TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 31, 2010

Nakakalokang konduktor ...


Kaloka ang konduktor na ito ng jeep na nasakyan ko isang araw huh...

Nang may madaanang mag-syotang yapusan ng yapusan at halikan ng halikan ; kuntodo PDA sa kalsada, ito ang kanyang hirit:

" O tama na iyan at baka maubos . Sa bahay ang kainan at hindi sa daan! "

Nang humaharurot na tumatakbo ang sasakyan at bumababangking pa na halos ikatuliro ng mga pasahero nito:

" Oh kapit lang po sa matulis na bakal ha , huwag na huwag lang sa titing matulis hane!"

Nang may madaanang mga pokpok na mga babaeng kalalabas lang galing sa isang beerhouse at ang iingay sa daan , patutsada niya:

" Oh sakay na mga ate , maluwag pa sa kakagamit , sagad -sagaran hanggang sa singit !"

Nang may sumakay na isang lalaki at babaeng pasahero:

" Oh dito ka sa kanan kuya, tutal mahilig ka naman diyan ; at ikaw naman ate , mangaliwa ka na lang ! "

Nang may madaanang grupo ng mga bakla na rumarampa sa kalsada:

" Ay mga bakla, saan naman ang rampa? Gabi gabi na lang humahada, di nagsasawa sa titing mahahaba"

Nang may sumakay na isang buong batalyon ng pamilya:

" Oh konting ipit lang po mga kuya ; gayahin nyo si ate , para hindi masilipan. Baka nakikita na ang inyong kadakilaan. Galaw galaw lang po baka ma-stroke tayo . Bawal dito ang may rayuma at mga joke joke joke"

At nang malapit na kami sa aming terminal:

"O iyong mga may amnesia diyan , nakakalimot pa magbayad, nandito na po tayo sa terminal, baka ibaon ko kayo sa imburnal"

Kalokah!

It's one hell of a ride!

Monday, August 30, 2010

National Heroes Day


Today is National Heroes Day.

Ngayon ang natatanging araw para sa lahat ng mga bayaning Pilipino!

Marami kasi tayong mga bayani na karapat-dapat parangalan sa ating bansa.

Ngunit dahil sa dami nila, ay hindi nakayang bigyan ng bawat isang araw ng pagkilala ang mga Pilipinong ito upang sila ay ipagdiwang.

Kaya ang ginawa ay ipinaglaan na lamang ng isang natatanging araw upang kilalanin ang kabayanihan ng lahat ng Pilipinong ito na gumawa ng kabutihan sa ating bansa.

Hindi lamang ang mga Pilipino na nagpakita ng kakaibang tapang at gilas sa larangan ng giyera o digmaan ang dapat ituring na bayani. Kundi bawat isang Pilipinong tumutulong upang maging mas mabuting bansa ang Pilipinas sa buong mundo.

Kaya sa mga Pinoy Driver na nagsosoli ng mga bag , gamit at perang naiiwan sa kanilang mga sasakyan o taksi....

Sa mga OFW na patuloy na nagpupunyagi at nagsusumikap sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas....

Sa mga guro na laging tumutulong sa panahon ng eleksyon at masugid na tagapagtaguyod ng mga mag-aaral sa eskwelahang Pilipino.....

Sa mga tindero at tindera sa mga palengke at mga talipapa na matapat na nagseserbisyo sa kanilang kababayan at nagbibigay ng rasonableng presyo at paninda sa kanilang mga suki at mamimili....

Sa mga tapat na nagbabayad ng buwis sa gobyerno upang makatulong sa pagpapagawa ng mga imprastraktura.....

Sa mga obrero at manggagawang Pinoy na tapat na naglilingkod sa kanilang pinapasukang kumpanya , hindi nandadaya sa oras at masayang tinutupad ang kanyang mga nakaatang na tungkulin.......

Sa mga negosyanteng matuwid ss kanilang mga transaksyon sa kalakal at pagtitinda at sinisiguradong may kalidad ang kanilang mga produktong inilalako sa merkado.....

Sa mga empleyado sa gobyerno na ginagawa ang kanilang makakaya upang pagsilbihan ang mga Pilipino nang walang pag-iimbot.....

Sa mga pulitikong hindi nagpapaalipin sa kinang at kislap ng pera at kayamanan ; matapat at malinis na naglilingkod sa kanyang bayan sa abot ng kanilang makakaya.....

Sa mga Pilipinong nakiisa upang labanan , sugpuin at pigilan ang mga katiwalian, pagmamalabis at pang-aalipin ng mga makapangyarihan sa lipunan.....

Sa mga artista at entertainer na patuloy na umaaliw at nagbibigay -saya sa kanilang mga kababayang nalulumbay.......

Sa mga miyembro ng kapulisan na hindi nangongotong at nangingikil sa kanilang kapwa ; hindi nangto-torure at nang-aapi sa kanilang mga nahuhuling kababayan.....

Sa mga kapitbahayang nakikiramay kapag may namatayan, nasunugan, nabahaan o naaksidenteng mga kababayan....

Sa isang anak na umaalalay at kumakalinga sa kanyang matanda nang mga magulang.......

Sa mga magulang na nagsisikap at nagtataguyod ng marangal sa kanilang pamilya at bata pang mga anak......

At sa lahat ng Pilipino na gumagawa ng mabuti sa kanyang kapwa nang walang inaasahang kapalit mula sa kaninuman......


Tayong lahat ay pinagpala.....


At tayong lahat ay bayani ......

At ang araw na ito ay natatangi para sa atin......

Tayong mga bayaning Pilipino na patuloy naglilingkod para sa kabutihan ng ating kapwa at ng bansang Pilipinas!

Mabuhay ang lahat ng mga Bayaning Pilipino!!!!

Sunday, August 29, 2010

What's in Noynoy Aquino's smile?



Napansin ng international media ang pambihirang pagngiti ni Pangulong Noynoy Aquino habang isinasagawa ang pag-iimbestiga , pag-inspeksyon at pagbisita sa natapos na Manila Bus hostage crisis nitong nakaraang Lunes habang siya ay ini-interview ng mga media.

Tinawag pa nga siyang " smiling dog " ng mga ito dahil sa tila ba ay "pagngiti" nito habang nangyayari ang lahat ng krisis na ito.

What's in Noynoy's enigmatic smile nga ba?

Tila nga all-smiling face ang ating pangulo at mahilig kay Smiley na laging nakangiti.

Maski ako ay napansin ko na kahit nuong kamatayan at libing ng kanyang mahal na inang si Dating Pangulong Cory Aquino ay nanduon pa rin ang mahiwagang ngiti ni Pangulong Noynoy!

Sadya bang ganito talaga siya mag-express ng kanyang damdamin?

O sadyang masayahin lamang itong ating bagong presidente?

Sabagay mas mabuti na iyong lagi kang nakangiti kaysa naman nakabusangot o nakasimangot na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa.

Payo ko lang siguro ay medyo bawas bawasan niya ang sobra sobrang paglabas ng kanyang mga ngipin dahil napagkakamalan siyang ngumingisi lalo na sa mga sitwasyong malulungkot o sentimental na ipinagkakamali ng iba , lalo na iyong mga hindi lubos na nakakakilala sa kaniya na tila ba pagpapahiwatig na nasisiyahan ka pa sa nangyaring trahedya.


At saka parte rin ng expression ng mukha ang pagiging malungkot o Frowny lalo na sa mga seryosong sitwasyong tumatawag ng ganitong simpatiya.

Kaya sa susunod , Pnoy ....say cheese....



Saturday, August 28, 2010

Grand day ng babaeng bakla

Birthday ng pinsan kong isang babaeng bakla nitong nakaraang August 25 ,2010 : walang iba kundi si Mary Joy ( merry na , joy pa ha ha ha )

Ngayon lang kami nagka-close bilang mag-pinsan.

Dati kasi silang galing sa probinsya. Kaya promdi ang beauty ng lola mo.

But then , first time pa lang naming nagka-usap ay nagka-konek konek na agad ang aming mga lamang loob .

Eh paano ba naman eh , baklang bakla nga ang gagah ha ha ha!

Eh tingnan mo naman ang pose....ha ha ha ha ....parang rebeldeng amasona ng NPA at Abu Sayyaf he he he he....



Ito ang 2 babaeng bakla.....bakla iyang mga iyan...nagpapanggap lang na mga babae ha ha ha....kitam yung isa may hawak na baril at yung isa may hawak na mike huh...





BFF talaga kami he he he he....huwag lang maubusan ng pera at boys he he he...



Ang cake ng lolah mo..bonggang bongga ha ha ha ha...dapat layered pa iyan...


Nagiging magkamukha na kami oh...agree??? o huwag kang magdi-disagree Bonengsky at sasapatusin kita ha ha ha.......


Aba....beauty rin pala ang lolah mo kapag naaayusan ha ha ha ha...peace sister...alam mo naman that you're the most beautiful on Earth....(sa tingin ni Jess he he he he)


Aba ang 2 bakla at laging magkasama huh.......hindi kaya kayo na ha ha ha ha...di pala bakla .....mga tomboy he he he


Inuman to the maxxx...lasingan to the nth level....whew....


Oh ito pa ang isang certified bakla ha ha ha ha.....


Oh di ba parang lukutoy lang ha ha ha ha...

Friday, August 27, 2010

Major...Major....



Nakakaloka nga naman talaga ang naging sagot ng pambato ng Pilipinas na si Maria Venus Raj para sa katanungan ng judge na si William Baldwin sa katatapos na Miss Universe Beauty Pageant na ginanap sa Amerika nitong nakaraang Martes.

Tanong ni William: "What is one big mistake that you've made in your life and what did you do to make it right?"

Sagot ni Ms. Raj : "Thank you so much, Sir for that wonderful question....You know what , Sir in my 22 years of existence I can say that there is nothing major major, I mean, problem that I have done in my life. Because I am very confident with my family, with the love that they are giving to me. So, thank you so much that I am here, thank you thank you so much,"

He he he he.

Napapanahon nga ang panawagan ni dating Miss Universe Gloria Diaz na magkaruon na ng interpreter ang mga Pilipino sa ganitong mga paligsahan na karaniwang Ingles ang isinasagot sa mga katanungan.

Hindi naman ibig sabihin kasi nito na mahina na tayo sa pag-i-inggles. Kundi nais lamang nating masiguro na malinaw na maisasalin ang mga kataga o salita na nais nating sabihin sa wika o lengguwahe na naiintindihan at alam natin.

At minsan kasi ay dahil sa nerbyos o kaba ay hindi natin naisasalin ng tama at tugma ang ating mga saloobin sa isang wika na hindi natin kabisado , katulad ng English.

Hindi naman ito masasabing isang kahinaan eh . Bakit nga ang ibang mga bansa ay gumagamit din ng mga interpreter katulad ng Japan ,Venezuela , India at iba pa para sa kanilang mga kandidata di ba?

Kaya sana ay pag-isipan ito ng mga producers ng naturang pageant next time para maiuwi na natin muli ang pinakamimithing korona na matagal na nating hindi nahahawakan.

Samantala, pinagpiyestahan ang video na inupload sa Youtube tungkol sa makapigil-hiningang pag-antabay ng apat na bakla sa mga kaganapan sa katatapos na Miss Universe.

Ang apat na joklang panalo at win na win ang mga reactions sa show na kanilang pinanonood, ha ha ha ha.

Winner kayo mga ateng!!! Go go go go mga sisterette.....

Thursday, August 26, 2010

‘We’re not all like Mendoza’

Kaugnay pa rin ng madugong hostage drama nitong nakaraang Lunes na naganap dito sa Pilipinas, narito ang isang liham mula sa isang 15 year old Filipino na nagngangalang Reigno Jose Dilao, a student from Samar na labis na nalungkot sa nangyaring kaganapan kung kayat sumulat ng isang paumanhin para sa buong mundo .

Narito ang buod ng kanyang sulat:

"As you are reading this letter, I bet that you have seen/heard about what happened earlier in our country.

Tourists were hostages of a policeman here, Rolando Mendoza. After a few hours of the horrible crime, some of the victims were dead including the hostage-taker.

I wrote this letter not just to apologize but also to let everyone know that we Filipinos are not all like Mendoza. We are loving and good-hearted people.

For so many years, our country has been standing tall and surpassing every dilemma; be it small or big. Years ago (back when I wasn’t born yet), you have watched us fight for what we think is right. We fought for the democracy of our nation. The EDSA revolution. But that’s just one out of many.

Second. We Filipinos have been serving other countries for our families and we treat you as our own as well. With all due respect, I thank you all for giving us the trust through the years. For helping us to become what we are now.

The Philippines is more than just a group of islands. We are a nation of strong and remarkable people. A country of beauty and love known to be hospitable and well-valued. I humbly apologize for what happened tonight. No one in this world would want something like that to happen for life should be valued.

I politely ask the attention of the world. Please do not judge and mistreat us just because of what happened tonight. I have been searching the net and found terrible things. Hong Kong advices to avoid travels here, China and HK bans Filipinos and that Philippines is the worst place to go.

I can’t blame you for what you have decided but I hope that you could understand. Our country is now in a sea of problems. And I know for sure that we helped you in a way or another. Let peace and understanding reign this time.

I know that this letter will just be trash but I wish that you would understand. On behalf of the Philippine population.. WE ARE SORRY.

As a song puts it…

And I believe that in my life I will see an end to hopelessness, giving-up and suffering. And we all stand together this one time then no one will get left behind. Stand up for life. STAND UP FOR LOVE

Sincerely yours,

Reigno Jose Dilao "


I hope the world would hear....

Wednesday, August 25, 2010

Miss Universe 2010



Kinoronahan bilang bagong Miss Universe ang 22 anyos na Miss Mexico na si Jimena Navarette nitong nakaraang 59th Miss Universe pageant sa Mandalay Bay Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, US.

Bale si Jimena Navarette ang pangalawang Mexican na nag-uwi ng karangalang ito matapos na pagwagian din ni Lupita Jones nuong 1991 ang nasabing prestihiyosong titulo para sa kanyang bansa.

Isa itong malaking karangalan para sa nasabing bansa na dumaan din sa mga matitinding pagsubok partikular nuong nakaraang taon nang magsimula sa kanila ang kinatatakutang H1N1 Influenza virus na kumalat sa buong mundo.

Salamat at nakabangon na rin ngayon ang bansang ito mula sa matinding trahedyang iyon.

Samantala , tinanghal namang 4th placer ang ating pambato na Bikolanang si Maria Venus Raj mula sa nasabing patimpalak. Isa na rin itong malaking karangalan para sa ating bansa lalo na at nagluluksa tayo sa pagkamatay sa isang vehicular accident ng Binibining Pilipinas Miss International na si Melody Gersbach nito lamang nakaraang Sabado na isa ring Bikolana.

Ilang taon na rin tayong tag-tuyot sa karangalang ito mula sa Miss Universe . Sana dumating na ang ulan sa ating bansa upang mapatunayan natin kung gaano kaganda ang ating lupain.

Samantala , kung ikaw ang tinanaong ni William Baldwin ng mahiwagang katanungan para sa ating pambato na si Maria Venus Raj , ano ang isasagot mo?


“What is one big mistake you’ve made, and what did you do to make it right?”


Sige nga, sagot sagot mga kapatid....

Tuesday, August 24, 2010

Deadly hostage stand-off in Manila part 2




Nagwakas sa isang madugo , maulan , tensyonado at nakakakilabot na eksena ang hostage-taking incident kahapon na naganap pa mandin sa mismong lugar na pinagdausan ng panunumpa ni bagong Pangulong Noynoy Aquino ilang buwan lamang ang nakakaraan - sa harap ng Quirino Grandstand na nasa Rizal O Luneta Park sa Maynila.

Kuntodo live televised and coveraged ang buong pangyayari na halos tumagal ng 11 oras na nagsimula nang alas 10 ng umaga nang kumanduhin ng isang sinibak na pulis na si Rolando Mendoza ang isang tourist bus na naglalaman ng mahigit 20 mga turista galing sa Hongkong - na masaya lamang sanang bumibisita at nagliliwaliw sa ating bansa - na natapos sa isang malungkot at madramang finale nang mapatay bandang alas-nuwebe na ng gabi ang 9 na katao habang bumubuhos ang malakas na ulan sa buong Kamaynilaan na tila ba pakikisimpatiya at pagpapahiwatig na kasamang nananaghoy ang langit sa mga namatay mula sa nasabing insidente.

Kamakailan lamang nang maganap din ang kaparehong insidente ng pang-hohostage malapit lamang sa lugar na ito nuong taong 2007 nang kinumando rin ng isang civil engineer na nagngangalang Jun Ducat ang isang school bus na naglalaman ng 32 mga bata sa Lawton Plaza, Manila sa pamamagitan ng isang granada. Salamat na lamang at walang namatay mula sa nasabing kaganapan at natapos ito ng mapayapa sa pamamagitan ng pagsuko ng hostage -taker dahil na rin sa mahusay na pakikipag-dayalogo ng mga taong involve dito nuong panahong iyon.

Tatlong taon mula nuon ay naulit ang nasabing insidente , but this time maraming buhay ang nasayang at nalagas dahil na rin sa lantarang kapabayaan at mistulang wala sa koordinasyong pagkilos ng mga kapulisan para resolbahin ng maayos ang nasabing stand-off na kitang kita sa coverage ng mga kamera sa TV.

Sikat na sikat na naman ang Pilipinas sa buong mundo at halos tayo na naman ang laman ng mga headlines sa mga diyaryo at news room kabilang na ang CNN at Time Magazine na nagpakita pa mandin ng live footage ng nasabing kaganapan sa kanilang mga lente at kamera.

Tiyak na ang unang unang maaapektuhan nito ay ang ating tourism industry na unti unti na sanang umaangat subalit ngayon ay tila patungo sa pagbagsak dahil sa nasaksihang madugong engkuwentro sa ating bansa. Marami tuloy na mga turista ang tiyakang magdadalawang - isip nang pumunta at bumisita sa ating bansa matapos masaksihan ang ganitong pangyayari. At una na ngang nag-isyu ng "black travel warning " ang gobyernong Hongkong dahil nga sa insidenteng ito.

Kapansin-pansin ang maraming mga kapalpakan at bloopers sa hostage dramang ito ng mga kapulisan na tila ba hindi pinag-isipan ng husto at hindi man lang isina-alang alang at pinansin ng mga kinauukulan . Maraming pagkakataon ang sinayang na maresolba sana ng matahimik at maayos ang nasabing gulo kung pinag-isipan lamang sana ito. Subalit hinayaan nilang umalpas ang nasabing mga oportunidad dahil sa tila ba ay pagtatakip nila ng isang " malaking kahihiyan " mula sa kanilang hanay na maaaring mabunyag kung sakaling makasuko ng maayos ang hostage-taker .

Kung anuman ito ay sila na lamang ang nakakaalam.

Kung tututusin ay maayos na nakikipag-usap ang hostage -taker eh. Hindi naman siya isang sintu-sinto na lamang na basta ito ginawa nang walang pag-iisip. I'm sure na pinag-planuhan niya ito ng maayos. At mapayapa sana itong naresolba kung marunong lamang makinig sa hinaing nito ang ating mga kapulisan!

Ang balita ko nga ay isa ito sa mga Ten Outstanding Policemen of the Philippines (TOPP) noong 1986.

Pansinin ang nakasulat sa isang malaking papel na nakapaskel sa pintuan ng bus : "BIG MISTAKE TO CORRECT A BIG WRONG DECISION."

Kahiya-hiya na naman tayo sa buong mundo!

Lagi na lamang ba?

Isa ba itong pasalubong at asalto ninyo para sa liderato ng bagong administrasyon ni Noynoy Aquino?

Ang ilagay siya sa kahihiyan sa buong mundo?

Pangulong Aquino, naghihintay ang buong mundo kung paano mo reresolbahin ang kaganapang ito na punong puno ng mga kapalpakan!

Sa mga namatay at naulila ng nasabing krimen ng isa lamang Pilipino , nakikiramay po ang pitak na ito!

At sa buong mundo, isang malaking patawad at paumanhin ang aming hinihingi!

Monday, August 23, 2010

Eva Mendes versus Thandie Newton

Nakakatuwa naman ang article na ito taken from Yahoo.com showing these two favorite actresses of mine wearing the same Vivienne Westwood creation at different occassion.

Same fashion taste?

Wala na bang ibang damit at pareho pa sila nang isinuot ha ha ha ha?

Eh ngayon sino ang mas carry magdala nito?

Ang Latin hottie na si Eva Mendes?

O ang English rose na si Thandie Newton?

See and judge for yourself.....




Eva Mendes in San Diego, California, July 23, 2010.





Thandie Newton in London, England, June 9, 2010.

Sunday, August 22, 2010

Funny Posts

Nakakatuwa naman ang mga posts na ito hinggil sa mga kaganapan sa loob ng campuses and schools.

Read on:











Saturday, August 21, 2010

Ninoy Aquino



Ngayon ang natatanging araw para sa isang dakilang Pilipinong nagsilbing mitsa ng pagbabago para sa Pilipinas.

Walang iba kundi ang bagong bayaning Pilipino na si Senador Benigno Aquino Junior
na ama ng ating bagong pangulo na si Noynoy Aquino at asawa ng Ina ng Demokrasya na si Gng. Corazon Aquino.

Di maikakaila na dahil sa kanyang martir na kamatayan nuong Agosto 21 , taong 1983 , ay namulat ang mga Pilipino sa kasamaang kanilang nararanasan mula sa isang mapang-aping diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

At mula duon sa mga imahe sa tarmac ng dating Manila International Airport ay nagsimulang umalab ang damdamin ng mga Pinoy para sa isang hinog na pag-aalsa na natapos sa Edsa Revolution nuong 1986.

Para sa akin ay siya ang karapat-dapat na tanghaling Ama ng Pagkakaisa ng Lahing Pilipino.

Ang kanyang kamatayan mula sa mga kamay ng mga buhong na nagplano nito ay nagpagising sa natutulog na damdamin nuon ng mga Pilipino laban sa mapang-aping kamay na bakal na sa atin ay pumipigil at kumakadena.

Ngayong tayo ay ganap nang malaya mula sa mga kuko ng agila , utang natin sa kanya ang pagdakila at papuri dahil sa pag-aalay niya ng sariling dugo at buhay matubos lamang tayo mula sa kamandag ng mga lapastangan.

Nawa ay magsilbing paalala ito na kailanman ay hindi magtatagumpay ang kasamaan.

At ang kabutihan ay laging mangingibabaw sa ating puso at isipan.

Senador Benigno Aquino Junior , tunay na ikaw ay aming bayani sa aming puso na aming pinagpipitaganan bilang tagapagtanggol ng aming kalayaan.

Patuloy kang mabubuhay sa puso ng bawat Pilipino aming mahal na Senador

Tunay na hindi ka nag-iisa , Ninoy!

Dahil ikaw lamang ang nag-iisang idolo at bayani ng aming bayan!

Truly , The Filipino Is Worth Dying For!

Thursday, August 19, 2010

When I'm Older

This will be me 30 years from now......so old and so fragile huh!












Visit www.in20years.com for the old in you.

And know what you will look like , 30 years from now!

Wednesday, August 18, 2010

Nakakadiri ang mga ito.....pramis....

Kung mahina -hina ang sikmura ninyo....babala lang please ..huwag na kayong tumuloy na mag-browse.

Dahil ito na ang mga pinaka-nakakadiring mga photos na nakuha ko mula sa internet...pramis.

Tiyak na maghahalo -halo ang inyong mga laman-loob dahil sa karima-rimarim na mga litratong inyong matutunghayan.

Kung ready na kayong bumaligtad ang inyong mga bituka.....go on......

Pero huwag ninyong sabihing hindi ko kayo pina-alalahanan huh!!!!!

Nakakadiri di ba? Ganda sana ng mukha...pero.....


Eh ang litratong ito...nakakadiri o nakakatuwa he he he he?



So yuckyyyy...to the maxxx...ewwww.....pramis nakakaduwal ito huh!


Ito pa ang isa....ganyan ang ating laman-loob huh!


Aba ....ang mamang ito.....walang kadiri-diri sa katawan huh! Keber niyang maligo sa dagat ng basura huh!


Dyusko...ang baklang nakakader-der ha ha ha ha


Yuck naman ineng..look oh ...tumutulo na ...eto tissue huh! Paki-punasan please!



Eh ito..nakakadiri o nakakainis ? he he he he he ....yucky to the maxxx.....



And the last na pinaka-nakakadiri , nakakasuka , nakakapang-hilakbot at karima-rimarim at makapanindig - balahibong picture sa buong mundo ay ito .....tantara-rannn.....














Oh Di ba??? ha ha ha haha............

Tuesday, August 17, 2010

Philippine Fruits and Vegetables


Did you ever wonder what's the English name of some Filipino fruits and vegetables?
Well, I have made my research, and here's what I 've found:

Santol-Wild Mangosteen
Guyabano- Soursop
Aratiles-Jamaican Cherry, Singapore Cherry,Panama Berry
Sineguelas-Jocote,Red Mombin, Purple Mombin,Ciruela,Hog Plum
Kamatsile-Madras Thorn, Jungle Jalebi, Blackbead, Sweet Inga, Sweet Tamarind
Granada-Pomegranate
Kaimito-Star Apple, Golden Leaf Tree
Mabolo-Velvet Apple
Makopa-Wax Apple, Love Apple, Java Apple, Bellfruit, Rose Apple,Water Apple
Atis- Sugar Apple, Sweetsop
Langka-Jackfruit
Kamansi-Breadfruit
Marang-Johey Oak
Duhat- Jambul, Jamun
Tsiko-Sapodilla
Kamyas- Cucumber Tree, Tree Sorrel
Balimbing-Carambola, Star Fruit
Ube- Purple Yam
Singkamas-Jicama, Mexican Potato, Mexican Turnip
Katuray- Hummingbird Tree, Scarlet Wisteria
Malunggay- Moringa, Horseradish tree, Ben Oil tree, Drumstick Tree
Ampalaya-Bitter Melon, Bitter Gourd
Kangkong-Water Spinach, Swamp Cabbage, Water Convolvulus, Water Morning-glory
Upo-Bottle Gourd
Sitaw- Yardlong Bean, Long-podded Cowpea, Asparagus Bean, Snake Bean, Chines Long Bean
Patani-Pea
Sigarilyas-Winged Bean, Goa Bean
Bataw-Hyacinth Bean, Indian Bean,Egyptian Bean
Kundol-Winter melon, White Gourd, Ash Gourd, Wax Gourd
Patola- Snake Gourd, Serpent Gourd
Achuete-Annatto
Alugbati-Malabar Spinach


Monday, August 16, 2010

most bizarre world records

As compiled by MSN, these were the most bizarre world records ever set. Take a look and be amazed yourself.

Artist Lucy McRae of Australia puts safety pins on part of her body during the 'Rojo Nova work in progress' at the Museum of Image and Sound in Sao Paulo July 27, 2010. Sabitan ko kaya ito ng ID at bookmarks.



Julia Gnuse, from California, is set to feature in 2011 Guinness World Records for sporting more tattoos than anyone else in the world. Kalokah , itinatago mo lang yata ang mga peklat at skin diseases mo kaya ka nagpa -tattoo ng ganyan eh.



In 2009, 28-year-old Anandita Dutta Tamuly smeared ghost chilis, the world's spiciest chili, in her eyes before gobbling all 51 fire-hot chillis in two minutes during an attempt to enter the Guinness World Records. Eh kung wasabi at jalapeno kaya ang ilagay ko sa mata nito , didilat pa kaya ito huh? Dagdagan ko pa ng Tabasco sauce at Cayenne at nang tuluyan na itong mabulag ha ha ha ha.



Austria's Marco Hort set the world record for stuffing 259 straws in his mouth at one time. Laki ng junganga nito , hanep , kasya dito ang dalawang Big Mac o Champ.



Brazillian Claudio Pinto can pop both of his eyes at least 7 millimeters out of their sockets. Mr Pinto said, "It is a pretty easy way to make money. It is a gift from God, I feel blessed." Oo na, huwag ka lang titingin ng ganyan sa akin ha at baka mabuhusan ko iyan ng asido , hindi na iyan babalik sa dati huh!!




Sultan Kosen of Turkey, 27 is the current record holder of the tallest living man with a height of 246.5 cm (8 feet 1 inch) and He Pingping of China, 21, is officially the world's shortest man with a height of 73 cm (2 feet 5 inch). Si Weng weng at si Mong.



C Manoharan,25, who is also known as Snake Manu, tried to break the world record by threading a live snake up his nose and out through his mouth. Dyusko, hindi ito mamamatay sa pagpasok ng ahas sa kanyang ilong palabas ng bunganga, kundi sa tuklaw nitong ahas kapag nakagat niya .



Brazilian-born nurse Elaine Davidson was certified by the Guinness World Records as the "Most Heavily Pierced' in 2009 for sporting 6,005 piercings, including 1,500 that are internal. Hindi ito puwedeng mahiga sa water bed, tiyak butas ang kama sa kaniya.




Jack Tsonis and Lindsay Morrison(picture), both in their 20s, attempted the longest continuous hand shake in September 2009. Kung hindi naman mamaga ang mga kamay nyo dito ewan na lang. Uyyy, mukhang feel na feel nila ang paghahawak- kamay huh!