Wednesday, March 31, 2010

Once in a blue moon


Blue Moon ngayon.

March 31, 2010 is a blue moon. Ibig sabihin, sa isang buwan ay dalawang beses na nagkaruon ng full moon na usually ay isa lamang dapat. Rarity ang ganitong eksena at minsan lang mangyari.

Kaya nga dito nag-umpisa yung katagang " once in a blue moon" na patungkol sa mga pangyayaring bihirang maganap o makita.

Tiyak nagkakatuwaan na naman ang mga lobo at aso sa kakaalulong.



At ang mga werewolf na kalahi ni Jacob Black tiyak na nagsi-celebrate.

Eh di siyempre ang mga kamag-anak ni Sisa, nagdiriwang din he he he he.

Sabi nila, kapag bilog daw ang buwan ay maraming kababalaghang nangyayari.

At marami daw ang napapraning. Dahil ang hatak ng gravity ng buwan sa atin ay nakakaapekto din sa ating utak. Totoo ba ito?

Basta ako heto nababaliw na yata.

Tingnan n'yo oh!





Hi hi hi hi hi hi.

Tuesday, March 30, 2010

Blind item sa massage parlor...


Tulad nang naikuwento ko nung isang araw na dumayo kami sa isang massage parlor ng kaibigan kong si Alex, nakipaghuntahan ako sa aking masahista na may pangalang Arnel.

At dahil sa hinaba HABA ng aming tsikahan ay may mga nasagap akong kuwento mula sa bubuwit.

Mag-blind item tayo he he he he.

Nakasagap ang lolah n'yo ng isang chika na maaaring tutoo maaari din namang hindi.

Ito ay base lamang sa pagkukuwentong idinetalye ni Arnel sa akin.

Ito diumano ay tungkol sa kanyang engkuwentro sa kama kapartner ang isang kumakandidato para sa mataas na posisyon sa Mayo 10 , nitong nagdaang mga panahon.

Diumano ay nagpamasahe ang nasabing kandidato sa isang massage parlor na dati niyang pinagtatrabahuhan. Siya umano ang napili nito upang magmasahe sa kanya.Matapos ang masahe ay nangyari ang hindi niya inaasahan . Ito pa diumano ang nag-aya na may mangyari sa kanilang dalawa. Lalaking lalaki daw ang dating sa kanya ng nasabing kandidato kaya hindi niya ito inisipan ng kung ano pa man.

Bagamat may mga nakakarating na ding mga tsismis sa kanya tungkol sa nasabing kandidato ay hindi niya ito pinaniniwalaan.

Hanggang sa nangyari ang nasabing engkuwentro kung saan duon niya napatunayan ang pagiging "silahista" ng nasabing kandidato. Kaya inawit daw niya ang " I'm A Believer" ng The Monkees dahil dito. At dagdag pa niya mula sa kanta "... and not a trace of doubt in my mind.." he he he he.

Buong ningning daw na sinubo nito ang kanyang sandata na halos hindi humihinga. Para daw itong si Darna kung makalunok ng bato ni Ding. Walang sayad at walang sound kung ito daw ay "trumabaho".

Kaya naman solve daw siya matapos ang nasabing "once in a lifetime encounter".

Ewan, pero walang kagatul-gatol at walang kakurap-kurap na nagkukuwento ang nasabing masahista kaya naman naniniwala din ako.

Kunsabagay, nahahalata at naaamoy ko din naman kasi ang kandidatong ito eh kaya hindi naman mahirap maniwala sa kuwento ni Kolokoy. Siyempre, amoy ng mga isdang malansa ang kapwa niya isda na malansa noh, he he he.

Oh, sino itong kandidatong ito na pinagpiyestahan namin ni Masahista?

Ay ayokong sabihin, kasi baka maunsyami ang kanyang pagkapanalo he he he he.

Basta nanduon ang kanyang pangalan sa mga Top 10 survey survey eklabu he he he he.

Kung Presidente, o Bise-Presidente , o Senador , kayo na ang bahalang manghula he he he.

Safe na ba?, EHEM!!!EHEM!!!

Monday, March 29, 2010

Concert of Timbaland, Justin Timberlake and Jojo at Mall Of Asia....

With the invitation of a friend, Alex Gesmundo to join him in attending the concert of Timbaland entitled Changing Lives , with guests Justin Timberlake and Jojo at MOA Concert Grounds, this made my day an exciting one.


Maaga pa lamang ay nanduon na kami sa venue. 8 PM daw ang start , pero 7 PM pa lang ay nakapila na kami. Grabe ang dami ng tao at siksikan. Kahit malamig ang simoy ng hangin nung gabing yun, ay mainit sa aming lugar dahil sa pagsisiksikan ng sangkaterbang tao.

Admittedly, this is my first time to watch a concert featuring a foreign acts, promise. Wala pa akong napanuod na concert ng any performer na banyaga. Namamahalan kasi ako sa mga tickets, 'di ko pa afford he he he he. Mabuti na lang at nilibre ako ng friend kong si Alex kaya naman may chance akong mapanuod ang mga favorite acts kong ito, especially Justin Timberlake na ang gwapu-gwapo.







Magna-nine na nang mag-start ang concert proper. Si Timbaland agad ang sumalang sa stage na masiglang binanatan ang kanyang mga hits tulad ng Apologize, Carry Out at If We Ever Meet Again.

Sa kalagitnaan ng performance ay lumabas si Jojo at binanatan ang hit single niyang Too Little, Too Late.

Sa kahulihulihan na ng show lumabas si Justin Timberlake na siyang hinihintay at inaabangan ng nakararami, kaya naman nang magpakita na ito sa harap ng stage ay hindi na magkamayaw ang mga tao sa pagtili at pagsigaw para sa nasabing N'Sync former vocalist. Lalo nang nagkagulo nang bumanat na ng kanyang hit single na Sexy Back na bale finale at encore song ng concert.








Punong puno ng mga bagets at younger generations ang concert na ito kaya naman hindi maka-relate at makahabol ang mga lolah n'yo he he he, lalo na ang Alex na sumakit ang paa sa katatayo at nakuha pang sumalampak sa madamong grounds ha ha ha ha.

Hindi magkamayaw ang mga tao kapag sumigaw na ng "Manila, make some noise", " Put your hands in the air" at " Movin' on up and jump" sina Timbaland at Justin kaya naman nagmistulang isang malaking disco bar ang buong MOA Concert Grounds dahil sa energy at hyperactivity ng mga kabataan. Nagustuhan ko din naman ang sounds na pinaghalo-halong hip-hop, techno, rave at rnb.







Present din ang mga artista like Derek Ramsay, Angelica Panganiban at Shaina Magdayao na laging ipina-flash ang mga mukha sa LCD Screen.

Sa kabuuan , nag-enjoy ang lahat sa concert na ito bagama't may ilang mga lapses tulad ng ilang minutong mga dead air at tila ba mga unrehearsed performance ng mga artists involved.

Sana maulit pa in the future. Kaso ang mamahal kasi ng mga ticket. Biruin mong 8,000+ ang price ng ticket sa may area na pinakamalapit sa stage. 'Di ko na yata carry yun. Mas maraming nagugutom na bata kaysa gastusin mo sa ilang oras na concert na papagurin ka lang he he he he.

O hindi ako killjoy ha he he he. Nagko-comment lang po!

Anyway, I love you Justin, balik ka ulit!!

Debah naman!!!!

Sunday, March 28, 2010

Palm Sunday



Palm Sunday heralds the start of Holy Week.

Ito yung Sunday kung saan ay inaalala ng maraming mga Kristiyano ang pagsalubong na inialay ng mga Israelita para sa paparating na Haring Hesus sa bayan ng Jerusalem, dala dala ang sari-saring dahon at sanga ng olibo na kanilang iwinagayway at inilatag sa kalsadang dinaanan ni Hesus sakay ng isang asno.

But ironically, after only 4 days, this same people na nag-welcome sa ating Panginoong Hesus, ay siya ring mga tao na naghatol ng kamatayan at sumigaw ng parusang pagpapapako sa Kaniya sa Krus.

Ganyan talaga ang tao. This day ay sasalubungin ka ng ngiti at papuri , but the next day, ay hindi mo na alam kung nakangiti pa rin sa iyo at pinupuri ka . Who knows, may masama na palang binabalak laban sa iyo. Karamihan sa atin ay ganyan. Pakitang tao lamang.

Kaya nga this Palm Sunday, let us reflect sa aral na iniwan ng kasaysayng ito na naganap sa buhay ng ating Panginoong Hesus.

Kapag pinapasok natin at pinatuloy ang sinuman sa ating buhay nang may pagbubunyi at pagpupugay, hayaan nating lumabas din siya ng may karangalan at puri katulad ng ating pagsalubong na ginawa sa kanya.
Isa lamang ito sa mga aral na maaari nating pagbulayan sa pagpasok ng Mahal na Araw sa ating buhay. Pagnilayan natin ang mga aral at leksyon na hatid ng Linggong ito nang sa gayun ay maging kaiga-igaya at kalugod-lugod tayo sa harap ng ating makapangyarihang Diyos.


Happy Palm Sunday.

Saturday, March 27, 2010

Earth Hour



Today is Earth Hour.

Ngayon ang oras at araw para sa ating Inang Kalikasan( talagang babae ang personification nito to honor mother's caring and nurturing instinct, di katulad ng mga lalaki na pabaya he he he he) na ipadama ang ating pangangalaga sa kanya para sa ating kinabukasan din naman.

Ganap na 8:30 hanggang 9:30 ng gabi ay nagdilim ang buong mundo!

No, hindi po ito worldwide solar eclipse. At huwag mag-panic dahil hindi pa Judgment Day!

Kundi nagkaisa lamang ang sandaigdigan na patayin ang lahat ng ilaw at kuryente sa mga bahay at opisina nang sa gayun ay makatipid ng inaasahang libu-libong boltahe at enerhiya na unti-unting nauubos dahil sa ating mga kapabayaan.

Kayganda namang pagmasdan na ang lahat ay nagkakaisa para sa proyektong ito na pinasimulan ng mga taong nagmamalasakit sa ating daigdig na ginagalawan at pinaninirahan. Eh sino pa nga ba ang magtutulungan para sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan sa ating mahal na mundo kundi tayo tayo din naman. Dahil kapag ito ay tuluyang nasira at nawasak, tayong lahat ay malilipol din naman.

Enjoy din naman eh.Bukod sa nakatitipid ka na ng konsumo sa kuryente, bonding time din para sa magkakapamilya at magkakaibigan. Yung iba naglaro ng patintero sa ilalim ng sinag ng buwan. Yung iba naglaro din....sa kama ...he he he he.

Kaya sa mga nakiisa at nakisama sa magandang adhikaing ito, saludo ang espasyong ito sa inyo.

At duon naman sa mga hindi nakiisa, lamunin sana kayo ng lupa kapag lumindol!

Once a year lang naman eh, at isang oras lang, hindi pa ba magawa. Dapat nga every month para talagang makatipid tayo ng bulto bulto sa enerhiya. Enjoy yan di ba he he he? Tiyak kokontra na naman ang mga negosyante na walang ibang inisip kundi yung tubo nila.

Let us care more for our Mother Earth!

Isa lang ang mundong ito at wala nang iba!

Kaya kapag ito'y nasira , wala na tayong ibang pupuntahan pa.

So , for Mother Earth, Cheers and Long Live!

Friday, March 26, 2010

Graduation na naman..

Itong buwan ng Marso ay parehong umpisa ng tag-araw at panahon ng mga graduation sa bawat eskwelahan sa buong bansa.

Kamakailan lamang ay grumadweyt din sa elementarya ang aking isang pamangkin ,with honors , sa isang private school dito sa Antipolo . Siyempre naman, proud ako bilang tito niya huh!

Naalala ko tuloy ang mga " failed graduations " ko nuong aking kabataan.

Failed graduations dahil walang naganap na pag-akyat-sa-stage-at-pagtanggap-ng-diploma-tapos- ay-picture-taking-with-the-family-and-friends-and-then-iyakan-with-the-classmates ceremony called graduation, sa aking buong panahon ng pag-aaral. But literally, I'm a graduate.

Nuong ako'y nasa elementarya, dahil sa pangti-trip ng titser ko sa akin, napilitan akong hindi umattend ng aking graduation ceremony dahil sa aking paglalayas. Believing all along sa tinuran ng aking maestra na hindi daw ako makakatuntong ng stage dahil bumagsak ako sa isang asignatura niya , at sinabihang " huwag ka nang pupunta sa graduation ceremony at mapapahiya ka lang pati magulang mo dahil hindi ka makaka-graduate", kaya't napilitan akong maglayas at hindi nga maka-attend ng seremonyas ng pagsusuot ng toga.

But then, it came out to be a power tripping made by my teacher, at tinakot lang ako, ako naman si tanga at naniwala. Hayun, wala tuloy souvenir ng graduation ko nung elementary. But my diploma ay nandiyan, naka-laminate na. Nakuha ko, several days after the ceremony. Nung tinanong ako ng mga classmates ko kung bakit wala ako nung araw ng graduation, sinabi kong " eh iyon kasing epal nating guro eh, sinabihan ba naman akong hindi daw ako papasa , kaya hindi na lang ako pumunta ", sabay tawanan nila ha ha ha ha.

Nung High School naman ako, hanggang 3rd year lang ang natapos ko. After ng 3rd year, trabaho na ang inatupag ko. Di ko na natapos literally ang High Schooling ko. Pero , technically tapos ako ng High School at may Diploma ako nito na naka-display dito sa aming bahay. Paano?
Dahil pasado ako ng Philippine Educational Placement Test na programa ng DepEd para sa mga out of school youth na gusto pa ring makatapos ng High School. So may diploma, walang seremonyas. Wala na namang souvenir.

Dahil nga technically ay graduate ako ng High School, so puwede akong mag-college. Tertiary level naman ngayon. Enroll ako sa STI Academy. Computer Engineering naman ang sinabakan. Pero hindi pa natatapos ang isang semester, sumuko na ako. Putsa, nawiwindang ako sa mga mathematical formulas and equations wahhhhh!!
At nuong medyo malapit na akong mag-andropause, naisipan ko namang pumasok ng seminaryo para mag-pastor sana. Eh kaso, bigla namang umungot ang itinatago kong Super Sireyna, kaya heto, imbes na matapos ko ang kurso kong Theology para maging ganap na pastor, eh naging Titiology ang naipasa kong Masters Degree he he he.

At dahil diyan,nagtapos ang panaginip kong maka-graduate at makaakyat ng stage para tumanggap ng diploma. Kung pupunta kayo sa bahay at bubuklat ng aming family photo album, makikita ninyo na ang dami-daming graduation shots ng aking kapatid na nagtapos sa iba't ibang paaralan. Pero ako, wala kahit isa!

Hanggang pangarap ko na lang ang makaawit ng Pomp and Circumstance ni Sir Edward Elgar . Ipinalit ko na lang dito ang kantang "Duon Lang" ni Nonoy Zuniga. Sa tutoo lang, kapag wala kang diplomang pinanghahawakan ngayon galing sa malalaking unibersidad at paaralan, ang liit ng tingin ng tao sa iyo. Para kang langgam na kayang tirisin at tapak-tapakan.

Kaya nga pasalamat ako ng marami dahil ang mga pamangkin ko ay gumagradweyt lahat ng maayos at may dignidad. Lahat sila ay may diplomang panghahawakan balang araw na sila ay nakatapos ng pag-aaral. At may souvenir photo pa, suot ang kanilang toga at tassel cap habang inaabot ang diploma mula sa kanilang guro. Katabi ang kanilang mga magulang.

Hayyy, di bale, may photoshop naman na ngayon eh, magpapagawa na lang ako ng picture na kunyari grumadweyt ako he he he.

Happy Graduation!!!!

Thursday, March 25, 2010

Massage....massage...

Napagkatuwaan namin ng kaibigan kong si Alex na magpamasahe sa isang massage parlor diyan sa bandang Quezon City.


Pagod kasi ang aming mga katawan mula sa maghapong pakikibaka sa digmaan ng buhay. Kaya nangangailangan ng kaunting hagod ng mga kamay na matitigas.

Siyempre du'n kami pumunta sa isang male massage parlor noh, hindi sa mga babaeng masahista, baka mapagsamantalahan kami nang 'di oras. Dito hindi kami ang mapagsasamantalahan kundi kami ang magsasamantala he he he.

Alas otso ng gabi iyon. Medyo pa-discreet pa ang mga lolah mo dahil pasilip silip sa kanto na mistulang si James Bond 007 na nagi-spy sa kanyang kalabang mga gagambang sampu ang paa. Mura lang naman daw ang pagpapamasahe; 500.00 , discounted na 'yun. With free snacks pa daw and drinks. Ano naman kaya yung snack na 'yun?

Pinalabas na ang mga ombre. Pinapili kami. Putah, para kaming namimili ng isda sa aquarium at tapos ay ipapaprito gaya sa mga Dampa he he he. Wao lahat silang lalaki. Pare-parehong may itsura at magaganda ang katawan.

Nakapili din kami. Tag-isa kami ni Alex. Pinaakyat kami at pumasok sa isang kuwarto. Madilim. Patay pa ang ilaw.

Mayamaya, dumating na ang masahista ko. Siya si Arnel ( of course 'di tunay na pangalan noh )
19 years old at isang estudyante. Matipuno ang pangangatawan niya kahit sa murang edad nito.

Sinimulan na ang masahe portion. Pahid ng pulbos. Humagod na ang kanyang naninigas na kamay sa aking likuran. Sa aking mga braso. Sa paa. Sa ulo. Sa dibdib. Sa kuwan, etsos, hindi na duon noh ha ha ha ha.

Masarap nakakarelax. Refreshing. Masarap siyang humagod pramis. Nakakawala ng stress at pagod.

Naka-short shorts lang siya. Walang pang-itaas. Mainit daw kasi. Bentilador lang ang tanging nagpapalamig sa aming maliit na kuwarto.

Kuwentuhan. Kung saan saan napadako ang aming usapan. Sa pag-aaral niya. Sa pagtatrabaho ko. Sa pamilya niya. Sa pamilya ko. Sa mga kaibigan niya. Sa mga kaibigan ko. Sa trabaho niya. Hanggang sa ....sex.....hmmmmm!

"Ano pa bang gusto mo?", tanong niya.

"Wala na", sabi ko. "Bakit,may gusto ka pa ba? " buweltang usisa ko.

"Meron," aniya.

" Ano? ," pakli ko.

" Gusto kong makipag-sex sa iyo."

"Ha ha ha ha ha....." bumunghalit ako. " Sabi ko na nga ba eh".

" Magkano naman ang talent fee?"

" 800 lang puwede na." "Putsa, mas mahal pa sa masahe", bulong ko lang.

"Ah eh, wala pa kasi akong pera eh, hindi pa a-kinse. Saka na lang", charing charing ko.

"Sige kahit 500 na lang puwede na,kailangan ko lang eh, pambayad ng tuition", pagpapaawa ng lokah.

"Hmmm, 'kaw naman paepek ka pa. Sige na nga. Kung 'di lang ako naaawa sa iyo eh", etsos ng lolah n'yo na ang tutoo'y kanina pa nangangati ang lalamunan sa panunuyo.

" Hala , tara, game na!"

Ohhh, hindi na puwede ang kasunod, censored na he he he he he.....

Lights out!!!!

Wednesday, March 24, 2010

Ruby or Rudy?


Nakakatuwa naman itong poster ng Executive Optical na nakita ko sa EDSA kamakailan.

The premise of the poster is that merong isang lalaking nagpa-tattoo ng pangalang Ruby sa kanyang likod , pero dahil sa labo yata ng mata ng tattoo artist ay Rudy ang kanyang naipinta sa likod nito.

Hmmm, hindi kaya ito naman talaga ang gustong ipatatak ng lalaki he he he?

Kita mo iyong ngiti niya oh , mukhang mas okay para sa kanya na Rudy ang nailagay kaysa Ruby debah?

Hmmmm, ang tattoo artist kaya ay hind naman talagang malabo ang mata. Bagkus ang nasa isip niya ay ang dyowang si Rudy kaya ito ang naitatak niya huh?

Hmmmm, hindi kaya Rudy ang pagalan ng tatoo artist?

O kaya naman ang nagpapalagay ng tattoo ay si Rudy?

Hind kaya magdyowa ang dalawang hitad na ito?

Aminin!!!

In fact ganito ang usapan nila pagkatapos:

Tattoo Artist: " p're, pasensya ka na huh kasi pangalan ko ang nailagay ko sa likod mo eh. Ang labo kasi ng mata ko!"

Tattoo Model : " okay lang 'yan p're, type rin naman kita eh, pwede ba kitang maging dyowa?"

Tattoo Artist: " sure p're , walang prolem. type din kita eh"

Enjoy 'yan mga sisters he he he he. Uso na yan noh!!!! Ha ha ha ha.

Tuesday, March 23, 2010

Save water please...



Sa panahon ngayon na nauubusan na tayo ng malinis na tubig na maiinom ay kailangan na talagang magtipid sa tubig.

Actually, mayaman ang mundo sa tubig. Mas marami pa nga ang anyong tubig sa mundo kaysa sa lupa. Halos 80 % ng buong mundo ay anyong tubig katulad ng dagat, lawa, ilog, batis ,talon at kasama na ang underground water na marami din.

Pero ang problema, sa dami ng tubig na iyan sa ating mundo, wala pang 20% diyan ay potable water o tubig na puwedeng inumin.

Dito tayo nagkakaproblema. At ito ang dapat nating tipirin.

Kaya naman saludo ang Daily BITES sa mga measures na ginagawa upang mabawasan kung hindi man maibsan ang ating nararanasang kakulangan sa malinis na tubig.

Katulad na lamang ng Waterfree Urinal na ikinakalat na ngayon sa mga pasilidad at gusali sa buong mundo.

Ito ay ang isang uri ng ihian para sa mga lalaki na hindi na kailangang buhusan ng tubig. Dahil sa isang technology ng nabanggit na urinal system ay hindi na kailangan itong buhusan ng ilang litro ng tubig para lamang hindi siya pumanghi. Ang kailngan lang ay laging palitan ang mga cartridge na inilalagay dito para manatiling mabango at hindi masangsang. Dahil dito ay halos nakatitipid ito ng 55,000 up to 170,000 litro ng tubig per urinal sa buong isang taon. Di ba't isang malaking katipiran iyan?

Dapat lahat ng gusali at pasilidad sa buong mundo ay ito na ang gagamitin upang talagang malaki ang ating matipid sa tubig.

Isa pang nais nating pagpugayan ay itong produkto ng Downy na Isang Banlaw. Kapag inilagay mo ito sa iyong labahin, hindi ka na kailangang gumamit pa ng ilang balde o timba ng tubig para lamang makapagbanlaw. Sapat na ang isang timba ng tubig at presto, wala nang bula ang iyong mga nilabhan. Bukod sa nakakatulong ka na sa ating Inang Kalikasan, nakakatipid ka pa sa pangaraw-araw na konsumo ng iyong water bill dahil hindi mo na kailangang magbanlaw ng mas maraming tubig para dito. Kaya dapat lamang na sa bawat bahay ay mayruon nito upang makatulong sa ating mga programa sa pagtitipid ng tubig.

Ang mga produktong ganito ay dapat na sinusuportahan nang sa gayon ay dumami pa ang makapag-isip ng mga kahalintulad na paraan na makatutulong sa ating environment.

Kung hindi tayo magtitipid ng tubig ngayon, kailan pa?

Kapag wala na tayong maiinom na malinis na tubig? At mas mahal na ang tubig kaysa langis dahil sa kakapusan nito?

Think about it folks.

Bravo to Waterfree Urinal System and Downy Isang Banlaw.

Monday, March 22, 2010

10 Habits of successful people

Para sa akin ito ang Sampung Ugali Ng Mga Taong Matagumpay

1.) PRAYERFUL- Madasalin- para sa akin, mahalaga ang pagiging madasalin bilang pagkilala sa isang personang tinatawag na Diyos , upang ikaw ay magtagumpay. I believe that God is the essential powerful force behind all successful people. And by being constantly praying to Him will inevitably bring you to a successful level of life.

2.) THANKFUL- Mapagpasalamat-kung ikaw ay isang taong marunong magpasalamat sa anumang bagay na natatanggap mo, ikaw ay hindi nalalayo sa tagumpay. Kailangan ay marunong tayong magpasalamat gaano man kaliit o kalaki ang ating mga natatanggap buhat sa kaninuman. Kung ganito ang ating gagawin, marami pa tayong matatanggap na biyaya dahil marunong tayong mag-appreciate sa mga bagay na ating nakukuha at natatanggap. Remember: being grateful is a virtue.

3.) POSITIVE THINKER- ang isang bagay na buong pusong pinaniniwalaan ni Norman Vincent Peale. Ayon sa kanya, dapat sa lahat ng bagay ay laging positibo ang ating pananaw, gaano man ito kanegatibo minsan.Kadikit ng pagiging positibo ay ang hope o pag-asa at ito ang hindi dapat mawala sa tao. At kapag tayo ay may pag-asa , hindi malalayo ang tagumpay dahil sa ating matiyagang paghihintay.

4.)ALWAYS SMILING- laging nakangiti, ang paboritong motto ng halos lahat ng business establishment sa buong mundo. Ito'y dahil sa kanilang paniniwala na magiging malakas ang daloy ng tagumpay sa kanilang negosyo kung ang kanilang mga tauhan ay laging nakasalubong sa kanilang mga customers na may " ready smile". Ikanga, "bawal ang nakasimangot dito".

5.) CONTENTED- hindi kakuntentuhan, ang dahilan kung bakit hindi nagiging masaya ang ibang mga tao sa kanilang buhay. Kung magiging kuntento lang sana tayo sa anumang bagay na meron tayo at dumarating sa atin, disin sana ay mas masaya ang mundo. Maging kuntento sa mga bagay na nasa saiyo na: tandaan ang paghahangad ng sobra ay nakakasama.

6.) INDUSTRIOUS AND STEADFAST- sipag at tiyaga, sabi nga ng iba. Ang taong masipag at matiyaga ay hindi nalalayo sa tagumpay. Wala pang tao na hindi nagtagumpay kung siya ay masipag, gaano man siya kaliit,katulad ng mga langgam. Bagamat minsan hindi agad dumarating ang tagumpay, subalit kung sasamahan natin ng pagtitiyaga, pasasaan ba at isang araw ay makakamtan din natin ang nilaga.

7.) CREATIVE- malikhain, ito ang karaniwang katangian ng mga taong matatagumpay na artista. Kailangan ay hindi ka nauubusan ng mga bagong ideya kung paano mo mapapaganda pa ang isang ordinaryong bagay o sitwasyon. Maging mapagmasid sa ating kapaligiran at duon humugot ng mga inspirasyon para sa ating ginagawa.

8.) HELPFUL AND GIVING- matulungin at mapagbigay, mga katangiang angkin ng mga taong mananagumpay. Sabi nga, when you give, you shall receive. It is by giving that we receive. Maging matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan nito. Laging i-share ang mga blessing na natatanggap.

9.) HEALTHY LIVING- umiwas sa mga bagay na nakakasama sa ating kalusugan. Hindi ka masasabing ganap na matagumpay kung ikaw ay maraming sakit. Tandaan: Health is wealth. Aanhin mo ang dami ng pera o kayamanan kung ikaw naman ay maigugupo ng isang karamdaman. Iwasan ang mga bisyo na sumisira sa ating katawan.

10.) FRIENDLY- palakaibigan, ang sabi nga, ang taong maraming kaibigan ay isang taong mayaman. Kung marami kang kaibigan, ibig sabihin ay marami ang nagkakagusto sa iyong ugali o asal. Ang taong nilalapitan ng mga kaibigan ay marami ding kaibigang malalapitan sa oras ng kagipitan.

So there you go. Develop this ten habits in your life ,and you're off to a more successful and rewarding life here on Earth!

Sunday, March 21, 2010

Les and Ellen Bergman

Naging bisita namin ngayong Linggo sa aming Sunday worship service ang mag-asawang Les at Ellen Bergman mula sa Amerika.

Bilib din ako sa effort at dedication ng mag-asawang Christian pastors na ito na walang sawa at walang kapagurang tumutulong sa mga Christian churches dito sa Pilipinas , especially sa aming fellowship na Peacemakers Christian Fellowship.

Magmula pa nuon hanggang ngayon ay pabalik-balik na ang mag-asawang ito dito sa Pilipinas upang mag-minister at magpahayag ng Gospel sa mga taong naliligaw na tulad ko he he he he.

And on this Sunday service , they had preached about serving God with all our best and efforts for He is truly coming near.

Masarap namang malasap at malaman na kahit pala sa mundong ito na magulo at maraming kasamaang lumalaganp ay mayruon pa ring mga mabubuting kalooban na handang kumalinga at gumabay sa mga taong nangangailang ng panuto at aral sa kanilang mga buhay.

Praise God for the exceptional and mighty endeavors of people like Mr. and Mrs. Bergman.

Truly , they are angels sent by God in our midst to guide and nurture us in His loving words and arms.

Amen!

Saturday, March 20, 2010

Kris Aquino...puro ngawa na lang kasi....



Nasa gitna na naman ng kontrobersya ang aking paboritong showbiz personality na si Tetay Aquino.

Ito ay bunsod na naman ng kanyang walang sawang pagngakngak sa harap kasi ng kamera, for the nth time.

Ewan ko ba naman kasi kay Kristeta kung bakit napakahilig umatungal? Ipinaglihi ba siya sa sibuyas? O sadyang mababaw lang ang luha nitong ating former first daughter?

Anuman kasing bagay na lagi na lang ginagawa ay nakakasawa na rin. Siguro naumay na ang mga tao na laging nakikitang ngumunguyngoy na naman ang isang Kris Aquino sa telebisyon, kaya ganun na lang ang batikos na natatanggap niya mula sa publiko.




The first time ay okay lang. The second time ay okay na rin. The third time ay puwede pa ring patawarin. But this time, pang -ilang beses na ba itong eksena na nakita nating umiiyak ang isang Kris Aquino?

It seems, na lagi na lang siyang may dapat ipaliwanag at ipakiusap sa publiko. Does she owe the public an explanation everytime na masasangkot siya sa kontrobersya? Hindi naman siguro kailangang palagi na lang siyang magpapaliwanag with matching ngalngal para lang siya maintindihan ng publiko.

But of course ,hindi naman natin puwedeng husgahan si Kris na paepek nya lang ito o paawa epek para makakuha ng sympathy para sa kumakandidato niyang Kuya Noynoy bilang Presidente ng Pilipinas. But surely , this controversy draw some impact, if not positively , ay negative naman ang dating para sa ilang mamamayan at botante.
Kung ako kay Kris , siguro kailangan na muna niyang maghinay-hinay sa kanyang mga kaprangkahan o sa kanyang pagiging taklesa, at least sa panahon man lang na ito ng pangangampanya ng kanyang kapatid nang hindi siya maakusahang gumigimik para dito.

And she should also watch her mouth na rin dahil marami na ang nakakapansin sa kanyang bratinela attitude na damang dama sa TV, especially sa latest issue nila ni Ruffa Gutierrez.

At any case, I still admire Kris as an actress and host per se. Sana lang ay mali ang sapantaha ng marami na nalulunod na siya sa isang basong tubig na kanyang tinatamasa sa ngayon.

Kris, be humble always, at panatilihing nakatapak ang paa sa lupa , nang sa gayon ay hind tayo lalagapak ng mataas kung tayo ay nagkakaruon na ng pakpak sa ating mga paa!

Yun lang!

Friday, March 19, 2010

FAME of Pilipinas Got Talent..

Another precious find worth mentioning is this one person named Geraldine "FAME" Flores discovered in Pilipinas Got Talent episode last Sunday, March 14,2010.

Very powerful at emotional ang rendition niya of an Enrico Caruso tune. Watch the video here to prove that she is a worthy gem find.





Singing with acting , ikanga ni Judge Ai Ai Delas Alas.

Plus factor ang good look , and a face that camera loves.

Kung ako lang may record company, ipagpo-produce ko agad iyan ng plaka he he he .

Ang dami palang talentadong Pilipino ano? Di yata ako makapaniwala he he he he. Akala ko matatalino lang ang mga Pilipino sa pulitika, hindi pala, he he he he.

Oh ano pang hinihintay ng mga record labels diyan, sign her up agad at baka maunahan kayo ng iba., 'wag kayong papatay-patay, daig ng maagap ang masipag huh!

I'm very sure malaki ang laban niya sa finals ng Pilipinas Got Talent and she might eventually bag the title as the first Pilipinas Got Talent champion.

Watch out for her, as FAME will conquer the world!

Thursday, March 18, 2010

Arnel Pineda sings out of tune...



Binanatan na naman, as usual, ng pamunuan ng National Historical Institute ang diumano'y maling pagbirit ng Journey frontman na si Arnel Pineda sa kasagsagan ng labang Manny Pacquiao at Joshua Clottey nitong nakaraang Linggo.

Walang duda naman talagang, off key o mali sa orihinal na tono ang pagbirit ni Arnel sa ating Pambanang Awit , lalo na sa bandang dulo nito. But then karaniwan nang ito ay style o rendition ng nasabing artists base sa kanyang interpretation ng nasabing kanta.

Ang atingPambansang Awit kasi ay isang uri ng kanta kung kaya't maaaring ma-interpret nga ito ng ibang artists base sa kanilang creativity katulad din ng maling rendisyon diumano nila Martin Nievera, Charice Pempengco atbp. na laging nagaganap sa laban ni Pambanang Kamao Manny Pacquiao.

Siguro ang tanong na lang is, kung puwede pa bang i-interpret ng iba sa orihinal na tono ang ating Pambansag Awit?

Kung ang sagot ay oo, e di hayaan natin ang mga artists na gawin ang kanilang piyesa ayon sa kanilang interpretasyon.

At kung hind naman, ay huwa na lang kumuha ng mga artistang may sariling tono para sa awiting ito, bagkus ay kumuha na lang ng marching band para tugtugin na ang nasabing awitin,originally, para hindi na mapulaan ng ating mga kritiko at NHI.

At any case , highlighted lang naman ito sa laban ni Pacman,but I'm sure na sa ilang mga private na pagtitipon ay marami din ang nagsasalaula sa tono ng ating Pambansang Awit .

Para sa kapakanan ng mga taong hindi kabisado ang orihinal na tono ng ating Nationa Anthem ay narito ang video kung paano kakantahin ng maayos at matino ang ating Lupang Hinirang:

Wednesday, March 17, 2010

Satisfaction=Perfection?



FOOD FOR THOUGHT:

Another text message had awaken my mind for serious thought.

The text quote goes like this:

" Finding a perfect love?
The truth is ......
There is no perfect love!

The only thing you can do to make it somehow perfect is to be.........

SATISFIED WITH ONE!"


How true is this indeed.

Can we equate perfection with satisfaction?

We can find many lessons with this thought, not just with love, but also in many other things in which we are looking for perfection!

Just think about it.........

Tuesday, March 16, 2010

Kingsway Homeowners' Association Induction of Officers


Ang aming komunidad ay maraming problema ring kinakaharap tulad ng iba - magmula sa aming kalsada na mistulang isinumpa ng mangkukulam, dahil nagiging pulburon kapag tag-araw, at tsokolate naman kapag tag-ulan, hanggang sa problema sa peace and order kung saan nagiging tambayan ng mga kabataang nalululong sa mga bisyo , hanggang sa problema sa patubig at pailaw - kung kayat minabuti nang aming mga kapitbahayan na magtatag ng isang samahan na siyang tutulong at popronta upang maresolba ang mga usapin at problemang aming kinakaharap.

Kaya nitong nakaraang Linggo, Marso 7,2010, ay naganap ang eleksyon ng mga opisyal kung saan ay naiboto bilang presidente ang aking ama na si Mr. Marcial Victorino Briones ng samahang pinangalanang Kingsway Homeowners' Association.

At ngayon , Marso 16,2010, ay ginanap ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal sa pangunguna ng aming butihing Mayor Nilo Leyble.

Salamat naman at napagbigyan kami ng aming Mayor, kasama ang aming Barangay Captain na si Mr.Prudencio Aquino upang manguna sa panunumpa na ito ng mga bagong opisyal.

Masuwerte kami dahil kahit maliit lamang ang aming baranggay ay pinaunlakan ni Mayor ang aming imbitasyon sa tulong na rin ng ilang mga kakilala.

Mabait at matulungin ang aming Mayor na ito kaya naman hindi kami nag-atubili na siya ay imbitahan upang manguna sa aming isasagawang panunumpa.

Tatakbo sa darating na halalan ang aming Mayor para sa isa pang termino, at hindi maikakaila ang aming suporta sa kanya dahil sa kanyang galing at husay na ipinapakita sa pamumuno sa aming lungsod.

Sa kanyang talumpati ay kanyang inilahad ang kanyang 9 point agenda na pinamagatang N.I.L.O. C.A.R.E.S. upang siyang makakatulong sa aming komunidad upang maabot ang kaunlaran at progreso ng aming mahal na lungsod.

Balang araw ang kahabaan ng Marcos Highway na tumatagos sa aming komunidad ay magiging isang maunlad na koridor na tiyak na dadayuhin ng maraming mga investor sa aming bayan. Isa na nga rito ay ang nalalapit na konstruksyon ng SM City Antipolo na malapit na malapit lamang sa amin bilang bagong pasyalan.

Hangad namin ang tagumpay ni Mayor Nilo Leyble sa propesyong kanyang pinili at nawa ay kaakibat nito ang pag-sulong din ng antas ng kabuhayan ng mga Antipolenos na susuporta sa kanya katulad namin.

At sa mga bagong halal na opisyal ng Kingsway Homeowners' Association, nawa ay maging halimbawa kayo sa walang pag-iimbot na pagtupad sa tungkuling iniatang sa inyo ng mga tao na nagtiwala sa inyo nang sa gayon ay maabot nating lahat ang tagumpay sa ating mga adhikain.

Mabuhay ka Mayor Nilo Leyble.

Mabuhay ang Kingsway Homeowners' Association.

Mabuhay ang Antipolo City.

Monday, March 15, 2010

JOVIT BALDOVINO




Isang rare talent ang na-discover ng programang Pilipinas Got Talent sa katauhan ni Jovit Baldovino ng Batangas. Buong puso at himig ang kanyang rendition ng Faithfully ng Journey sa show na ito nina Billy Joe Crawford at Luis Manzano sa channel 2.

Ang galing at taas ng timbre ng batang ito ay talaga namang nakakabilib. In all honesty, mas type ko ang boses niya kesa kay Arnel Pineda he he he he he.

Pumalo na sa mahigit isang milyon ang hits ng kanyang Youtube video, patunay na marami ang nagkakainteres panuorin ang binatilyong ito mula sa Batangas.



Dahil sa mga programang katulad ng Pilipinas Got Talent ay nabibigyan ng chance ang maraming mga Pilipino na ipakita ang kanilang angking galing at husay sa ibat ibang larangan na tunay namang ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal. Dito ko napatunayan na marami palang galing na ibibigay at ipapamalas ang mga average Filipinos na puwedeng ipagmalaki sa mga talento ng ibang nasyon.

Patunay na nga dito si Baldovino.

Marami pa sila, I'm sure. They're just waiting to be discovered.

Sana lang mabigyan ng tamang exposure nang sa gayun ay hindi masayang at umusaad at umusbong tungo sa tagumpay ang mga career na naghihintay para sa kanila.

Kagabi nga, ay isa na namang talento ang aking napanuod na malaki ang tsansang magwagi sa paligsahang ito. Si Fame. Isusulat ko siya sa susunod na mga entry ko.

Hihintayin ko ang pag-akyat sa tugatog ng tagumpay ang mga talentadong ito.

Truly, Talentadong Pinoy's Got Talent.
Diz Iz It
, it's Showtime , Pilipinas!!!

Sunday, March 14, 2010

You're Number One Manny!!!



Muling pinatunayan ng reigning pound for pound king and Pride of the Philippines Manny Pacquiao that he is truly the King of the Ring with his victory over Joshua Clottey today at Cowboys Stadium in Dallas, Texas.

No doubt about it, the ring icon should now have a place in the boxing hall of fame. The Philippines had become synonymous with his name ,Manny Pacquiao. Mention this country, and one name will pop out in everyone's mind.

As usual , he had made every Filipino proud and joyful.

Binigyan ako ng ticket ng isang kaibigan para manuod ng live streaming nito sa isang mall diyan sa Malate. But I opted to stay home and watch the fight together with my family for more bonding time as my brother purchased a pay per view account in his computer.

Bawat yugto ng laban ay makapigil hininga at makabasag-eardrum sa tindi ng hiyawan ng aking mga kapanabayang nanunuod nito.

Sa wakas, pagkatapos ng 12 round, unanimous ang decision, Manny is still the reigning champion in world boxing.

Marami ang humula na maiuuwi ulit ni Manny ang korona laban kay Clottey dahil sa tindi ng tikas ng Pinoy boxer. Halos wala na ngang pumusta kay Clottey dahil lahat ay bilib at tiwala kay Pacman to bring home the bacon. Ang pinagpustahan na lang namin ay kung sa pang-ilang round babagsak si Joshua of Ghana.

Tiyak heroes welcome na naman ang sasalubong kay Manny pagbalik niya ng Pilipinas. At tiyak marami din ang eepal ( na naman ha ha ha).

What's next Pacman?

Mayweather na ba?

Pulitika ?

O retirement na?

The whole world is waiting for the next move of everyones' favorite Boxer , Manny " Pacman " Pacquiao.

Saturday, March 13, 2010

Brownout!!!!

Putsa, nag brown-out dito sa amin.

Ang dilim wala kong makita.

Nasa kalagitnaan pa naman ako ng pagsusulat nitong blog!

Peste naman itong Meralco oh, akala ko ba tapos na iyang rotating brownout na iyan huh. Ano ba talaga mga ateh at kuyah?????

Eh tutal, brownout naman, makikiuso na ako. Brownout na rin ang blog ko ngayon.

Na-brownout na rin kasi ang utak ko...waaahhhh!!!!!!


"... eh kasi walang kuryente ,brownout walang kuryente wala wala walang kuryente wala
walang kuryente
eh kasi walang kuryente ,brownout walang kuryente wala wala wala wala walaaaaa!..." YANO

Friday, March 12, 2010

World's Newest Richest Man



Inilabas na ng pamosong Forbes Magazine ang kanilang talaan ng mga pinakamayayamang tao sa buong mundo , and surprisingly ay nanguna ang isang Mehikano sa katauhan ni Carlos Slim Helu na pumalo na sa 53.5 billion dollars ang kabuuang ari-arian.

Pumangalawa na lamang ang pinakamayaman sa loob ng halos 14 na taon na si Bill Gates ng Microsoft na short ng .5 billion dollars sa umungos sa kanya na si Carlos Helu.

Pangatlo si Warren Buffett na may kabuuang 47.0 billion dollars na asset.

At ang dalawang Bumbay na sina Mukesh Ambani at Lakshmi Mittal para sa pang-apat at panglimang puwesto respectively.

Sa listahang ito, walang duda na karamihan sa mga mayayamang tao sa buong mundo ay nakatira sa Amerika. Would that make America the most richest country in the world?

Sa listahang ito ay pang 201 naman si Mr. Henry Sy ng SM Group na may kabuuang 4.2 billion dollars na asset bilang pinakamayaman mula sa Pilipinas. Aba'y bongga na talaga ang dati'y simpleng magsasapatos diyan sa Quiapo huh. Ngayon ay siya na ang only representative ng Pilipinas sa Top 500 Billionaires ng Forbes Magazine. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng Sipag at Tiyaga huh.

Sa listahang ito nakakatuwang malaman na apat sa Top 20 Billionaires ay mula sa angkan ng mga Walton sa United States na nagmamay-ari ng chain of malls and stores sa Amerika na Walmart atbp. Ito ay sina Christy sa pang-12, Jim sa pang 15, Alice sa pang 16 at S. Robson sa pang 18.

Ang sarap namang maging anak at tagapagmana ng mga bilyonaryong ito hayyyzzzz.

Kailan kaya ako magiging katulad nila at mapapabilang sa listhan ng Forbes???

Oh oh, libre lang mangarap kaya wala nang kokontra huh he he he he.