Wednesday, June 30, 2010

And now meet the new President of The Philippines....Benigno Simeon " Noynoy " Cojuangco Aquino III

Ngayon ang inauguration sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila ni Noynoy Aquino into becoming the 15th President of this impoverished nation of ours, the Philippines.

Today will be a very busy first day for our new President, another Aquino , in this family of heroes , to govern our country.

Kaya simula ngayon, bawal nang magkasakit ang bagong Pangulo.

Tomorrow will be another day. I feel a breath of fresh air dahil sa pagkakahalal na ito ng ating bagong Pangulo.

I feel proud. Siyempre naman noh, ibinoto ko siya!

At ngayon, kaisa ko ang halos 15 milyong mga Pilipino na nagkaisa sa pagpili sa kaniya upang siyang manguna sa ating bansa tungo sa pagsulong at pag-unlad.

Kaisa ko rin ang bawat Pilipino na umaasam sa minimithing pagbabago na ipinangako niya nung panahon ng kampanya.

Sana lang ay hindi mabigo ang mga mamamayang Pilipino na umasa, nagtiwala at sumuporta sa kaniya upang ipidal ang ating bansa mula sa isang sadlak na kalagayan patungo sa bagong umaga bilang isang bansang Pilipinas!

Sa aking pakiramdam ay tila ba ako'y nagising mula sa isang masamang bangungot at pangitain.

Nawa, hindi ako nagising lamang upang mapagtanto na ako pala ay nasa loob pa rin ng isang panibagong bangungot na aking kasasadlakan!

Sana this time, ay hindi na tayo babangungutin at tayong lahat ay magigising sa bagong umagang dala ng ating pinagkatiwalaang bagong Pangulo ng ating bansa!

Aba, magarbo ha at engrande ang pagsalubong sa ating hinalal na Pangulo. May street party pa sa Quezon Memorial Circle upang maipadama marahil na kaisa natin ang pangulo sa pagharap sa mga hamon at unos ng buhay bilang isang bansa.

Sana hindi lang ito puro rigodon at kasiyahan sa buong isang taon. Bagkus ay umpisahan agad ang mga gawaing nakabinbin nang sa gayon ay maging positibo na ang kalagayan ng ating bansa.

Tama na ang kasiyahan. Umpisahan na ang labanan!

Harap na agad sa giyera, Mr. President , para iligtas ang ating Inang Bayan mula sa mga kaaway.

At dalangin namin ang iyong tagumpay para sa labang ito.

Ang laban ng mga Pilipino!

Good luck, Mr. President Benigno Simeon " Noynoy " Cojuangco Aquino III.

Welcome to the real world.

Tuesday, June 29, 2010

K-POP versus P-POP



Nauuso ngayon ang K-POP o ang Korean Pop na click na click sa mga bagets. Ito ay ang mga moderno at new generation music na galing sa bansang Korea na kinahihiligang pakinggan ng mga kabataan ngayon lalo na dito sa Pilipinas.

Ilan sa mga sikat na K-POP singers ay ang Wonder Girls, One Way, Vibe, After School, 8Eight, Brown Eyed Girls at marami pang iba kabilang na ang 2NE1 kung saan kasapi si crying lady Sandara Park na dating contestant sa Star Circle Quest ng channel 2.
Na sa kabilang banda ay pinanggagalaiti naman ng mga P-POP o Pinoy Pop na singers mula sa atin.

Sa ganang akin, may karapatan at punto ang ating mga kababayan na manggalaiti sa galit dahil nga naman imbes na mga kapwa Pinoy ang ating sinusuportahan at tinatangkilik upang matulungan ay mga dayuhan pa ang nakikinabang sa mga perang ating inilalabas para bilhin ang kanilang produkto na di hamak na mas maunlad naman kaysa sa atin.

Tuloy ay naiitsa-puwera ang ating mga kababayang miyembro ng Original Pilipino Music.

Hamon naman ito sa mga Filipino singers and composers na makipagsabayan at tapatan ang talentong ipinamamalas ng mga Koreano sa larangan ng musika nang sa gayon ay hindi tayo napag-iiwanan sa kangkungan. Palagay ko ay kayang kaya naman itong gawin ng ating mga Filipino counterpart na mga P-POP , dangan nga lamang ay nagpapalamig-lamig sila sa pansitan kaya hindi nila alam ay nauungusan na sila ng musika ng ibang kalapit na bansa natin.

Gone are the days na ba na Pilipinas ang naghahari sa larangan ng awitin sa buong Asia-Pacific region in the 70's and 80's?

You better wake -up OPM members at baka magising na lang tayo isang araw na puro Koreano na ang kumakanta sa ating mga radyo.

Teka nga , bakit ba wiling wili dito ang mga kabataan eh hindi naman nila naiintindihan ang mga mensahe at liriko ng mga awiting ito ng mga Koreano ?

Ah , geo-kku-reo-jeo-ra! ji-o-ge-na tteo-reo-jeo-ra !

Gets n'yo?

Ha ha ha ha

Monday, June 28, 2010

Ang Babaeng Bakla.....ikinasal na rin sa wakas.....



Yes, the icon of all homos finally walked the aisle by marrying Coy Placido last June 19 , 2010.

She becomes the love of many gays since the airing of her hit song "Babae Po Ako" which tackles issues surrounding a girl who is mistaken for being gay because of her physical looks and manners which is typical of a gay man.

Another hit song "Kuya Huwag Po", tackles the theme of a girl being harassed by her boss becomes her signature line.

She is dubbed as being "babaeng bakla" because of her manners and actuations similar to that of a screaming parlorista.

To the dame of all true blooded gays all over the Philippines , go ye and multiply and may you continue to be the epitome of and the support for the upliftment of the gay society in the Philippines.

Cheers to the newly wed!

Sunday, June 27, 2010

PBB Teen Clash Edition Big Winner

Proclaimed yesterday as the Big Winner of the Pinoy Big Brother Teen Clash Edition of channel 2 is no other than half-Australian and Filipino Robert James Reid via Unite at The Big Night at Ynares Center, Antipolo City.

The 17 year old looker garnered 179,294 votes from the viewers enough to make him won the coveted prize from the said show. With his winnings comes P1,000,000 (plus the same amount to a chosen charity), a laptop computer, a 42-inch flat screen TV, an Asian tour package, a bottled water business, and a condominium unit.

Armed with good looks and a determination to prove his worth, he was overwhelmingly chosen by the televiewers to bag the top prize and be awarded as the PBB Teen Clash Edition winner.

The order of winners are as follows: 6th Big Placer is Zach Efron look-alike Bret Alan Jackson II who's from America, 5th placer is Ivan Anthony Dorschnera cutie and a hunk who's half-Irish and Filipino, 4th placer is the ever humble Devon May Seron , 3rd placer is my bet, the friendly and charming girl Fretzie Joan Bercede, and the runner-up is comic Hyun Sung "Ryan" Bang from Korea.

Congratulations to all the winners and " ipakita natin sa mundo, Pinoy ako, Pinoy tayo"

Saturday, June 26, 2010

Charice on Glee


Usap usapan sa apat na sulok ng internet ang pagkakasali ni Charice Pempengco sa TV musical show sa America na Glee.

Gaganap si Charice bilang isang foreign exchange student who would eventually become lead star Rachel Barbara Berry's ( Lea Michele ) worst nightmare.

Wow, talagang bigatin na ang Pinay na ito huh.

Umpisa pa lang yan huh!

Marami pang darating , pramis!

Watch out for Charice , the epitome of the phrase " small but terrible "

Friday, June 25, 2010

What's wrong with this picture?


What's wrong with this picture?

Naggigirian na dito sina Ron Artest ng L.A. Lakers at Paul Pierce ng Boston Celtics sa Game 7 ng kanilang championship fight pero tila ba........................ hmmmm.

Hindi na kaya sila makapagpigil sa kanilang sumisidhing at sumisilakbong galit sa isat isa kung kayat........................naglapat na ang kanilang mga labi he he he.

Just a wild imagination.

Thursday, June 24, 2010

Man's Best Friend

Ang aso daw ang Man's Best Friend.

Naniniwala ako sa pariralang ito. Wala nang iba pang mas loloyal o tatapat pa sa isang aso.

Ang aso, paluin mo man, hambalusin, latiguhin,tadyakan, sipain,bambuhin ng ilang beses- pag-uwi mo galing sa trabaho, masaya pa rin itong sasalubong at iwawagayway ang kanyang buntot, tanda na masaya siya sa pagdating ng kanyang amo kahit kanina lang ay hinarass siya nito!

Hindi marunong magtanim ng galit ang mga aso.

Basta alam niyang pinapakain mo siya at inaalagaan ay sasambahin ka niya hanggang sa siya ay mamatay.

Ikaw ang kanyang panginoon.

Marami na rin kaming naging alagang aso. Puro lokal at askal, wala pa akong naaalagaang imported. Lahat sila iisa ang ugali: Loyal

Naalala ko yung isang tuta na naging alaga namin nuon. Dahil umihi siya sa loob ng bahay ay pinalo at talagang sinadista ko ang kawawang aso sa aking galit.

Ang ginawa nung tuta, nang binuksan ko ang pinto, nagtatakbo palabas ng bahay na bahag ang buntot, at simula nun ay hindi na namin siya nakita!

Meron pa akong picture na may kalong akong aso kasama ang aking mga mahal na Lolo at Lola.

Mahilig ako sa aso. Pero hindi ako mahilig mag-alaga nito. As in papaliguan mo lagi at pakakainin. Ayoko ng responsibilidad. Lalo na sa hayop.

Pero may isang aso na aking inalagaan simula nung tuta pa lang siya hanggang sumapit ang "trahedya" sa kanya.

Paborito ko ang asong yun. Makapal ang balahibo nya pero bansot. As in hindi sya lumalaki kahit na tumatanda na siya. Napunta siya sa amin nung time na wala akong kaibigan at mahilig mapag-isa. Teenager ako nun. Siguro siya ang itinuring ko na nag-iisang kaibigan.

Lagi ko siyang pinapaliguan araw araw. Pinapakain. Sinisipilyuhan ko pa yun. Pinupulbusan.At inaalisan ng garapata at kuto. Katabi ko siyang matulog. At lagi syang nahihiga sa paanan ko. Kapag dumarating ako, nandyan agad siya at nakasalubong sa akin; winawagayway ang buntot at dinidilaan na ang aking mga paa.

Isang araw, dumating ako na tila ba walang Jumbo na sumalubong sa akin! Nagtaka ako. Maraming tao sa bahay. Dumating pala ang isa kong tiyuhin nung araw na iyun galing sa abroad.

Kinabahan ako! Nang tanungin ko ang isa kong pinsan kung nasaan si Jumbo, muntik akong himatayin sa tinuran nya.

" Ipinakatay ng Papa mo para daw handa sa pagdating ni Tito"

Blaggg!!!!!!

Yun ang isang trahedya na una kong naranasan regarding sa pag-aalaga ng hayop.Kaya simula nun, di na ako nag-alaga ng hayop. Ayoko kasing matulad sila kay Jumbo!

Mahilig kumain ng karneng aso ang Tatay ko. Natatandaan ko, kapag panalo siya galing sa sabong, may uwi o pasalubong iyan na karneng ulam. At kaming magkapatid bilang mga bata ay sarap na sarap na lalantakan ang nasabing putahe.Kahit medyo maanghang ito.

Tapos biglang sasabihin ng tatay ko, " karneng aso yan he he he he"

Sige pa rin kaming magkapatid sa pagkain. Wala kaming pakialam. Masarap eh!

Pero nag-iba nung araw na katayin si Jumbo. Pagbukas ko ng ref, nakita ko duon ang ibat-ibang mga laman loob ni Jumbo na nakalagay sa mangkok. Nasuka ako sa naamoy at nakita ko.
Simula nun, nasusuka na ako kahit makakita lang ng karne ng aso.

O kahit makatanaw lang ng isang asong kinakatay, bumabaligtad na ang sikmura ko.Argghhhhh!

Nasa balita isang araw, may nasabat daw na 70 askal na nakasakay sa isang van. Dadalhin sa Baguio, ibebenta sa mga restoran duon na kumakatay ng mga aso.

Kamakailan lang muling kumatay ng aso sa amin. Kinatay dahil pasaway daw ang nasabing aso. Marami nang nakagat at mahilig pang umebak sa kung saan saan.

Ang ending naging pulutan si Oman, aw aw aw aw!

Ito ang isang kanta na dedicated ko kay Jumbo at sa iba pang asong sumalangit na sa Dogheaven:

ASO - SIAKOL

Ako’y may alaga asong mataba Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya kaming dal'wa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya’y sumusunod Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin Lalo’t maamo at masunurin
Sila’y alagaan at wag pabayaan Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako mahal ko rin sya Paglalambing niya aking damang dama

Pag siya’y binabato, aking pinagtatanggol Pag ako’y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaibigang tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop ay dapat ding mahalin Lalo’t maamo at masunurin
Ngunit minsan ay di mo rin akalain Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso ko’y nauulol Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya ganon na lang ang aking pagtataka

Ako’y may alaga asong mataba Bunto’t ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na!


Wednesday, June 23, 2010

“I’m 38, yet I feel empty and worthless.”- a letter to Migs

Nais kong i-repost ang isang letter na ipinadala ko kay Migs para sa kanyang website na Manila Gay Guy. Ito ay nuong October 14 , 2009 lumabas sa kanyang site. How lonely I am and feel worthless nung gabing yun na sinusulat ko ang liham na ito that I feel I wanted an advice. Buti na lang nandiyan si Migs.

Thank God dahil ngayon nakaahon na ako and I feel better! I feel so blessed dahil no matter what happen, nandiyan lagi si God, ang mga friends ko and my family to support and love me for who I am.

( Note: This letter was chosen to be part of a book entitled Dear Migs: Letters To Manila Gay Guy which will be on sale starting July 10 , 2010 )

Read on:


“I’m 38, yet I feel empty and worthless.”

Letters, Migs Speaks Entry Feed Trackback

Dear readers, our letter sender below would appreciate if you can give him a piece of your mind. Feel free to comment and provide encouragement to our dear kapatid.

* * *

Dearest Migs,

It’s my first time to write you. I just recently discovered your site and upon seeing it I became instantly addicted, what with all the fabulous pictures of beautiful boys and men, no wonder lots of gay guys can become easily hooked, including me.

I’m a gay guy, no doubt about it.

Migs, sumulat nga pala ako dahil gusto ko ring i-share ang aking buhay sa milyun-milyon mong tagasubaybay, plus the fact na nais ko ring humingi ng words of advice regarding my present situation.

I have been in existence for 38 years now and yet I feel like I am “empty” and “worthless“.

You know Migs, I was born in a family that hated gays, literally, especially my father.

Bata pa lang ako ay ipinaramdam na nila sa akin ang labis nilang pagkamuhi sa mga bakla.

And yet, bata pa rin lang ako ay ramdam ko nang berde ang kulay ng dugo na dumadaloy sa akin.

Pero dahil sa naramdaman kong labis nilang pag-oppose sa aking tunay na pagkatao ay pinili kong i-suppress at itago ito for a long time.

I’m a late bloomer Migs. 32 na ako nang una akong makaranas ng sex with a guy. At that age din tuluyan kong na -accept ang aking pagkatao, kasabay ng aking “baptism of fire”. Hindi pa ako totally nagka-come out, kasi nga sa family ko ay hindi pa rin tanggap ang aking “lihim na kalansay”. Hindi pa rin nila matanggap hanggang ngayon na meron silang anak na sirena, after all these years.

I’m nearing 40, and yet I can’t see myself beginning at that age. Marami akong tanong tungkol sa buhay Migs. And madalas akong mag-muni muni tungkol sa buhay nating mga bading. Would you be kind enough to at least explain or give me some new insights about gay life Migs?

Lately I have this thought na I’m not living any life at all. Pakiramdam ko ba ay wala akong halaga at silbi sa mundong ito. For a clearer point of view, I have identified certain areas in my life that needs rethinking and overhaul, I suppose.

Financial Difficulties — wala akong pinag-aralan Migs, that’s a fact. Dahil na rin siguro sa aking kabaklaan, kaya nagkandaletse-letse ang aking school background. At dahil dito ay ilang beses akong nagpalipat-lipat ng trabaho. Hanggang sa mapagod na rin akong mag-work at nagpasyang huminto. Gamit ang maliit na puhunan, nagtayo ako ng negosyo. Pero nakailang venture ako sa business, wala ring nangyari. Nalugi at nawala ang lahat ng business ko pati ang puhunan. Hanggang sa magising na lang ako isang araw na wala na akong pera kahit isang kusing. Ang masakit, kasabay na nawala ang mga dati’y malapit sa akin na mga tao. I am now living dependently on my parents’ allowance. Pero masakit ang mga patutsada nila na “hindi ko raw kayang tumayo sa aking sariling mga paa”. Sadly, I have accepted this fact Migs, na isa nga akong “lampa” at “parasite”. Nilunok ko na lang ang lahat ng pride ko dahil alam kong wala akong ibang mapupuntahan.

Emotional Trauma — malaki ang effect ng hatred ng family ko sa Homosexuality, sa aking emotional quotient. Lahat ng klase ng panlalait at pangmamaliit ay narinig ko mula sa kanila. Kaya naman heto ang naging resulta sa akin-marami akong kinatatakutan. I am shy, afraid of rejections, negative thinker, stage frightened, nervous, coward, and feel inferior to everyone. I think wala nang pride na natitira pa sa akin dahil sa mga kabiguang naranasan ko.

Spiritual Conflict — I am a very religious person Migs, back then nung hindi ko pa tanggap ang sarili ko. I have turned to religion to find the answers regarding my sexuality. But unfortunately, ay hindi ko nahanap dito ang mga kasagutan regarding my existence. Sadly ay ginulo pa nga nito ang aking mga perspective regarding gay life. I believe in God for sure. But I can’t reconcile my faith in God with what I believe in and what I am actually feeling. Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo na may Diyos na nagmamahal no matter what or who you are? Regardless kung anong relihiyon ang kinaaaniban mo?

Love and Relationship — I’m in the middle of a relationship Migs. Pero wala ring kwenta. I think puro pera lang ang habol ng mga lalaki ngayon sa mga gays na tulad ko. Ayoko namang pumatol sa mga kapwa ko bakla. Pero kung lalaki naman ay tiyak na huhuthutan ka lang, hanggang sa masimot ang buong bulsa mo. Minsan nagsasawa na ako at gusto ko nang kumalas. Pero ano ang pumipigil sa akin para gawin ito?

Migs, pasensya ka na at ginulo ko ang mundo mo. Nais ko lang talagang humingi ng mga insights at perspective regarding gay life. Sana pagaksayahan mo ng lakas at tinta ang liham kong ito na sagutin mo. Base sa mga payo at advice na nabasa ko galing sa iyo, I believe na may malawak kang kaisipan at pang-unawa hinggil dito. Please share your thoughts Migs.

Minsan parang gusto ko na lang tumigil at huminto sa pag-exist dahil tila ba wala namang kwenta ang mabuhay. But then, naiisip ko na, ganun na lang ba ako magpapatalo sa labang ito ng buhay?

Pero ang tanong, hanggang kailan ako makikipaglaban? Habang may buhay? Habang may hininga?

Sorry if very depressing ang letter ko. I just want to hear from you guys.

Migs, I dream of a world where everyone exists na may paggalang at respeto sa pagkatao ng kanyang kapwa, maging sino, ano, at alin man siya. Is it a far-fetched and wild imaginations Migs?

Hihintayin ko ang sagot mo Migs. Maraming salamat!

- Edgar

* * *

Dearest Edgar,

Maraming salamat sa iyong sulat. Ilang araw na ang nakalipas noong una kong nabasa ang email mo, at ang unang sinabi ko sa sarili ko, tiyak sasaguting ko sa MGG ang liham mo. Una, dahil ramdam ko ang pagiging totoo mo. Ikalawa, napakagaling mong magsalaysay. Ikatlo, naniniwala ako na may taglay kang lakas na maaari mong gamitin sa pagbabago, sa oras na gustuhin mo ito. Ikaapat at huli, marahil ay marami rin ang makapagbibigay ng sarili nilang kuru-kuro ukol sa iyong sitwasyon kapag nailathala ko ang sulat mo sa blog ko.

Edgar, sa salaysayin mo ng kung sino ka at sa lahat ng iyong pinagdaanan, batid ko na matagal ka na ring naghahanap ng lugar mo sa mundong ito. Edgar maniwala ka at isapuso mo na tunay na may lugar ka sa mundong ito. Kahit anupamang muhi o panlilibak ang narinig mo noong ikaw ay lumalaki at nagkakaisip, huwag mong kakalimutang narito ka dahil may lugar ka rito. Napakadali kung sasabihin ko sa iyong kalimutan mo na ang nakaraan, at harapin mo ang ngayon, ngunit alam kong hindi tugma sa realidad ang suhestiyong iyon. Siguro mas akma kung sabihin kong mas bigyang-pansin mo ang iyong pangarap sa hinaharap.

Napakarami mo nang napagdaanan, Edgar, ang bawat liko at lubak na iyong tinahak ay may kaakibat na bigat na siyang nakadantay ngayon sa iyong balikat. Paano mo kaya ito pakakawalan? Naitanong ko sa kadahilanang alam kong napakahirap sumulong tungo sa iyong pangarap kung dala-dala mo pa ang bigat ng mapapait na nakaraan.

Release the hurt, and forgive those who have wronged you. Forgive not because they deserve to be forgiven, but because it is the best way for your wounds to heal.

Ukol naman sa mga kasawiang naranasan mo, nawa’y ituring mo ito hindi bilang dagok ngunit bilang paunang aral upang sa mga susunod mong pagsubok ay mas matibay ka’t mas matatag.

Sabi nga nila, life begins at 40. Why don’t you take the next 2 years as your preparation period for a wonderful 40th birthday celebration, a most opportune time to celebrate a full reinvention of self? Plan things out, and take baby steps. I suggest you pick one or two areas in your life that you want to make some changes on. Make small steps towards your goals, and you might just surprise yourself after a while. And, believe that success begets success. After some taste of it, move on to other areas in your life where you want some changes. Little by little, your life will change before your very eyes.

Lastly, you are empty and worthless only if you believe it. I say, believe otherwise. You said, “I dream of a world where everyone exists na may paggalang at respeto sa pagkatao ng kanyang kapwa, maging sino, ano, at alin man siya.” I say, I dream with you of the same exact thing. I think many others dream with us, and I hope many more can help in making this dream of ours a reality.

Be well, Edgar, and please say with me: “World Peace!”

migs_signature.jpg
one1pixel

Tuesday, June 22, 2010

Ngipin


Kapag Pasko, naririnig ko ang kanta ng pamosong The Chipmunks na sina Alvin, Simon at Theodore na " All I Want For Christmas Is My Two Front Teeth"

At naalala ko ang aking ngipin hi hi hi hi.

Marami akong ngipin. Nuong hindi pa ako nabubunutan ng aking mga "unwanted tooth", ang bilang ko nuon ay 27 ito lahat lahat.

Ngayon, 24 na lang ito, pinabunot ko na ang dalawa sa aking tatlong "unwanted tooth". May natitira pang isa. Isang sungki na bagang.

Yung isa sa unwanted tooth ko na iyon ay isang pre- molar na nasa likod ng nasa harapan kong premolar o bicuspid. Na late yata siya ng tubo kaya sa likod na lang siya lumabas . Kung di ako nagkakamali, ito yata yung tinatawag nilang case of "impacted tooth"?

Kailan ko lang siya pinatanggal sa isang public dentist. Di ko naman kasi kailangan ang maraming pre-molar noh!


Yung isa naman sa aking mga unwanted tooth ay isang bagang o molar na nasa ibaba ng aking panga. Di ko siya pinabunot. Kusa na lang siyang natanggal o nawala-kasi nabulok na siya .Nakasandwich kasi siya between two teeth , sa bandang ilalim nila, kaya hindi naaabot ng toothbrush, kaya hayun, sa katagalan ng panahon, nabulok na lang siya .

Isa na lang na unwanted tooth ang natitira sa aking mga ngipin. Ito ay isa
na namang pre-molar na nasa ilalim ng aking gilagid na tila ba nagpipilit lumabas, pero hindi makalabas dahil may nauna nang dalawang ngipin sa kanya . Ewan ko ba bakit ganito sila.

Baka bulok na din siya sa ilalim. Kasi minsan sumasakit siya eh. Hindi pa ako makapag-decide kung ipapatanggal ko na siya o hindi pa. O hihintayin ko na rin lang siya na matunaw at kusa na lang na malaglag tulad nung isa . Naka sandwich kasi siya sa dalawang ngipin kaya mahirap magdecide kung aalisin siya o hindi na lang.

Ayon sa encyclopedia, ang isang baby ay tinutubuan muna ng first set of 20 Primary o Baby Teeth, sampu sa taas, sampu sa ibaba.

At habang tumatanda ang tao, at least bago siya mag puberty, ay dapat unti unti nang nalalaglag ang unang 20 mga primary teeth na ito at mapalitan ng aabot sa 32 Permanent Teeth na siya nating gagamitin sa pagnguya hangggang sa tayo ay pumanaw.

Eh 27 lang ang ngipin ko ah. Ibig sabihin kulang pa ako ng lima? Ngek. Eh sa 27 pa nga lang eh feeling ko ang dami dami ko nang ngipin tapos dadagdagan pa ng apat! Eh tinanggal ko pa yung dalawa, so ibig sabihin kulang na ako ng pito ngayon . Ayaw ko na silang madagdagan pramis! Tama na ito!

Iba iba rin sila ng edad mo kung lumabas o tumubo. Merong, tsikiting ka pa lang ay tumutubo na. Merong tumutubo kapag teenager ka na. Pinakahuli sa paglabas ay ang 4 na mga wisdom teeth: ang dalawang third molar sa maxilla(itaas na panga) at dalawang third molar sa mandible(ibabang panga). Lumalabas sila between the age of 18 and 21, ang dalawang age kung saan nag dedebut ang mga babae at lalaki respectively na kung saan sinasabing mayruon na silang karunungan o wisdom--kaya hayun wisdom teeth din ang ipinangalan sa kanila.

Ako, tamang tama, 21 ako at nag dedebut nang mag-umpisang magparamdam ang aking mga wisdom teeth!

Ang complete set of 32 Permanent Human Teeth ay ang mga sumusunod:

8 INCISORS( flat front teeth used for cutting) 4 maxillary lateral(2) and central(2) incisors at 4 mandibular lateral(2) and central(2) incisors ( ako, dalawa lang ang maxillary incisors ko)

4 CUSPIDS OR CANINES( long,"pointed" front teeth used for cutting and tearing foods) 2 left and right maxillary cuspids and 2 left and right mandibular cuspids( perfect ang cuspids ko)

8 BICUSPIDS OR PREMOLARS( the teeth with two cusps or "points" which is used for chewing and mastication of food) 2 maxillary first premolars and 2 maxillary second premolars plus the two mandibular first premolars and the other two mandibular second premolars( this time 2 rin lang ang maxillary premolars ko na dapat sana'y apat)


12 MOLARS( rearmost of all the teeth and has 4 cusps used for grinding food) 2 maxillary first molars, 2 maxillary second molars and 2 maxillary third molars(upper wisdom teeth) plus the 2 mandibular first molars, 2 mandibular second molars and the last 2 mandibular third molars( lower wisdom teeth)........ ( strangely enough tag apat lang ang maxillary at mandibular molars ko; what does this mean? Hindi pa lumalabas ang mga wisdom tooth ko huh??!!)


Yan ang kabuuan ng ating mga ngipin.


Ang ngipin ay binubuo ng 3 bahagi ang Crown, na siyang nakikita natin sa labas, ang Neck at ang Root, na binubuo ng mga nerves at blood vessels. Mayruon itong 4 na parte:


Enamel- the white and hardest part of the tooth which covers it.

Dentin-the part next to enamel which is softer and protects the dental pulp.

Cementum- a bony substance covering the root of a tooth.

Pulp-the central part of the tooth which is filled with blood and nerve vessels.

Yan lang naman ang anatomy ng isang ngipin. Wag na nating uriratin ang iba pa, iwan na natin yan sa isang Dentist.

Bihira akong pumunta sa Dentista. Ito'y dahil sa hindi naman ako madalas na sinasakitan ng ngipin o nagpapabunot dito.

Ang natatandaan ko, minsan pumunta ako sa isang dentista upang ipakayod ang aking isang front Incisor dahil nakita kong nabubulok na ang likod nito. Ayaw kong ipabunot kasi kako ayaw kong magpapustiso. Ang ginawa naman niya ay tinanggal lang at kinayod yung konting bulok na parte sa likod ng Incisor na yun, tapos ay pinapastahan ko.

Kaso ilang araw ang makalipas, habang kumakain ako ng isang manggang hilaw, pagkagat ko nang malakas ay eksakto....naputol ang nasabing incisor na pinakayod ko mula mismo sa puno nito

Kaya naging instant bungi tuloy ako. Ang nangyari naging masyadong manipis pala ang aking ngipin kaya madali na lang itong nabali kahit sa simpleng pagkagat ko lang.

Ang siste balik ako sa dentista para magpasukat ng pustiso. Kaya ngayon ang isang Incisor ko ay pustisado na.

Hindi rin naman ako madalas magsipilyo. Twice a day lang ako magsipilyo. Hindi katulad ng iba na makangata lang ng kendi ay nagsisipilyo na agad. Dati nga nung bata bata pa ako ay once a day lang he he he. Biro nga nila sa akin, kapag nakikita nila akong nagsisipilyo, ay tinatanong ako kung saan ako pupunta. Bakit ikako, hindi naman ako aalis. At sasabihin nila, kasi daw nagsisipilyo ako, eh nagsisipilyo lang daw ako kung aalis lang ha ha ha ha.

Ang sabi ng Nanay ko, kapag may nabungi ka daw na ngipin ay itapon mo sa bubong ng bahay ninyo para palitan daw ng ngipin ng mga daga na matitibay. At sabay recite nito:

" bao ,bao ngipin mow ta ngipin kow
ta ngipin kow ta ngipin mow"

O di ba tongue twister he he he.

Ayaw ko ngang magkaruon ng ngipin ng daga.

Kasi baka mamaya pati haligi namin ay ngatngatin ko na.

At saka baka habulin ako ni Medyas ha ha ha ha.

Monday, June 21, 2010

2 years old , adik sa sigarilyo



Nakakatuwang nakakainis na nakakaawa ang mga emosyong naramdamanko nang mapanuod ko ang videong ito ng isang dalawang taong gulang na bata pa lamang ay adik na sa yosi o sigarilyo.

Sa murang edad na dalawa ay bihasang bihasa at beterano na ang totoy na ito sa pagyoyosi huh. Akala mo ay ngumangata lamang siya ng Marie sa kanyang bisyo.Biro mong 40 sticks ang kayang ubusin araw-araw huh. Lumaki laki pa ang bulinggit na iyan at makakaubos na iyan ng isang ream na tabako sa isang araw!

Aba'y tinalo pa ang pinsan kong chain smoker na nakaka-isang kaha lamang ng Fortune sa isang araw. Dinaig pa ang mga matatandang sunog baga.

Siya nga pala ay si Ari Rizal mula sa bansang Indonesia.

Sabi ng iba, maaari daw na hindi na iyan makatuntong pa ng High School ay malamang matigok na ang batang iyan dahil sa sakit sa baga.

Ewan ko ba, pero ako ay hindi talaga natutong mag-yosi kahit nung kabataan ko.

Nakatikim din ako ng ilang sticks nito at humithit nito ng ilang beses dahil sa udyok ng mga kabarkada ko nuon , pero hangggang duon lang.

Ni hindi ko man lang hinanap o kinasabikan ang paglanghap ng nakalalasong usok nitong bisyong ito.

Pero ang hindi ko maubos maisip ay kung baki tila ba sarap na sarap ang nakararami sa nakakaduwal, makati sa lalamunan at masangsang na usok nito na alam naman nilang pumapatay ng tao.

Kahit nga sa pakete pa lang nito ay nakatatak na ang babalang " Dangerous to your health" pero sige pa rin ang mga tao sa paglanghap ng "aroma" nito.

Salamat naman dahil ang father ko na dati ay isa ring chain smoker ay nahinto na sa bisyo niyang ito simula nang magka-edad. Nung bata pa si Father ay ako pa ang tagabili niyan ng Phillip sa aming katabing sari-sari store. Buti naman at walang nagmanang kapre sa kanyang mga anak. Dahil nung bata kami ay babad na babad kami sa tanawing ganito ni father. At ang aming bahay nuon ay hitsura ng pugon ng tabako sa Ilocos kapag nandiyan si Papa. Passive smoking ang tawag sa secondhand smoke na nalalanghap ng iyong mga kasambahay sa loob ng bahay. At minsan ay mas malala pa ang epekto nito dahil hindi nasasala ng filter ng yosi ang nalalanghap mong usok.

Kaya nga kapag nakasakay ako sa jeep at may naninigarilyo , at ang usok ay humahampas sa mukha at ilong ko, talagang bumababa ako ng jeep huwag lamang makalanghap ng usok ng kapreng iyon. E di ba may ordinansang bawal ang mag-yosi sa loob ng mga pampublikong sasakyan? Pero bakit tila yata marami ang lumalabag dito at hindi man lang pinapansin ng mg kapulisan natin?

Ewan ko ba, bahala nga kayo!

Basta, Smokers never grow old.......

..............because they die young!

Yun na!

Panuorin n'yo na lang ang video dito:

Sunday, June 20, 2010

Father's Day 2010

Araw ngayon ng mga ama ng tahanan.

Tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Hunyo ay ang itinalagang espesyal na araw para sa mga ama.

My father is a very special one.

Espesyal na espesyal para sa akin.

He is a very strict father to begin with.

Bata pa lang ako ay namulat na ako kung gaano ka-istrikto si Papa.

Hate na hate niya ang mga bakla to be sure.

Kaya naman siguro nang maramdaman niya na ang kanyang panganay na anak ay tila ba patungo sa pagiging malamya, mahinhin at umiikot ang puwit sa pagkendeng; he goes out of the way para lang mahinto o mapigilan ang seemingly ay pamumukadkad ko into a beautiful butterfly o mariposa sana.

Natatandaan ko - nakita niya ako nuong ako ay isa pa lamang badinglet o isang kiti-kiting baklita, na nakikipaglaro sa aking mga kaibigang kapwa girlalu at kumekendeng sa harapan nila sa saliw ng musikang " bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak, papasok ang reyna, ang saya saya....a boom tihaya boom tihaya....." boommmmm...hayun....nag-boom nga ang basketbola ni papa sa face ko at talagang tumihaya nga ako sa lupa so to speak!

Galit na galit na lumapit ang father at sinabihan akong " pumasok ka sa bahay at mamaya tayo mag-uusap" with matching usok sa ilong na parang toro.

At kinagabihan nuon ay nangyari ang isang bagay na magpapaintindi sa akin tungkol sa kaisa-isang bagay na labis niyang kinamumuhian.

Simula nuon ay naintindihan ko ang gusto niyang mangyari.

Masalimuot ang pagsasama namin ni father sa iisang bubong.

There come a time pa nga nuong kabataan ko na hindi ko siya kinakausap. Makita ko lang siya ay nangangatog na ang tuhod ko sa nerbyos. Nasabi ko minsan na " masasabi ko ang problema ko sa isang baliw, pero hindi kay Papa"

But, as time goes by , pinilit kong intindihin si Papa.

Siguro ganun lang siya ka-over protective sa akin.

Siguro may mga pinagdaanan siya na hindi ko nalalaman.

Siguro may mga bitterness siya na natatago sa kanyang buhay.

Siguro ganun lang talaga siya.

Siguro ganiyan ang pagkakalikha sa kanya ni Lord!

In time natutunan ko nang tanggapin ang kahinaan ni father.

And, by this time, siguro natutunan na rin niya akong tanggapin kung sino at ano ba talaga ako!

Sa ayaw niya o sa gusto!

Father is not perfect. And that's for sure.

I am too.

But I thank God, He had given me the father that I know .

Wala akong pinagsisisihan.

Because who can demand perfectness, when you, yourself isn't.

He may not be a perfect father, but for God, he is the perfect father for an imperfect son who is me!

To all the fathers, Happy Father's Day!

And to Papa....

......a very Special Father's Day!

Saturday, June 19, 2010

Congratulations L.A. Lakers


Nanalo kahapon ang Los Angeles Lakers ( Western Conference champion ) sa pangunguna ni Kobe Bryant sa game 7 ng 2010 NBA Finals laban sa Boston Celtics ( Eastern Conference champion ).

Hindi ako mahilig sa basketball sa totoo lang.

Kahit nuong bata pa ako ay hindi ako athletic at sportsminded na tao.

Naaalala ko na ang pinaka-laro ko nuon at pampatulo ng pawis ay ang mga larong tulad ng piko, step no step yes,taguan pung, patintero, tumbang preso, habulan, langit lupa, tic tac toe, jackstone at pick up sticks at siyempre ang favorite kong bahay-bahayan na kung minsan ay ako ang gumaganap na nanay he he he he.

At ang father ko dahil sa kagustuhan na gawin talaga akong isang tunay na lalaki ay isinama ako minsan, isang malamig na umaga ,sa kanilang ensayo ng basketball at tuturuan niya daw akong maglaro nito.

Nagkanda ekis-ekis na ang mga paa ko sa kadi-dribble ng bola ay hindi ko pa rin natutunan kung paano ang tamang paglalaro ng panlalaki at pangmaton na larong ito.

Kinakantiyawan na tuloy ako ng mga kasama ni father na para daw akong hindi lalaki dahil hindi ako marunong maglaro nito. Ang hindi nila alam ay totoong hindi ako lalaki he he he he. Kahit sa pag-shoot ng bola ay sablay pa rin ako.

Hanggang sa mang-hinawa si papa sa pagtuturo sa akin at sumuko na sa pag-eensayo ko dahil talagang hindi ko matutunan ang tamang pagdribble,pagpasa, pag-shoot, paglundag at paghawak sa bola patungo sa field basket nito.

Simula nuon ay nagkaruon ako ng phobia sa basketball.

Basta kapag nakakakita ako ng mga naglalaro ng basketball ay umiiwas na ako dahil natatakot akong tuksuhin at kantyawan ng mga lalaking naglalaro nito kapag nalamang wala akong kaalam-alam sa sports na ito.

I have outgrown this fear in basketball. Ngayon , keber ko kung malaman nila na hindi ako marunong maglaro nito. Basta ang gusto kong laruin ay ang buhay at pumipintig na bola ha ha ha ha.

Ito na ang pang-labing anim na panalo ng L.A Lakers sa basketball history na ito ng Amerika.

Aba may pakinabang rin naman pala sa pagsubaybay sa larong ito huh.

Dahil dito,I have been 500 peso richer dahil sa muling pagcha-champion na ito ng L. A. Lakers.

Congratulations Lakers!

Friday, June 18, 2010

Katrina Halili / Hayden Kho Scandal revisited


In the news na naman ang controversial na sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili due to latest court proceedings tungkol sa kaso ng dalawang equally controversial star.

Nuong kasagsagan ng init ng brouhahang ito kahit saan ako magpunta ay ito ang talagang pinag-uusapan ng lahat !

Iyong katrabaho ko nuon , dyusko, kung makatili tungkol sa videong ito eh daig pa ang baklang pinutulan ng etits sa ingay at daldal!

Hay naku, here we go again.

Eh bakit ba naman kasi pinag-aaksayahan pa ng panahon yan eh pareho namang may kasalanan ang dalawang yan anoh. Ang hirap sige ang turuan nila at patutsadahan eh pareho naman silang mga buwang. It just takes two to tango or salsa!

FOI, walang mangbababoy kung walang nagpapababoy debah.

Wala ring mang-aabuso kung walang willing magpaabuso.

Ang sa akin lang, ginusto nyo at nag-enjoy naman kayong pareho.......look at the moon na lang tayo!

Eh kung pinabayaan nyo na lang at hindi na iyan ibinandera pa sa harap ng camera, konti lang sana nakaalam, yung mga nagyou- youtube lang at nakabili nung video.

Eh di ngayon dahil pinasikat n'yo ng todo iyan maging yung mga caveman yata sa kuweba ng Palawan eh alam ito. At kahit yung mga Ivatan sa Batanes alam na rin at upadated sa balitang ito huh.

Moral of the story: beware of carelessness and whispers of a good friend!

Di nyo pa ba natatandaan ang laging paalala ni John Lloydie ko......"INGAT" daw poh.

Huwag sabak ng sabak agad sa giyera nang hindi nakahanda at baka hindi mo namamalayan eh ikaw na pala ang ibinabala sa kanyon.

Huwag pasok nang pasok sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung paano mo lalabasan.

Ang hirap kasi sa mga daga, akala nila wala ang pusa kaya naglalaro at nagwawala. Suong ng suong kahit saang lungga at butas. Iyon pala bunganga na pala ng pusa ang nasusuungan nila ha ha ha ha.

Kaya kapag nasakmal ka ng pusa dahil sa kakaulitan mo, huwag mo nang sisihin ang iba. Sisihin mo na lang ang sarili mo at matuto sa leksyon na kaakibat nito.

Yun na!

Thursday, June 17, 2010

Eraserheads


Paborito ko ang Eraserheads

Simula pa lang nuong nagsimula kong marinig ang musika nila nuong early 1992 ay naging tagahanga na nila ako.

Binubuo ng apat na henyo sa musika na pawang galing sa UP, sila ay maitutulad sa The Great Beatles ng England.

Wala na ngayon ang Eraserheads na binubuo dati nina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan at Buddy Zabala.

May kanya kanya na silang buhay na wala nang kinalaman sa Eraserheads.

Si Ely ay may sarili nang banda, una ang Mongols, at ngayon ay Pupil.

Si Raimund ay mayruon na ring Project 1 na banda ngayon.

Si Buddy ay kung saan saang banda na lang nakikitugtog ngayon.

Habang si Marcus ay busy yata sa pagsa-surfing sa La Union.

Anut- anuman, nitong nakaraang March 7, 2009 ay nagkaruon sila ng reunion concert sa Mall of Asia entitled The Final Set, na kanilang inialay para sa kanilang kaibigan na si Francis Magalona na namaalam isang araw bago ang kanilang reunion concert.

Heto naman ang aking tribute para sa tinaguriang " The Beatles of The Philippines", ang kwentong.....





TINDAHAN NI TOYANG



Isang araw sa TINDAHAN NI ALING NENA, nakatambay ang mga magkakaibigang JULIE TEARJERKY, TOYANG,SHIRLEY at LIGAYA.

Ang tindahan ay nasa 66 DR. SIXTO ANTONIO AVENUE na malapit sa isang WISHING WELLS.

Ang sabi ni Shirley: "alam nyo hindi ako nakatulog kagabi, may INSOMYA ako eh, pabali-baligtad ako sa aking KAMA SUPRA."

" Ah ganun ba? baka naman lumaklak ka na naman ng ALKOHOL kagabi kaya ganun?" sabad ni Julie.

" EASY KA LANG, PARE KO, di ako lumaklak kagabi ano, ang tutoo niyan, nag OVERDRIVE kami ni HEY JAY sa party . Hayun, halos magdamag kami duon at pagdating ko ng bahay , hindi na ako makatulog."

"Eh anong ginawa nyo sa party ha aber?" saad ni Ligaya.

" Wala naman masyado, nagsayaw lang kami ng HULING EL BIMBO, tapos naglaro sa POP MACHINE, tapos nagbasa ng mga MAGASIN, and lastly tumira kami ng BATO."

" Ayun, kaya naman pala eh. Tapos ngayon magrereklamo kang hindi ka makatulog. Eh ang lakas yata ng amats mo kagabi pare eh", si Toyang.

" Hindi naman, konti lang naman yun eh, SUPER PROXY lang yun HA HA HA."

" Asus palusot ka pa Ineng eh bistado ka na", si Ligaya.

" At maya maya nga eh, sabi ni Jay, " GAME, TAMA NA, aalis na tayo, gumagabi na oh", kaya nagsimula na kaming umuwi nun, mga alas dose na yun ng hatinggabi.

At habang we're WAITING FOR THE BUS, malapit dun sa PLAYGROUND, biglang may lumapit na mama sa amin na nakasuot ng MASKARA at tinutukan kami ng baril sabay sabing " PARA SA MASA ito, holdap to, wag kayong kikilos".

"O anong ginawa ninyo?" sabay sabay na tanong ng tatlo.

" Sabi ni Jay, " HUWAG KANG MATAKOT, meron akong CUTTERPILLOW dito at meron din ako ritong SINTURONG PANGKALIGTASAN kaya huwag kang mag-alala, akong bahala"

" O tapos?" chorus ng tatlo.

"Hayun, eh marunong ng Martial Arts si Jay noh, kaya hayun binalibag niya at saka sinuntok ng ala FPJ yung mama na nanghoholdap samin, at saka sinabing " ayan sige, pupunta ka ngayon sa SPOLIARIUM at makakabitan ka ng AMBIDEXTROSE ha dahil sa ginawa mo, uhmmmm, tarantado ka ha".

" O anong sumunod na nangyari?"

" Wala na umuwi na kami, nag OVERDRIVE ulit kami na ang bilis, parang TORPEDO na halos ma- SHAKE YER HEAD ako eh sa tulin nung car namin. Para kaming COMBO ON THE RUN"

" At nung makarating na kami dito sa bahay, hayun sabi ko , 'SA WAKAS nakarating din ako, akala ko malilibing na ako sa POOR MAN'S GRAVE eh, hayyy.' SA WAKAS makakatulog na rin ako, tapos yun pala, hindi pa rin ako makakatulog man lang, waaahhhh!"

"Yan ang napapala mo, puro ka kasi party eh" sermon ni Toyang.

" Sa susunod, punta ka na lang sa Manila, dun sa Luneta Park, tapos panoorin nyo yung Sunset dun, yun romantiko pa yun, tapos magpa-HARANA ka kay Jay habang pinanonood nyo yung paglabas ng MASELANG BAHAGHARI sa ALAPAAP", suggestion ni Julie.

" Eh KAILAN naman kaya yun magandang gawin?"

" MINSAN, kapag halimbawa SEMBREAK nyo o walang pasok di ba?"

" Oo nga ano, WATING ka rin ah. Siyanga pala KAILAN ba ang SEMBREAK natin ha?"

"HUWAG MO NANG ITANONG, pumasok na lang tayo sa loob ng TINDAHAN NI ALING NENA at TIKMAN na lang natin yung ginawa niyang TAPSILOGUE at FRUITCAKE with MILK AND HONEY and BUTTERSCOTCH", anyaya ni TOYANG.

" Game, tara na, ano pah, BOGCHI HOKBU na" sabay sabay na tili ng apat na mga Mare.

At DAHAN DAHAN silang pumasok sa tindahan on a FINE TIME, WITH A SMILE.

SA WAKAS

Wednesday, June 16, 2010

Ang gabinete ni Noynoy

Aba'y usap usapan na tila ba nahihirapan si President elect Noynoy Aquino na mamili kung sino ang mga i-aappoint niya sa kanyang gabinete dahil sa dami ng nag-aapply.

Usap usapan din na karamihan yata sa mga appointee niya ay galing sa showbusiness.

Una na ngang lumutang ang pangalan ni showbiz talkshow host and star builder Boy Abunda na isa sa pinagpipilian para maupo bilang Secretary ng Department of Tourism.

Hindi naman ako opposed dito, ang sa akin lang ay sana mailagay sa puwesto ang mga nararapat at kwalipikado kahit galing man yan sa showbiz o hindi.

At ang ilan pa yatang artista na pinapagpipilian para siyang bumuo sa kaniyang bagong gabinete ay sina Dingdong Dantes para sa isang puwesto na may kinalaman sa mga youth, ganun din daw para kay Lovi Poe at kay singer Ogie Alcasid.

Buweno , dangan nga lamang at mahilig yata sa showbiz itong ating bagong presidente, meron akong ilang mga no nonsense suggestions kung sinu-sino ang puwedeng maupo sa mga puwestong mababakante by July 1, 2010 na galing mismo sa showbiz na kanyang kinalulugdan.

Doktora Vicky Belo para sa Department of Health- tutal isa naman siyang doktor at mahilig din siya sa mga doktor at mang-doktor este manggamot. At tutal ay very close naman sila ni Doctor Hayden Kho Junior ay gawin na niya itong Assistant sexretary este Secretary pala. Tiyak manggagalaiti lalo si Katrina Halili nito.

Lolit Solis para sa Department of Budget and Management. Tiyak na ang pag-asenso at paglago ng ating national budget taun taon dahil sa maraming mahaharbat itong si Manay Lolit he he he he.

Si Willie Revillame para naman sa Department of National Defense. Aba'y walang ginawa ang mama kundi dumepensa sa kanyang mga gawain at magpaliwanag tungkol dito, kaya for sure maaasahan natin siyang idedepensa tayo laban sa mga mapang-aping tulad ni Jobert Sucaldito huh!

Si Nanay Dionisia Pacquiao para sa Department of Education, Culture and Sports. Eh tutal nag-aaral naman ang kanyang anak na si Congressman Manny Pacquiao ngayon, tama lamang na si Nanay Dionisia ang mangasiwa dito. Plus eh di ba cultural dancer din si Nanay dahil isa siyang ballroom dancer di ba? At tamang tama naman ang sports para sa kanyang anak na si Pacman, oh debah?

Bagay naman si Ai Ai Delas Alas sa Department of Foreign Affairs dahil mahilig siya sa foreigner he he he he, lalo na sa affairs. Puwede rin si Pokwang, tutal magkamukha naman sila, at pareho ding mahilig sa foreign affairs.

Si Joey Marquez ay akmang akma sa Department of Labor and Employment dahil sa dami ng mga babaeng pinag-labor niya he he he. Plus with matching " tagas " pa ha ha ha ha.

Samantalang si Bebe Gandanghari ay puwede naman sa Department of Science and Technology dahil sa kagustuhan nito na gamitin ang siyensya para sa kanyang transformation into a beautiful true blooded swan! Biro mo nga naman ang fete niya, magmula sa isang dati'y brusko, matipuno at simpatikong si Rustom Padilla ay pinatay niya ito at ni-resurrect bilang isang bumubukadkad na mariposa sa tulong ng agham ha ha ha ha.

Si Baron Geisler ay kailangang ilagay sa Department of Justice dahil kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga akusasyong harassment niya sa ilang mga babae kapag nalalasing. Kung meron lang Department of Wines and Beers, bagay na bagay siya dito.

Sa Department of Social Welfare and Development ay tugma si Kuya German Moreno dahil mahilig umampon ng mga batang may talent at future. At marami na siyang natulungan at naalagaang mga kabataan huh na kanyang naiahon at naisalba sa kahirapan at kaapihan huh.

I'm sure marami ang aagree sa akin kay Chin Chin Gutierrez bilang direktora ng National Center for Mental Health dahil marami ang makaka-identify sa kanyang mga pasyente ng ospital na kumakausap sa mga hayop at halaman he he he he. Tiyak magiging close sila ng mga pasyente dito di ba?

At si President Erap Estrada puwede niyang ilagay as chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office, tutal hilig naman nito ang mga sugal at mga tong huh.

Kailangan naman natin ang isang matapang at sumasambulat ang bibig bilang pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board tulad ni Direk Andoy Ranay upang mahinto na ang mga kahalayan at kalaswaan sa industriya ng showbiz. For sure ayaw niya sa mga pelikula ang may nanghihina at nawawalan ng lakas kaya siguradong titino ang ating movie industry.

At para naman sa PAGASA, dapat ay si Hero Angeles, para naman malambungan ng pag-asa ang career nitong batang ito na matapos na manalo bilang grand winner sa Star Circle Quest ng channel 2 ay lumamlam na ang career dahil sa pagiging adelantado.

And last but not the least, ay si Jerry Olea, editor ng Abante-Tonite, para sa Optical Media Board ; dahil mahilig iyang "mang-raid" ng mga bagong labas na DVD at VCD diyan sa barter sa Quiapo he he he he. ( Peace Purity )

O sya sya , iyan ang mga suggestions ko kay president apparent Noynoy Aquino para iupo niya sa kanyang gabinete para hindi na siya mahirapang mag-isip. Dali-dalian mo at dapat bago magtapos ang Hunyo ay nakapili ka na ng mga nonombrahan mo na siyang tutulong sa iyo sa pagpapatakbo ng bansa .

Sundin mo lang ang mga suhestyon ko at tiyak ang paglago ng ating bansa.

Yun na, he he he he.

Bati po tayong lahat!

Tuesday, June 15, 2010

Andoy Ranay and Jhake Vargas


Aba'y nakakaloka naman itong dialogue ni Direk Andoy Ranay sa bagets at paborito ko pa namang aktor na si Jhake Vargas sa shooting diumano ng TV series nitong First Time sa GMA 7.

Aba'y di ko kinaya ang dialogue nito -" eh kasi naman kapag may shooting ka , huwag ka munang magpapa-chupa kay Kuya Germs para hindi ka nanghihina " - or something to that effect huh!

Kaloka itech. Di ko keri.

Kaya naman mega sugod ang Kuya Germs kay Direk ha ha ha ha.

Buhketttt?

Ang pagpapachupa ba ay nakakapanghina?

Eh di nga ba at nakapagpapalakas pa dahil nare-release ang potential energy mo?

Akala n'yo lang iyan nanghihina, pero huwag ka , mas malakas pa kaysa dati. Yung iba nga nakaka-second round pa, iyan ba ang nakakapanghina?

Kaya unfair na i-ugnay ang panghihina ng isang lalaki sa pagpapa-chupa!

Meaning, hindi porke nanghihina ang isang lalaki eh chinupa na he he he he.

Itanong n'yo pa kay Freda , kay Bongga at kay Romana , ha ha ha ha ha.

Kaya huwag n'yong sasabihin na ang mga bading ay magnanakaw ng lakas.

Bagkus ay sila pa nga ang nagbibigay ng lakas!

Di ba Rommelita? He he he he he.

Asus!

Mga bakla talaga oh!

Monday, June 14, 2010

Pilipinas Got Talent's First Grand Winner Jovit Baldivino



As expected, Jovit Baldivino , the small but terrible siomai vendor from Batangas bagged the title of the first ever Grand Winner of 2 million pesos at the just concluded Pilipinas Got Talent search contest at ABS CBN channel 2.

He really deserve the title.

Bet ko siyang mananalo talaga ever since nagsimula ang show.

Magmula sa kanyang audition piece na pagbirit ng Journey classic na Faithfully, hanggang sa kanyang pagsirit ng kantang Carrie by Europe on semi-finals, and then ang kanyang makabasag-eardrum na pag-awit ng Queen's original Too Much Love Can Kill You, wala kang itatapon sa mga performance na ito ni Jovit.

A small person but with a powerful resonating voice that can fill the whole of Araneta Coliseum so thrillingly and amazingly.

Magagaling din ang iba pang 11 contestants na nakipagtagisan para sa titulo. Especially liked ko sina Alakim the Magician, Jeline the musical prodigy , ang Velasco Brothers na hanep ang acrobatic technique and maneuvers at siyempre ang very colorful and enthralling na Baguio Metamorphosis.

But Jovit did outshine them all.

Kanya talaga ang gabing iyon.

I'm very sure na malayo ang mararating ng batang ito. Who knows, he can be our next important people na ipapakilala sa buong mundo.

To Jovit Baldivino and the rest of the gangs of Pilipinas Got Talent, thank you and congratulations!

Mabuhay ang galing at angking talento ng mga Pilipino!

Wach the winning performance of Jovit here:


Sunday, June 13, 2010

Seven

7 is my favorite number.

7 is the number of God.

Here's some famous 7 in the whole wide world.




San Pablo City's 7 Lakes


1.Sampalok
2.Bunot
3.Palakpakin
4.Muhikap
5.Pandin
6.Yambo
7.Kalibato


Ancient Rome's 7 Hills
1.Palatine
2.Capitoline
3.Quirinal
4.Viminal
5.Esquiline
6.Caelian
7.Aventine


7 Sacraments of the Roman Catholic Church
1.Baptism
2.Reconciliation/Confession
3.Eucharist/ Holy Communion
4.Confirmation/Chrismation
5.Holy Matrimony
6.Holy Orders
7.Annointing of the Sick or Dying/ Extreme Unction


The 7 Deadly or Cardinal Sins

1.Pride( Superbia)
2.Avarice or Greed( Avaritia)
3.Envy( Invidia)
4.Wrath or Anger( Ira)
5.Lust( Luxuria)
6.Gluttony(Gula)
7.Sloth( Acedia)


7 Last Words of Jesus Christ
1."Father, forgive them ,for they do not know what they are doing."
2." I assure you, this day you'll be with me in Paradise."
3." Woman this is your Son" and " This is your Mother."
4." My God, My God, why have you forsaken me?"( Eloi, Eloi lama sabachthani?)
5." I am thirsty."
6." It is finished."
7." Father, into your hands, I commend my Spirit."


7 Wonders of the World

1.Great Pyramid of Giza( at Cairo, Egypt)
2.Hanging Gardens of Babylon( near Baghdad, Iraq)
3.Statue of Zeus(at the ancient town of Olympia, near Athens, Greece)
4.Temple of Artemis(at the ancient city of Ephesus, near Smyrna, Turkey)
5.Mausoleum at Halicarnassus( in Halicarnassus( now Bodrum) Turkey)
6.Colossus of Rhodes(at the harbor of the Island of Rhodes, Greece)
7.Lighthouse of Alexandria( at the ancient island of Pharos in Alexandria, Egypt)


The 7 Dwarfs of Snow White

1.Sleepy
2.Sneezy
3.Grumpy
4.Dopey
5.Doc
6.Bashful
7.Happy


and of course GMA channel 7....Kapuso......he he he he

Saturday, June 12, 2010

Independence Day



Ito ang araw ng ating kasarinlan.

Sa araw na ito ay napalaya ang ating bansa mula sa kuko ng mga dayuhang sumakop sa atin.

Sa araw na ito unang iwinagayway ang ating bandila sa Kawit , Cavite nang nuo'y presidente na si Emilio Aguinaldo.

It's been 112 years of being independent from any foreign invasions in our country.

Kung tutuusin, napakaraming bansa ang sumakop sa atin na talaga namang pinag-iinteresan na bagamat napakaliit na lupain subalit sagana naman sa mga kayamanan. Nandiyan ang Espanya na sumakop sa atin sa loob ng halos 377 na taon mula 1521 hanggang 1898, ang Amerika, at pinakahuli ang Hapon na labis na nagpahirap sa atin. Bukod pa riyan ang mga panaka-nakang pananakop din ng mga bansang China, Holland at Portugal sa atin bilang isang bansa.

Ngunit kung ating lilimiin, hindi pa rin tayo lubusang nakakalaya sa pananakop na unti unti sa ating lumulupig. Ito ay ang pananakop mula sa mga sakim at ganid sa ating lipunan na siyang totoong nagpapahirap sa ating bayan.

Kung tutuusin, kung hindi lamang tayo ganap na napasailalim sa pamumuno at pananakop ng mga taong tuso at sakim sa kapangyarihan, disin sana ay matagal na tayong umunlad at prumogreso.

Ngunit dahil sa kaimbutan at kaimbihan ng ilan sa ating mga kababayan, heto tayo, 112 years mula sa ating paglaya sa pananakop ng ibang bansa , sadlak pa rin tayo sa kahirapan.

Habang ang ibang bansa na sinakop at kaipalay pinalaya ng mga bansang sumakop sa kanila ay nakaahon na sa kahirapan at kalugmukan, tayo heto, nagkukumahog pa ring umahon mula sa kumunoy ng pagkalupagi.

Nawa, itong darating na bagong administrasyon ay magbigay na sa atin ng ganap na paglaya mula sa mga kuko, hindi lamang ng mga dayuhan, kundi maging sa mga kuko ng mga mapagsamantala, sakim, buktot, makasarili, gahaman at matakaw na mga kababayang siyang tunay na salarin sa ating patuloy na paghihirap.

At saka pa lamang natin buong pusong maisisigaw at maipagmamalaki sa buong mundo na tayo ay ganap at tunay na ngang malaya!

Isang maluwalhating paglaya sa iyo , Bayan Ko!

Friday, June 11, 2010

Mama's Special Day



Today is the special day for my dearest Mama.

It's her 69th birthday today, and we celebrate it with fun and laughter at SM Megamall with her whole family.

Si Mama- masipag, maalalahanin, matiisin, mapagpakumbaba at madasalin.

Bagamat hindi nakatapos ng pag-aaral ay biniyayaan naman siya ng karunungan kung paano patatakbuhin ng maayos ang isang pamilya.

Magaling sa pag-iimpok ng pera.

Numero unong martir at matimpiin sa isang pamilya na binubuo ng isang maton , babaero at dominanteng asawa, matapang at hindi nagpapatalong bunso at nang isang mahiyain, mahinhin at tahimik na dalaga este binata pala na siyang panganay ha ha ha ha. Pagsama -samahin mo ba naman iyan sa isang bahay, ay talagang riot ang kalalabasan he he he he.

Ay naku si Mother dear, love na love ko iyan!

Wala akong masasabi diyan kundi puro papuri at pasasalamat!

Kaya naman sa iyo Mother dear .............
..................Cheers and a long life!

Thursday, June 10, 2010

Jupiter hit by an asteroid

Isang pambihirang phenomenon ang nakunan ng telescopic video ng isang Filipino astronomer who goes by the name of Christopher Go.

Ito ay ang pagbulusok o pagbangga , probably, ng isang asteroid, o maaari ding isang kometa ayon sa mga scientist , sa planeta ng Jupiter.

Kitang kita sa video ang isang maliwanag na flash of light na nangyari sa isang sulok ng higanteng planetang Jupiter.

Ang sabi ng mga astronomer ay singlaki ng Pacific Ocean ang binagsakan ng nasabing asteroid na singlaki naman daw ng isang kontinente na kung sa ating mundo daw tumama ay maaring apocalypse na ng ating sibilisasyon.

Whew, buti na lang! Aba 2010 pa lang ngayon ah, hindi pa 2012!

Anyway, kudos to Filipino Christopher Go for triumphantly capturing this rare scene sa ating napakahiwagang Solar System.

Galing talaga ng mga Pinoy!

Watch the video here:

Wednesday, June 9, 2010

BP Oil Spill



Isa na namang environmental disaster ang nangyari dito sa bansang Amerika involving an oil spill that had affected a huge part of oceans and shores killing wildlife species along its path.

Ito ay ang Deepwater Horizon o BP oil spill na nangyari sa Gulf of Mexico malapit sa state of Louisiana nito lang Abril.

Kalunos lunos ang mga picture showing how cruel is this to animals and the environment as a whole kapag may mga disaster na nangyayari na katulad nito.

Kaya nga si President Barack Obama ay nagpupuyos sa galit dahil sa ganitong mga eksena.

Linisin n'yo agad at huwag nang patagalin pa, kung ayaw ninyong maghiganti si Inang Kalikasan!

Tuesday, June 8, 2010

Rebisco Sandwich Lolo commercial

Nakaka-touch naman talaga itong bagong commercial ng Rebisco Sandwich involving a Lolo with a trembling hand trying to reach out for his Rebisco Sandwich but instead snatched by his favorite apo .

In the end , the grandaughter make her Lolo feel special by giving him the sandwich filled with love from her little heart.

Promise, kumurot ito sa puso ko, sobra.

Hah, I miss my loving Lolo siguro.

Watch n'yo na lang ang video dito:

Monday, June 7, 2010

3 Things In Life

Another text message that I have received worthy of publication.

Read on and ponder on the message.

"3 things in life that never comes back when it's gone:

-Time
-Words
-Opportunity

3 things in life that should never be lost:

-Peace
-Hope
-Honesty

3 things in life that are most valuable:

-Love
-Faith
-Prayer

3 things in life that makes a person:

-Hardwork
-Sincerity
-Commitment

3 things in life that can destroy a person:

-Lust
-Pride
-Anger

3 things in life that are constant:

-Change
-Death
-God

...don't just read, share it to people you care for"


O debah , bongggang bonggang text message from a friend!

God bless us all.

Sunday, June 6, 2010

Funny Tattoo

Kakaloka naman ang tattoo na ito he he he he....

So inspiring , very original and creative he he he he he......



Ngiti na lang muna para mawala ang problema ha ha ha ha ha ha.............

Saturday, June 5, 2010

Mabait

Mabait.....

....iyan ang tawag sa pinakapesteng hayup na nabuhay dito sa mundo!

Mabait pa hmmpppp! I wonder kung bakit iyan ang tawag ng mga nanay sa peste na ito.

Ang sabi sa akin ng Nanay ko,kasi daw para hindi sila maging mabagsik sa iyo at ayaw mong maubos ang mga damit at gamit mo dahil sa kakangatngat nila. Ganyan daw katalino ang mga pesteng yan huh. Kesyo kilala daw nila kung sino ang mga tao na malupit sa kanila at ginagantihan daw nila ito sa pamamagitan ng pagsira sa mga damit at gamit nito.

Kaya pala ang Nanay ko, butas butas na ang mga blusa.

Para sa akin peste talaga ang mga hayup na ito.

At ewan ko ba sa Diyos kung bakit naisip pang likhain ang walang kwenta at silbing nilalang na ito na walang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo sa mga tao.

At ewan kung ano kaya ang naging inspirasyon ni Walt Disney at naisipan niyang gawin si Mickey Mouse!

Eh si Michael Jackson nga kinaibigan pa si Ben ha ha ha ha.

Eh ang Warner Brothers kaya saan nakuha ang inspirasyon para sa Mehikanong si Speedy Gonzales?

Si Willard lang siguro ang matutuwa sa mga pesteng hayup na ito huh!

Meron kaming maliit na tindahan.

At sa tindahang ito ako madalas natutulog.

Ilang beses na akong nabulabog at bumalikwas mula sa pagkakahimbing, dahil sa likot at ingay na ginagawa ng mga bubuwit na ito.

Ilang beses na rin akong kinagat ng mga ito sa aking daliri. Sabi ng Nanay ko, hindi daw kasi ako naghuhugas ng kamay pagkatapos kumain. Kaya napagkamalan daw sigurong kikiam o hotdog ang aking daliri he he he he.

Buti na lang di ako nagka - rabies.

Tuwing umaga paggising ko, santambak na sitsirya at tinapay ang madaratnan kong nginatngat ng mga dagang ito. Minsan nga pati yung mga itlog na paninda namin ay makikita na lang naming wala nang shell kapag umaga. At ang pinakamatindi , pati yung mga sachet ng shampoo ay hindi pinapatawad ng mga hayup na ito! Kung mechanical lang yata ang mga ngipin nito siguradong ubos din ang aming mga de lata.

Mga wala talagang magawa.

Ang ginawa namin nag-alaga kami ng pusa. But then isang umaga, nakita na lang namin na todas na ang pusang alaga namin. Super bulilit naman kasi ng pusang ito na ang mga kakalabaning Mighty Mouse ay mas malalaki pa yata sa kanila. Nakita ko na lang na nakabulagta na ang aming Garfield at puno ng kalmot at sugat duon sa ilalim ng aming lamesa. Hitsurang nilapa at kinatay ng sanrekwang mababait na yan ha ha ha ha.

Kaya siguro paborito ko si Sylvester the Cat, kasi feeling ko ay ako ang pusa na lalapa at magiging Raterminator sa mga pesteng ito. Kaso ang luka lukang Sylvester, ang ibong si Tweety naman ang pinepeste .

Ginawa na rin namin lahat ng paraan para mapatay ang mga mababait na ito.

Nandyang maglason kami. Epektib naman. Kasi ang mga matatalino at matatakaw daw na daga kinakain ang mga patibong na lason na papatay pala sa kanilang buhay. Kung matatalino yan eh ba't kumakain ng lason na gawa namin na hinalo lang sa lugaw ha ha ha ha ha.

Epektibo sana ito, kaso kinabukasan ay kailangang itaob mo ang buong bahay ninyo para mahanap kung saan sumuot ang mga naghihingalong mababait na ito. Dahil kung hindi ay aalingasaw ang pinakamabahong amoy na maaamoy mo sa buong buhay mo! At babaligtad ang sikmura mo sa pagtanghod sa nabubulok at inuuod na mga bangkay nito. Yikes!

Sinubukan ko din yung maglagay ng mousetrap cage para sa kanila. Pinainan ko lang naman ng isang tinapay. At presto kinabukasan may nahuli akong isang pagkalaki-laking daga sa loob ng hawla. Nag-uumalpas siya at gustong kumawala lalo na nang makita ako. Siguro sabi niya " patay ako dito, tiyak totorturin ako nito" .

Hindi nga siya nagkamali. Una nagpakulo muna ako ng tubig. At nung sumisirit na ang kumukulong tubig na ito ay unti unti kong ibinuhos sa mabait na ito . Hayun nagkikisay ang lokah ha ha ha. Pero buhay pa din ang hayup! Tinusok tusok ko ng barbecue stick. Umiingit ang loka. Nagmamakaawa yata. Akala naman niya maaawa ako. After nang mga ginawa niya. Hmmppp, walang pata-patawad . Maya maya pa bumigay din ang bubuwit. Namatay din sa mala-Jigsaw at Freddy Kruger na tindi ng torture na ginawa ko.

Kinagabihan nag set -up ulit ako ng pain. Isang malaking monay naman ang inilagay ko.

Presto kinabukasan may huli ulit ako. This time mas maliit kesa nung una. Torture to the max ulit ang banat ko. Dinaig ko pa si Jason Vorhees ,Freddy Kruger at Leatherface sa mga torture na ginawa ko sa kanila he he he. Kung nabuhay nga ako nung Inquisition, tiyak may award ako dahil sa ginawa ko sa mga mababait na ito .

Pero nung sumunod na mga gabi na nag-set up ulit ako ng patibong para mabitag sila ay wala nang kumagat sa pain ko. At nung sumunod na mga gabi pa ay wala nang naglalaman sa espesyal na hawla ko. Tila ba nakatunog ang mga lokah at nag-general meeting yata na huwag kakagat sa patibong ko. Ha ha ha ha. Matatalino nga ang mga daga!

Hanggang ngayon andami pa ring nagtatakbuhan sa aming bahay lalo na kung gabi. Minsan mga bulilit na daga na tila ba nakikipagpapatintero sa amin kapag aming hinahabol. Minsan bigla na lang lilitaw na tumatakbo sa paa mo kaya di mo mapipigilan ang pagtili. Dito nabibisto ang mga bakla. Dahil biglang titili ng ubod ningning na tila siya si Wonder Cat sabay talon sa pinakamalapit na silya. Marami na ang nabisto dahil dito he he he.

I wish sana sa ating mga imbentor na makaimbento ng pamatay laban sa pesteng ito na kung saan kapag namatay sila ay agaran,para hindi na sila makapagtago pa, at mahihirapan kang hanapin kapag dedbol na sila. Yun bang tipong isang langhap lang nila ng usok nito ay dead on the spot agad sila na parang nasagasaan ng pison.

Dahil para sa akin hindi mababait ang mga ito . Sa lahat naman ng mabait , ito ang pinakaaayawan mo. Mga Peste sila sa buhay ng tao.

Tiyak aagree sa akin ang mga magsasaka dito.

Teka nga at makapunta sa laboratoryo para gumawa ng kemikal laban sa mga Mabait na ito hmmmppp!

Friday, June 4, 2010

Canister Scandal 2010

Nagkaruon na ng desisyon ang kaso ng kontrobersyal na Canister Scandal na nangyari sa Vicente Sotto Memorial Medical Hospital nuong 2008 kung saan inoperahan ang isang kafatiran sa kanyang erna dahil pinasukan ng isang perfume canister na matapos kunan ng video at pagtawanan ay inupload pa sa Youtube ng mga hinayupak na doctor na umopera dito.

Ayon sa desisyon ay guilty sa nasabing kaso at sentensyado ng anim na buwang suspensyon si Dr. Philips Leo Arias at tig-iisang buwan na suspensyon naman para kina Dr. Angelo Liwanagan, Dr. Max Joseph Montecillo, Dr. Joseph Alfred de Leon, Dr. Joanne Marie Meriles at nurse na si Carmenia Sapio.

Kitang kita naman sa video kung paano laitin at pagtawanan ang pobreng bading na inoperahan at makuhanan ng isang bote ng pabango sa taehan nito.

Kung tutuusin, aminin man natin o hindi, nakakatuwa nga naman ang nasabing eksena dahil sa pangyayaring ito na hindi naman ginusto ng nasabing bading . Wala sanang problema kung pinanatili na lang nila ito sa apat na sulok ng nasabing operating room.

Ang problema ay kung bakit naman kailangan pa itong ipangalandakan at i-upload sa Youtube para makita ng buong mundo kung wala silang balak na ipahiya talaga ang nasabing tao.

Dito tahasang makikita kung gaano sila kawalang puso at kaluluwa sa panghahamak sa tao.

Dapat nga ay hindi lamang suspensyon ang ipataw na parusa laban sa mga ito.Dapat sa kanila ay matanggalan ng lisensya talaga.

So the moral of the story, mga kafatid , huwag magpapakalasing ha, para hindi mapagkatuwaan ng mga kainuman ninyo okay?

Baka sa susunod, bote na ng Red Horse ang ipasok sa puwit ninyo .

Magsilbing aral na sana iyan sa inyo.

Hindi iyong kapag nakikipag-inuman, lalo na kapag may mga katagay na lalaki, akala mo ay may gripo ng alak sa lalamunan huh.