TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 30, 2010

September 30...it's my brithday...

Oh well, it is indeed my special day now.

And I am turning 39 years old this day .

Biruin mo nakakatatlumpu at siyam na taon na pala akong nabubuhay sa daigdig na ito huh!

Eh hindi ba naman nagsisisi ang tadhana at may isang Edgar Portalan na binuhay siya sa loob ng 39 na taon pa huh????

Kung puwede nga lang nuong iniiri ako ni mama eh ay nagpatiwakal na ako sa pamamagitan ng pag-ipit sa akin ng aking inunan o umbilical cord ko he he he he .

Sana pumulupot na lang ang pusod ko sa aking leeg para right there and then ay natigok na ako ha ha ha ha.

Oh well , in all honesty , hindi ko naman pinagsisisihanan ang pagbalandra ko sa magulong mundong ito.

In fact , I am very appreciative pa nga dahil kahit papaano ay nakita ko ang kagandahan ng sangkalupaan.

Sa tutoo lang ay marami akong dapat ipagpasalamat on this day.

First and foremost siyempre is kay God , na hindi nang-iwan at nagpabaya , the One who gives me strength and hope to continue living despite all the odds and pains.

Maraming mistakes. Many failures. Several trials . Lots of sufferings.

But then madami din namang lessons na natututunan dahil dito.

Life is a big school.

Marami kang natutunan habang lumalaon ka sa buhay mo.

At habang tumatagal ka sa takbuhin , maraming nababago sa iyo , na nuong una ay hindi mo aakalaing mababago.

I don't really have plans in life.

Minsan mahirap magplano lalo na kung hindi mo naman matutupad.

Basta ako , come what may lang.

Kung anong dumating , yun na siguro!

Sabi nga, live for today.

Ganun ako eh.

I do not worry about tomorrow.

Let tomorrow be worried about itself , ikanga nila.

There is enough problems this day that worrying about tomorrow is not essential debah?

Ahhh , 39 years.

That's long enough huh.

I don't' intend to last long on this Earth.

Gusto ko bata pa lang ay matigok na ako.

Mas masarap sa piling ni Lord sa Heaven ( sana dun nga ako mapunta he he he )

Wala na duong pag-iyak at pagluha.

Sabi nila , life begins at forty.

One year na lang ay forty na ako.

Though I don't have plans , but I do have a dream.

Dreams are free .

My dream is that before I turned forty , ay matupad na ang mga pangarap ko sa buhay.

Simple lang naman, magarang mansion , sandamukal na kotse, malawak na lupain, makapangibang bansa , makarating sa buwan , makarating sa langit ( seventh heaven o cloud 9?) at makarating din sa Impyerno o debah ha ha ha ha.

At least I have visited both sides he he he he.

Oyy tour lang sa Impyerno ha , ayokong magtagal dun ha ha ha ha ha.

Overnight lang puwede na he he he he.

No , in all seriousness , I just wanna be simple.

Ayokong magmayabang sa mga bagay na alam kong hindi ko naman mararating o mahihita.

I am happy the way I am.

With a caring and loving God , a loving family ( even though I'm not that loving ) , supportive friends and relatives , and thousands of supporters ( oh ha ) , I know I will reached my one finest day someday soon.

Kung kelan , ma at pa.

Darating din ang " This Is The Moment " ko , sabi nga ni Erik Santos.

Bahala na si God at si Kapalaran!

Happy Birthday Me.

Oh work naman kahit birthday he he he he.

Wala nang handa. Pambata lang daw yan.

Prayer na lang .

And a case of Red Horse.

Joke joke joke he he he.

Godspeed.

God bless me.

Happy 39th Birthday to myself.

Wednesday, September 29, 2010

Robin Padilla and Mariel Rodriguez


Kaloka naman itong whirlwind romance nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ha.

After magkakilala at magkasama lamang sa isang noontime show ( Wowowee and Pilipinas Win Na Win ) ay nagkadevelopan na agad at nauwi na sa isang kasalan ( complete with a tribu rituals pa huh) ang kanilang romansa huh.

Parang isang buhawi talaga na mabilis na rumaragasa sa isang lugar.

Hindi kaya tulad din ng isang buhawi na madali ring naglalaho ay magising din itong dalawang ito isang araw na wala na at tapos na ang kanilang romansa espesyal?

Eh si Robin pa na kilalang mabilis sa chicks!

Super fast talaga si Idol!

At ito namang si Mariel , kakahiwalay lang sa kanyang boylet na si Zanjoe ay agad na kumerengkeng kay Binoe ha ha ha ha.

Ni hindi na inalala ang hosting job nila sa Pilipinas Win na Win.

Hayan tuloy at tila Pilipinas Lose Na Lose na ang bagong title ng show na ito huh!

Unahin ba ang kakirihan kaysa trabaho ha ha ha ha!

Oh well , that's just the way it is....

Tuesday, September 28, 2010

and now ..Youtube presents...Greyson Chance



Wow , isa na namang phenomenal wonder ang nadiscover via Youtube in the person of Greyson Chance - the 13 year old boy from Oklahoma USA , who took the world by storm through Youtube with his million hits on this file sharing website.

Tunay namang nakakabilib ang kanyang boses at skill in playing the piano and other musical instruments.



Aba , dahil sa Youtube na ito ay marami na ang napapasikat nito ha at nagkakaruon ng instant success dahil dito like our very own Charice Pempengco na super applauded na ngayon sa Glee at ang Canadian teen sensation na si Justine Bieber na una ring nasilayan sa Youtube..

Eh bakit ako naga-upload din sa Youtube pero hindi napapansin hmmmppp.

Ha ha ha ha, ni wala pang 50 ang hits ko dito he he he .


Monday, September 27, 2010

Famealy Day


Today is Famealy Day.

Spearheaded by Lucky Me Noodles , this is an event in which every members of a family will be eating their dishes and suppers all at the same time , sitting besides each other at a table.

Sabay sabay na magsisipag-kainan ang isang buong pamilya sa iisang hapag-kainan.

Ito ay upang mapalaganap ang epektibong komunikasyon sa loob ng tahanan nang sa gayun ay mapag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan at harapin ang mga isyu na kailangang matalakay nang sabay sabay bilang isang buong pamilya.

Guilty ang family namin sa bagay na ito na hindi pagsabay sabay sa pagkain.

Usually ay hiwa-hiwalay o hindi sabay -sabay na kumakain kami dahil sa pagiging busy at hectic ng aming mga schedule.

But then we make it a point na every once in a month ay we go to a retreat or a vacation na kung saan ay sabay sabay kaming kumakain o nagi- snack para ma-strengthen ang aming ties and bonds as a family.

Mahalaga ito sa isang pamilya.

Bihira naman kasi ang mga pag-uusap at paghaharap dahil nga sa very busy sched ng mga parents sa work or business nila, ganun din ng mga kids sa school at mga barkada nila. Usually ay mas mahabang oras pa ang ini-spend ng mga bata sa kanilang mga kaibigan o barkada kaysa sa kanilang mga pamilya sa loob ng bahay.

And this is dangerous dahil baka kung anu-ano ang natutunan nila sa kanilang mga peers and friends na hindi tama at hindi sila nagagabayan ng mabuti.

It is better to set aside one time of every month to sit and talk awhile everything that is worthwhile talking and explaining in front of a good meal or dishes around a table. Mas masarap kasi mag-usap kapag may pagkain na nginangata he he he.

Let your deepest secrets be revealed at this quiet and peaceful time where everyone will be listening and will be engaged in a healthful family conversation.

Hmmmmm , my greatest fear lang is when we are all at the table facing each other, and hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla kong masambit na.....

...." Papa , huwag kang mabibigla , dahil aaminin ko na ...............na isa akong sirena!!!"

I am sure na ang susunod na eksena ay , woosshhh, at biglang magliliparan ang mga baso at plato sa mesa ha ha ha ha.

Anyway, Happy Famealy Day pa rin!

Sunday, September 26, 2010

Ondoy/Ketsana revisited


It was on this day and month of last year that the most destructive typhoon to enter the Philippines in terms of flooding have strucked and hit the country , particularly Metro Manila and nearby provinces.

Grabe at kalunos lunos ang kalagayan dito sa aming hometown na Marikina after the typhoon Ondoy . Naaalala ko na binisita namin ito kinabukasan ng Linggo ( Sabado iyon nangyari ) at talagang mahahabag at mababagbag ang damdamin mo sa mga tanawing tatambad sa iyo.

Naghalo ang putik, tubig at langis sa bawat kalsadang madadaanan mo. Dito sa may bandang Bayan malapit sa Robinsons Mall ay may nakita pa kaming bangkay ng babae na nakalubog sa ilalim ng trak at halos lumolobo na sa dami ng tubig sa katawan; wala man lang nag-aasikaso.


Ang Mc Donalds, 7 eleven, Mini Stop, Mercury Drug, Greenwich, Chow King at maging ang Jollibee, nagkalat ang mga paninda at pagkain sa labas, lahat puro basa.

Nakatambak sa harap ng Burger King sa Marcos Highway ang libu-libong piraso ng buns, lahat hindi na mapapakinabangan.

Napasok din ang basement ng Robinsons at Santa Lucia Malls sa Marcos Hiway. Gayundin ang Riverbanks Mall na hanggang bubong ang tubig nuong Sabadong iyon.

Mistulang taong putik ang mga bawat nakakasalubong mo. Mahihiya ka kung malinis linis ka at di marumi.

Nahihiya nga kami dahil ang putik namin ay hanggang hita lamang, ang mga nakakasalubong namin mula ulo hanggang paa ay kinulapulan na ng putik sa buong katawan, literally.

Ang eksena dito sa Masinag, pababa ng Marcos Highway, maikukumpara ko sa Exodus ng mga Israelita na tila ba tumatawid sa Dagat na Pula nuong panahon ni Moises, eksena sa The Ten Commandments ni Cecile B. DeMille.

Ang kaibahan lang, ang nilalakaran nuon ng mga Israelita ay tuyong ilog; dito hanggang balikat na tubig ang tinatawid ng mga tao.

Naawa ako sa hipag ko dahil ang buong bahay nila sa Dela Costa Homes sa Montalban ay nilamon ng tubig baha. Mabilis daw umakyat ang tubig, ilang minuto lamang nasa diddib na niya ang tubig na parang ibinuhos sa kanila nang biglaan.

Mabuti na lamang at nabitbit niya ang dalawa pa niyang maliliit na mga anak papalabas ng bahay. Hindi nakaligtas ang ilan nilang kapitbahay; sa kanilang lugar 27 tao daw ang namatay, at maaaring mas mataas pa dito.

Pagbalik nila nung Lunes sa kanilang bahay , wala nang mapapakinabangan sa kanilang gamit, at maging pinto nila ay hindi na maisara dahil napuno na ng putik. Wala silang nadala kundi ang mga damit na suot nila sa kanilang katawan nung sila'y lumikas.

Kalunos lunos ang mga eksenang ito at kinagabihan ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil hindi nasama at hindi naranasan ng aking pamilya ang ganitong trahedya.

Subalit kapagdaka ay nahiya ako sa aking sarili. Sapagkat naisip ko: paano kong maaatim na makapagpasalamat gayung alam ko na libu libo ang mga kapwa ko na hindi ito magagawa dahil sa bigat nang kanilang dinadala. Manapa marahil ay sinisisi pa nila ang Diyos dahil sa trahedyang ito.

Ngunit sino tayo para sisihin ang Diyos. Walang ibang dapat sisihin kundi tayo din dahil sa ating pagsalaula sa ating kapaligiran. At hanggat hindi natin itinatapon ng maayos ang ating mga basura, hanggat hindi natin tinatantanan ang mga puno sa pagtumba, at hanggat patuloy tayo sa pagpapatag ng ating mga kabundukan at kagubatan--alam ko mauulit pa ang trahedyang ito--pramis!

Ang tangi na lamang nating maiaalay ay ang panalangin---hindi ng pasasalamat na hindi tayo nakasama at nadamay sa trahedyang ito---kundi nang pasasalamat dahil buhay pa rin tayo at may pag-asang ituwid ang mali, sa gitna man ng kalamidad.

Ang ala- ala ng Ondoy nawa ay hindi mabura sa ating isipan.

Na minsan , dahil sa ating kapabayaan , tayo ay pinarusahan ni Inang Kalikasan!!!!

Saturday, September 25, 2010

Adik ka ba?

BAKIT ANG TAO PARANG ADIK ?

Pag kulot ang hair inuunat
Pag straight, kinukulot

Pag madali ang buhay, nabobored
Pag mahirap, nagsu-suicide

Pag mataba, nagpapapayat
Pag payat, nagpapataba

Pag maitim, nagpapaputi
Pag maputi naman, nagsasun bathing para umitim

Pag malapit nang mamatay, gusto pang mabuhay
Pag buhay naman, gusto nang mamatay

Pag mahal mo di ka naman mahal
Pag mahal ka, di mo naman mahal

Pag nandyan gustong mawala
Pag wala naman,namimiss at gustong makita

Pag buhay pa, walang pakialam
Pag patay na, kung anu-anong tribute at post humous award ang ibinibigay

Pag malago ang buhok, gusto magpakalbo
Pag kalbo naman, gusto magpatubo ng buhok

Pag mainit gusto malamig
Pag malamig naman, gustong uminit

Pag banal at maka- Diyos, nagbabanal banalan lang daw
Pag maka-Demonyo naman, lumapit daw sa Diyos

Pag baliw, magpakatino daw
Pag matino naman, maging baliw din naman paminsan- minsan

Pag marami daw bisyo, masama daw
Pag wala namang bisyo, kung hindi abnormal, bakla o baka daw may sayad

Pag masama, kinamumuhian
Pag mabait naman, boring

Pag matalino, nerd
Pag bobo, kinakahiya

Hayyyzz, ang tao nga naman
PARANG ADIK

IKAW ADIK KA BA?

Friday, September 24, 2010

Michael Jackson


Michael,

WITH A CHILD'S HEART ,you've made our lives HAPPY.

THE WAY YOU MAKE ME FEEL is that I JUST CAN'T STOP LOVING YOU.

I want you to know that YOU ARE NOT ALONE on those times that you want to CRY and you want to SCREAM because they are BAD.

You know in this world, YOU CAN'T WIN the THRILLER that it's people can offer.

You may try to HEAL THE WORLD with the EARTH SONG that you composed, but sadly it's OFF THE WALL to anyone because THEY DON'T CARE ABOUT US. Even though it looks like WE'RE ALMOST THERE, the HUMAN NATURE will start to creep in and will haunt all the BUTTERFLIES like a SMOOTH CRIMINAL.

You wanted the world to look for the MAN IN THE MIRROR, but it AI'NT NO SUNSHINE, for the world doesnt' want to see their own.

The world asks," WHO IS IT .......IN THE CLOSET? "

And you answered, " LEAVE ME ALONE........WHAT MORE CAN I GIVE? it's just ANOTHER PART OF ME."

Michael, you're a PRETTY YOUNG THING, I want to say to you that even though you've GONE TOO SOON, please DON'T STOP TILL YOU GET ENOUGH until it ROCK WITH YOU and you WANNA BE STARTIN SOMETHIN and BEAT IT with MUSIC AND ME.

JUST A LITTLE BIT OF YOU makes me wanna SCREAM, wanna ROCK WITH YOU til ROCKIN ROBIN.

I REMEMBER THE TIME that have gone by .

THIS TIME AROUND......BLACK OR WHITE....it doesn't matter......all will worship and adore you.......our little BILLIE JEAN.

I WANNA BE WHERE YOU ARE Michael. WILL YOU BE THERE?

You GOT TO BE THERE.

FAREWELL MY SUMMER LOVE.

BEN.

Thursday, September 23, 2010

The Curious Case Of Benjamin Button

Napanood ko sa DVD ang obra na ito ni David Fincher at masyado akong nasiyahan para dito.

Bagamat mahaba ang pelikula( 165 minutes), ay hindi ka mababagot dahil sa ganda ng pacing ng pelikula, mahuhusay na artista, magagandang dialogue , nakakahalinang mga tanawin at makabuluhang storyline.

Ito ay hango mula sa maikling istorya ni F. Scott Fitzgerald na may ganito ring pangalan.

Istorya ng isang nilalang (Benjamin Button) na isinilang bilang isang matanda na habang lumilipas ang panahon siya ay bumabalik sa pagkabata hanggang sa siya ay mamatay bilang isang batang sanggol muli.

Napakagandang pagmasdan at pagbulay bulayan kung papaano nga kaya kung ang isang tao ay isinilang na matanda at pabata nang pabata habang tumatakbo ang oras.

Napakasarap isipin na mula sa isang pagiging mahina ay unti unti kang lumalakas, in contrast sa usual na takbo ng buhay ng kanyang kapwa na mula sa pagiging malakas ay unti unti namang humihina.

Ang gandang pagbulayan ang isang relasyon na habang tumatanda ang isa ay bumabata naman ang pangalawa, hanggang sa mag-meet sila sa gitna: isang matipunong binata na si Benjamin at mayuming dalaga na si Daisy Fuller( Cate Blanchett).

Maganda rin ang pagkakalarawan tungkol sa mga what could've beens sa buhay ng tao na mga coincidences lang ba o sadyang itinadhana na para sa atin. Marami tayong mga " disin sana" kapag may nangyayari sa ating kamalasan o alat sa buhay, tulad ng " disin sana" ay hindi pagkakaasidente ni Daisy kung sana ay ..........Panalo ang production design ng pelikula na nagsimula nuong taong 1918 hanggang sa 2003 ay mabusising naipakita ang kaibahan ng mga panahon , kaya naman hindi kataka - takang manalo ito sa Oscar ( Best Visual Effects) ; gayundin ang make - up nito na nanalo rin sa Academy Awards, kung saan naman ay malayang naipakita ang pagta-transform ng itsura nila mula sa pagtanda hanggang sa pagbata: mukhang sariwang dalaga si Cate Blanchett bilang si Daisy nuong panahong siya ay nasa early 20's pa lang, samantalang si Brad Pitt ay batang bata sa edad niya bilang si Benjamin nuong kanyang kabinataan.

Maraming nais ipakita ang pelikula at sabihin tungkol sa pagtanda, pagkabata, sa pagmamahal, sa pagpapatawad at maging sa buhay mismo.

Pero iisa lang ang napansin ko na pagkakapareho ng buhay ng tao, saan ka man magsimula, bilang bata o matanda: ..." ohh we all end up in diapers...."

Wednesday, September 22, 2010

Love and Respect for Parents



True naman mga kids di ba?

Honestly , sa mga iyan , heto ang checklist ko:

Number 1: Sundin ng maayos ang kanilang mga utos - naman , ako pa!!!

Number 2: Magmano ng madalas- ayaw ni father , tatanda daw siya he he he.

Number 3: Gumamit ng Po at Opo - kasi para ko lang silang kabarkada at ka-tsokaran he he he.

Number 4: Bigyan sila ng gifts on their birthdays - kapag may pera buy ako ng gift ; kapag wala kiss na lang at hug he he he.

Number 5: Always help them with chores - naman , ako ang taga-hugas ng pinggan at baso at taga-walis din ng sahig huh.

Number 6: Sabihin at ipakita mong mahal mo sila - I'm guilty , your honor ; I 'm not that showy and expressive hu hu hu hu.

Number 7: Never lie and break their trust - I swear , I did this several times ha ha ha.

Ahhh, well ........honestly......that's just me.....

Tuesday, September 21, 2010

100 Bachelors

Please visit 100bachelors.com to get the chance to vote for your favorite handsomest and coolest guy in town.

My bet is the 19 year old charmer from Marikina City named Raphael Carlos.

He's studying at Ateneo De Manila and he's a model and a student at the same time.

He is into several sports that's why he is nicknamed as the Sporty and Witty Charmer.

Check him out and 99 more bachelor guys at 100bachelors.com to sizzle at the sight of numerous cute Adonis in our midst.

Vote for your guy now and be counted!

Monday, September 20, 2010

Vaginal Lock or Penis Captivus


Very funny indeed naman itong nasty rumor daw of Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz rushed to St. Luke's Hospital due to a condition called penis captivus or a form of a vaginal lock where the couple's sexual organs are locked together that a withdrawal or unlocking is almost impossible to do.

Dyusko parang mga aso lang ha ha ha ha.

According to Wikipedia, very rare ang kaso na ito which only records one incident sa isang British Medical Journal.

Once pa lamang daw naitatala ang ganitong kaso sa tao at hindi pa rin naman napapatunayan kaya kung tutuusin ay pangalawang beses pa lamang ito nangyari kina Shaina at John Lloyd if ever. A very rare instance indeed.

Sobrang malisyoso naman ang nagkalat ng ganitong balita.

Masyadong wild ang imagination niya huh.

To think na ang mga nasasangkot na personalidad ay may mga malilinis at iginagalang na reputasyon huh.

Sabi nga ni Shaina , "they've been watching too much Grey's Anatomy" he he he he.

Ahuhumm, ang mga reporter ngayon sobrang mag-imbento rin ano , kakalokah!

Oh well , Shaina and John Lloyd , if this is not true , why be bothered.

Just stare at the moon na lang!!

Bilog yata ang buwan eh!!

But yet, publicity , either bad or good , is still a damn publicity!!

And it works huh!!

Sunday, September 19, 2010

With All I Am- Hillsong

into your hand
I commit again
with all I am
for you Lord

you hold my world
in the palm of your hand
and I'm yours forever

CHORUS
Jesus I believe in you
Jesus I belong to you
you're the reason that I live
the reason that I sing
with all I am

I'll walk with you
wherever you go
through tears and joy
I'll trust in you

and I will live
in all of your ways and
your promises forever

CHORUS

I will worship I will worship you forever


Saturday, September 18, 2010

Happy Birthday Father

Today is the birthday of my Father dear.

The person that I would not forget for the rest of my life.

He had shaped my personality the way I am now.

Kung ano ako ngayon, iyon ay dahil kay Father.

Admittedly, I am never that close to my Father.

There are even several times that we were almost strange from each other.

Na parang hindi kami magkakilala at mag-ama.

But then, time changes everything.

I've come to know of myself more because of him.

He's not perfect , yes.

But then , who is?

I am also not.

I guess we only share one thing in common.

And that's the love for our own family , no matter what.

I will never understand my father.

And he will never understand me , either.

I have come to accept that fact a long , long time ago.

I guess , that's just the way it is.

The fact is , he's still my father.

And I am his son?




Ahh, Father dear , Happy Happy Birthday!!!!

You're 67 now!!!

How time flies!!!

I still recall when I was young and have followed and obeyed all your rules!!!

But now that I have a mind of my own , I've totally disobeyed you now he he he he....

"That's just the way it is.....

Some things will never change

That's just the way it is......

Ahh, but don't you believe them.."

THAT'S JUST THE WAY IT IS - BRUCE HORNSBY AND THE RANGE

Standing in line marking time, waiting for the welfare dime
'Cause they can't buy a job
The man in the silk suit hurries by as he catches the poor ladies' eyes
Just for fun he says "get a job"

chorus
That's just the way it is
Some things will never change
That's just the way it is
Ah, but don't you believe them

They say hey little boy you can't go where the others go
'Cause you don't look like they do
Said hey old man how can you stand to think that way
Did you really think about it before you made the rules
He said, Son

chorus
That's just the way it is
Some things will never change
That's just the way it is
Ah, but don't you believe them

solo

Well they passed a law in '64 to give those who ain't got a little more
But it only goes so far
Because the law don't change another's mind when all it sees at the hiring time
Is the line on the color bar

chorus

That's just the way it is
Some things will never change
That's just the way it is
Ah, but don't you believe them

Friday, September 17, 2010

The Expendables


Latest kong napanuod sa sine ang pelikulang The Expendables kung saan nagsama-sama ang mga bigating action stars para sa bagong direksyon ni Sly Stallone.

Napakagandang pagmasdan ang pagsasama-sama ng mga luma at bagong mga action stars sa isang pelikula : ang mga beteranong sina Slyvester Stallone , Dolph Lundgren , Mickey Rourke , Steve Austin , Jet Li at sina Bruce Willis at Arnold Schwarzenegger ( na may mga cameo role lamang ) at ang bagitong si Jason Statham ay napakasarap pagmasdan sa telon kapag nagsasama sama upang pumatay, magpasabog, magpagulong-gulong , tumalon at sumirko -sirko sa mga eksenang kanilang pinagbibidahan.

Bagamat aminadong matatanda na at medyo kumukulubot na ang mga balat ay mapapabilib ka pa rin sa gilas at tikas ng mga ito pagdating sa sagupaan.

Bagamat simple lamang naman ang storyline tungkol sa mga mersenaryo na binayaran upang likidahin ang isang diktador na umaalipin sa isang bansa ay maayos naman nitong naipakita at naipadama ang tema ng pelikula na tungkol sa pagkakaibigan, pagtatanggol sa mga naaapi at pagiging tapat at maaasahan sa kapwa.

Bagamat parang mahirap nang mapaniwalaang magagawa pa ng mga gurang nang sina Sylevster, Dolph at Jet Li ang makipagbasagan ng mukha sa kanilang mga kalaban pero dito ay naipakita nila na may ibubuga pa rin sila pagdating sa aksyon.

Ganito rin ang dilemma ko sa Chinese action superstar na si Jackie Chan na tila ba dahil sa katandaan minsan ay nagiging awkward nang magkikilos sa mga latest martial arts movie niya sa Hollywood hindi katulad nuong bata pa siya.

Bilib na bilib naman ako sa gilas at tikas ng bagong action hero na si Jason Statham dahil talagang mapapahanga ka sa kanyang estilo at galing sa mga stunts na pinapagawa sa kanya. Bukod sa bata pa ay talagang mapapaniwala kang magaling siya sa action dahil sa ganda ng katawan niya .

Anyway , kung ang hanap ninyo ay pure bakbakan at riot to the max ay ito ang panuorin ninyo.

Lagyan lamang ng ear muffs ang mga tenga para hindi mabasag ang eardrums dahil sa sobrang ingay ng mga sound effects ng pelikulang ito.

Thursday, September 16, 2010

Baby sa Eroplano


Napakawalang-puso naman ng isang inang mag-iiwan ng kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng isang basurahan sa loob ng isang eroplanong galing sa Bahrain.

Sinong ina ang kayang gumawa nito sa kanyang anak?????!!!!!

Mukhang hindi akma sa kaniya ang liriko ni Basil Valdez na " malilimutan ba ng ina , ang anak na galing sa kanya?"

Ang cute cute pa naman ng baby boy na ito na initially ay pinangalanang George Francis.

Hmmmpp, sa iyo mother....kung hindi mo kayang maging responsable sa iyong anak sana hindi ka lumandi-landi ng ganyan ano!!!!

Mgapapatotnak ka tapos hindi mo naman pala kayang pangatawanan ang magiging bunga ng iyong kapangahasan.

Sana mamaga ang matris mo at hindi ka na magka -anak ulit kahit kailan!!!!!

Nang sa gayon , sa iyong pagtanda ay walang isang anak na kakalinga at mag-aalaga sa iyo .


Iyan ang aking sumpa sa mga inang itinatakwil ang kanilang anak na inilabas sa kanilang sinapupunan!!!!

Tuesday, September 14, 2010

More funny pictures

More funny pictures courtesy of my Facebook friend Dave: just enjoy.....

Cute and sexy Justine Bieber he he he



Parang adik lang oh ha ha ha ha


Oh nagsapakan na sila Jollibee at Ronald Mc Donald...hmm sinong talo ?


Baby James , naughty huh!!!!


Juskooo, kaloka ang baklang Darna ( o Wonder Woman? ) ha ha ha

Monday, September 13, 2010

Dengue



Mukhang nakakaalarma na ang pagdami at pagtaas ng bilang ng nagkakasakit at , eventually , ay namamatay dahil sa sakit na ito.

At hindi lang basta sakit ng karaniwang tao ito ha kundi pang-sosyal din dahil kahit ang mga sikat na artistang gaya nina Angel Locsin , John Prats , Derek Ramsay at ang batang aktor na si Buboy Villar ay kinapitan na din ng sakit na ito huh.

Ito ay dulot ng virus na nagmumula sa kagat ng mga babaeng lamok na kung tawagin ay Aedes Egypti na karaniwnag umaatake lamang sa umaga o hapon. Pero hindi naman puwedeng sabihin na safe nang magpakagat sa lamok kapag gabi he he he.

Dito nga rin sa amin sa Antipolo ay nadale din ang dalawa kong pamangkin na sina Shane at Krizzia ng sakit na ito. Buti naman at mild lang at nailabas agad sila sa ospital .

Karaniwang mga bata ang inaatake ng tropical disease na ito dahil siguro sa hindi pa gaanong developed ang lagay ng kanilang mga immune system.

Kaya nga dapat ay mag-ingat at maglinis.

Gumamit ng katol, insect spray, insect repellant , OFF lotion at kulambo para maitaboy at hindi makakagat ang mga pesteng lamok na ito.

At higit sa lahat siyempre ay ang maglinis ng bakuran at kapaligiran , lalo na iyong mga lugar at bahagi ng bahay na pinamumugaran ng mga kiti-kiti ng mga salot na insektong ito.

Nauuso ito kapag ganitong panahon ng tag-ulan dahil nga sa mga tubig na karaniwang naiimbak kapag bumubuhos ang malalakas na ulan at bagyo.

Narito ang paalala ng DOH upang makaiwas at makaligtas sa epidemya na dulot ng sakit na ito.


Dengue Hemorrhagic Fever

What is Dengue H-Fever?

Dengue Hemorrhagic Fever (DHF) is an acute infectious viral disease usually affecting infants and young children. It is characterized by fever using the initial phase, and other symptoms like headache, pain in the eye, joint pain, muscle pain, etc., followed by signs of bleeding, eg., petechiae (red tiny spots on the skin), nosebleeding, gumbleeding. If there is blood in the stools and/or blood in the vomitus and accompanied by shock, this is called Dengue Shock Syndrome and is often fatal.
Aedes aegypti, the transmitter of the disease, is a day-biting mosquito which lays eggs in clear water container, such as flower vases, cans, rain barrels, old rubber tires, etc. The adult mosquitoes nest in dark places of the houses.

What are the symptoms of Dengue H-Fever?
1. Sudden onset of high fever which may last 2 to 7 days
2. Joint and muscle pain and pain behind the eyes
3. Weakness
4. Skin rashes – maculopapular rash or red tiny spots on the skin called petechiae
5. Nosebleeding when fever starts to subside
6. Enlargement of liver
7. Vomiting of coffee-colored matter
8. Dark-colored stools

How to prevent Dengue H-Fever

• The community should organize themselves to remove all possible breeding places of mosquitoes inside and outside of houses such as tin cans, rubber tires, bottles or drain accumulated water from trees and plants.
• Cover water storage containers to prevent breeding of mosquitoes.
• Clean house gutters to prevent stagnant of rain water.
• Isolate patients suffering from Dengue H-Fever for at least 5 days.
• Report to the nearest health center any suspected case of Dengue H-Fever in the neighborhood.




Sunday, September 12, 2010

I Believe

I

I believe for every drop of rain that falls, a flower grows

I believe that somewhere in the darkest nights, a candle glows

I believe for everyone who goes astray

Someone will come to show the way

I believe, I believe

II

I believe above the storm the smallest prayer, will still be heard

I believe that Someone in the great Somewhere , hears every word

Everytime I hear a newborn baby cry

Or touch a leaf

Or see the sky

Then I know why

I Believe!

Saturday, September 11, 2010

9/11




Today , the memory of September 11 ,2001 attack on the twin towers of America is remembered.

It is such a powerful image that united the whole world to go side by side against any form of international terrorism.

Hindi na mabubura sa isipan ng bawat taong nagmamahal sa kapayapaan ang malagim na imahe na iniwan ng trahedyang ito na kumitil sa buhay ng libu-libong inonsenteng mga mamamayan.

Kailanman ay hindi maipaliwanag at maarok ng aking payak na kaisipan kung bakit kailangang pumatay ng mga inosente at walang kinalamang mga sibilyan at buhay ang ibang mga tao para lamang sa kanilang ipinaglalabang mga ideolohiya.

Ang sinuman na nagpakana ng ganitong mga pangyayari ay hindi karapat dapat na tawaging mga tao , kundi mga " kampon ng Impyerno at ni Satanas "

Mga walang puso sila at kaluluwa.
Maaaring nagsisisi ang langit kung bakit pa sila isinilang sa mundong ito.

Sana hindi na lang sila lumabas sa sinapupunan ng kanilang mga ina.

Sa mga namatay at naulila dahil sa trahedyang ito ; magkaisa tayong lahat sa paglaban sa kalupitan ng terorismo.

9/11 shall never happen again!! !








Friday, September 10, 2010

Pinakamadaling Trabaho

Marami na rin akong pinasukang trabaho simula pa nuong bata pa ako.
Sari sari at kung anu-anong trabaho at pagawaan ang pinasukan ko na.
Pero wala na yatang tatalo sa isang pabrikang pinasukan ko na kung saan ay tumagal lamang ako ng humigit kumulang sa 7 oras .... ganito yun....

8:00 am

Masaya at preskong presko akong nagreport sa unang araw ng trabaho ko para sa
isang pabrika ng microwave oven dyan sa Pasig. Mula sa ilang araw na paghahanap ng
mapapasukang trabaho, sa wakas ay nakapasok na rin ako.Nagreport ako sa aking
supervisor at matapos iyon ay sinabi niyang pumunta ako sa isang room at duon ako
magsisimula. Pagdating ko sa nasabing room ay nadatnan ko ang isang tao at ako'y
sinabihan na magsimula sa pamamagitan ng pagpupunas sa mga parts ng oven na
nanduon. Hawak ang isang basahan, pasipol sipol pa akong nagtatrabaho habang
sinasabi sa aking sarili na "madali lang pala ang work dito."

10:00 am

Bigla akong ipinatawag ng aking supervisor na tumulong daw ako sa paghahakot ng
mga microwave oven na lulan ng dalawang truck na kadarating lang galing sa isang delivery.
Sabi ko , okay lang! Magmula sa nakaparadang mga truck na nasa labas ng pabrika
hanggang sa loob ng bodega na may layong halos 300 metro, ay isa isa naming
hahakutin ang nasabing mga oven papasok. May pinasama at pinatulong sa aking
isa ring lalaki na katulad ko ay unang araw din sa nasabing pagawaan. Sa loob loob ko
ay ayos lang naman ito; sabi ko magaan lang naman ang nasabing mga oven at panga-
lawa ay may makakatulong naman ako.

11:00 am

Tila ba nakakailang hakot na kami ng nasabing mga oven ay hindi pa rin maubos -ubos
ang laman ng truck na yun ah. Eh dalawang truck pa ang uubusin namin! Idagdag pa
ang kasama ko. Wala na sanang problema. Masipag siya at makuwento. Pero
namputsa, ang baho ng bunganga ng putah! Literal na mabaho , pweh! Meron siyang
bad breath. At hindi lang simpleng halitosis yun ha. Suspetsa ko nga ay nabubulok na
ang mga laman-loob ng taong yun huh! Pero wala akong magawa .
Madaldal pa ang putah. Andaming kuwento. Gusto pa lalapit sa mukha ko. Dyuskupo,
halos hindi ako humihinga pag kaharap siya. Kung hindi lang ako nangingimi dahil
baguhan pa lang ako ay gusto ko siyang murahin at suntukin para mahimatay na siya.

12:00 pm
Lunch breaktime. lumabas ako at kumain. akolang mag-isa. Di ko na sinama yung bad
breath na yun. Baka mawalan lang ako ng ganang kumain. O kaya ay masuka ako.
Ang inorder ko ay isang kanin at isang order ng munggo.

1:00 pm

Balik sa trabaho. Parang ayaw ko nang bumalik. Hindi dahil sa mabigat na ang trabaho.
Kundi dahil sa kasama kong iyon na super baho ang hininga! Pero wala akong magawa.
Ang ungas pa rin ang kasama ko for the next one hour. Sige pa rin ang hakot namin ng
walanghiyang mga oven na yun! Mula dun sa truck sa labas. Hanggang sa loob ng
bodega. Nakakapagod. Nakakahingal. By this time ay tumatagaktak na ang pawis ko.
Mainit pa sa loob ng bodega. Payat pa ako nuon. Manipis at walang masel ang katawan
ko. Kaya para sa akin ay mabigat na ang kulang kulang 5 kilong oven na yun huh.

2:00 pm

Biglang tinawag ng kung sino ang lalaking kasama ko na mabaho ang hininga! May
ipapagawa daw sa kanyang ibang gawain. Bahala na daw akong maghakot mag-isa.
Kaya ko na daw yun. Magaan lang naman daw ang nasabing mga oven. Namputsa,
magaan sa kanila , dahil malalaking bulas sila. Pero para sa akin na isang patpatin,
parang buhat buhat ko na ang buong mundo! Napakalayo pa ng nilalakad ko. Hindi ko
alam kung matutuwa ako o maiinis sa bagong kaganapang ito. Matutuwa ba ako dahil
wala na akong maaamoy na mabahong hangin at makakahinga na ako ng maluwag?
O mababanas dahil wala naman akong katulong sa pagbubuhat ng mga di maubos
ubos na letseng mga microwave oven na ito? Hindi ko alam ang gagawin ko!

2:30 pm

By this time ay tila mauupos na ang aking hininga. Tila mapuputol na ang aking braso
sa walang tigil na pagbubuhat ng mga karagamentong iyon. Pawis na pawis na ako at
nauuhaw pa sa walang puknat na pagtatrabahong iyon. Tila gusto nang humulagpos ng
aking malay mula sa aking katawan. Tila mawawalan yata ako ng ulirat kapag ipinagpa-
patuloy ko pa ang gawaing ito huh! Namamanhid na ang aking kamay at pinupulikat
ang aking mga tuhod sa pabalik balik na paglalakad paruon at parito mula sa labas
papaloob ng pagawaan. Tila gusto ko nang mag-collapse nung mga oras na iyon!

3:00 pm

Dingggggg! Sa wakas tumunog ang bell ng breaktime! 3:00 break na. Haayyyy,dyusko,
salamat po at hindi pa tuluyang nalagot ang hininga ko bago man lang matapos ang
araw na ito. Saved by the bell ! Dali dali akong lumabas ng gate. Nangangatog pa ang
tuhod ko at tila ba naninigas ang mga kalamnan sa aking mga binti! Nauuhaw, dagli
akong tumungo sa isang nagtitinda ng palamig na buko at bumili ng isang basong juice
nito. Dagli ko itong tinungga na para ba akong galing sa isang paglalakbay sa disyerto.
Habang tinutungga ko ito ay nakatingin ako sa nasabing pabrika at ipinasya ko na di na
lamang ako babalik sa nasabing pabrika na tila ba ako'y kinakawayan pa pabalik.

3:15 pm

Tapos na ang break. Babalik pa ba ako o hindi na? Pinakiramdaman ko ang aking braso.
Masakit pa rin at tila namamnhid ang aking kasukasuan. Namputsa, wag na, ayoko na.
Di na ako babalik. Uuwi na lang ako. Sasabihin ko na lang sa magulang ko na mahirap
ang trabaho. Hindi ko kaya. Maghahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho. Ahhhh,
panibagong pagfi-fillup na naman ito ng bio-data. Panibagong pagpila sa mga job
placement agency. Panibagong requirements at mga ID pictures. Panibagong
pagbubuklat ng Manila Bulletin tuwing Linggo.

Ah, basta ayoko nang bumalik dun. At nagsimula akong ihakbang ang aking paa papalayo sa nasabing pabrika.
At duon natapos ang 7 oras ko ng pagtatrabaho sa isang kumpanya. Ang pinakamadali kong naging trabaho!

Thursday, September 9, 2010

When the gates of hell opened

Here are some vivid pictures of recent eruptions of some powerful volcanoes around the world as compiled by MSN.Com

Fascinating to view , breathtaking to glimpse. These are the gates to hell reopened.


Hekla Volcano in Iceland - 2000


Kilauea Volcano in Hawaii - 2004



Mayon Volcano , Philippines -2006



Mount Merapi , Indonesia - 2006



Eyjafjallajokull Volcano , Iceland -2010



Anak Krakatau , Indonesia - 2007



Mount Bulusan , Philippines - 2006



Llaima Volcano , Chile - 2008



Colima Volcano , Mexico -2005



Mount Etna , Sicily - 1998


Tuesday, September 7, 2010

Police brutality

Hmmm..nuon pa iyang mga torture torture na iyan bakit ngayon lang sumisingaw!

Police brutality?...Hmmmm, old story......

Kawawa nga naman itong mamang ito na tinotorture sa ari o bayag.



Nilalatigo na ay sinasaktan pa ng sadistang pulis na ito.

Dapat sa pulis na ito ay ibinibitin ng patiwarik at ini-stapler ang titi ha ha ha ha.....

Monday, September 6, 2010

-genic

Meron akong sampung -genics na salitang nagsasabi kung gaano kainam ang rehistro ng isang tao depende sa type of view nito.

-Genic is an English suffix which means something attractive or pleasing to the eye .

Example:

1.) Telegenic - maganda ang rehistro sa telebisyon o kamera.

2.) Photogenic - mainam tingnan sa litrato o larawan.

3.) Layogenic - magandang tingnan sa malayo. Habang papalapit...ewan...

4.) Talikodgenic - okay kapag nakatalikod...kapag humarap..nyaaahhhh!!!!

5.) Gilidgenic - okay sa tagiliran at side view....front view...ngekkkk

6. ) Dilimgenic - mas okay kapag walang ilaw o dim ang light..kapag naiilawan....atsetse....

7.) Phonogenic - ang ganda ng boses....sana boses ka na lang...

8.) Ligogenic - parang fresh at sariwa kapag bagong ligo....kapag hindi..parang bilasa...

9.) Dayagenic - maganda sa kapal ng make-up , eyeshadow , lipstick at mga kolorete sa mukha...

10.) Hipongenic - maganda ang katawan ...ang ulo....puwede nang itapon...

O ikaw .....anong -genic ka diyan?

Sunday, September 5, 2010

My IQ test result

Dear Edgar Portalan,

Thank you for your interest in the test at IQTest.com.

Your general IQ score is: 115

You may login at http://www.iqtest.com/login.html at any time to view your score, purchase your Complete Personal Intelligence Profile or The Consciousness Exercises, or edit your account settings:


Regards,
The Team at IQTest.com



Please do not reply to this email.
You can email us at support@iqtest.com.

------------------------------------------------------------------------------------------------

This is the e-mail I have received when I took the free IQ test at this website.

My score is 115.

And according to Wikipedia;

"Lewis Terman, developer of the Stanford-Binet intelligence test, chose the category names for score levels on that test.

Terman's Stanford-Binet Second Revision classification
IQ Range
("ratio IQ")
Intelligence Classification
164 and over Genius or near genius
148 - 164 Very superior intelligence
132 - 148 Superior intelligence
113 - 132 Above average intelligence
84 - 113 Normal or average intelligence
68 - 84 Dullness
52 - 68 Borderline deficiency
Below 52 Definite feeble-mindedness


David Wechsler, developer of the Wechsler Adult Intelligence Scale, proposed different category names.

Wechsler's classification
IQ Range
("deviation IQ")
Intelligence Classification
128 and over Very superior
120 - 127 Superior
111 - 119 Bright normal
91 - 110 Average
80 - 90 Dull normal
66 - 89 Borderline
65 and below Defective


And based on this classification: with regards to my IQ test score of 115 ; I am a "Bright Normal" according to Wechsler's Classification , and an "Above-average Intelligence" according to Terman's Stanford-Binet Second Revision Classification.

Yeheyyy, palakpakan naman diyan! At least , normal pala ako. Akala ko Sped child ako eh he he he.

Saturday, September 4, 2010

More crazy pics.....

Marami pang nakakalokang mga pictures ang nahalungkat ko mula sa mahiwagang mundo ng Internet.....


Kayo na ang bahalang humusga he he he he.........










Friday, September 3, 2010

Top 10 Exotic Restaurants

Dans le Noir restaurant in Paris , France do the eating in the dark. Huwag lang kayong magbabanggaan diyan ah.

"Sehnsucht" restaurant in Berlin , Germany serves those customers with eating disorders like bulimia. Sana lumabas ito nung panahon ni Karen Carpenter para hindi siya nadedbol.


Sa restaurant na ito ay para kang kumakain sa inidoro at kubeta. Marton Restaurant in Taiwan.


Bawal ang waiters at waitresses dito sa " S Baggers" sa Nuremberg, Germany.


Ito naman ang New Lucky restaurant na nasa Ahmadabad, India na nasa gitna ng isang sementaryo. Yuck , eating witgh the dead!


Ito naman ang Yellow Tree House sa New Zealand. Sa tuktok naman ng puno ang trip nito.


Guns And Buns in Lebanon. Para kang nasa gitna ng giyera habang ngumunguya ng kanilang mga pagkain.


Monaco's sky themed restaurant. Nasa ere ka kumakain at lumalapang ng sustansya.


Dito sa Chillout sa Dubai , UAE, tiyak na mangangatog ka sa ginaw dahil napapalibutan ka ng yelo.


Dito naman sa "Jail" ay mapi-feel mo na ikaw ay nasa kapanahunan ng Nazi death camps kasama si Hitler. Sa Taiwan ito.