TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 31, 2010

Ninoy and Cory Aquino story in MMK


Natapos kagabi ang two part series ng Ninoy and Cory Aquino story sa programang Maala-ala Mo Kaya bilang pagpupugay sa kanilang pang-18 taon sa telebisyon at mahusay na ginampanan nila Piolo Pascual at Bea Alonzo respectively.











Sa wakas ay nasilip at naisapubliko ang untold story ng pagkakakilala, pagmamahalan, pagsasama , paghihirap, pasakit at mga sakripisyong inalay ng mag-asawa bilang mga mamamayang Pilipino para sa kanilang bayan.


Nasubaybayan natin kung gaano ang paghihirap na kanilang pinagdaanan at tiniis maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Tunay ngang hindi naging madali ang naging pagsuong ng mag-asawa sa mga unos na dumaan sa kanilang buhay lalo na nang panahon ng pakikibaka ni Ninoy para sa kalayaan ng ating bansa na inalipin ng isang diktadurya.


Subalit nakita din natin kung paanong naging madali at magaan ang pasanin ng bawat isa dahil sa solidong pagpapakita ng suporta, pag-asa at pagmamahal ng buong pamilya para sa isat isa na dumadaan sa pagsubok ng buhay. Kung hindi dahil sa katatagan ng mag-asawa, marahil ay wala tayong kalayaan at demokrasyang ating tinatamasa sa ngayon.

Kaya't tunay na utang natin sa kanila ang ating kalayaang ipinagbubunyi sa bagong milenyo.


Salamat sa MMK dahil sa patuloy na pagbibigay ng mga makabuluhan at inspirasyunal na mga kuwento sa atin tulad ng sa bayaning mag-asawa.

Sa pamilya Aquino, salamat sa pagpapahiram ninyo sa amin ng inyong mga magulang. Salamat dahil hindi ninyo sila ipinagdamot sa amin upang kami'y isalba at iligtas laban sa mga kuko ng agila. Nang dahil sa kanilang pagpupunyagi at pagsisikap ay nagising ang aming diwa sa pakikipaglaban para sa aming karapatan.

Maraming salamat!


At para kina Senador Benigno "Ninoy" Aquino at Madam President Corazon "Cory" Aquino - Hindi po kayo nag-iisa!

Saturday, January 30, 2010

El Nino


Ano ba naman iyan, matapos ang delubyo at malawakang pagbaha nitong nakaraang taon sa atin ay tila ba tagtuyot naman ang hahagupit sa atin ngayong taong ito.

Nagbabadya ang malawakang El Nino o Tagtuyot sa bansa sa susunod na mga buwan. Ibi sabihin hindi makakatikim ng tubig ang ,maraming panig ng bansa sa susunod na mga buwan. Nagsimula na nga itong maranasan sa Visayas at Mindanao nuong isang taon pa. Dito sa Luzon ay nagsisimula pa lang ito.

Sa India nga ay malala na ang tagtuyot na nararanasan duon at libu-libong pananim na ang nasira at napinsala ng El Nino na ito. Maaaring magdulot ito ng food shortage sa buong mundo dahil India ang pinagkukunan ng malaking bulto ng pagkain ng buong mundo tulad ng bigas, mais at mga gulay at prutas.



Parang kailan lamang na walang paglagyan ang tubig sa ating lugar at umapaw na nga sa kalupaan katulad nuong panahon ni Amang Noe, pero ngayon kulang naman ng supply ng tubig ang nararanasan natin.



Epekto pa rin ito ng tuloy-tuloy at inevitable na climate change sa ating mundo.


Tapos nuong kasagsagan ng bagyong Pepeng at Ondoy ay isinisigaw ng marami na ipasara ang mga dam diyan sa Luzon dahil daw hindi maagap sa pagpapalabas ng mga tubig na iniimbak nila. Eh ngayon, gusto pa kaya nilang ipasara iyan? Mag-isip isip nga bago mag-raly rally. Hindi naman araw araw bumabagyo eh.

Kaya tuloy nung isang araw nag-brown-out na sa buong Metro Manila at Calabarzon dahil nga sa epekto ng kakulangan sa supply ng tubig sa mga dam. Sana huwag namang magdilim hanggang sa araw ng halalan.



O sya, menos menos na lang muna ang paliligo sa summer ha, at hilamos na lang muna. At ang mga pawis na tumatagaktak ipunin , pwede na ring inumin yan kapag walang wala na talagang tubig . Here comes the "drought" again sabi ng Eurythmics.

Sigurado ako walang magre-recite ngayon ng " Rain rain go away, come again another day " dahil ito ang kailangan natin ngayon, ano bah huh!

Friday, January 29, 2010

O. Henry



I really dig O. Henry very much.



He is William Sidney Porter in real life and was born on September 11, 1862 at North Carolina USA.


He is known for his amusing wordplays and amazing twist endings.

Simula nang una kong mabasa ang kanyang " The Gift of The Magi " , ay nagsimula na akong ma-addict sa writer na ito na talaga namang biniyayaan ng talino at husay sa paggamit at pagtahip ng mga salitang ginagamit niya sa kanyang pagsusulat.



Nakasuhan ng pangungurakot nuong 1894 at nakulong , dito niya naisulat ang ilang mga obra sa loob ng kulungan na kanyang kinasadlakan.

Gustong gusto ko ang kanyang mga "twists" na talaga namang gugulat at magpapamangha sa iyo kapag tapos mo nang basahin ang kanyang mga istorya.

Among his many works that I like are The Gift of the Magi, After Twenty Years, The Ransom of Red Chief, The Cop and The Anthem, The Last Leaf, The Green Door, Springtime ala Carte and many more that has stood the test of time and adore by many readers all around the globe.



Kapag nagbabasa nga lang ako ng kanyang mga istorya ay kailangang may katabi kang dictionary dahil sa mga high-falutin words na kanyang ginagamit.



Kaya naman ano pa nga ba at ito ang ginamit kong username para sa aking mga accounts dito sa World Wide Web bilang pagpupugay sa kanyang kadakilaan bilang isang manunulat.




" Take it from me, he's got the goods " - from The Unprofitable Servant.

Thursday, January 28, 2010

ang "insertion" ni Pimentel

Ang bastos naman pala ng bunganga ng Senador pa man din na si Aquilino " Nene " Pimentel.

Ngayon lang ako nakarinig ng isang Senador na ang laman ng bibig ay kabalahuraan.










Pati ba naman insertion ng may insertion ay pinakikialaman huh!

Akala ko pa man din ay isang gentleman ang Senador na ito from Misamis Oriental.

It goes to show na kahit may pinag-aralan ka at isang mataas na lider ng sambayanan ay may kabastusan din pala.


Next time Senator, stick to the topic at huwag magpaliguy-ligoy huh. And anything na ginagawa ninyong mag-asawa sa loob ng kuwarto ay huwag nang palabasin para di kayo magmukhang maniac ha ha ha ha.


I know that everyone has his/her own green mind. But let's put it where it should stay. In the privacy of our own bedroom. Not in the Senate hall.

Sayang, gumuho tuloy ang ilusyon ng marami sa inyo.

Oh well , I wish the good Senator had learned his lesson well.


Lesson of the day: " Don't mess with someone else's wife, especially the wife of a senator, or you'll gonna regret."

Wednesday, January 27, 2010

Cebu Dancing Inmates

Sikat na naman ang mga Pinoy.

And this time ay ang muling pag-arangkada sa international scene ng Cebu Dancing Inmates via their video of dancing to the music of the late Michael Jackson entitled " They Don't Really Care About Us " which will be included in the upcoming DVD of the film "This Is It" of the late music icon.



Nauna nang napansin ng buong mundo ang galing sa pagsasayaw ng mga inmates ng Cebu Provincial and Detention Center sa pamamagitan ng pagsayaw sa awiting " Thriller " ni Michael Jackson nuong 2007 na kanilang inupload sa Youtube at naging sensation sa dami ng hits nito sa nasabing video sharing website. Phenomenal ang pagkaka-share nito sa Youtube na umabot sa milyun milyon ang hits kaya naman napansin sa buong mundo at naparangalan.










This goes to show na hindi porket bilanggo ka ay wala ka nang maiko-contribute na maganda para sa mga kapwa mo. The inmates have actually made the Filipino proud dahil ngayon ay hinahangaan na sila sa buong mundo at sought after na ang kanilang mga performances na laging inaabangan sa Youtube.


Ito lahat ay dahil sa matinding paniniwala ng kanilnag mentor na si Byron Garcia na nagbigay inspirasyon sa kanila na kahit sila ay pawang mga bilanggo lamang ay maaari pa rin silang hangaan at idolohin ng " outside world " kung maipapakita nila na sila ay nagkakaisa at sama-samang gagawa tungo sa iisang layunin.

At hindi nga sila nabigo sa kanilang misyon.


At ngayon nga ay kasali na ang kanilang video sa DVD version ng pinakasikat na music legend na si Michael Jackson.

At hindi lang iyan huh, dahil marami pa ang aabangang kasunod na tagumpay mula sa mga dating latak ng lipunan ngunit ngayon ay tatak na ng lahing Pilipino bilang magagaling na mananayaw sa buong mundo !

Tuesday, January 26, 2010

Manila Gay Guy

Isang blogsite ang mairerekomenda kong bisitahin at palagiang basahin ng aking mga followers dito sa Daily BITES

Ito ay ang Manila Gay Guy na pinamamahalaan ni Migs.

manila gay guy
I SAY AGAIN, “WORLD PEACE!”

Recently ko rin lang na-discover ang site na ito. But since then ay naging avid follower na ako ng blog na ito. Since then, almost everyday ay binibisita ko ang nasabing site para makibalita at makisali sa mga forums and discussions na nasa site.


It's a great relief to find a gay-friendly site na nakakaintindi at nakakaunawa sa pinagdadaanan mo bilang isang bakla.

And one of this is Manila Gay Guy. In fact I have written a letter to the moderator which he chose to publish on October 14, 2009. Here is the link:

38 yet I feel empty and worthless

Makulay and at the same time ay may kaakibat na lungkot ang buhay ng isang bakla. And sometimes ay ito ang hindi maintindihan ng mundo. Akala nila ay masaya lagi ang mga bading. Dahil sa mga nakakatawa at nakakatuwang namamasdan sa kanilang mga gawi at kilos. Ang hindi nila alam ay ang tahimik na paghikbi naming mga bakla sa bawat panunuya, pambabatikos, panunudyo, panlalait na natitikman sa mga taong hindi makaunawa.


Manila Gay Guy is the number one gay blogsite in the Philippines as attested by its Topblog counter. Migs , the operator , had to leave the country late Sunday to pursue his dream of new endeavors in the land of milk and honey. True to his slogan of "World Peace" - I am one in shouting this to the whole world - " Peace " for the gay people. I always emphasize , homosexuals are the most misunderstood and mislabeled entity in this planet.


Much has been said and done, but still I have this one dream and mission in mind: to earn the respect and accolade of the world to gay people like us!


To Migs and all the followers of Manila Gay Guy : let's continue the fight and we say again " World Peace ".

Monday, January 25, 2010

Avatar



Napakaganda ng bagong obra ni James Cameron na Avatar. It is really a cinematic masterpiece and a wonderful follow up to his already classic film Titanic.

Isang kuwento tungkol sa kalikasan at kung paanong ito'y ipagtanggol at ipaglaban ng mga nilalang na tinatawag na Na'vi people laban sa mga buktot na taong nagnanais na umangkin at magmay-ari ng mayamang planeta ng Pandora.

Napakaganda ng visual presentation ng pelikula tungkol sa isang lugar na hindi pa nasisira ng tao ang kanyang kapaligiran. Ultimo isang virgin paradise ang nasabing mga rainforest and mountains na punong puno ng mga kakaibang mga halaman at hayop na gumagala dito . Malaki ang pagmamahal at pagaalaga ng mga Na'vi sa kanilang environment dahil sa kanilang paniniwala na karugtong ng kanilang buhay ang kanilang kapaligiran - at kung masisira ito ay para na rin silang kinitlan ng kanilang sariling buhay.

Kung sana'y ganito lamang mag-isip ang mga tao sa ating planeta; disin sana'y hindi maaabuso ang ating mundo.


Ngunit ang mga tao ay sadyang ganid at gahaman katulad ng karakter na ginampanan ni Stephen Lang na si Colonel Miles Quaritch na ang tanging pinahahalagahan ay ang kayamanang tinatawag na unobtainium na makukuha at malilinang mula sa lupa ng Pandora.



Panalong panalo ang visual effects ng pelikula, magmula sa mga CGI na mga nilalang na Na'vi, hanggang sa kapaligiran nila ( lalo na ang mga Hallelujah Floating Mountains at Tree Of Voices and Souls ) at ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay dito katulad ng mga nagliliwanag o bioluminiscent na mga creatures at ang mga Direhorse ,Great Leonopteryx , Mountain Banshee atbp. na tanging makikita mo lamang sa Pandora.



Mayruon ding sariling lengguwahe ang mga Na'vi na kanilang ginagamit sa pakikipag-communicate sa bawat isa.


At high tech huh dahil puwede silang makipag-bond sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-connect ng kanilang ponytail sa nerve systems ng mga hayop.


Hindi kataka-takang humakot ito ng ibat-ibang awards mula sa mga awards-giving bodies sa buong mundo dahil sa pagiging perfect nito in terms of cinematic appearance. Nauna na nga dito sa Golden Globe. Susunod na sa Oscars.



Ang tanong: kailan kaya magkakaruon ng Jake Sully ang mundo na magigising sa katotohanan na ang pagmamahal sa kanilang kalikasan ay kasing halaga rin ng pagmamahal ng tao sa kanilang sariling buhay?



Hihintayin pa ba muna nating tuluyang mawasak ang mundo bago tayo maging makabagong Jake Sully?

Sunday, January 24, 2010

Ambassador Kristie Kenney....farewell to you our friend.........


Magpapaalam na ang first woman ambassador ng bansa na si Kristie Kenney itong katapusan ng buwang ito at babalik na sa Amerika dahil sa pagtatapos ng trabaho nito bilang Ambassadress ng Amerika sa ating bansa sa loob ng humigit kumulang apat na taon.


Napamahal at nakasundo ng maraming mga Pilipino si Kristie Kenney dahil sa pagiging magiliw at malapit nito sa ating mga Pilipino na dili ibat sinabi niyang pinakamagandang bansa na kaniyang napuntahan.

Siya nga ang itinuturing na " most loved ambassador in the Philippines " ng marami sa ating kababayan dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa ating bansa. Hindi katulad ng kaniyang mga male counterpart na mga embahador na mga stiff-necked at halos hindi mo mapasok sa kanilang closed door at strictly guarded na opisina , kakaiba itong si Kenney, dahil siya mismo ang lumalabas at umaabot sa tao para mapalapit sa kaniya.



Ilang beses na nga ba siyang nakita na nag-appear sa mga television shows na nakikipagsayawan at nakikipagkantahan tanda ng kanyang pagiging sport at cowboy sa pakikitungo sa ating mga Pilipino na animo'y iisang kalahi at kapamilya.


Gayundin ang pag-iinvite ng mga personality sa kanya mismong opisina para siya ay makadaupang palad at makasama tulad ng pagkanta ni Piolo Pascual sa kanilang Christmas party last year.



Ngunit sabi sabi na tila yata ito rin ang naging mitsa ng kanyang pagkakatanggal bilang emabahador sa ating bansa: ang pagiging sobrang malapit at bukas palad sa mga Pilipino; na tila ayaw ng Amerika at gustong pairalin ang pagiging politically snob sa mga bansang pinamamalagian nito.


Anu't anuman , si Kristie Kenney lamang ang nag-break ng barrier between the mighty walls of the US Embassy and the race of Filipino people.


A joyful farewell our dearest Ambassador Kenney. You will be forever etched in our memory as the Ambassador who have come to loved and care for us unconditionally.


Please come back soon. We will surely miss you.


God bless you and the Filipino people.

Saturday, January 23, 2010

makamahirap ( daw ) sila........



Q: What is the common denominator among the political campaign slogans for this coming elections in May 2010?

A: All of them says they are pro poor ; makamahirap at makamasa ( daw ).

Gamit na gamit ang mga mahihirap kapag dumarating ang election fever dito sa Pilipinas.


Everyone,magmula sa kumakandidato sa pinakamababang posisyon tulad ng konsehal o kapitan, hanggang sa pinakamatataas tulad ng mga Senador, Bise Presidente o maging ng Presidente mismo ay ino-over use ang pagiging mahirap o makamahirap daw nila. Halos lahat yata ng campaign slogans ay nagsasabi na sila ay makamasa o makamahirap.

Kapag dumarating ang ganitong mga panahon ng pangangampanya ay sila ang unang naiisip ng mga kandidato na kanilang nililigawan. Dahil aminin man natin o hindi, mas marami ang mga mahihirap na botante kaysa mga mayayaman, sa totoo lang!


Pero ang masaklap, kapag natapos na ang botohan at nagwagi na ang kandidatong ibinoto ng mga mahihirap ; sila rin ang unang una nitong nakakalimutan at tila ba nagkakaroon ng amnesya dahil ang hinaharap at pinagtutuunan naman ngayon ng pansin ay puro mga mayayaman at nasa alta sosyedad at negosyante! Ang mga mahihirap; nasa likod na ng isip at itsa puwera na sa eksena hmmppp! Sa susunod na lang ulit kapag eleksyon na naman!!!!


Ganito na lang ba lagi ang eksena kapag eleksyon?? Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga traditonal politician na ito??

Minsan tayo rin naman kasi ang may kasalanan. Mapangakuan lang tayong mga mahihirap, minsan ipagpapalit na ang kaluluwa at kunsensya kapalit ng mga pangakong bigla namang naglalaho kapag tapos na ang eleksyon!!


Mayroong nakaligo na daw sa dagat ng basura. Mayroong lumaki sa kahirapan sa Tondo. Mayroong nagpapakain ng baboy dahil sa kahirapan. Mayroong nagsasabing sagot daw sila sa kahirapan. At may nagsasabing sila ang tunay na mahirap!

Nakakasawa. Nakakapeste. Nakakairita!
Tama na at tigilan na ang panggagamit sa mga mahihirap.

Dapat manindigan at tumayo ang mga mahihirap. Sino ba ang tunay na kakampi at sino ang nagbabalatkayo at gumagamit lamang sa atin????!!!!Mag-isip isip na nang hindi mapahamak at alalaong bagay lalo pang masadlak sa kahirapan.

Sabi nga ng isang campaign jingle : " ....'yan ang tanong namin, tunay ka bang isa sa amin? ..."


Masa at mahihirap - hanggang kailan ka magpapagamit????? Kailan ka magiging matalino at disenteng botante???

Ngayon na . Sa darating na halalan, iboto ang nararapat at tunay na makamahirap!!!! Yan ang sigaw namin!!!!!

Friday, January 22, 2010

Jason Ivler and Marlene Aguilar




Nadakip na sa wakas ang matagal nang nagtatago at puganteng suspek sa rod rage killing na si Jason Ivler na all along ay kinakanlong at itinatago pala ng kanyang mother na si Marlene Aguilar ( kapatid ng folk singer na si Freddie Aguilar )

Suspek si Jason sa pamamaril kay Renato Ebarle Junior last November 18 , 2009 at simula nuon ay nagtago na at hindi mahagilap. Salamat sa isang milyong reward na inilatag ng NBI at marami ang nagkainteres ( siyempre naman ) para maisuplong ang batang ito na sadyang mapanaganib sa daan. At ilang araw nga lang ay natunton na ang kinaroroonan nito sa tulong ng isang malapit na kaibigan na nagsuplong dito( na isa nang instant millionaire ngayon he he he )

Kitang kita kung paanong itinago at kinanlong ng inang si Marlene ang anak na ginawan pa ng sarili nitong hideout para makaiwas sa mabusising search warrant na anytime ay maaaring isagawa ng pulisya sa kanyang bahay. At nito ngang Lunes ay naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ni Jason na lumaban at nagpaulan ng bala sa mga umaaresto sa kanya.


Hanggang nitong mga huling araw ay patuloy pa ring pinagtatakpan ng inang si Marlene ang kanyang anak. Ang sabi ni Marlene sa harap ng camera habang ngumunguyngoy ay : " I want everyone to know that no matter what my son did, I love him with all my heart and soul. "

At dagdag pa niya : " I want everyone to know that I would exchange places with my son a thousand times. I will take a thousand bullets for my son. I will die for my son. Jason, if you can hear me, I love you with all my heart until death do us part.”

O debah naman, so typical of a mother who loved her son no matter what he did. Even of a crime that can sentence him a capital punishment?

Nakita na rin natin iyan sa ilang mothers ng ilang mga notorious personality na nasa gitna ng controversy just like sa mother ni Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho na binatikos din dahil sa lantarang pagkampi sa kanyang anak. Pero ganyan talaga ang mga ina. We cannot blame their motherly love and instinct towards their sons or daughters even in the midst of a controversy. Yun nga lang may hangganan din dapat ito. At sana makapag-decide ang mga mothers kung kailan nila dapat suportahan o ipaglalaban ang kanilang mga anak at kung kailan nila dapat tuluyan na itong bitawan kapag sila ay nagkasala.

Samantala mukhang nababagay na kay Jason ang kantang Anak na kinompose ng kanyang tiyuhin na si Freddie Aguilar para sa kanya:

"....Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali ....."

Thursday, January 21, 2010

Wowowee, live studio audience kami.....





Nanuod kami ng aking butihing ina at ng aking tiyahin ng Wowowee sa ABS CBN studio kahapon at nag-enjoy naman kami ng husto.

As early as 5:00 ay gising na ang mga lola mo para maghanda sa panunuod.

Bago mag-alas otso ay nasa ABS CBN na kami at pumila para mapasama sa mga bubunutin para makapasok sa loob ng studio. Salamat naman at nabunot kaming tatlo para makapanuod ng live. Wait muna kami sa holding area ng mga ilang oras pa bago kami papasukin sa loob ng studio.


Nakapasok kami before mag-12, kung saan nagsimula nang umarangkada ang show. Alive na alive ang buong show in terms of sayawan at kantahan huh ,siyempre sa pangunguna ni Willie. Nag-enjoy kami ng bonggang bongga during the show dahil sa galing ng mga hosts sa pagha-handle ng programa. Hindi nakakaboring at halos hindi namin namalayan na nakatatlong oras na pala kami sa loob ng studio na nanonood. Maraming mga nakareserve at mga TFC subscribers ang nanood at halos konti lamang kaming mga nakapilang nabunot na manood at nasa likod pa kami ng gallery hindi katulad ng mga may reservations na nasa harap ng stage kaya kitang kita sila sa TV.

Hindi man lang kami nakasali sa alinmang game segment na pinapalabas sa programa tulad ng Cash Motto, Tic Tac To Win, Hep Hep Hooray o sa Bigatin.

May special event na nangyari nung tanghaling iyon sa show. Isang male contestant ang umamin in front of a worldwide and nationwide television na isa pala siyang jokla at badingarzie. Natigalgal at natulala ang mga audience sa gallery and I'm sure pati ang mga homeviewer sa TV, dahil sa ginawang pagka-come out na iyon ng isang kafatirang bading.


Imagine, on national television ay nagawa niyang umamin dahil sa gusto na daw niyang magpakatotoo sa kanyang sarili. At sa harap pa ng kanyang long-time 2 years girlfriend niya na kasama niya sa studio.

Ang lakas naman ng loob ni ate he he he. Maskulado , guwapo at hindi halatang bading ang umamin huh, kaya naman ganun na lang katigalgal ang mga audience especially yung girlfriend na tila ba na-shock ng husto dahil sa revelation ng kanyang boyfriend. Tila hilong talilong ang syota dahil sa ginawang ito ng kanyang BF for two years.

Ngayon lang ako nakakita ng isang bading na nag-come out on TV except for mama Rustom siyempre he he he. Pero para sa akin hindi na niya dapat ginawa dahil isa itong malaking kahihyan on the part of the girlfriend. Sana nag-usap na lang sila in private para at least disimulado lang ang pagbi-bring out niya ng kanyang skeletons in the closet.


Oh well, saan ka pa ba makakakita ng ganyang mga istorya kundi sa Wowowee lamang debah naman he he he he.

Next week Eat Bulaga naman daw kame he he he. We have the best of both worlds naman!