TRAVELBOOK NOW!

Sunday, February 28, 2010

Pagod ka na ba?




Napapagod ka na ba?

Lahat naman tayo ay nakakaranas nito in the course of our life. Siyempre, tao din lang naman tayo na napapagod din, whether it would be physical, emotional or even spiritual na kapaguran, lahat tayo ay pinagdadaanan ito.
Mayruon akong 5 tips na nais kong ibahagi sa inyo bilang mabisang mga panlanban sa kapaguran.
And here are the 5 tips to combat fatigue or burnout:

1.) DELEGATE - Ipagawa o ibahagi sa iba ang mga bagay na nahihirapan o napapagod kang gawin. Kadalasan kasi kaya tayo madaling napapagod ay dahil pinipilit natin na akuin ang lahat ng bagay kahit hindi na natin kaya; dahil minsan nahihiya o natatakot tayong magpagawa nitosa iba dahil sa mayruon tayong inaasahang mangyayari o matutupad. Relax , huwag mag-panic. Paminsan minsan ay matuto din tayong magtiwala sa magagawa ng ating kapwa.

2.) STOP BEING PERFECT - Walang taong perpekto. Diyos lamang. At ang taong may pangalang Perfecto.
Nakakapagod magpakaperpekto. Dahil kapag nagkamali ka, kadalasan hindi mo matanggap. Huwag mong iisipin na lagi kang tama, at ang mga nasa paligid mo ay laging mali. Tunay na nakakapagod maging laging tama. For me, perfection is only an illusion, it is impossible to attain. In this world, no one or nothing is perfect; only near-perfect.


3.) DEVELOP A HOBBY - Mag-isip ng mga bagay o aktibidad na magpapagaan at magpapasaya ng iyong
damdamin.Maraming hobby ang puwedeng gawin o pagkaabalahan upang hindi madaling mapagod. Mga halimbawa tulad ng photography, collections, stitching, stamping,singing o kahit simpleng pagsamyo ng halimuyak ng mga bulaklak na tiyak makapagbibigay kaluguran sa iyo at makapagpapalimot na ika'y napapagod na.

4.) GO AWAY FROM STRESSFUL SITUATION AND PEOPLE - Umiwas sa mga sitwasyong magugulo o maiingay
at pumili ng mga kaibigang sasamahan na masasaya at kaiga-igaya. Kung maaari, huwag makisama sa mga taong malungkutin,maraming galit at hinaing sa mudo at hindi marunong tumawa, tiyak madadala ka ng kanilang kalungkutan at kapagalan. Imbes na sa mga maingay at magulong lugar tulad ng disco house,
pumunta sa mga tahimik at pribadong lugarkung saan puwede kang makapagpahinga at makapag-relax ng nag-iisa.

5.) TRUST IN THE LORD - At ang pang-huli at siyang pinakamahalaga, magtiwala sa Diyos. Huwag kalilimutang tumawag at manalangin sa kanya araw-araw at tiyak mawawala ang iyong nadaramang kahapuan. Laging isipin na Diyos pa rin ang may kontrol ng lahat at hindi ka Niya pababayaan lalo na at sa Kaniya ikaw aynagtitiwala. The Lord said: " Come to me and I will give you rest ".

Follow these 5 excellent tips and you can be sure you will be far from having the feeling of being tired and stressed.

Amen!

Saturday, February 27, 2010

Pakyaw Jokes

Mag joke joke naman muna tayo at tumawa.

At tutal, malapit na naman ang laban ni Super Pacman Manny Pacquiao sa Amerika, ay siya ang ating topic sa mga Pacman Jokes na ating natanggap.

At siyempre kasali ang nanay nating lahat na si Nanay Dionisia na ngayon ay may mansyon na sa Gensan huh.

Abaw, donya na gyud si Nanay he he he he.

Halika, pagpiyestahan natin sila.

Jokes lang po!


Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.

Aling Dionisia: Talaga?...gusto ko gumanda!

Genie: Buksan mo ang bote.

Aling Dionisia: At gaganda na ako?

Genie: Hindi. Babalik na lang ako sa bote.

------------ --------- --------- --------- --------- --------
Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant walang egg?

Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me egg yun, turta na yan, TURTA!
------------ --------- --------- --------- --------- --------
Reporter: Ngayong nanalo ka Manny, anong pasalubong mo kay Jinkee?

Manny: Ibon siyempre. Mahilig siya dun eh.

Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?

Manny: Yung mga lipistek, pangmeyk ap ba? Basta mga Ibon products! Yo know!


------------ --------- --------- --------- --------- --------
Dionisia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.

Doctor: (gulat) magpapa-seksi ka na?

Dionisia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yung ngepen ko! Deba uso yon?
------------ --------- --------- --------- --------- --------
Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anong gawin mo.

Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!

Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. Talo ako diyan siyempre!
------------ --------- --------- --------- --------- --------

Aling Dionisia: Inday, akina nga yung seeds ko.

Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?

Aling Dionisia: Anong magtatanim ang sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.
---------- ---------- ---------- --------- --------- ----------
Jinky: Manny, kung magkakaanak ulet tayu anu magandang name?

Manny: Hmm. Eh di combine na lang name natin... MANKY......
---------- ---------- ---------- --------- ---------- ----------
Aling Dionisia: Gusto ko naman 'pag nagka-anak kayo uli ni Jinky, di lang pangalan n'yo pagsasamahin. Dapat kasali din pangalan ko.

Manny: Oo naman nay, kasu midyu mahirap yun.

Aling Dionisia: Hindi ah, may naesep na nga ako eh.

Manny: Talaga 'nay? Anu?

Aling Dionisia: DIOMANJI (dionisia-manny-jinky)
--------- ------- -------- --------- --------- ---------
Pacquiao: Honey, buksan mo na yung sweets.

Jinky : Lambing mo talaga. Mwaaah !! Nasaan ang sweets honey?

Pacquiao: Yung sweets ng ilaw. Hindi ako makakita, ang dilim!!
--------- ------- -------- ------- ------- -----------

Si Manny Pacquiao tumakbo sa pagka-Congressman sa General Santos ...

Reporter: Manny, anong masasabi mo sa peace and order sa inyong lugar sa General Santos ?

Manny: Ah, yun ba? uhmm...eh... ang masasabi ku lang diyan ay....

Reporter: Ano..?

Manny: Ahh, kwan,...maraming Fish sa General Santos pero wala masyado umo-Order eh.
--------- --------- -------- -------- -------- ----------
Freddie and Manny heart to heart talk

Manny: Pare, ba't naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?

Freddie: Meron na.... Kaso manhid siya...Kaharap ko na 'di pa rin alam!
--------- --------- -------- -------- -------- ---------

Noodle!! Noodle!! Noodle!!

- Manny Pacquiao sa Deal or No Deal
-------- ---------- -------- -------- --------- --------
Sa Las Vegas .....

Waiter: May I take your order, Madam?

Aling Dionisia: Soup

Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day?

Aling Dionisia: Soup drenks!
--------- ---------- --------- --------- ------- --------
Sa isang Birthday Party

Aling Dionisia: Blue!!! Blue!!! Blue the Kick!!!!Blue the candol!!!! ngekk!
--------- ---------- ------- --------- -------- --------
You is!' 'you is! you is!', sigaw ni Aling Dionisia pagdating sa Amerika... Andito na ako sa 'you is!'
-------- ---------- -------- --------- ------- ----------

Chavit: Manny, paki - acknowledge naman si 1st Gentleman, late dumating.. ayun kadadaan lang sa tabi ng ringside.

Manny: I would like to acknowledge the ARRIVAL OF THE LATE 1st GENTLEMAN WHO JUST PASSED AWAY!!

JOKE JOKE JOKE!!!!

Friday, February 26, 2010

Nanay na si Medyas

Nanganak kamakalawa ang pusakal kong alaga na si Medyas ng apat na kuting sa aming bahay dito sa Antipolo.

Ang malanding pusakal na ito at mas nauna pang magbuntis kaysa sa akin ha ha ha ha, haliparot.
Hayun at maagang nagpatsuk-tsak ang mana sa aking malandi na pusa at na-vulcanize agad ng lagi niyang kaharutan na pusang gala dito sa amin.

May anekdota ako sa panganganak ng makati pa sa higad na pusang ito:


Kinagabihan nuon ng kanyang pagle-labor ay palagiang sumusunod ang Medyas na ito sa akin. Kahit saan ako magpunta ay palaging nakasunod ang harot at nakikipagpatintero sa aking mga paa. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil malay ko ba na nagle-labor na pala ang malanding pusa. Akala ko ay nagugutom lang kaya binigyan ko ng makakain at makukutkot.

Nang ako ay hihilata na sa kama, sumunod na rin ang haliparot na pusa sa akin para tumabi. Duon siya sa aking mga paa pumuwesto na lagi naman niyang ginagawa.

At pumaruon na ako sa mundo ng bangungot at panaginip.

Bandang alas-tres y medya ng madaling-araw ay bigla akong naalimpungatan nang may maramdaman akong dumidila-dila at tila ba humahagod hagod sa aking batok. Inakala ko na maaaring ang alembong na pusang iyon ang naglalambing sa aking likod at kumikiskis sa batok ko. Hinayaan ko lang, tutal masarap naman ikako at nakakakiliti he he he he.

Putsa, maya-maya naramdaman ko na tila basa at malamig ang humihimas sa akin. Naghinala na ako.

Binuksan ko ang ilaw! Tama ang hinala ko!

Nanganak na nga ang kiring pusa sa tabi ko at ang kumikiskis-kiskis sa aking batok ay dili iba't ang kanyang bagong sibol na kuting, waaahhh!


Bagamat nabubugnot, wala akong nagawa kundi ilipat ang Nanay nang si Medyas at ang kanyang isa pa lamang na kuting sa karton na ginawa kong kanyang nursery room para sa maya maya pa ay tatlo pang kuting na lumabas mula sa kanya.

Hayyyzzz, talaga naman oh, kaya nga ako hindi pa nagpapabuntis eh para walang aalagaang anak, tapos ito palang pu(t)sang ito ang magbibigay sa akin ng alagain wahahahaha.

O kayo gusto n'yo ng kuting? Libre lang, ipapamigay ko na ........

Thursday, February 25, 2010

24th People Power Anniversary

Ngayon ang araw ng ika-24 na anibersaryo ng Edsa Revolution na naganap nuong Pebrero 22-25 , 1986.

Sa araw na ito ay umalis ng bansa ang diktador na si Ferdinand Marcos at lumipad papuntang Hawaii upang iwasang lumala pa ang madamdaming pagtitipon na isinagawa ng mga tao sa kahabaan ng EDSA magmula pa ng a-22 ng Pebrero sa panawagan ng nuo'y si Jaime Cardinal Sin sa Radyo Veritas upang magtipun-tipon laban sa isang mapaniil na rehimen.

Batang bata pa ako nung panahong iyon - 15 anyos pa lang - at wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa aking paligid, nang maganap ang isang makasaysayang pangyayari na magpapabago sa buong mundo at magtuturo dito kung paano mapapatalsik ang isang makapangyarihan sa pamamagitan ng mapayapang pag-aalsa.


Ito ang ating pamana sa buong mundo.


Basta kami nuon ng aking pamilya ay tahimik na nakikinig sa radyo. Bagamat sinasabi nila nuon na may kaguluhan daw , ay hindi naman ito masyadong naiintindihan at nauunawaan ng bubot kong isipan.


Ngayon ko na lang napagnilay-nilay ang kahalagahan nito sa ating lahi bilang isang bansa.


Natatandaan ko na nuong panahong iyon ay kakampi ng aking ama si Marcos, kaya't sinasabi niya sa amin na si Marcos daw ang aming susuportahan. Nang gabing iyon ng Pebrero 25, 1986 ay wala si Papa sa aming bahay. Labis na nag-aalala nuon si Mama,dahil nga sa kaguluhang nangyayari sa daan.


Maya-maya bago mag-hatinggabi ay dumating na din si Papa, at malungkot na ibinalita sa aming " wala na si Marcos, umalis na ng Pilipinas".



Dalawampu't apat na taon na rin pala ang nakakalipas simula nuong maganap iyon. Naibalik na ang demokrasya sa ating bansa. Subalit heto pa rin tayo, lugmok pa rin sa kahirapan. Kung ano ang kahirapang namasdan ko nung aking kabataan sa panahon ng Edsa Revolution, ito pa rin ang kahirapang namamasdan ko 24 na taon matapos ang pagbawi sa ating kalayaan.


Ilang EDSA People Power Revolution anniversary pa kaya ang daraan bago makamtan ng Bayan ni Juan ang " ganap na kalayaan " mula sa pang-aalipin ng iilang makapangyarihan?


Itong darating na Mayo 10, simulan na natin ang paglaya! Paglayang sinimulan sa EDSA, magtutuloy-tuloy sa darating na halalan!

Wednesday, February 24, 2010

Goodbye my tsinelas.....

After three long years, sa wakas , napigtal na din ang aking pinakamamahal na tsinelas - a blue World Balance slipper - na nakasama ko sa hirap at ginhawa sa aking buhay.

Actually, gift ito ng aking brother na kagagaling lamang nuon sa South Korea bilang isang OFW. Tuwang tuwa ako nuon dahil nagustuhan ko ang design at kulay ng nasabing tsinelas na asul which is my favorite color.

Kaya naman simula nuon ay naging kasa-kasama ko na siya saan man ako magpunta at lumagi - sa pagrampa, gimik, lakaran, inuman, pamamasyal at maging sa mga iyakan at senti moments ko- ang ever reliable tsinelas ko ang aking yakag-yakag. Siguro kung susumahin ang kilometrong nailakad ko kasama ang aking tsinelas, puwede na akong nakapunta ng Amerika at pabalik, dahil sa tagal ng pinagsamahan namin ni WB. Ilang beses ko na siyang nakasama sa maraming pagkadapa at pagkatalisod at muling pagbangon mula sa pagkakahandusay, ngunit kahit minsan ay never akong iniwan ng aking mahal na tsinelas. Maingat ako sa aking gamit, at hanggang hindi ito nasisira o napupunit ay hinding hindi ko siya ipinagpapalit.

Ang tsinelas o anumang sapin sa paa ay parang kaibigan. Sasamahan ka nito saan ka man dumako at dumoon. Mahalaga ang pagpili ng tsinelas dahil ito ang magsisilbing karamay mo at depensa laban sa mabato, maputik at minsa'y matinik na daan ng buhay. Kung wala kang tsinelas, mahihirapan kang baybayin at tahakin ang lansangang puno ng pagsubok at balakid.

Tulad din ng tao, ang tsinelas ay napapagod din at dahil sa halos araw araw na paggamit ay dumarating ang oras na rumurupok at napupudpod ang ating katawan kaya darating ang panahon na tayo ay "mapipigtal" din sa kalaunan ng ating buhay. Minsan itatapon mo na lang dahil wala nang pakinabang.

May spare akong tsinelas na nabili diyan sa isang department store sa Cubao - isang big ,red Accel na nabili ko ng "SALE", siguro dahil walang pumipili sa kanya dahil sa sobrang laki nito kaya't nilalagpasan lang ng mga kostumer .

Ngunit, hindi siya matibay. Hindi katulad ng "paborito" kong si WB, ilang gamitan ko lang at suot sa pagtakbo , hayun, nakanganga na at kailangan mo nang lagyan ng Rugby para dumikit ulit. Parang gutom na naghihintay ng makakain. Ganyan din ang ibang kaibigan - hindi maaasahan ang tibay, madaling sumuko, madaling masira sa pagtapak sa baku-bakong daan.

Kaya heto , no choice kundi bumili ng bagong tsinelas na makakasama kong muli sa pagtahak sa mabatong landasin ng buhay. Maraming mapagpipilian; magmula sa simple at mumurahing de-sipit na goma na mabibili mo sa halagang sampu hanggang bente pesos diyan sa talipapa, hanggang sa isnabero, hindi madaling mahagilap, at mamahaling sosyalerang Havaianas na sa presyo ay puwede ka nang makabili ng limampung pares ng Spartan na goma. Parang tao din.

Sa wakas nakahanap na ako ng bagong makakapartner ng paa ko sa muling pagtahak sa madawag na landas ng buhay, isang black rubber Duralite na nabili ko sa isang pamilihan dito sa Cogeo.

Sana tulad ng tatak niya, durable sana siya o matibay , at light o magaang kasama ( o puwedeng magsilbing liwanag) bilang partner ko ng maraming taon sa aking mapanghamon na paglalakad at paglalakbay dito sa mundong ibabaw.

Sabi nga ng Yano: " .....O aking tsinelas
Palitan bukas na ang wakas
Kasa-kasamang madalas
Ilang taon ang lumipas
Mahal kita!
O aking tsinelas
Kaya... mang kulas
Pabili na ng tsinelas....."

Tuesday, February 23, 2010

The 1st Philippine International Pyromusical Competition

Nagpunta kami ng aking mga katropa sa SM Mall of Asia sa Roxas Boulevard para manuod at saksihan ang nagaganap na 1st Philippine International Pyromusical Competition nitong nakaraang Linggo , February 21, 2010 .

Kasalukuyang idinaraos sa Mall of Asia grounds ang kauna-unahang fireworks and pyrotechnics competition na ito na nilahukan ng maraming bansa tulad ng USA, UK, China, Australia, France, Japan, Singapore, Malaysia at siyempre ng Pilipinas.

Bandang alas-siyete y medya ay nagsimula na ang palabas na tinatampukan ng mga pailaw ng bansang United Kingdom. At pagkatapos nito, ay nagpahinga lamang ng kalahating oras at nagsimula namang magpakitang gilas ang bansang China bandang alas otso y medya.







Madami at siksikan ang mga tao sa MOA Grounds na karamihan ay hindi na pumasok sa loob ng main entrance at inabangan na lamang sa kalangitan ang " pag-aaksaya ng milyones " ng mga bansang sumali sa kompetisyon.

Literal na nag-ilaw, kumislap at nagningning ang kalangitan sa paligid ng MOA dahil sa mga fireworks display ng mga bansang kasali.

Colorful, magnificent and spectacular ang display of an array of different colors, lights ,designs , fall and explosions ng mga magagarang fireworks.

Tumagal ng halos kalahating oras ang palabas ng dalawang bansang naglalaban na UK at China nung gabing iyon na nagpasulit sa amin sa pamamasyal sa MOA.







Kayat sa mga hindi pa nakakapanuod, pasyal na kayo sa MOA grounds tuwing Linggo at saksihan ang entertainment in the sky na tiyak namang ikawiwindang ng inyong balintataw dahil sa pagiging pabulosa nito.

Tatagal pa ang nasabing kompetisyon hanggang sa Marso 14, 2010.

Kung tinatamad naman kayong pumunta ,panoorin nyo na lang dito ang video ng nasabing palabas at siguradong mamamangha kayo sa kakaibang salamangka ng mga nagsasayawang fireworks at pyrotechnics sa langit.

Monday, February 22, 2010

Brand Name na naging Common Name

Ito ang listahan ko ng mga Top 10 Brand Names na dahil sa pang araw araw na paggamit ay naging parte na ng salita ng mga pangkaraniwang tao.

Karaniwang hindi ito ang nais nilang ipakahulugan na kanilang nais gamitin o bilhin ngunit ito ang kanilang nasasambit dahil ito na ang tumatak sa kanilang kamalayan bilang common name nito.

Narito ang mga halimbawa:

1.) Band - Aid - para sa mga antiseptic adhesive bandages na marami nang brands pero ito pa rin ang binabanggit nila.


2.) Kodak - "mag-Kodakan tayo" sabi ng iba, na ang ibig sabihin ay magpa-picture kahit na hindi naman Kodak ang gamit nilang camera.


3.) Google - para sa paggamit ng search engine kahit na sa Yahoo naman nagba-browse.

4.) Xerox - para sa mimeographic machine pero Canon ang ginagamit.

5.) Crayola - kung crayons ang bibilhin mo, ito ang binabanggit ng marami sa atin.

6.) Coleman - para sa lahat ng klase ng coolers.


7.) Pentel Pen - ginagamit para sa lahat ng uri ng permanent marker kahit na hindi naman Pentel ang tatak.

8.) Rugby - sinisinghot ng mga batang palaboy. Brand name po ito ng mga rubber cement.

9.) Salonpas - sabi ng bata sa amin, "pabili po ng Salonpas" , pero Mentopas ang iniabot ng tindera.

10.) Eskinol - became the common name for all kinds of facial cleanser and wash.


O debah naman. Mga brand name na naging common name na sa katagalan ng panahon.

Marami pa iyan. Dagdag kayo.

Sunday, February 21, 2010

Starstruck ..they have Dreamed , Believed , Survived

Tinanghal bilang Ultimate Female Survivor si Sarah Lahbati at Ultimate Male Survivor naman si Steven Silva sa Season 5 Finale ng Starstruck - isang teen reality TV show.





Samantala, !st Prince naman si Enzo Pineda at First Princess naman si Diva Montelaba, at second prince naman si Rocco Nacino.




Heto na naman ang mga bagong batch ng mga kabataang nangangarap na maging sikat sa showbiz industry; kahit na hindi pa nga sumisikat ang mga nauna sa kanila.

Ang hirap kasi sa atin ay ang dami nating dinidiscover na mga talents pero hindi naman nabibigyan ng sapat na break either sa TV or sa pelikula man.

At heto nga at meron na naman tayong mga bagong batch na puwede nating pag-eksperimentuhan.

Nasaan na ang mga nanalo nuong Season 1 hanggang Season 4 na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Mike Tan, Jackie Rice at Jewel Mische?

Tanging ang Papa ko na si Aljur Abrenica na lang yata ang pinakasikat at bankable star ngayon sa showbiz industry na nanggaling sa Starstruck.

Nakapanghihinayang naman ang pagkamatay ng very promsing discovery na si Marky Cielo sa murang edad nito.

At ito namang Channel 2, magbubukas din ng Bahay Ni Kuya sa Hunyo para naman sa mga Kabataang Pinoy.

Maganda sana ang mga pakulong ito para sa mga kabataan na magbibigay sa kanila ng minimithing pangarap.

Kaso ang nangyayari ay - dumarami ang trabahador na gustong magtrabaho pero kakaunti ang patrabaho.!

At any rate , congratulations sa mga nanalo and you all deserve the trophy and accolades that you have received.

They have Dreamed. Believed and Survived.............