng luhaan. Pwera pa iyong makukuha mo kapag hindi nasagot ng tatawagang Homepartner ang kwestyon ni Gretchen. Paghahatian ng World ang natitira sa pot money na hindi nakuha.

Tila malaki na nga ang nabago at na-improve sa TV 5 simula ng hawakan ito ni Greta. Just keep herself humble at down to earth, ay malayo ang mararating ng babaeng ito.

Teka ano ba ito?...

" hello...hello...ano?...kasali ulit ako sa isa pang episode ng show na You And Me Against The World?...sa last and farewell episode nito?.....okay sige pupunta ulit ako....anong oras?

Friday, October 22, 2010

1 Versus 100

Tuloy ang kuwento ng mga game shows.

Tulad din ng sa Eat Bulaga , makakasali ka sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono dito sa 1 Versus 100 na franchise din sa Amerika. Kapag masuwerte ka daw na napili ng computer sa kanilang random selection, pasok ka sa kanilang show.

Ilang beses ako tumawag para siguradong mapipili ako ng " computer" na yan. At hindi libre yan ha, ang alam ko may bayad iyan kada tatawag na "aspirant" sa telepono nila huh.

Ngunit anak ng bakang dalaga, lumipas na ang ilang buwan ay hindi pa rin ako tinatawagan. Baka ikako hindi ako "naseselect" ng lintik na computer na yan.

To make a long story short, after almost four months to be exact, ay tinawagan din ako ng Endemol para sabihang may audition daw para sa 1 versus 100. Tuwang tuwang ibinalita iyon sa akin ng aking hipag, isang gabing galing ako sa paglalakwatsa he he.

Dumating ang araw ng audition. Sinabihan kami na maglalaro na daw kami next week at iyon daw ay taping day para sa nasabing game show. Nalaman ko din na ang makakalaban namin bilang "one" ay si Chin Chin Gutierrez.

Samakatwid, dumating ang araw na inaabangan nang lahat ng kasali sa show. Maaga kaming pinapunta sa set ng ABS CBN compound diyan sa Mother Ignacia. Minsan daw ay halos nagtatagal ng lima hanggang pitong oras ang taping dahil sa dami ng ginagawa.

Rehearsal ng lahat ng gagawin. Binigyan kami ng number kung saan kami uupo bilang isa sa mga 100. Ang dami namin. Isangdaan laban sa isa.

Nagsimula na ang taping. Ipinakilala si Edu Manzano. Nagkaruon ng konting mga palabok. May nag-showdown pang dalawang bakla, bago nagsimula ang game proper.

Pinapasok na ang "one". Si Chin Chin Gutierrez.

Nagsimula ang tanungan. 1st question madali lang. Easy ikanga .Pang grade one. 2nd. 3rd. 4th question, madadali ang mga tanong. Walang natatanggal sa mga " Mob".

Maisingit ko lang, kasali nga pala nuon bilang "mob" ang mga miyembro ng Mocha, at ang mga writers na sina Eugene Asis, Nene Riego at si Ricky Lo.

5th question. Eto na. Umaalingawngaw ang boses ni Edu sa buong studio.

" Ano ang tawag mo sa anak ng isang buwaya?"

"A. Crockid"

"B. Crockling"

"C. Crocklet"

Whew, mukhang mahirap yun ah. Lahat kaming mga contestant ay nagtitinginan sa isa't isa na tila ba nagtatanungan kung ano ang tamang sagot.

Puta, mukhang hindi ko pa na-eencounter ang salitang yan ah. Malay ko ba namang kailangan ko pa palang iresearch kung ano ang tawag sa anak ng buwaya? Hindi kaya yan ang Her Excellency__________he he he he.

Pero hindi puwede wala siya sa choices eh. Anak ng buwaya talaga.

Teka , isa-isahin natin.

Crockid. Pwede. Kasi parang kid, anak ng kambing at ng tao di ba?

Crockling. Pwede rin. Kasi may fingerling at duckling at nestling di ba?

Crocklet. Hmmmm. Pwede rin. Kasi merong piglet at eaglet at owlet eh.

Timer is running out. Enghhkkkk. 1 minute lang kaya.

Pinindot ko ang B for bahala na ; Crockling.

At muling umalingawngaw ang boses ni Edu sa buong studio; lahat ay kinakabahan, suspense, daig pa ang panonood mo ng Texas Chainsaw Massacre o kaya ng Night Of The Living Dead.

Halos walang humihinga sa lahat ng mga Mobs.

" and the correct answer is..... letter........C....crocklet...."

Hiyawan. Dumagundong ang musika. Nagsayaw na parang baliw si Chin Chin.

Habang ang The Mob, natigalgal.......sa asar....

Ilan ang nabawas sa The Mob. Mahigit sa kalahati ng Mob ay na-eliminate sa isang round na iyon ng mga set of questions. Kasama ang Mocha, at ang tatlong writers. Imagine si Ricky Lo, di rin alam ang anak ng buwaya?

Ang alam ko, simula nun, marami sa aming mga Mob ang sumumpa sa mga buwaya. Sabi nung isa, hindi na daw siya magsusuot ng mga gamit na gawa sa buwaya bwaha ha ha ha (tawa ni Joaquin " Buwaya" Fajardo.)

Eh mabuti kung pinauwi na kami agad. Ang kaso dusa ang inabot namin sa loob halos ng ilang oras pa.

Dahil kahit itsa pwera ka na sa Mob, ay hindi ka pa rin pwedeng umalis dahil may mga natira pang ilang Mobs na nakipagtagisan kay Chin Chin.

Kaya't pinagtiyagaan namin ang ilang "kaeklayan" at " kapraningan" ni Chin Chin.

Dusa, gutom at pagod ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Parang gusto ko nang mag-walkout.

Nang matapos din sa wakas ang taping, ay pinapunta kami sa likod ng stage at binigyan ng tag-iisang waffle at juice. Yun lang. Tapos ang maliligayang araw.

Tama ang sabi ni Edu.

We go home with nothing, wahhhhhh!!!!!

Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.

Kaya naman nakailang try pa ako ng mga auditions sa iba pang mga game shows.

More stories next time.

Thursday, October 21, 2010

1 Year Anniversary of Edgar Portalan's Daily Bites

Wow , di ko namamalayan at naka -isang taon na pala ang blogsite kong ito.

At this day of last year ay sinimulan ko ang ideyang pumasok sa aking isipan na magpasimula ng isang blogsite na magpo-post everyday ng mga entry of everything na nangyayari , nakikita , naririnig , nararamdaman , nalalasahan at naaamoy sa buong mundo .......at kahit sa buong uniberso pa.

At ngayo nga ay naka - isang taon na ang blogsite na ito.

Ibig sabihin ay naka 365 entries na ako sa araw na ito huh!

And I want to keep it til' the day that I die!

Hanggat kaya ko pang magsulat!

Minsan ay inisip ko na tigilan na ito.

Dahil minsan pakiramdam ko ay wala na akong maisulat at maibalita.

Dahil minsan ay busy sa schedule kaya wala na akong oras para humarap sa keyboard at tumipa ng mga pangyayaring aking namamasdan at isalin ito sa letra.

Minsan nakakapagod at nakakangalay na sa kamay ang pumindot ng pumindot ng mga letra.

Palagi pang napupuyat sa kakahanap ng mga magagandang entries na puwedeng ipasok para dito.

Pero sabi nga nila , no guts , no glory.

Tuloy lang.

Maraming maisusulat.

Hind ka mauubusan.

Gaano man kaliit o kalaki.

Tumingin ka lang sa paligid mo , may kuwento kang masasagap.

Minsan hindi naman kailangang grandioso at bongga.

Kahit isang simple at payak na quotations lang , may boundary ka na!

At makapag -share ka lang ng isang wisdom sa kapwa mo , pasok ka na sa quota.

I intend to keep this.

If until when , I don't know!

Basta ang alam ko , masaya ako na ginagawa ito.

Hind pa man napapansin ngayon .

Darating din ang araw na kikilalanin ang lahat ng naipasok kong salaysay at kuwento sa pitak na ito .

Everything that I hope for and wished for ay nandito sa site na ito.

Ito ang kabuuan ng aking pagkatao.

At ito ang magiging kontribusyon ko sa mundo bilang isang Edgar Portalan na minsang nangarap maging ganap na tao.

This is my mission in life.

And I know that my God will help me fulfill this mission.

Happy Anniversry !

Sa mga readers and followers , keep on reading!

God bless us all!

More years of entries pa po!

Wednesday, October 20, 2010

Eat Bulaga game portion



Mga game shows.

Naglipana na yan dito sa Pilipinas. Sa telebisyon. Sa radyo. Sa dyaryo. Sa barangay. At maging sa mga eskwelahan ay may mga game shows.

Natatandaan ko dati na ang "game show" lang sa mga eskwelahan ay yung Spelling Bee.

At sa TV ay sikat nuon yung Spin A Win ni Chiqui Hollman . At sino ang makakalimot sa Kwarta O Kahon ni Pepe Pimentel?

Nuong dekada nubenta ay sumikat din ang Battle of the Brains ni David Celdran.

Pero ngayong ikadalawampung dekada, kabi-kabila na sila.

Original pa rin siyempre ang Game Ka Na Ba? na pinasimulan ni Kris Aquino.

Pero karamihan ay imported na from abroad: Kapamilya Deal Or No Deal? , Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, Family Feud , Wheel Of Fortune , Who Wants To Be A Millionaire?, The Weakest Link, at 1 versus 100.

Hinihintay ko pang mai-franchise din dito sa Pilipinas ang version ng mga immortal game shows sa America na tulad ng Jeopardy ni Alex Trebek at The Price Is Right ni Bob Barker.

Masaya ang manood ng mga ito sa TV. Para kasing napakatalino mo kapag nasasagot mo ang mga tanong ng game masters; lalo na kapag may kalaban kang sumasagot din ng tanong at naglalaban kayo kung sino ang may tamang sagot. Ang mali ang sagot pipitikin sa ilong o sa tenga.

Kapag nasa bahay ka lang at hindi ka involve sa tanungan ay parang napakadali lamang sumagot. Pero iba pala kapag ikaw na mismo ang tinatanong ng game master. Nakakakaba!

Naranasan ko ito nang makailang beses na sa TV!

Unang pagsabak ko ay sa palabas na Eat Bulaga sa channel 7 . Unang exposure ko ito sa TV pramis. Kaya imaginin mo na lang ang kaba ko habang papunta pa lang ako sa studio nila dyan sa may Broadway Centrum sa Quezon City. Parang nakikipag-unahan ang puso ko sa rumaragasang tren ng LRT na may biyaheng Santolan- Recto na sinasakyan ko.

Alas onse ng umaga ang call time.

Pagdating ko ay nadatnan kong madami na ang nakapila para pumasok sa studio. Nang sabihin kong contestant ako para sa isang game portion ay agad na akong pinatuloy sa dressing room.

Marami akong kasabay na contestant. Kung hindi ako nagkakamali ay walo kami lahat lahat. Binigyan na kami ng tag-iisang make-up artist. "Pagagandahin" daw ng konti ang aming mga fez para naman daw presentable kami sa mga viewers oras na lumabas na kami sa TV. Okay lang sabi ko. Tutal foundation lang naman ang nilagay sa mukha ko at kaunting gel sa buhok.

Dumating na ang oras. Alas dose ng tanghali. Oras ng Eat Bulaga.

Pinakilala na sa TV monitor ang Eat Bulaga bilang kasunod na programa. Ilang minuto na lang at magsisimula na kami.

Ni-rehearse na kami kung ano ang aming gagawin oras na tinawag ang aming mga pangalan. Tatakbo kami nang pumapalakpak mula sa backstage, papunta sa ini-assign na slot sa amin sa harap ng stage. This time hindi na tren ng LRT ang hinahabol ng dibdib ko, kundi bullet train na ng Japan.

Nagsimula na ang show: " Mula Aparri hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isanlibo't isang tuwa, buong bansa ...Eat Bulaga..."

Lumabas na sina Michael V., Joey De Leon, Janno Gibbs, Anjo Yllana at Ruby Rodriguez ( di ko na matandaan kung sino pa yung iba sa lakas ng kaba ko)

At isa isa nang tinawag ang mga contestant mula sa backstage: Narinig ko..." and now contestant mumber 7, Edgar Portalan , a rice retailer from Antipolo City..."

Labas akong tumatakbo habang pumapalakpak ang kamay sa itaas. Nasilaw yata ako sa mga limelights kaya hindi agad ako nakapunta sa slot na dapat kong puntahan, whew, palpak. Dyahi, kakahiya. O dahil din sa matinding kaba kaya ganun!

Matapos maipakilala ang lahat, nagsimula na rin ang game proper. Bubunot ng number at pag tinawag ay pupunta ka sa gitna ng buzzer box at unahan kayo sa pagsagot ng tanong.

Sabi ni Joey " okay contestant number 7,( ibang pangalan ang tinawag, hindi sa akin)... from ( ibang lugar din ang tinawag hindi ang lugar ko)" sandaling nagkaruon ako ng kalituhan.

Tama ako ang contestant number 7, pero bakit iba yata ang pangalan na tinawag, ako ba ang maglalaro o iyung tinawag na pangalan?

Bago pa man ako makahuma ay nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo sa gitna dahil tinatawag na nila ang number ko..." number 7 number 7 hoy lumapit ka na sa buzzer box..."

Pero ang isip ko ay nagtatalo pa rin kung ako nga ba ang dapat maglaro o iyung pangalang binanggit ni Joey. Huli na nung mapagtanto ko na nagtatanong na pala si Joey de Leon ng kanyang tanong: " ..magbigay ng 4 na klase ng ulam na karaniwang maraming sahog na gulay.."

Bago pa man ako makapindot sa buzzer ay naunahan na ako ng kalaban kong babae.

" ahmmmm, gulay... ahhhh....chopsuey......ahmmm.....ahhh....sinigang.....ahhhhh...kare-kare.....at ahhhh ....ahhhhh."

Timer is running out: 5....4....3....2....

" ....ahhh pakbet....pakbet po!....."

Tnnnkkk. Buzzer.

"O ano nakahabol ba yung pakbet...ha ?......nakahabol sa buzzer...pasok daw... o pasok.....tama yun .....mga ulam na maraming gulay........chopsuey, sinigang, kare-kare at......pakbet.....tama...pasok ka na......." si Joey.

" Thank you Edgar....." narinig kong sabi ni Joey.

Engkkkk. Tapos ang game show. Itsa pwera na agad ako , round 1 pa lang. Pero kapag nasa bahay lang ako ay nakakaabot ako hanggang final round. Dito umpisa pa lang bokya na agad.

Waaahhhh

Umuwi na akong luhaan. Pero not exactly luhaan naman. Dahil kahit papaano ay may naiuwi akong consolation prize. Binigyan din ako ng pera. Kulang kulang isanglibo din yun( dahil may tax daw) he he he. At least ikako nakita ako sa TV. Pag-uwi ko ,instant celebrity ako wehehehehe.

Hindi pa duon nagtatapos ang lahat.

Sa pangalawang pagkakataon, ay muli akong sumali sa isang game show.

1 versus 100 ni Edu Manzano.

Next time ang kuwento.


Tuesday, October 19, 2010

Mark Herras Scandal


This is the alleged Facebook webcam scandal featuring Mark Herras' "tweety bird" showing on the camera.

Eh wala naman palang dapat itanggi at ikahiya eh dapat pa nga ipagmalaki he he he he.

Kung ako kay Mark , bonggang bongga kong aaminin itechi he he he.

Peace po!

Monday, October 18, 2010

Muning




This is our lucky charm na si Muning.

Isang Pusakal na aming inampon dahil sa pagiging super cute.

At dahil sa kailangan naming mapalayas ang mga bubuwit na nagpa-patintero sa loob ng aming bahay huh.

Eversince na mapunta sa aming kalinga ang Pusakal na ito ay maraming swerte na ang dumating sa aming buhay.

Nandiyang manalo ng 10K si Father sa isang pa-raffle.

Si Mother naman ay may malaking incentives na nakuha mula sa kanyang bangko.

Si Brother ay patuloy na pinagpapala ang kanyang negosyo at lumalakas ang kita nito.

Habang ako ay nagkaruon ng job at maraming pera ha ha ha ha.

Hindi katulad nuon na dugyot at kung kani-kanino namumuraot ha ha ha ha.

Joke joke joke.

And siyempre ang pinakamalaking blessing ay ang aming kalusugan . Dahil health is wealth debah naman.

Hmmm, at lalabas na din ang aking pinaka-aasam asam na unang anak.

Ang aking Libro.

Abangan sa pinakamalapit na bookstore by this month of October.

And I believe na marami pang blessings ang darating dahil sa lucky mascot namin na si Muning.

Hmmmm, kapag darating ako galing sa work , nakasalubong na iyan.

Ngiyaw ng ngiyaw at tila batang nasasabik sa kanyang Mommy he he he he.

At tapos kapag nakahiga na ako ay biglang dadamba sa aking tiyan at dun ay hihiga siya na parang naka-hilata sa kutson huh.

Magaling ding maghilot yan.

Sa palagay ko , nuong last na buhay niya bilang isang tao bago na - reborn ay isa siyang masahista ha ha ha ha.

Matakaw din iyan.

Kapag kumakain na , nandiyan na siya at nakiki-agaw sa ulam mo ha ha ha ha.

Hindi bale na , basta patuloy ang pagdating ng swerte , okay lang Muning.

I believe na matagal pa tayong magsasama aking mahal na Muning.

Huwag ka munang mag-aanak ha , bata ka pa he he he he.

Huwag kang gagaya sa nanay mong si Medyas na ang bata- batang kumerengkeng at gumarutay.

Kaya hayan tuloy at namimilipit sa sobrang sakit ng pag-iri sa kanyang mga inakay.

I love you Muning.

Sunday, October 17, 2010

John 3:16



This is my verse in life.

And this is what I have always believed in.

And I shall live by this promise of God.

I will have faith in Him forever and ever.

I thank Him for His great love for me.

I thank Him for sending His begotten Son , Jesus.

And I thank Him for giving me an everlasting life with Him.

Amen.

Saturday, October 16, 2010

K-12 ng DepEd


Aba , ano na naman itong naiisip at bagong pakulo na naman ng DepEd.

Parang aso lang huh!

Ito ay ang dagdag na 2 taon sa High School na pag-aaral ng mga estudyante.

Katulad ng pinagsisintir ng marami , dagdag pahirap na naman ito sa mga magulang na nagkakandakuba na nga dahil sa hirap ng pagpapa-aral sa kanilang mga tsikiting.

Aba'y gusto tayong igaya sa ating mga karatig bansa na 12 years ang schooling days nila eh ang public system schooling nila sa mga mayayamang bansang iyan ay LIBRE huh!

Aba'y kahit pa twenty o thirty years pa iyan kung libre ay bakit hindi kami papayag.

Pero kung mangungulaba ka naman dahil sa mahal ng mga tution fees , miscellaneous fees , mga gastusin sa school paraphernalias and projects , dagdag pa ang kung anu-anong activities na pinapagawa at pinasasalihan ng mga eskwelahang iyan , na kailangan mong gastusan , aba magdalawa o magtatlong -isip nga muna kayo mga hunghang!

Palibhasa itong bagong ministro ng DepEd ay nanggaling sa alta-sosyedad kaya knows niya not kung gaano kahirap magpa-aral sa mga estudyante ngayon.

Aba'y kung gusto niyang isulong ang K-12 niya ,siya ang pagbayarin sa lahat ng fees ng mga student huh!

Ang estudyante kasi ay kahit ilang taon mong pag-aralin sa eskwelahan kung mahina ang quality ng pagtuturo ay wala din namang matututunan di ba?

Kaya ang dapat diyan ay imbes na dagdag sa taon , dagdag kaalaman sa mga guro at pagpapaganda sa curricula ng mga estudyante ang kailangan.

Pwede naman kasing idagdag yung mga subjects na mas necessary sa pagtatrabaho at magagamit mo sa paghahanap nito kesa iyong mga subjects na wala namang kinalaman sa pagtatrabaho mo like chemistry or physics kung hindi mo naman balak mag- chemical engineering o algebra at trigonometry kung wala ka namang balak mag-accountancy di ba?

Eh iyong mga natutunan ko nuon sa algebra at trigo nuong high school days ko eh nagagamit ko ba ngayon sa pagiging call center agent ko ?

Sana iyong mga basic subjects na lang sana ang ituro at tapos ay mga kaalaman sa business or more on skills development training para at least magamit ito ng mga bata kung gusto nilang mag-enhance sa mga skills na mayruon sila debah?

Ewan ko ba naman sa mga ministro natin ngayon na tila ba ang gusto ay dagdag kita at gastos naman sa mga magulang ang alam ng utak !

I'm sure may mga nais na naman diyang kumikbak at kumita ng malaki-laki kaya naisip ang mga iyan.

Siyempre dagdag taon sa high school, karagdagang kontrata iyan para sa mga textbooks, mga gamit , at mga facilities and resources na kukunin para sa karagdagang dalawang taon na iyan huh!

Bistado na kayo!

Aba'y magbago na nga kayo.

2011 na po.

Friday, October 15, 2010

This Time I Know It's Real - Norman Saleet

Senti muna tayo.

Nahalungkat ko sa baul ang lumang kanta na ito na paboritong paborito ko magmula nuon hanggang ngayon.

Tara , senti muna tayo and reminisce with me.




closing the door,how i thought i was sure
what i wanted in my life
cutting the ties that bound both of our lives
just too blind to realize
i was chasing a fantasy
in hurting the one who'd never hurt me

CHORUS
this time i know its real
god only knows ive been so lonely without you
give me the chance to feel
please take me back,cant go on living without your love

day after day
i try to think of a way to let you know i was wrong
thinking maybe you'll say
things will work out ok just come back
where you belong
yes im willing to swallow my pride
coz baby how im hurting inside

repeat chorus

too long of the road
ive been down
ive been searching for one ive already found

repeat chorus

Thursday, October 14, 2010

Telephone by Charice and Lea on Glee

Ito ang bonggang bonggang face-off nina Charice at Lea Michelle sa musical na Glee sa Amerika singing Telephone by Lady Gaga.

Hanep ka talaga Charice.

Go go go Charice.

Make us proud once more.

Wednesday, October 13, 2010

Umami


Nakakatuwa naman itong bagong panlasa na naidagdag sa ating dila.

Ito ay ang Umami taste na karaniwang nalalasap sa mga pagkaing mayaman sa protina at amino acids tulad ng keso at mga pagkaing gawa sa soya.

Pero pinaka-persistent ito sa vetsin o MSG ( monosodium glutamates ) tulad ng Ajinomoto .

Ito iyung panlasa na parang medyo matabang tabang na may pagka-alat at tamis na pinaghalo-halo ba.

So bale , lima na ang ating tinatawag na basic tastes which are sweetness, bitterness, saltiness , sourness at ito ngang umami.


Sa mga iyan , pinakagusto ko ang sweetness na mas marami akong nilalantakan lalo na ang mga chocolotes , cakes at leche flan he he he.

Pinaka -ayaw ko naman ang bitterness, tulad ng sa ampalaya. Ayoko rin ng bitterness sa buhay huh! Ayoko ng mapait na buhay at mukha!

Hindi ako mahilig sa maaalat na pagkain. Pero favorite ko ang mga sitsirya at mga snack foods na binudburan ng sangkaterbang asin.

At paborito ko rin ang manggang hilaw na binudburan ng bagoong o alamang o mga pinong asin sa ibabaw nito huh.

Samantalang ang maasim , ayoko rin , lalo na kung mukhang tulad nito he he he.

Ang umami ay hindi madaling lasahan. Kung isa kang pihikan na taster at very sensitive ang dila mo dito ay madali mo itong malalasahan.

Pero kung hindi , na tulad ko , medyo kailangan mo pang paganahin ang mga taste buds sense organs mo para mas masarap ang kain mo.

Hindi rin naman ako mahilig ngumata ng vetsin eh he he he.

Umami flavor.

Welcome to the club ikanga !

Huwag lang ma-uumay ha!

Monday, October 11, 2010

Teenage suicides



Aba mukhang dumadami ang bilang ng mga teenage suicides huh.

Kamakailan lang ay napabalita ang isang 13 year old boy na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ng lubid sa kanyang leeg mula sa isang puno.

At nasundan ng isang 14 year old boy pa rin na nakita namang nakabigti rin sa loob ng isang aparador o kabinet.

At di bat kamakailan lang ay laman din ng balita ang suicide ng isang batang lalaking edad katorse anyos lamang sa Cebu naman?

Itinuturing na kahirapan daw ang bunga ng ganitong insidente.

Aba , sa murang edad ay mulat na ang mga bata sa kahirapan huh.

At isa sila sa mga nagiging kaawa-awang mga biktima ng kahirapan!

Subalit ang iba ay may sinasabi umanong emotional at family problem kung kaya nagawang bawiin ang kanilang hiram na buhay sa maagang gulang.

Tingnan mo nga naman at sangkot na agad sa emotional stress and trauma mula sa kanilang mga magulang mismo at kapamilya at maging sa mga barkada na rin ang kanilang pinagdadaanan.

I think they started to contemplate on this things when they feel so alone , lonely and neglected that they don't know where to turn to and they feel that even their family have turned against them.



Kaya mahalaga na mabantayan sila at magabayan nang mabuti at maipadama sa kanila na mayruon silang kakampi o karamay sa kanilang pinagdadaanan , someone na magpapaintindi sa kanila na hindi sila nag-iisa at sila ay nauunawaan at naiintindihan nang sa gayun ay hindi sila humantong sa ganito kasaklap na ending ng kanilang buhay.

Napagdaanan ko rin nuon ang ganyang mga phase ng buhay bilang isang kabataan , subalit salamat dahil sa aking spiritual adviser nuon na si Mommy Sacuy-ap ay aking nalagpasan ang mga pagsubok na iyon nuong aking kasibulan.

Ha ha ha, but ironically , kung kailan naman ako nag-mature at tumanda ay saka ko naman ito pinag-bubulay-bulayan huh!

Joke joke joke he he he.

Life is beautiful.

That I don't even think about it.

Just enjoy life.

Life with a help from above.

Sabi nga ng Beatles " ..I'll get by with a little help from my friends....

Sunday, October 10, 2010

10 10 10

Today is 10 10 10.

Triple 10 ika nga.

Maswerte daw ang araw na ito ayon sa mga Singkit.

Makataya nga sa Lotto at baka tumama na ako ngayon.




Today is a global day of action and doing some things too.

Kaya it's time to work and flex those muscles for some action.

Eh ang tanong , anong action ba ang gagawin mo?

Here is the Rotary Club's "4 way tests of the things we think , we say or we do":


Saturday, October 9, 2010

Friday, October 8, 2010

Attitude for everyday living



Reflect on this message by Reverend Charles Swindoll about attitude and be blessed and changed.

Hmmm, quite a revelation huh!

Thursday, October 7, 2010

Pro RH Bill




Nandito na naman tayo sa umiinit na diskusyon tungkol sa Reproductive Health Bill na isinusulong ng ating mga mambabatas bilang legal na hakbangin upang makontrol ang lumolobong populasyon ng bansa at bilang sgaot na rin sa dumaraming bilang ng mga napapahamak dahil sa mga unwanted at maagang pagbubuntis.

Kaisa tayo ng milyun milyong Pilipino na sumusuporta sa panukalang batas na ito ng ating mga Senador kabilang na ang atin mismong Pangulo na si Pnoy bilang sagot upang masugpo na ang kahirapan sa ating bansa na ang isa sa dahilan ay ang pagdami ng ating populasyon.

Ang Simbahang Katolika na numero unong kumokontra sa panukalang ito ay wala namang nagagawa. Para lang silang mga asong tahol nang tahol at alulong nang alulong pero hindi naman nangangagat. Their barks are even worse than their bites. Wala naman silang ginagawang malinaw na mga hakbangin upang makatulong sa mahihirap na may mararaming mga supling na kailangang buhayin at pakainin ng disente.

Tama si Carlos Celdran , sila ang mga modern day Padre Damaso sa lipunan natin na walang ginagawa kundi pakialaman ang estado sa pagganap ng tungkulin nito upang pangalagaan ang sambayanan.

Eh ni hind nga nagbubuwis ang mga pari na iyan sa kaban ng bayan nang sa gayun ay makatulong naman sa pag-ibsan ng kahirapan sa bansa huh!

Kaya dapat magpanukala din ang mga mambabatas natin na napapanahon na upang pagbayarin ng buwis ang mga mayayamang pari na iyan kung talagang gusto nilang tumulong sa ating bansa!

Bakit kaya gustong gusto ng mga paring ito ang dumami ang ating populasyon? Para marami pa silang mahuthot na abuloy ( indulgencia nuon ) sa ating mga palasimbang kapwa Pilipino huh???

If I know na kunyari pa silang tutol sa pagkontrol sa populasyon eh ilang mga kaparian nila ang nanggagahasa ng mga batang babae at nambubuntis sa mga ito debah???

At ang ilan namang mga baklang pari ay nang ha-harass naman ng mga lalaking batang sakristan nila huh???

Eh bakit hindi iyang hanay nila at sarili nilang bakuran mismo ang unahin nilang linisin at pakialaman bago ang mga batas na ipinapasa ng ating mga lawmakers???

Magbabanta pa ang ilan na maghahunger-strike at magsi-civil disobedience bilang protesta sa batas na ito na hinihimay pa lang naman sa ating kapulungan. Aba'y mga law-breaker pa pala ang mga paring ito huh!

Eh teka muna , di ba isa sa mga kautusan ng Diyos ang sumunod tayo sa mga batas na nakakasakop sa atin?



Aba'y may sarili bang mundo ang mga paring ito at ayaw magpasakop sa mga batas ng ating kapuluan?

Kahit nga ang Panginoong Hesus marunong sumunod sa batas di ba?

Eh di ba't ang utos Niya ay " ibigay sa Diyos ang para sa Diyos , at kay Cesar ,ang para kay Cesar."

Eh di ba nga sa radio show ni Kabayang Noli De Castro eh 99 sa 100 tawag dun sa radyo eh pabor sa RH Bill na iyan, at isa lang ang naligaw na kumontra dito at pari pa yata ang gagang iyon huh!

Malinaw na mayorya sa mga Pilipino ang pabor sa pagpasa ng batas na iyan kontra sa mga paring nagpapasasa sa yaman ng mga Katolikong Pilipino!

And that is Vox Populi , Vox Dei!

The voice of the people is the voice of God!

So listen , mga Fathers , kung ayaw ninyong tamaan ng wrath of God!

Mga Fathers , lumulubog na ang barko ng Pilipinas sa bigat ng bansa natin dahil sa dami ng tao and yet ayaw ninyo pa ring tumalon sa dagat upang maisalba sa paglubog ang ating bansa!

And what's worst , is ayaw ninyong magbigay ng salbabida at lifejacket para makapagsalba ng mas maraming tao mula sa pagkalunod.

Let the people have a choice!

Let the family have their choice!

I am Pro Life and Pro Choice!

Wednesday, October 6, 2010

Ang Matandang Babae Sa Provident Village

Usapang Ondoy pa rin.

An urban legend came to me like this.

Maaaring totoo , maaaring hindi, but who knows:

Ganito ang kuwento:

Isang araw daw bago mangyari ang delubyo sa Marikina City, ay mayruong nakitang isang matandang babae na gusgusin at nanghihina , ang kumakatok sa mga gate ng bahay ng mayayaman diyan sa Provident Village.

Ang matandang babaeng ito diumano ay humihingi ng maiinom na isang basong tubig dahil sa matinding uhaw na nararamdaman mula sa maghapong paglalakad.

Subalit sa ilang pintuan na kaniyang kinatok, ay ilang beses din siyang napagsarhan at hindi binigyan ng maiinom na " isang basong tubig". Manapa'y itinataboy dahil sa kaniyang gusgusin at mabahong kaanyuan.

Hanggang sa kahuli-hulihang bahay na kaniyang kinatok ay hindi siya pinagbigyan sa kaniyang " munting kahilingan ".

At bigla siyang umusal:

" ......dahil ayaw ninyo akong bigyan at painumin ng isang basong tubig lamang.....padadalhan ko kayo ng laksa laksang tubig na hinding hindi ninyo kayang ubusin kailanman......!!!!!!!!!!"

AT NAGANAP ANG DELUBYO SA MARIKINA.....
Ang kuwentong ito ay narinig ko lamang.

Maaaring totoo, maaaring hindi.

Paano kung tutoo ito at sinubok pala tayo ng Panginoon?

Paano kung ang matandang babaeng iyon ay isa pala Niyang anghel?

Di ba't ang sabi ng Panginoon ay " anuman ang inyong gawin sa inyong abang mga kapwa ay diyata't sa Akin ninyo ginagawa "

Sana sa susunod , kapag may kumatok sa ating pintuan at humingi ng  ISANG BASONG TUBIG.......

......bigyan natin ng isang malamig na tubig at hindi lamang sa isang baso , kundi sa isang buong pitsel na may kasama pang pagkain!!!!!

Tuesday, October 5, 2010

Baklang Maton


Check out this blogsite, sobrang kakatuwa , http://www.baklangmaton.blogspot.com or just click the link here at my site....

Bakla na maton pa , san ka pa ......

Kung hindi kayo maaliw , papaputol ko ang ano ko he he he he....

Monday, October 4, 2010

Sungha Jung

Another Youtube sensation I present - Sungha Jung , a 14 year old guitar wizard from South Korea that will truly amazed you at his guitar picking master technique.

Galing mag-gitara ng batang ire huh.

Check out this 4 videos and be amazed yourself.






Sunday, October 3, 2010

Tagaytay Family Retreat

This is our Tagaytay retreat as my family celebrates my 39th birthday at this cool and breezy city of the south.

Ang lamig naman talaga ng klima dito kahit na mainit sa ibang lugar , an alternative sa mas malayong Baguio City ng north.

We have enjoyed picnic at the People's Park Picnic Grove and marvelous sightseeing at the Palace In The Sky.

A magnificent view of the Taal Volcano and its ridges is breathtaking and oh so awesome.

Truly a wonderful God's work of art.

Check out our picture taking moment.

At the Palace In The Sky viewdeck



My Family



The Statue of Jesus at the Palace


I'm on top of Tagaytay City


The view from above



The Taal Volcano and Lake


The Taal Lake


The Hanging Bridge

Pine Trees




Taal Volcano

Saturday, October 2, 2010

Club Can't Handle Me

Check out this new song from Flo Rida featuring David Guetta- CLUB CAN'T HANDLE ME - from Step Up 3D movie soundtrack.

A danceable and full of beats and rhythm pop song that will make you dive and jive to the dancefloor...ha ha ha ...parang deejay lang ah he he he.

Listen and be energized:

Friday, October 1, 2010

Smoking Doctors


Ipagbabawal na din daw sa mga doctors , nurses and hospital workers ang paninigarilyo.

Ito ay upang magsilbing modelo naman sila sa kanilang mga pasyente tungkol sa kapahamakan na idudulot ng bisyong ito.

Hayy sa wakas.

Matagal ko na itong napapansin.

At marami na akong nakikitang mga doktor at nurses na sila pa itong mga adik sa yosi.

Tanong ko nga ay bakit nila ito ginagawa gayung sila mismo ay pinag-aralan at hinasa sa kanilang mga utak ang kasamaang idinudulot ng bisyong ito?

Kaya tama na ang pagiging ehemplo ay nararapat lamang na pangunahan ng mga doktor na ito.


Dapat nga ay sila ang nagpapa-alala sa kanilang mga pasyente tungkol sa kasiraang ginagawa sa baga ng yosi-kadiring ito.

Kumbaga , kung ano ang nakikita mo sa iyong magulang ay siya mo ring gagawin?

Paano ka naman makukumbinsing tumigil sa paninigarilyo eh kung mismong ang doktor na gumagamot sa iyo ay nakakailang pakete ng Marlboro sa isang araw?

Kaya mga doktor , sige na itapon na iyang mga palara at kaha ng Salem at Lucky Strike huh.

Be an example to your patient!