Monday, May 31, 2010

Panning ng camera sa TV

Lagi na lang kapag nanunuod ako ng TV, especially sa mga variety shows at mga live shows, kapag may nagpeperform, laging nawawala sa focus ng performer ang panning ng camera at karaniwanag itinututok sa iba.

Kaya tuloy minsan, ay nagiging clueless ang mga TV homeviewer kung ano na ang ginagawa ng performer dahil nakatutok na sa iba, usually sa gallery audience, ang camera.

Minsan, ipinapakita ng camera na naghihiyawan at nagtatawanan na ang mga studio audience dahil sa ginagawa ng performer na nasa harap nila, pero ang mga homeviewer ay walang alam kung ano ang kanilang pinagtatawanan at pinapansin dahil hindi nila ito nakikita. Maraming instance na akong nakapanuod ng ganito.

At kadalasan, pagbalik ng camera sa performer ay tapos na ang moment nito, kayat naiiwang nakabitin ang mga TV homeviewer kung ano ba ang naging "eksena" ng nasabing performer na hindi nila nakita.

Sana ay bawas-bawasan ng mga cameraman ang ganitong "style" nila ng pag-shoot especially sa mga performing parts ng isang programa dahil kadalasan ay naiiwan sa ere ang mga homeviewers like me kapag hindi natututukan ng maigi ang mga ito.

Puwede naman siguro na itutok muna ang camera sa isang performance para hindi ma-miss ang
anumang eksena na gagawin nito, bago pagkatapos ng performance ay saka na lamang laruin ang camera. O kaya naman ay bilisan lang ang panning o twist ng camera mula sa performer papunta sa isang angle nang sa gayun ay ma-capture pa rin ang essence ng isang performance. Usually kasi ay nagtatagal sa mga live audience bago ibabalik sa performer eh tapos na ang eksena nito.

Paging, camera men, paki gawan nga ito ng solusyon , hane??!!


Sunday, May 30, 2010

Picture Picture sa Trinoma at SM North Edsa

Every end of the month is our family day.

At this time, we celebrate and cherish each and every member of the family to bond ,have time to relax and unwind and unite together with our love ones to nurture family love and care.

Here's some of the photographed moments.

Trinoma skyline at dusks


At Kenny Rogers restaurant


Beside our car



SM North Edsa skyline


My Brother's family



Me at the Trinoma roofdeck



Me and my nephew Christian.


My niece and nephew


Gorilla scene at SM North




The luscious fruit and plant corner


Welcome sign


My Mother dear


The Flamingos

Saturday, May 29, 2010

The Shoplifter

Marami din talaga tayong mga kalokohan nung teenager pa tayo. Lalo na kapag ikaw ay nasa edad na nagsisimula ka pa lang kilalanin ang sarili mo. Awkward years daw ang tawag sa edad ng mga teen-ager between 13 to 19. Dahil sa edad na ito, hindi ka pa maiko-consider na matanda; but at the same time hindi ka na rin puwedeng ituring na bata. At sa ganitong mga edad nangyayari ang mga pinakanakakatuwa , nakakainis at nakakatawang mga memorya ng ating buhay.

Isa na ako dun. Nangyari ang bagay na ito nung bagets pa ako.

Dahil mahilig talaga ako nuon na mag-cutting classes --sapagkat tamad ako sa pagpasok dahil sa mga boring na guro ko at mga classmates na maaangas at mayayabang--nag-decide ako na pumunta na lang sa Cubao at duon magliwaliw.

Pumasok ako sa isang malaking department store duon at nagtambay sa ikawalang palapag nito habang nagbabasa ng maliit na libro sa isa sa mga bangkitong nakahilera duon. Maya maya sa aking tapat,ay nakita ko ang isang snack shop na may bilihan ng iba't ibang meryenda kasama na ang mga makukukot na sitsirya.

Nagpasya akong pumasok.

Habang nag-iikot ako sa loob at naghahanap kung ano ang puwede kong bilhin para makutkot ay may pumsaok sa aking isipan. Ano kaya at ilagay ko na lang ito sa loob ng aking dalang bag at ilabas ko nang hindi binabayaran, para hindi na mabawasan ang aking pera? Magsa shoplift ako, tutal wala namang tao na nakakakita sa akin.

Nilinga ko ang paligid at napagmasdan na halos walang taong namimili sa loob. Nakita ko ang isang rolyo ng Nips. Paglinga ko sa paligid at walang tao, dali dali kong isinuksok sa loob ng aking bag. Presto, meron na akong isang nakuha. Nakita ko pa ang isang supot ng mani at banana chips, pareho ko din itong ipinasok sa aking dalang bag.

At pagkatapos ay pasimple akong lumabas ng shop.

Walang sumita sa akin. Ayos!

Jackpot. Paglabas ko ay agad kong nginata ang mga ninenok kong mga sitsirya.

Dahil successful ang una kong criminal heist.....siyempre na-tempt akong ulitin ito.....

This time isang Bookstore ang pinuntirya ko.

Pasok ako sa Bookstore.

May nakita akong maliit na notebook at nang pagtingin ko sa paligid at wari ko'y walang nakatingin ay isinuksok ko sa likod na bulsa ng aking itim na pantalon ang mini kuwaderno.

Pasimple akong lumabas.

Pagdating ko sa pinto ay biglang hinarang ako ng isang guwardya.

"boy, mukhang may nakalimutan kang bayaran ha?"

" wala po. lalabas na po ako"

"meron eh. ilabas mo na."

" wala po talaga. wala po akong kinukuha."

Sabay dukot sa aking likurang bulsa.
at pagkalabas ng nasabing item .....

" eh ano ito?" sabay pagpag ng aking kinulimbat sa aking mukha.

" halika, sumama ka sa amin duon sa itaas" sabay hawak sa aking kamay at hinila ako paakyat sa elevator.

Umakyat ang elevator. Hindi ko na alam kung saang floor ito huminto.

Paglabas namin, iniharap ako sa isang lalaking nakaharap sa isang TV monitor.

" anong problema nito?" tanong ng lalaking nakaharap sa TV monitor.

" ah , sir nahuli po naming nagbulsa ng notebook sa baba."

" bakit mo ginawa iyon iho?"

" ah hindi ko po iyon ginawa. hindi ko po iyon ibinulsa."

" ah tumatanggi ka pa. heto panoorin mo."

At iniharap sa akin ang palabas sa monitor na kaharap niya.

At duon malaya kong napanuod ang CCTV "video" ng ginawa kong kapangahasan.

Di na ako nakatanggi pa.

" ngayon, bakit mo ginawa iyon."

" sir sori po, hindi ko na po uulitin. nagawa ko lang po iyon kasi inutusan po ako ng kaklase ko"

" anong ibig mong sabihin?"

" kasi po utos ng master namin sa fraternity"

" ah , sabi ko na nga ba at dahil sa fraternity na naman iyan eh"

" anong gusto mong gawin namin sa iyo? gusto mong ikulong ka namin?"

"sir , huwag po!pihadong papagalitan ako ng aking mga maguang kapag nalaman ito" .....at umandar ang pelikula sa aking utak kung paanong latiguhin ako ng aking ama kapag ito ay nalaman.

"kung gayon, ano ang gagawin namin sa iyo?" tanong ng mama.

"babayaran ko na lang po ang kinuha kong kuwaderno kung magkano man iyon"

"o eh may pambayad ka naman pala eh , bakit kailangan mo pang nakawin?" sumbat ni manong.

Hindi ako kumikibo. This time , nag-uunahan nang lumabas ang luha sa aking mga mata. Nanginginig ako sa takot.

" o siya, hindi na kita ipapakulong. pero dahil sa ginawa mong pagtatangkang pagnanakaw, babayaran mo ang nasabing kinulimbat mo sa halagang doble ng orihinal na presyo nito."

"opo,sige po,payag po ako, huwag n'yo lang po akong ikulong" pagsusumamo ko.

" o sige, deal natin iyan. pero sa susunod na inulit mo pa iyan,pasensyahan na tayo ha, ikukulong na talaga kita"

" opo, pangako po, hindi ko na uulitin"

At muli akong inescortan ng mga guwardya palabas ng gusali matapos kong bayaran ang ipupuslit ko sanang kuwaderno.

Nang lingunin ko ang establisimyento, nakangisi ang mga guwardiya.

Unti unti akong lumayo na nagpapawis ang aking bumbunan.

Nang kapain ko ang aking bulsa, nanduon ang maliit na kuwaderno.

At nang buksan ko ang aking bag,may natira pa palang isang supot ng banana chips at Nips.

Iyon ang una at huli kong pag-eeksperimento ng gawaing kung tawagin ng iba ay "poor man's trip"

O debah!


Friday, May 28, 2010

Maala-ala Mo Kaya presents Aiza Seguerra as a tomboy

Isa na namang explosive performance and presentation ang inihain ng programang Maala-ala Mo Kaya? ni Ms.Charo Santos-Concio ng ABS CBN nitong nakaraang Sabado na labis na namang nagpaantig sa damdamin ng inyong Lola Edgar Portalan.

Ito ay ang kuwento entitled 'Kwintas' na mula sa sulat na pinadala ng isang tomboy o lesbiyana ( na epektibong ginampanan ni Aiza Seguerra ) na nabuhay sa gitna ng kanyang pamilya na nagmahal, nagtakwil at muling minahal siya at kalauna'y tinanggap bilang isang lehitimong kasapi ng kaniyang pamilyang kinagisanan.

Napakaganda ng flow ng istorya: mula sa isang pamilya ay nabuhay ang isang tomboy na labis na inalagaan at inaruga ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki ( superbly portrayed by Dominic Ochoa ) na siyang lumabas na breadwinner para sa kanilang lahat. Naging masikap at masipag ang kuya nilang ito na ginawa ang lahat ng paraan upang mabuhay lamang sila ng masaya at sagana.

Partikular na naging paborito niya ang kanilang bunsong kapatid na dili pala'y isang tomboy. Sinunod ang mga luho at kapritso, kahit na minsan ay hindi pabor sa kanilang ibang mga kapatid at kanilang Nanay. Anupa't ang kuyang ito ang laging nagtatanggol at dumidepensa sa bawat pag-aalipusta at panlalait ng kanyang ibang mga kapatid dito.

Hanggang sa dumating ang time na malulong sa bawal na gamot at iba pang mga bisyo ang nasabing tomboy na labis na ikinagalit ng kanilang Kuya nang ito ay kaniyang madiskubre na nagresulta upang palayasin at itakwil siya ng kanyang buong pamilya , kasama na ng kaniyang pinakamamahal na Kuya.

Namuhay mag-isa at independiyente, nalaman na lamang niya na nagkasakit pala ang kaniyang Kuya at tila ba inabandona at iniwanan ng kaniyang mga mahal sa buhay sa kabila ng krisis na pinagdadaanan nito.

Subalit ang tomboy na kanilang itinakwil ang siyang nagbalik sa kanilang tahanan upang siyang mag-alaga sa kanilang Kuya na ngayon ay nangangailangan ng kanilang tulong at pagkalinga.

Minsan kung sino pa iyong hindi mo inaasahan na tutulong at kakalinga sa iyo,ay siya pang dumarating at tunay na nagpapakita ng sinserong pagmamahal sa iyo sa oras na kailangan mo.

Napakaganda ng mga katangiang nais ituro ng nasabing episode ng programang ito: Pagmamahal, pagtanggap, pag-unawa, pag-kalinga , pagpapatawad, pagsisisi, at pagbabalik-loob upang makapag-bagong buhay.

In the end, pinatunayan ng nasabing tomboy na bagamat ganito ang kanyang pagkatao, ay hindi ito hadlang upang siya ay maging isang nilalang na marunong magmahal at kumilala sa kabutihang ipinagkaloob sa kaniya ng kanyang pamilya, na siya ay isang taong marunong tumanaw ng utang na loob, na bagamat nagkasala at nagkamali ay pinagsisihan ito at tinalikuran upang handa niyang mapagsilbihan ang kaniyang mga mahal sa buhay sa abot ng kaniyang makakaya.

Nakakawindang ang mga dialogue, award winning ang mga acting, at A1 ang directing , lahat pasable para sa isang manunuod na kagaya ko.

Bravo to the whole cast ensemble especially AizaSeguerra, Dominic Ochoa, Gina Alajar etc.

At higit sa lahat ay ang aral na ibinabahagi nito para duon sa mga taong minsan ay hindi nakakaunawa sa mga ganitong tema ng buhay.

Aba, at pati ang aking ama na bihirang manuod nito ay tila ba nadikit sa kanyang kinauupuan at ninanamnam ang bawat mensaheng lumalabas sa bibig ng bawat karakter.

Isa lang ang ibig sabihin nito: maganda talaga ang palabas, he he he he .

Watch the whole video here:










Thursday, May 27, 2010

10 most healthy foods

Nabasa ko ang isang artikulo ni Nestor Cuartero sa Sunday magazine na Panorama ng Manila Bulletin tungkol sa sampung pinakamasusustansyang pagkain sa lahat.

I want to share this in my own words because I agree with what the author had written. Super abrub para sa akin ang mga pagkaing ito na nabanggit niya sa kanyang kolum.

Ito ay ibinase din niya mula sa librong isinulat ni Dr. Willie T. Ong entitled 'How To Live Longer,Practical Health Tips From A Heart Doctor'.

1.) Green Leafy Vegetables - tulad ng litsugas, repolyo, kangkong,pechay,alugbati at siyempre ang pinakamasustansya sa lahat ng gulay na walang iba kundi ang malunggay. Mahilig ako sa lahat ng ito pwera lang ang alugbati na hindi ko kinakain. Sagana raw kasi ang mga ito sa fiber, potassium, calcium, folate, iron at vitamins A, B and C.

2.) Oily Fish - like sardines, mackerel,tuna , salmon etc. Ito kasing mga isda na ito na malalangis ay sagana sa Omega 3 na kilalang nagpapababa ng blood pressure. At ayon pa dito , mas mainam daw ang mga isda na bagong huli kaysa iyong mga nasa de-lata kung saan mas bawas ang level ng Omega 3. Palagi ko ring kinakain ang mga ito. Pero karaniwan nasa de-lata tulad ng sardinas he he he.

3.) Tomato - sagana naman ito sa Lycopene at Beta-Carotine na kilalang nakakatulong sa pagsugpo sa mga sakit na may kinalaman sa kanser. Ang prutas na ito ay paborito kong kainin, lalo na kapag ang ka-partner ay tuyo, daing o tinapa. Masarap din ito sa itlog na maalat. Samantala, kung hindi naman kayo mahilig kumain ng hilaw na kamatis, puwede na ring pagtiyagaan ang mga produktong gawa sa kamatis tulad ng ketchup, tomato sauce o juice, o kaya ay pizza na hinahaluan din ng tomato sauce.

4.) Citrus Fruits - katulad ng kalamansi, suha, dalandan , kahel , bayabas, dayap at iba pang maaasim na prutas na siguradong mayaman sa Vitamin C na kilalang lumalaban sa sakit at impeksyon sa ating katawan. Aba'y wala akong itatapon sa mga iyan, lalo na sa dalandan na talaga namang paborito ko.

5.) Carrots - akalain mo ba naman na ang rootcrop na ito na paborito ni Bugs Bunny ay mayamang mayaman pala sa mga masustansyang sangkap tulad ng Beta-Carotene, Vitamin C at Vitamin E. Kumakain din ako nito, pero hindi ko nginangata katulad ni Bugs, bagkus ay isinasahog ko sa pansit o kaya ay sopas he he he.

6.) Banana - akalain mo nga naman at kasama pala ang prutas na hindi ko masyadong paborito. Admittedly, hindi talaga ako mahilig kumain ng saging lalo na yung mga variety na malalaki tulad ng lakatan at latundan. Ang nilalantakan ko lang ay iyong saba especially kapag minatamis at may yelo at sago at gatas. The rest ay hindi ko na kinakain. Puwede pa siguro iyong buhay na saging he he he.

7.) Milk And Milk Products - katulad ng keso, yoghurt at ilang ice cream na may halong gatas. Alam naman ng marami kung gaano kasustansya ang gatas na tiyakang sagana sa calcium, protein , vitamin B2, , vitamin B12 at zinc. Iyan mahilig din ako diyan. Kaya nga naging mama's boy ako eh dahil sa gatas he he he. Lalo nang masarap ang gatas na galing sa uhhmmmm ..alam n'yo na!

8.) Garlic - o bawang. Akalain mo nga naman , pati pala ang rootcrop na ito na panakot sa aswang ay napakalaki nga pala ng pakinabang. Akala ko dati ay inilalagay lang ito sa kili-kili para lagnatin ka , pero tutoo pala na ito ay gamot din sa maraming sakit katulad ng high blood, stroke at ilang mga bacterial at fungal infections. Eh paano mo naman kakainin ang bawang aber?

9.) Apple - o mansanas. Ang prutas na ito na ipinagbawal kina Adan at Eva na kainin ay dahil pala tunay ngang nagbibigay ng karunungan at kalakasan sa bawat kakain nito. Ito'y dahil sa pectin na sangkap ng bawat mansanas na kinakain mo. Eh di nga bat may kasabihan na 'an apple a day, keeps the doctor away'.

10) Water - siyempre naman. Ang tao ay makakasurvive ng ilang araw na walang pagkain, pero hindi nang walang tubig. Ang natural na water intake ng isang malusog na tao ay mula 8 to 12 glasses a day dapat.

So there goes the Top 10 most healthy foods in the world.

Lagi ninyo itong kakainin o iinumin , at siguradong inyong matitiyak ang inyong kalusugan.

Wednesday, May 26, 2010

on murders and killings

Recently ay lumabas sa news ang pagkatagpo diumano sa pinagputol putol na parte ng katawan ng tao sa magkakahiwalay na mga lugar sa Metro Manila.

Ang nakakahilakbot ay ang pagkatagpo sa ulo ng isang tao sa kanto ng Tayuman at Anacleto Street sa Sta. Cruz Maynila.

Eh ito ang isang kanto na madalas naming pagtambayan ng barkada kapag kami ay rumarampa diyan sa balwarte ni Mayor Lim ah.

Buweno bilang tribute (tribute daw oh ) sa serye ng patayang iyan na nagaganap sa Kamaynilaan nagsaliksik ako kung ano ang tawag sa mga pagpatay o pag-murder sa ating mga kapwa tao na may kinalaman sa atin.

Ito tingnan nyo:

HOMICIDE-pagpatay mo sa kapwa mo tao. Talamak na iyan sa buong mundo.

PARENTICIDE- i-murder mo ba naman ang mga magulang mo, how cruel! Buhkettt, inapi ka ba nila para gawin mo yan? Super duper hate mo ba sila kaya nagawa mo iyan? O naka drugs ka lang.

PATRICIDE- killing of one's own father- hate mo siya dahil nilamutak ang pagkatao mo?

MATRICIDE- killing of one's own mother- ay sad naman ito.... wag naman ang mga mother...mababait sila......wag lang yung mga nagpapaabort...dapat lang talaga sila i-murder he he .

PARRICIDE- killing of one's own parents or close relative. O sige mga kamag-anak na mapang api tumigil tigil na kung ayaw ninyong mapagtataga ha ha ha.

FRATRICIDE- killing of one's own brother..hate mo ba brother mo ? Bakit naman? Mas paborito kasi siya? Oh well

SORORICIDE- your ate naman ginawa mong atado o asado. Why? She's so maarte kasi at lagi kang sinasapawan! Inagaw pa ang boyfriend mo hu hu hu hu.

MARITICIDE- pagpatay sa asawa mong lalaki- dahil may kerida na mas bata, sexy at mas maganda sa iyo.

UXORICIDE-pagpatay naman sa asawa mong babae na mahadera, tsismosa , eskandalosa at bungangera waaahhh.

FILICIDE- pag-murder sa sarili mong anak. Ay sad naman ito. Bakit ba, porke't wala ka nang maipasuso at maipakain sa anak mo ay lulunurin mo na lang at ipapaanod sa ilog huh?

FETICIDE- o abortion, ano pah, e di pag-kill sa baby mo na nasa sinapupunan mo pa lang! ay bad ito. Di makakapunta sa langit ang mga gumagawa nito,kasi inaabangan na kayo ng mga fetus na di ninyo binigyan ng pagkakataong mabuhay at makita ang kapangitan ng buhay. Eh bakit naman kasi mag-aanak kayo tapos di n'yo naman kayang pangatawanan. Nakakahiya ba ang tatay n'ya huh?

SIBLICIDE- o pag-murder naman sa kapatid mong sakim sa lupa. O sa kapatid mong laging pinapaboran ni father at mother dear.

SENICIDE- pagpatay sa mga matatanda na. Ay bakit di na lang dalhin sa Home for the Aged. Eh kasi nag-uulyanin na nga!

AVUNCULICIDE- killing of one's own uncle...Oh mga tiyuhin na nangri-rape ng mga pamangki, watch out.

REGICIDE- pagpatay sa isang hari. Ay mahirap yan. Dadaluhungin ka diyan ng taumbayan.

GENOCIDE- systematic killing of a race or group of people- Naku guilty diyan sina Adolf Hitler, Pol Pot at Dada Idi Amin. Bitayin na iyang mga iyan!

ETHNOCIDE-killing of an ethnic group of people, just like sa nangyayari sa Somalia at Rwanda. Grabe yan. Ayoko niyan.

DEICIDE- pagpatay sa isang diyos. napapatay ba ang diyos? Ah ewan, basta ang Diyos ko hindi namamatay period. Alive alive Siya forevermore, Amen!

GENDERCIDE-killing of a member of a specific sex, pwedeng male, female, gay or tomboy. Katakot naman ito.

SUICIDE-killing of one's own self. Ay sad ending naman ito. Di na kinaya ang buhay. Maraming bakla ang ganito he he he he. Dapat laging may pag-asa at tiwala sa sarili. Kapag ito ay nawala, tigok ka!

May tanong lang ako.....ano kaya ang tawag sa pagpatay sa isang bakla?

sagot: HOMOCIDE...he he he he........

Eh ang Demonyo....napapatay din kaya siya?...nagtatanong lang po!

Tuesday, May 25, 2010

Dayaan na naman.....


Akala ko pa naman at nakahinga na ako ng maluwag dahil walang nagrereklamong kandidato na nadaya sila but after a week pa lang ng katatapos na halalan at heto kabi-kabila na ang protesta ng mga magkakalaban tungkol sa nangyari diumanong malawakang mga dayaan nitong nakaraang Halalan 2010.

Kung sinu-sinong mga whistlebower kuno at samut saring mga expose diumano ang naglalabasan hinggil sa mga dayaang naganap nitong nakaraang halalan.

Ang isa ay itong sa binansagang si Koala Boy dahil katulad ng nasabing hayop ang kanyang disguise na halos tumakip sa kanyang buong mukha dahil ayaw magpakilala sa sambayanan.

Eh paano mo naman paniniwalaan ang testimonya ng isang taong walang bayag na humarap sa madla dahil diumano sa takot sa kanyang seguridad.

Eh ano pang silbi ng kanyang mga ibinulgar kung hindi naman pala niya kayang panindigan ang mga ito at back-upan ng mga ebidensya huh?

Ang hirap kasi sa atin ay mahilig lang magpapansin sa media pero hindi naman marunong humarap sa taumbayan. Eh panggugulo lang yata ang pakay ng mga ito sa ating bansa !

Kung hindi ba naman eh aakusahan mong nagkaruon ng malawakang dayaan ang isang Halalan na bagong salang pa lang sa ating kamalayan. I'm sure hindi pa ito sanay i-operate ng kung sinuman ang mga tiwaling gustong magsamantala dito.

At ito namang ating Kongreso ay isa ring tililing. Sukat ba namang patulan din ang sirkus na ito na maaaring pakana lamang ng ilang mga elemento na nais lamang maghasik ng kaguluhan sa ating bansa.

Heto rin naman kasing mga media sa ating bansa eh, may pumutak lang na isang tao na magsasalita diumano tungkol sa isang anomalya , kahit wala namang sapat na ebidensyang maipakita at kahit pa kuntodo balot ang mukha dahil ayaw magpakilala, ay pinapatulang interviewhin makakuha lamang ng minimithing media mileage at scoop dahil sa pagiging exclusive ng kanilang mga report.

At pansinin ninyo, ang mga nagrereklamo lang naman na mga nadaya daw sila ay siyempre iyong mga talunan di ba? May nagreklamo bang kandidato na nadaya siya kapag siya ay nananalo?

May mga lumabas na talunang mga kandidito na nagbulgar na diumano ay nilapitan sila ng ilang mga Election officers nuong kasagsagan ng kampanya at inalok ng pandaraya kapalit ang malaking halaga ng pera na kanilang ibabayad.

At kung saan ngayon kung kelan natalo na sila ay saka lamang sila mag-eexpose. In the first place ,bakit hindi nuon pa nila ito ibinunyag habang inaalok pa lamang sila? Bakit ngayon lang sila lumabas?

At ito namang mga trying hard at overacting na mga talunang presidential at vice - presidential candidate na nasa pinakakulelat na mga puwesto ay sige ang protesta tungkol sa umano'y iregularidad na naganap nitong nakaraang halalan, pero wala namang mga ebidensyang mailabas at maihatag sa sambayanan na magsisilbing pruweba sa kanilang mga akusasyon. Puro dada, wala namang kwenta ang mga pinagngangangawa. Umaasa pa ba sila na sila ang nanalo sa Halalan 2010?

Diyos ko ,patawarin mo po sila, dahil hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa!

Sila ang mga tatagurian kong mga buwaya sa kamera at publicity!

Mga talunang kandidato na nagbubunganga at sumisigaw na kayo ay natalo dahil kayo ay dinaya , kung wala rin lang naman kayong mga ebidensya at puweba to back-up your claim of electoral massive fraud and cheating, you all better keep your big 'ol mouth shut for the rest of your life okay???!!!

May paboritong quote nga ang aking tita kapag mayruong mga kapitbahay siya na nag-iingay sa kalaliman at dis-oras ng gabi kahit na tahimik na at natutulog na ang karamihan sa kaniyang mga kapitbahayan: ito ang kanyang paboritong ibinubulyaw, " kung ayaw ninyong matulog, magpatulog kayo"

Pakiusap lang, patahimikin n'yo na ang sambayanang Pilipino!

Sawang sawa na kami sa inyo!

Monday, May 24, 2010

Holography


Usap usapan ngayon ang latest technology na ginamit ng GMA Network Center sa kanilang pagbabalita at updates nuong kasagsagan ng May 10 , 2010 Election here in the Philippines.



Ito ay ang Hologram technogloy na unang inimbento ng Hungarian Physicist na si Dennis Gabor nuong 1947.

Dahil dito , maging ang pamosong Time Magazine ay ginamit ang isang picture na kuha ni Noynoy Aquino nuong kasagsagan ng interview sa kanya gamit ang teknolohiyang ito ng GMA News and Public Affairs program.

Ang Holography ay ang pagta-trasmit ng image ng isang tao o bagay na nasa isang lugar patungo sa isa pang lugar na may imaheng tila ang isang tao o bagay na iyon ay totoong nanduon mismo na iyong nakikita ,nakakausap, at naririnig.

Madalas na ring makita ang teknolohiyang ito sa mga Sci-Fi at Futuristic movies tulad ng Star Trek series .

May mga mahalagang silbi o gamit din ang ganitong uri ng teknolohiya lalo na pagdating sa seguridad ng isang tao, katulad ng sa lider ng isang bansa na may tangka sa buhay subalit kinakailangan ang presensya sa isang lugar ay hindi na kinakailangang nanduon din siya mismo. Gamit ang teknolohiyang ito, makikita , makakausap at maririnig mo ang nasabing tao kahit na wala ito sa lugar na pinangyayarihan ng isang kaguluhan.

Pwede rin sa mga long distance communications , lalo na duon sa mga sobrang nami-miss ang isang tao na pwede na nila itong makita , marinig at makausap in real time complete with the virtual image of that same people. Iyon nga lang , kapag tatangkain mo na siyang yakapin at hagkan ay tanging hangin ang maha-hug at kiss mo dahil wala talaga siya sa iyong harapan.

I believe that in the near future ay isa na itong ganap at matagumpay na teknolohiyang magagamit sa maraming magagandang bagay o paraan. And I think, in the near future, may kasama na itong tangible body na mahahawakan at mahihipo mo mismo na para bang tutoong tao na ang kasuap mo sa iyong harapan. It's like a virtual ghost.

Eh kaya naman pala nating makipagsabayan in terms of being high tech and futuristic eh , bakit hindi magawa at mai-translate ito sa ating pinilakang tabing huh??!!!

Ang nakakalungkot lang ay kung bakit kinakailangan pang magbangayan ng dalawang nangugngunang istayon na ABS CBN at GMA 7 tungkol sa kung sino ang mas may magandang teknolohiyang ginamit sa katatapos na eleksyon. Que Hologram man yan o Virtual Presence o kung anupaman ang tamang terminong dapat itawag diyan ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay naipakita natin that we are at par with the very best in terms of technology with the rest of the world.

To GMA network , kudos and salutation for a job well done in covering the first ever automated election here in our country with the help and use of the latest in technology.

Sunday, May 23, 2010

At muli akong umawit....

Matagal na rin akong hindi umaawit sa Panginoon.

For your information, miyembro ako ng isang music group ng isang Christian church dito sa Antipolo. I was a song leader, worshipper and musician when I decided to quit doing those things for God because of my guilty feeling.

Back then, I had trouble and hard times reconciling my faith in God and my newfound life of being gay and coming out in the society.

Parang hindi ko matanggap na kikilalanin, mamahalin at ino-honor pa ng Diyos ang mga ginagawa ko para sa Kaniya dahil sa pagiging bakla ko!

Of course naman, we all know how the church is against all forms of homosexuality. Na hindi daw aprub ang Diyos tungkol dito. At hindi makakapasok sa langit ang mga bakla. In the first place , wala naman daw nilikha ang Diyos na mga bakla, kundi lalaki't babae lamang. Ito ang katuruang kinalakihan ko at tumatak sa aking isipan.

Kaya nang mapagtanto ko na isa pala akong bakla at tanggapin ko ang isang natatago kong pagkatao, nahirapan akong pagsamahin at pag-isahin ang pananampalataya ko sa Diyos at ang aking kabaklaan!

For a while ay nagtago ako at unti -unting lumayo sa Diyos, literally. Kasama ko nang binitiwan ang pag-awit ko sa Kaniya.

But time comes, when I finally realize na hindi pala ako puwedeng mabuhay na wala ang Diyos. Na puwede naman palang pagsamahin ang aking kabaklaan at ang pananampalataya ko sa Kaniya.

I found out that I have a God na hindi makitid ang isip. Na mayruong isang Diyos na labis na nagmamahal sa mga tao. Na ang Diyos ay nakauunawa at nakatatanggap sa atin maging anuman ang uri ng ating pagkatao.

That's when I have decided to reconcile again with God.

And this new relationship had blossomed as the days went by.

Now, I consider myself not anymore stranger and aloof with God.

In fact I have develop a much more deeper relationship with my Creator better than before.

Ngayon, mas open ako sa Kaniya at mas nasasabi ko kung ano ang nasasaloob ko kaysa dati.

Ilang buwan na ang nagdadaan at iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking lalamunan.

Pati na ang ilang mga kirot at hapding aking nadadama sa aking ilong at tenga.

Pero, ikinubli ko ito at hindi ipinaalam sa aking mga kasama at kasambahay.

Ang isipan kasi sa bahay ay ganito: na kapag ikaw ay maysakit, ito ay isang parusa ng Diyos sa iyo.

Na kapag ikaw ay may karamdaman, ibig sabihin ay kinakarma ka at pinarurusahan ng Diyos.

Sa madaling salita, itinago ko ang lahat ng nararamdaman kong hirap at sakit dahil ayaw kong isipin ng aking mga kasambahay na pinarurusahan ako ng Diyos dahil sa aking kabaklaan!

And then, one night, I have prayed to God sincerely.

Sabi ko, " Lord matagal ko nang iniinda at tinitiis ang karamdamang ito sa aking lalamunan at ilong . Panginoon kung talagang mahal mo pa rin ako at hindi ito isang parusa mo lamang sa akin dahil sa aking mga ginagawang sabi nila ay labag sa iyong kautusan, pagalingin Mo po ako sa mga karamdamang ito. At aking ipinapangako sa iyo na babalik ako sa pag-awit at muli konh gagamitin ang aking tinig upang ikaw ay maluwalhati at maparangalan bilang isang makapangyarihang Diyos"

Ganun lang kasimple ang aking dalangin.

And then the next Sunday, muli akong sumali sa grupo upang maghandog ng awit sa Panginoon.

Nakadama ako ng kakaibang pinaghalong init at ginaw sa aking kaloob-looban. Tila ba nangangatal at nangangatog ang buo kong katawan na hindi ko mawari kung bakit. Maya maya pa ay dumadalisdis na ang aking luha sa aking pisngi.

At nang muli akong lumunok upang damahin ang lamig sa aking lalamunan, naramdaman kong wala na ang kirot na dati kong nadarama sa bahaging ito ng aking katawan. At magmula nuon, ang hapdi na aking nararamdaman ay biglang nawala at naglaho gaya ng isang mirakulo o himala.

Ngayon isa na akong ganap na pinagaling na pasyente ng aking doktor na si Hesus!

At hindi ko nakakalimutan ang aking pangako sa Kaniya!

Napatunayan ko na mahal talaga ako ng Diyos, kahit anupaman ang mangyari.

At dahil diyan, ang boses na ito ay buong puso kong iniaalay sa isang Dakilang Manlilikha na lubos at tanging nagmamahal at nag-aaruga sa sinuman sa atin, maging ikaw man ay banal o makasalanan man, pantay pantay ang Kaniyang pagtingin at pagkalinga sa bawat isa na sa Kaniya ay kumikilala bilang isang Makapangyarihang Diyos at Tagapagligtas!

Salamat Po, Panginoon!

Amen!

Saturday, May 22, 2010

www.faceinhole.com

I have discovered a website where you can finally realize your innermost fantasies......at least in pictures.

Look at what I've become!


I was featured in the Men's Health magazine.Ganda naman ng katawan ko dito.....nakakatulo laway...ngrrrrr!!!!



Oh eto naman, debah ka buddy buddy ko ang legend na si Michael Jackson ha ha ha ha. Parang tanga lang anoh!



Heto ang mukha ko kapag na - wanted ako sa salang pangri-rape......ng lalaki he he he he.


At ito, mukha bang James Bond? O James Buang?



Kamukha ko ba si Hitler he he he he.



This is the face of the devil bwahahahaha!!!




And this is me as an angel....in disguise he he he he




Oh how sweet naman to be kissed by my two leading men Robert Pattinson and Taylor Lautner.




This is me as a baby..cute koh noh....



Dito naman ang laki ng katawan ko....grabehhhhh parang wrestler..sinong lalaban huh?




Osama Bin Laden, ikaw ba iyan?

And now presenting..... my two ultimate fantasies...



As a very sexy lady...




And as a bride he he he he he......

Peace.....Jokes Lang Po!

Visit n'yo http://www.faceinhole.com for you to live out your fantasies.....in photographs.

Friday, May 21, 2010

Jollibee in Glee

Aba'y sikat na talaga ang Jollibee!

Pang- Hollywood na ang kalibre ng fastfood na ito which is a Filipino owned company.

Eh kung hind ba naman eh nai-feature lang naman ang sikat na kainang ito sa musical TV show na Glee ng Fox Channel sa isang eksena ng flash mob dance showdown kasabay ng awiting Safety Dance .

Pang - international na nga kasi ang arrive ng dati'y ice cream parlor lamang na Filipino fastfood na ito diyan sa Cubao.

Subalit ngayon ay isa nang giant sa larangan ng fastfood itong kumpanyang ito na pag-aari ng pamilyang Tan Caktiong.

Nakikini-kinita ko na ilan pang dekada at tatalunin na nito ang Mc Donalds sa padamihan ng branch nito sa buong mundo.

Eh kung sa sarap lang naman ang pag-uusapan, talung talo ang kalaban noh!

Iba talaga ang langhap at sarap Pinoy ng Jollibee!

Watch the video here:

Thursday, May 20, 2010

Liar Liar

Mukhang nauuso na ngayon ang "pagsisinungaling" huh!

In other words: "ang pagsasalita ng mga katagang binibitawan sa harap ng kamera at pinanunumpaan sa harap ng publiko pero sa bandang huli ay hindi naman kayang pangatawanan at tuparin ang kanilang mga sinabi at sinumpaang salaysay".

Ang sabi ng iba, slip of the tongue daw.

Eh ang dudulas naman pala kasi ng mga dila ng mga ito eh. Lagyan nga ng anti-slippery chemicals para hindi maging madulas ha ha ha.

Pinasimulan ni Madam Senator Miriam Defensor Santiago na nagsabing tatalon siya sa helicopter kapag napaalis si dating Pangulong Joseph Estrada sa puwesto nuong 2001.

At nang maganap ang kaniyang pagbabanta, sinabi niya " I lied ", sabay pakawala ng kanyang signature na malutong na halakhak ha ha ha ha.

And then comes Kris Aquino na nagbitaw ng pananalitang aalis siya ng bansa kapag nanalong pangulo ng bansa ang kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino.



At ngayong tila papalitan na ni Noynoy si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pinakamakapangyarihang ehekutibo sa bansa, biglang kambyo ang bruha at sinabing " hindi ako aalis ng Pilipinas"!

Ito'y sa kabila ng despedida party na ikinasa ng mga Facebook user para sa kaniya!

The ever Taklesa Queen blurted out another series of words na hindi muna pinag-isipan huh.

Ang hihilig kasing magsalita sa harap ng kamera nang hindi muna nagre-rehearse ng mga sasabihin!

Tapos kapag pumalpak, sasabihin, it's just a "slip of the tongue", taena!

And then here comes Willie Revillame na nagbanta pa mandin sa harap ng kamera na magre-resign siya sa Wowowee kung hindi paaalisin si Jobert Sucaldito sa ABS CBN with matching banta pa na " tandaan nyo yan"!



Eh natandaan ng mamamayan!

Subalit tila yata nagbabago ng pahayag ngayon si Wilieboy at hindi na itutuloy ang pagre-resign sa programang nagpayaman sa kanya kahit na hindi pinapaalis si Jobert ng kanyang mother studio.

Anong nangyayari sa mundo ngayon!

Nasaan na ang delikadesa at palabra de honor?Naglaho na sa hangin???!!!

Por Diyos por Santo, tuparin ninyo naman ang mga binibitawan ninyong mga sumpa at banta!

Mahiya naman kayo sa sambayanang Pilipino na pinapaasa ninyo!

Magpakababae ang mga babae at ang mga lalaki ay magpakalalaki!

Ngayon , kung hindi ninyo kayang pangatawanan ang mga pinagsasasabi ninyo sa harap ng kamera, please , you either watch your mouth or shut it forever and ever!

Oh, they all come in threes, ikanga.

Sana huwag namang mag come in four!

Ako , nangangako at nanunumpa!

Na kapag hindi umalis ng bansa ang tatlong ito dahil sa kanilang mga kapalpakan sa TV, tatalon ako mula sa 5th floor ng Wil Tower Mall ni Willie , promise ko iyan !







..........ayyyyyy.......hindi pa pala ito naitatayo he he he he.........it's just a lie he he he he......belat kayo , ha ha ha ha ha!

Wednesday, May 19, 2010

Palipat-lipat...Papalit-palit

Ilang beses na rin akong nagpalipat-lipat ng bahay at ng lugar simula pa nuong bata ako. At sa bawat bagong bahay o lugar na aking nililipatan, panibagong pakikisama o pakikibagay sa mga bagong kakilala at kapitbahay sa mga bagong pook na iyong kinaroroonan.

Ayon sa isang medical research; kapag paiba iba daw ang lugar na kinalalakihan ng isang bata, nagiging mahiyain daw ito at kimi sa kanyang paglaki dahil sa paiba iba rin ang kanyang taong nakakasalamuha at nakakahalubilo sa bawat lugar na nililipatan ng kanyang pamilya.

Kaya pala lumaki ako ng ganito: Mahiyain , ha ha ha ha.

Nang tanungin ko ang Mama ko kung saan niya ako ipinanganak, ang sabi niya ay sa Fabella Hospital daw, dyan daw yun sa may UST sa Maynila. Kaya I'm proud to be an original Manileno he he he.

And then nang mailabas ako sa ospital ay diretso na daw agad ako sa maliit na kuwartong inuupahan nila sa Grace Park, Caloocan City( C pa nuon ang spelling nito)

Nuong mga dalawang taon daw ako ay nagkaruon ng trabaho ang aking butihing ina. At dahil may trabaho din ang aking ama nuon, wala silang naging choice kundi ang dalhin ako sa probinsya ng aking ama sa Bicol , sa Sipocot Camarines Sur, sa bahay ng aking lolo at lola at duon ako pansamantalang iniwanan habang pareho silang nagtatrabaho para sa aking future! Naging Bikolano naman ako ngayon he he.

May kuwento nga ang lolo ko tungkol sa halos isang taong pag stay ko sa kanila:

Isang beses daw ay kinuha ko yung isang kuting at inilagay sa isang tapayan na puno ng asin. Nang hinahanap na daw nila yung pusa para pakainin, at hindi makita ay tinanong daw nila ako. Painosente ko daw na itinuro ang tapayan. At nang buksan nila ang tapayan; nandun ang pusa, nakalubog sa asin .

At isang beses naman daw ay sinindihan ko ng sulo yung isang nakakulong na manok. At dahil sa nasusunog na ang manok at nagliliyab ay nagpilit itong umalpas mula sa kanyang kulungan. Eh nawasak ang kulungan sa pag-alpas ng manok, lumipad at dumapo sa bubungan ng aming kubo na gawa sa dayami. Lumiyab ang aming atip. Buti na lang at nakita agad ng aking lolo at agad binuhusan ng tubig,kung hindi daw ay wala na kaming matitirhang kubo nung araw na iyon.Hindi nya daw ako pinalo nuon, kasi ang liit liit ko pa daw nun at ang cute cute kahit ang kulit kulit he he he he.

Kapag ikinukuwento ito ng aking lolo sa akin ay halos naniningkit ang kanyang mga mata sa katatawa at kakahagikhik. Bibo daw ako nuon at listo, at super mega to the max sa kakulitan.

Nang malay-off sa trabaho ang aking ina halos isang taon magmula nang iwanan niya ako sa Bicol, ay muli niya akong kinuha at ibinalik sa kuwarto namin sa Caloocan.

Dumating ang time na maging ang ama ko ay nawalan na rin ng trabaho. At dahil sa hindi na makayanan ang upa sa bahay na aming tinutuluyan, ay nagpasya silang pauwiiin muna ang aking ina kasama ako, sa probinsya nito sa La Union. Habang hindi pa nakakahanap ng trabaho ang aking ama dito sa Maynila ay pansamantala daw muna itong tumuloy sa isang kaibigan, at nangakong kukunin daw agad kami kapag nagkapera.

Kaya't wala kaming nagawa kundi umuwi ng aking ina sa bayan nitong sinilangan sa Balaoan La Union at pansamantalang nanuluyan sa bahay ng aking Lolo( patay na nuon ang aking Lola). This time, naging Ilokano naman ako, north and south apart .

Naganap daw ito nuong ako ay tatlong taong gulang pa lamang. At makalipas lamang ang mga tatlong buwan ay muli kaming sinundo ng aking ama upang isama muli dito sa Maynila: nakahanap na daw siya ng isang magandang trabaho.

Pagdating namin dito ay tumuloy na kami sa Barangka Marikina at nanirahan sa isang paupahang apartment na pag-aari din ng kumpanyang napasukan ni Papa. Bagung bagong gawa pa lang ang nasabing apartment nang una namin itong tirhan. Dito ako unang nagkaisip, at dito ako may natatandaan sa aking pagkatao simula nang isilang ako. Dito ako unang tumuntong sa eskwelahan. Sa Barangka Elementary School. Hindi pa uso nuon ang kindergarten at preparatory kaya diretso agad ako sa Grade One. Natatandaan ko pa, iyak ako ng iyak nuon ng una kong pasok sa eskwelahan. Ayaw kong paalisin si Mama sa aking tabi. Ang feeling ko ay kakainin ako ng buhay ng aking mga kaklase at guro kapag iniwanan ako ni Mama. Samantalang seven years old na ako nung time na yun!

Ang alam ko, natapos ko ang grade one ko sa nasabing eskwelahan. Pero hindi na pala ako maggi-grade two dito sa susunod na pasukan. Dahil nakatakda na naman kaming lumipat nung sunod na taong iyon. May bubuksan na isang bagong branch ng company sa Caloocan ang amo ni Papa, at duon daw siya ilalagay nito. Partnership ito sa isa pang Intsik na kaibigan ng amo ni Papa. Kaya, no choice, kundi lipat bahay at impake na naman. Kung kailan hindi na ako takot sa mga bago kong kaklase, may mga bagong kaklase na naman akong katatakutan!

Balik kami sa dating lugar na inupahan namin nung una. Malapit kasi ito duon sa pabrika na papasukan ni Papa, kaya dito na rin namin piniling mangupahan ulit.

This time sa pagpasok ko sa eskwela ay grade two naman ako; sa A.C. Herrera Elementary School sa Tondo( wala na ito ngayon). Dito ako nakatapos ng grade two -- at halos makatapos ng grade three!

Dahil, pagkatapos ng halos dalawang taon ay lilipat na naman kami!

Nag-away ang amo ni Papa at ang kanyang kasosyo sa negosyo kaya nagpasya silang maghiwalay na lamang ng landas. At dahil binawi na niya ang kanyang sapi sa negosyo niya sa Caloocan ay ang nasa Marikina na lang ang natira niyang pinagkakakitaan. Kasama niyang pinabalik dito ang aking ama.

In short, balik Barangka, Marikina kami. Pero hindi na dun sa dating apartment na inupahan namin. Sa isang maliit na barung barong sa loob ng nasabing compound. Tumagal kami dito ng humigit kumulang dalawang taon.


Balik Barangka Elementary School din ako. Nagtransfer ako ng grade 3 dahil hindi pa tapos ang school year nuon nang lumipat kami. Dito ko na natapos ang grade 3.....hanggang grade 6.

Dito ako grumaduate ng Primary School.

Samantala, nakatagpo ng isang lupa na may rights si Papa dito pa rin sa Barangka, Marikina. Wala pa itong titulo, kaya mura ang pagkakabenta. Kinagat ni Papa. Ang ending, bago ako mag grade 6 ay umalis kami sa barung barong na kinatitirikan namin patungo sa isang bagong gawang bahay na sakop ng isang lupang walang kasiguruhan ang papeles, duon din mismo sa Barangka Marikina, isang kilometro lang ang layo mula sa isat isa.

Kumbaga, lipat bahay lang kami, pero in the same Barangay pa rin at Bayan. Dito kami nagtagal. Dito na kami mula nang mag-grade 6 ako hanggang sa mahinto ako sa pag-aaral ko nang High School.

Dito sa lugar na ito maraming memories akong naipon.

Dito ko naranasan ang maglayas. Ang magbulakbol sa klase. Ang maging loner at mapag -isa. Nang magkaruon ako ng unang trabaho, dito kami nakatira. Dito laging may giyera. Nandito kami nung maganap ang Original Edsa. Dito ko namasdan ang grabeng pag-aaway ng aking mga magulang. Dito ako nag- debut. Dito kami nakatira nang una kong marating ang Baguio. Nandito kami nang unang mag-abroad si Papa. Dito ako nadampian ng aking first kiss! Dito ako unang nain-love!

Kaya ganun kamemorable ang bahay namin nuon diyan sa Barangka Marikina.

Dumating ang time. Na elect si Bayani Fernando bilang mayor ng Marikina. Ang kanyang unang inayos, ang linisin ang Marikina sa mga squatter!

And since wala naman talagang kaukulang titulo ang lupang kinatitirikan ng aming bahay at ayon sa Munisipyo ang lupang ito ay pag-aari ng Gobyerno, napaalis kami sa lupang iyon na matagal naming inalagaan. Ito raw ay sakop pa ng DPWH dahil malapit kami sa Highway nakatira.In short kami raw ay squatter.

Wala na kaming nagawa, nang isang araw ay akyatin ng sangkaterbang house wrecker ang aming bubong at sinimulang tigpas tigpasin ang aming yero at masuhin ang aming pader. Kahit nanduon pa kami sa loob ng bahay. At wala kaming pansamantalang malilipatan. Ganun sila kalupit nuon. Isa iyon sa mga araw na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko!

Tulirong tuliro ang mama ko nuon sa nagaganap na pagwasak sa aming two storey house nuon sa Marikina. Galing ito sa katas ng pagsa-Saudi ng Papa ko. Halos mahigit sa walong taon ang ginugol ng aking ama sa ibang bansa para lang maipaayos at maipatayo ang nasabing bahay na magsisilbi sana naming kanlungan sa mahabang panahon. Hindi ko nais itama ang isang mali. Ang magpagawa ng isang malaking bahay sa loob ng isang lupang wala namang kasiguruhang mapapasaamin. O ang okupahin ang isang lupaing hindi naman namin pag-aari!

Ang hindi ko lang lubos maisip at hindi ko matanggap hanggang ngayon ay ito: ang sapilitang pagpapaalis sa amin ng walang kaukulang abiso o pasabi man lang. Pakiramdam ko nuon ay para ba kaming isang langgam na matapos makapagtayo ng isang matayog at malahiganteng anthill, ay bigla na lang dumating ang isang bulldozer at agad inararo ang ang aming Punso!

Hindi naman kami mga langgam! Mas malaki kami sa mga langgam noh!

Kaya kinagabihan nuon ay wala kaming nagawa kundi ang matulog na ang bubong ay ulap at magkaruon ng lampshade na mga Buwan at Bituin.

Mabuti na lang at may kamag-anak na nag-alok upang pansamantala kaming tumira sa kanilang resthouse sa may bandang Antipolo.

At sa awa muli ng ating Diyos, muli kaming nakakuha ng isang lupa na pwedeng muling pagsimulan ng buhay dito naman sa Antipolo City.

Ngunit, tulad pa rin ng dati -- hindi pa rin namin tunay na pag-aari ang lupaing ito na kinatitirikan ng aming munting bahay ngayon. Ipinaglalaban pa rin namin hanggang sa ngayon ang lupang ito na mapasaamin na....sa wakas! Laban sa mga maraming Alta Sosyedad na nag-aangkin sa lupang aming kinakalinga at inaalagaan.

Ang hirap lang dito, nuong ang nasabing lugar ay puno pa ng talahib at puro damo ay walang nag-aangkin at nagsasabing sa kanila ito. At ngayong naging malinis na ito, umunlad at nakita ang potensyal na lumago ang nasabing lugar ay saka lumabas ang maraming gustong makuha ang pagmamay-ari nito!

Ang tao nga naman oo.

At diyan nagtatapos ang aking adventures sa pagpapalipat lipat ng bahay. Sa bawat paglipat mo ng lugar at bahay na titirhan mo, sari saring tao rin ang makakasalamuha mo. Sari saring buhay at pagkatao ang iyong makakaengkuwentro. Na siya ring huhubog sa klase ng buhay na itatakbo mo sa mundong ito. Kung naging ano man ako ngayon; marahil ay may malaking kinalaman ang paglipat lipat at pagpapalit-palit ko ng lugar sa kinalabasan ng pagkatao ko ngayon.

Sa ngayon ay kuntento na ako sa lugar na kinaroroonan ko - kahit walang kasiguraduhan kung hanggang kailan kami rito tatagal.

Kailan ako lilipat ulit ng lugar? Siguro kapag kaya ko nang bumili ng house and lot sa isang subdivison o kaya'y isang unit sa isang condominium sa Makati City.

O eh bakit , libre lang naman ang mangarap ah.

Tuesday, May 18, 2010

SIGNOS


NANINIWALA BA KAYO SA SIGNOS?

ITO YUNG MGA BABALA O PAHIWATIG SA ISANG TAO PARA SA ISANG PAPARATING NA TRAHEDYA O SAKUNA.

MATAGAL NA ITONG PANGYAYARING ITO. PERO HANGGANG NGAYON AY HINDI KO PA RIN MAKALIMUTAN. ITO AY NANGYARI SA AMIN NG AKING MGA MAGULANG.

NAGDESISYON KAMI NUON NA UMUWI SA AMING PROBINSYA SA ILOKOS.




NAG-COMMUTE KAMING TATLO ( MAMA,PAPA AT AKO ) PATUNGO SA BAHAY NG AKING TIYAHIN SA TONDO ISANG GABI, AT MULA DUON AY SABAY SABAY KAMING SASAKAY SA ISANG KOTSE NA NAKAPARADA SA HARAPAN NG BAHAY NILA TITA. BAGO KAMI UMALIS AY IBAT-IBANG ABERYA AT ATRASO ANG NANGYARI SA AMIN:

1. NAGMAMAKTOL AT NAG-IIIYAK ANG AMING BATANG PAMANGKIN - AYAW TUMIGIL NG BATA SA KAIIYAK. TALAGANG SUPER CRY TO THE MAX ANG BATA . GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT PARA MAPATIGIL ANG BATA SA KAIIYAK PERO LALO LANG PUMALAHAW SA PAG-ATUNGAL ANG BATA. MABUTI NA LANG AT MAYA-MAYA AY NAKATULOG NA ANG BATA.

2. NAWAWALA ANG BAG NI TITA - SA DI MALAMANG DAHILAN, BIGLANG NAGLAHO ANG BAG NI TITA. ANG SABI NIYA, INILAPAG LANG NIYA ITO SA LAMESA, PERO HALOS NAHALUGHOG NA NAMIN ANG BUONG KABAHAYAN, DI PA RIN MAHANAP ANG PESTENG BAG. MAYA MAYA BIGLA NA LANG ITONG NAKITA SA IBABAW NG KAMA, NATATAKPAN NG MGA UNAN.

3.UMUWI ANG AKING PINSAN NA MAY SUGAT SA PAA - NATALISOD DAW SIYA SA ISANG NAKAUSLING KAWAD NG KURYENTE MALAPIT SA KALSADA HABANG PAPAUWI. SIYA ANG DRIVER SANA NG SASAKYAN NUNG GABING YUN. AT DAHIL MASAKIT AT INIINDA ANG NATAMONG SUGAT DAHIL SA PAGKAKADAPA, HINDI NA DAW SIYA PWEDENG MAG-DRIVE. TAWAGIN NA LANG DAW ANG ISA PA NAMING PINSAN PARA SIYANG MAG-MANEHO.

4.HINDI PA DUMADATING ANG AMING PINSAN NA SIYANG HAHALILING MAG-DRIVE - MAG-AALAS DOSE NA NG GABI IYUN.DAPAT AY KANINA PANG ALAS DIYES KAMI NAKAALIS . MAYA MAYA PA AY DUMATING NA ANG AKING PINSAN. GRABE DAW ANG TRAFFIC SA KALYENG DINAANAN NIYA. MAY NAGBANGGAAN DAW KASING MGA SASAKYAN. MAG-AALA-UNA NA IYON NG MADALING ARAW.

5.NAWAWALA ANG SUSI NG SASAKYAN - HINDI MAKITA ANG SUSI . WALANG NAKAKAALAM KUNG SINO AT SAAN ITO NAILAGAY. HANAPANG WALANG PUKNAT ANG NANGYARI. NAKITA ITO SA ILALIM NG SASAKYAN.EWAN KUNG SINO ANG NAGTAPON DUON.

6. AYAW BUMUKAS NG PINTO NG KOTSE GAMIT ANG SUSI - NAKAKAPRANING PERO AYAW MAGBUKAS NG PINTO NG KOTSE KAHIT ANONG PIHIT ANG GAWIN NILA SA SERADURA NITO. ILANG PIHIT PA AT MAYA MAYA AY NABUKSAN DIN ITO.

7.UMUSOK ANG UNAHAN NG SASAKYAN - NANG TINGNAN NILA, MAY SIRA DAW ANG ISANG PARTE NITO, AAYUSIN PA DAW MUNA SAGLIT.

8. NAHIHILO SI MAMA - PINAAMOY NG WHITE FLOWER UPANG MAHIMASMASAN SIYA. AT PINAIDLIP SANDALI SA KUWARTO.

9. NAKALIMUTAN ANG ISANG GAMIT - ALAS TRES NG MADALING ARAW, READY NA ANG LAHAT PARA UMALIS. SUMAKAY NA ANG LAHAT NANG KASAMA SA KOTSE. PAGDATING SA AVENIDA KALOOKAN , MAY NAKALIMUTAN ANG ISANG KASAMA, BINALIKAN PA ULIT IYON. MAHALAGA DAW ANG GAMIT NA NAIWAN.

10. PALPAK NA ATM - PAALIS NA ULIT ANG GRUPO. MAGWIWITHDRAW NG PERA SI TITA PARA GAMITIN SA BIYAHE. HANAP SILA NG ATM. LAHAT NG ATM NA NAPUNTAHAN AY LAGING WALANG LAMANG PERA. ZERO BALANCE.O KUNG HINDI NAMAN AY OFFLINE O HINDI GUMAGANA. DUON NA LANG DAW SA MABALACAT, PAMPANGA MAG-WITHDRAW NG PERA.

11. NASIRANG PINTO NG KOTSE - ALAS 4:30, NASA NORTH EXPRESSWAY NA ANG BIYAHE. AYAW SUMARA NG PINTO NG KOTSE. DIYATA'T MAY SIRA ANG PINTO NITO. IPAGAWA NA LANG DAW DUON SA PROBINSYA. NILAGYAN NA LANG NG ALAMBRE ANG PINTO PARA SIYANG MAGSILBING TARANGKA NITO.

12. HUMULAGPOS ANG ALAMBRE - BUMUKAS ANG PINTO, NAHULOG ANG BAG NG ISA NAMING PINSAN. TIGIL ANG KOTSE, HANAPAN SA BAG. KAHIT ANONG HANAP, HINDI NA MULING NAKITA PA ANG BAG.

ALAS- SINGKO NG MADALING ARAW NG LINGGO, NAGPASYA ANG GRUPO NA HUWAG NANG TUMULOY. SAPAT NA ANG LAHAT NG ABERYANG NANGYARI UPANG MAGSILBING SINYALES SA GRUPO NA HUWAG NA NAMING ITULOY ANG BIYAHE. ISA ITONG SIGNOS NA NAGSASABING MAY MALAGIM NA AKSIDENTENG MANGYAYARI SA AMIN KAPAG NAGPATULOY. HINDI PINAHINTULUTAN NG DIYOS NA MAY MASAMANG MANGYARI SA AMIN KAYA NAGBIGAY SIYA NG MGA BABALA.

ANG PANGYAYARING ITO AY TUTUONG NANGYARI SA AMIN. KAYA'T HUWAG IPAGSAWALANG-BAHALA ANG SIGNOS NA IPINAPAKITA NG ATING MAYKAPAL.

DAHIL DITO, AKING PINUPURI ANG DIYOS SA KANYANG PAGLILIGTAS SA AKIN AT SA AKING MGA MAHAL SA BUHAY!

AMEN.....

Monday, May 17, 2010

The Moon and Venus



Nakita ko rin ito kagabi under the foggy clouds of Antipolo City sky.

Ang ganda niyang pagmasdan habang tinitipa ko ang aking gitara sa aming veranda.

This is the Crescent Moon and the planet Venus being totally aligned with each other.

A totally rare view.

I somehow see it as a lucky omen for us Filipino people.

Look at the image being projected!

Looks like a happy face with a winking eye!

Hello luck!

Truly , a marvelous sight!

Moon and Venus.

The two most beautiful thing in the Earthly sky!

What do you know!

Only a God can do this!

Hallelujah!

Sunday, May 16, 2010

ANG TATAY , ANG KANYANG BAKA AT ANG KANYANG ANAK

Heto pa ang isang kwento mula sa aking Lola Simeona na hindi ko malilimutan:















ANG TATAY, ANG KANYANG BAKA AT ANG KANYANG ANAK


May isang ama ng tahanan ang nagdesisyong pumunta sa bayan upang duon ay ipagbili ang kanyang inaning mga paninda. Isinama niya ang kanyang anak na lalaki at ang kanilang nag-iisang baka. Sabay sabay na nagsimula sa paglalakad ang tatlo.

At nagsimula ang kanilang paglalakbay patungo sa bayan.

Nadaanan nila ang isang baryo na may mga taong nagkukulumpunan at sila ang pinaguusapan.

"Ano ba itong mag-amang ito, diyata ay napakahangal. Mayruon naman silang kasamang baka, pero hindi sumakay ang isa sa kanila nang sa gayon ay hindi sila mapagod sa paglalakad"

Nang marinig ito ng mag-ama, ay napag-isip nilang tama ang mga tao sa sinabi nila. Kaya nagdesisyon ang ama na pasakayin ang kanyang anak sa likod ng baka.


At nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Maya maya ay napadaan na naman sila sa isang baryo na marami ding tao ang nagtitipun- tipon at narinig nilang sila ang pinag-uusapan.

" Ano ba naman itong anak na ito, diyata't napakawalang puso. Hinahayaan niyang maglakad ang kanyang ama gayung matanda na ito habang siya ang nakasakay sa likod ng baka kung saan siya naman ang mas malakas sa kanila."

Nang marinig ito ng mag-ama ay naisip nilang marahil ay tama ang sabi ng mga tao. Malakas pa nga naman ang batang anak kaya ayos lang dito ang maglakad. Samantalang ang ama ay matanda na kaya kailangan ito na lang ang nakaupo sa likod ng baka.


At muli silang nagpatuloy sa paglalakbay.


Isa na namang baryo ang kanilang nadaanan at tulad ng nauna ay maraming tao na naman ang nagbubulung-bulungan tungkol sa kanilang kalagayan.

"Ano ba naman itong amang ito. Walang habag sa kanyang anak. Hindi ba niya naisip na batang bata pa ang kanyang anak ay pinapahirapan na niya sa paglalakad. Samantalang siya na mas matanda at mas banat na ang buto sa mga mabibigat na gawain ay siya pang nakasakay sa likod ng baka at nagpapahinga."

Nang marinig ito ng mag-ama ay naguluhan sila.

"Alam mo anak nalilito na ako. Sa umpisa, na naglalakad tayong tatlo at walang nakasakay sa baka,sabi nila bakit hindi daw natin sakyan yung baka. At nung ikaw na ang sumakay,sabi naman nila wala ka daw awa sa akin dahil malakas ka pa naman at ako ay mahina na. Subalit ngayong ako naman ang nakasakay sa baka, ang sabi na naman nila ay wala daw akong habag dahil pinababayaan kong maglakad ang bata ko pang anak. hindi ko na alam kung saan ako lulugar eh."

"Ama, mayruon po akong naisip"

" O sige anak, ano iyon?"

"Bakit po hindi tayong dalawa ang sumakay sa likod ng baka? Di ba para wala na siguro silang masasabi dahil pareho na tayong hindi mahihirapan sa paglalakad. Di po ba?"

"Aba'y tama ka nga anak. Ganun nga siguro ang pinakamabuti para sa atin. Buweno, halika na at tayo'y yumaon dahil gagabihin na tayo sa ating pagparuon sa bayan."

At sumampa nga ang mag-ama sa likod ng baka.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay.

Maya maya pa'y isang baryo muli ang kanilang nadaanan, at narinig ang isa pang komento mula sa mga nag-uumpukang mga tao.


At kanilang narinig" ano ba naman itong mag-amang ito, hindi na naawa sa baka! Aba'y dala-dalawa pa silang pinapasan ng baka. Tingnan mo nga iyong baka at lawit na ang dila sa pagpasan sa kanila.Bakit kaya hindi na lang sila maglakad."

Narindi ang tenga ng ama sa narinig.

" Tama na. Ayoko nang makinig sa inyo. Hindi ko na malaman kung ano ang gusto ninyo."

At nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Maghahapon na nang sila'y makarating sa bayan.

At habang sila'y papasok sa loob ng bayan, naririnig nila ang matinding tawanan at hiyawan ng mga tao sa kanila, at ganito ang sinasabi.....

"Tingnan mo nga naman yung mag-amang tanga. Biruin mo bang pasanin sa kanilang likod ang baka, ha ha ha ha ha ha....."


Saturday, May 15, 2010

ANG LALAKI AT ANG KANYANG TANDANG

Heto ang isang kuwentong hango kay Aesopo na aking nais ulitin sa aking sariling pamamaraan. Naalala ko ito dahil sa una ko itong narinig mula sa gumagaralgal na tinig ng aking pinakamamahal na si Lola Simeona Victorino Briones:












ANG LALAKI AT ANG KANYANG TANDANG

Mayruong isang lalaki, dala dala ang kanyang panabong na tandang, ang naglalakad sa isang ilang na kalsada. Maya maya ay nilapitan siya ng isang matandang babae.

"Apo, mabuting sumilong ka muna dito sa aking bahay, sapagkat nakikita ko na maya maya ay bubuhos ang malakas na ulan at kapag nagkataon ay wala kang ibang masisilungan maliban dito sa aking bahay. "

"Aba, ganun po ba lola. Sige po kung iyon ang inyong kagustuhan"

Makalipas ang ilang saglit, bumuhos nga ang pagkalakas lakas na ulan, kasabay ang nagngangalit na kulog at kidlat. Nanggilalas ang lalaki sa namasdan. Matapos tumila ang ulan......

"Ah lola,salamat po sa pagpapatuloy nyo dito sa akin. Pwede ko ho ba kayong matanong lamang?"

"Sige, iho, ano ang iyong katanungan?"

"Manapa'y nanggilalas po ako sa inyong kagalingan dahil maigi ninyong nahulaan ang darating na pagbuhos ng ulan. Maaari ko po bang malaman kung paano ninyo iyon nahulaan?"

Ngumisi ang matandang babae....

" Iho, sapagkat ako ay isang magaling na manghuhula!"

" Ganun po ba lola. Kaya pala nalaman ninyo agad ang paparating na bagyo"

"Tama iyan iho"

" Kung ganun po, maaari ko po bang malaman mula sa inyo ang aking magiging kapalaran?"

" Sige iho. Ano ang gusto mong malaman tungkol sa iyong kinabukasan?"

" Nais ko po sanang malaman......kung kailan po ako mamamatay?"

Muling ngumisi ang matandang babae.....

"Sige, pakingggan mo itong maigi iho. Ikaw ay mamamatay......sa sandaling makaikatlong pagtilaok ng hawak mong tandang!!!"

Natulala at halos hindi makakibo ang lalaki sa kanynag narinig. Pinagpalipat lipat niya ang kanyang pagmasid mula sa kanyang tandang na tangan at sa matandang babae.....

Maya maya pa ay daglian na siyang nagpaalam......

" Sige po lola, yayao na po ako. Salamat po muli sa inyong pagpapasilong"

"Patnubayan ka ng Diyos! At huwag mong kalilimutan ang aking sinabi tungkol sa iyong kapalaran"

"Opo. salamat po muli"

At nagmamadaling umuwi ang lalaki sa kanilang bahay, litung lito at di alam ang kanyang gagawin......

At tumilaok ang tandang....taktalaokkkk.........

Lalong nagulantang ang lalaki.

" Diyatat tutoo ang sinabi ng matandang babae. ano ngayon ang gagawin ko? Dalawang tilaok na lang at matatapos na ang buhay ko. Mabuti pa ay itali ko ito para hindi na makatilaok pa"

At ganun nga ang ginawa ng lalaki. Itinali nya sa isang malaking puno ang manok.......maya maya pa tumilaok ang tinali....taktalaokkkkk.......

Lalong sumikdo ang dibdib ng lalaki sa kaba. Diyatat isang tilaok na lang ay malalagot na ang kanyang hininga.......

" Hindi pwede ito. Kailangang hindi ka makatilaok ng pangatlong beses. Mabuti pang patayin na lang kita kaysa ako ang mamatay! "

Kinuha ng lalaki ang itak sa kusina at hinabol ng taga ang kawawang tandang.

Ngunit dahil sa nadamang panganib ay nagtatakbo ang manok sa buong bakuran. Nagpipilit kumawala sa gagawing pagpaslang ng kanyang amo sa kanya.

Hinabol siya ng lalaki.

Tangan tangan ang itak ..nagdudumaling dinukwang ng lalaki ang manok na kaipala'y biglang lumipad sa ibabaw ng isang pader.......

At hindi sinasadya....natalisod ang lalaki sa isang nakausling bato.Dahilan upang mabitawan ang hawak na taga......bumaon ang puluhan sa isang kahoy na kulungan....nakausli ang talim........

Nadupilas ang lalaki.....hindi niya na naiwasan........bumaon ang kanyang didbdib sa nakausling talim ng nasabing taga.........bumuhos ang masaganang dugo sa lupa..........


At tumilaok ang tandang sa pangatlong pagkakataon.....

Taktalaokkkkk...........

Friday, May 14, 2010

Celebrity Winners and Losers

Nitong nakaraang Eleksyon nang Mayo 10, 2010, maraming mga celebrity o movie and TV personality ang kumandidato para magsilbi sa kani - kanilang distrito o lugar bilang opisyal ng pamahalaan.

Ilan sa kanila ang kumandidato sa lokal at nasyonal na halalan.

Mahalagang may datos tayo ng mga nanalo at natalong celebrity candidates dahil dito mo malalaman ang pulso ng mamamayan kung sinusuportahan pa ba nila ang mga sikat na kandidatong ito at kung may sapat pa ba silang hatak sa mga botante o karisma para makahikayat ng mga botante at kanilang mga constituents na sila ay iboto.

Sapat ba na sikat at kilala ang kandidatong iboboto mo bilang batayan para maglingkod sa iyong lugar bilang isang public official?

Siyempre , una na sa listahan ay ang dating Pangulong si Joseph Ejercito Estrada na tumakbo sa pagka-presidente, at base sa huling taya ng bilangan ay pumapangalawa sa kandidatong si Noynoy Aquino sa pagkapanalo. Tila ba gumagana pa rin nga ang Erap Magic lalo na sa mga masang Pilipino na labis na humahanga sa nasabing Pangulo ng mga Masa. Ngunit tila hindi na sapat ang bilang ng Erap magic na ito upang muli siyang mailuklok sa Malakanyang!

Sa pagka-pangalawang pangulo ay tumakbo naman ang isa ring aktor na si Edu Manzano, ngunit sa kasamaang palad ay maagang tinanggap ang kanyang pagkatalo sa larangang ito. Tila hindi naisama at nahawahan ni Governor Vilma Santos ng kanyang suwerte na landslide ang pagkapanalo naman sa Batangas. Natalo rin ang mga dating TV personality na sina Loren Legarda at Jay Sonza kahit na halos araw araw ay nakikita sila sa TV at naririnig sa radyo.

Sa mga Senador, nangunguna ang Panday na si Ramon " Bong " Revilla para bumalik sa Kongreso. Ganundin sina Jinggoy Estrada, Vicente "Tito" Sotto at Lito Lapid para maging Senador muli. Itong ating susunod na sesyon ng Kongreso ay magiging star-studded dahil sa dami ng mga nakapasok na Senador at Kongresista na galing sa Ikatlong Sining.Take note of the following:

Lani Mercado bilang representative sa lone district ng Bacoor , Cavite; Lucy Torres Gomez para sa 4th district ng Leyte; Dan Fernandez para sa 1st district ng Laguna; Imelda Marcos na isa ring TV and movie celebrity in her own right bilang kongresista sa 2nd district ng Ilocos Norte at siyempre ang boxing icon na si Manny Pacquiao na sa wakas ay nanalo rin bilang kinatawan ng Sarangani Province. Kung hindi pa star studded iyan heto pa.

Wagi din sa katatapos na eleksyon sina Strike Revilla bilang Mayor ng Bacoor, Cavite;Gian Sotto bilang Councilor ng Quezon City;Val Sotto bilang Konsehal ng Paranaque City, Herbert Bautista bilang Mayor ng Quezon city; Isko Moreno bilang Vice Mayor ng Maynila;Guia Gomez bilang Mayor ng San Juan;ER Ejercito o George Estregan Junior bilang Governor ng Laguna;Precious Hipolito,Alfred Vargas at Roderick Paulate bilang mga Konsehal sa Quezon city;Robert Ortega bilang konsehal ng Maynila;Daniel Fernando bilang Vice Governor ng Bulacan; Monsour del Rosario bilang Konsehal ng Makati City;Christopher De Leon bilang Board Member ng Batangas;Teri Onor bilang Board Member ng Bataan; Gary Estrada bilang Board Member ng Quezon,Yul Servo bilang Konsehal ng Maynila; Alma Moreno bilang Konsehal ng Paranaque; Angelica Jones bilang Board Member ng Laguna at Daisy Reyes bilang Konsehal ng Pateros.

At siyempre kung merong mga panalo, meron din namang mga talo: sina Joey Marquez, Anjo Yllana, RicoJ.Puno , Rey Langit, AlexTinsay,Kata Inocencio, Ogie Diaz, Aiko Melendez, Arnell Ignacio, Ara Mina, Jestoni Alarcon , Cesar Montano at Imelda Papin ay kapwa hindi nagtagumpay sa nakaraang Halalan 2010.

Ano ang ibig ipakita ng mga datos na ito?

Malaki ang lamang ng mga artista o yung mga nasa tri-media na manalo sa isang eleksyon dahil sa name recall. Madaling matandaan dahil palaging nakikita sa TV o napapakinggan sa radyo o nababasa sa mga pahayagan at magasin ang mga personalidad na ito kung kaya naman sila ang karaniwang naiisip na iboto ng mga simpleng mamamayan. Madali ring makaakit ang karisma at persona ng mga ito lalo na kung ikaw ay sikat at may pangalan sa industriya.

Subalit sa kabilang banda , ipinapakita din ng datos na ito na , hindi lang porke sikat ka at may pangalan ay tatangkilikin ka na rin ng mga botante pagdating ng halalan. Mahalaga ring tinitingnan ng mga tao ang track record o performance ng isang tumatakbong kandidato na artista kung may sapat nga ba itong kakayahan para sila ay pagsilbihan. Kung minsan ay hindi lang sapat na pasaporte ang kasikatan para magwagi sa isang halalan. Take the case of Cesar Montano ( na nakakuha pa ng extra limelight dahil sa pagkamatay ng kanyang anak ) na bagamat sikat na sikat ay hindi pa rin pinalad na manalo sa nakaraang halalan.

Sa hanay ng mga celebrity endorsers, tila hindi nakahatak ang mga sikat na artista para maipanalo ang mga kandidato nila tulad nina Willie Revillame, Dolphy at Manny Pacquiao para kay Manny Villar at Sarah Geronimo para kay Loren Legarda.

Samantala, pumatok ang Bicol partylist na ABO na inendorso ni Manoy Eddie Garcia huh!

Teka, mag- iba kaya ang resulta ng halalan kung ang tatakbo ay sina Gerald Anderson at Kim Chiu?

Malay!

Ewan!