TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 22, 2010

Who Wants To Be A Millionaire? Part 1

Here is my recollection of the day that I played at Who Wants To Be A Millionaire at Channel 5.

------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa wakas ay tinawagan din ako ng pamunuan ng WWTBAM ng channel 5 para maglaro sa kanila nuong October 14 , 2009.

12: 00 PM ang call time para makipagmeet sa Eurotel Hotel diyan sa North Edsa.

Sa room 704 ay pansamantala kaming nanuluyan habang hinihintay ang iba pa naming mga kasamahan. Nag lunch muna kami habang kinikilala ko ang iba ko pang mga kapwa contestants.
Maulan sa labas. Walang tigil bagamat mahina lang naman.

At exactly 3: 35 ay nilisan namin ang hotel at sumakay na ng van para ihatid kami sa studio ng TV 5 located at Qurino Hi-way in Novaliches.

Pagdating namin diretso na sa dressing room. Isa isa kaming minake -upan. Bawat isa naghahanda para sa pagsalang sa game show. Lahat kinakabahan. Bale sampu kami lahat na maglalaban laban para sa "fastest finger first". Ako ang representative ng Slenda.

First taping ay para sa celebrity contestant na si Paolo Bediones.

Ipinakilala na si Paolo. Umpisa na ng laban.

Makwento si Paolo. Idinedetalye lahat ng kwento tungkol sa mga sagot niya. Nakaabot siya sa safe haven na 20,000 hanggang sa 150,000.

Pang-250,000 na question ay tungkol sa kung "ano ang pangalan ng teddy bear ni Big Bird ng Sesame Street?" Ang sagot niya ay " Theodore", dahil daw kay Theodore Roosevelt na pinagmulan ng toy na teddy bear.

Inilaban niya ito at hindi tinanggap ang offer ni Bossing Vic na "go home with 250,000 pesos"

Mali ang sagot niya, dahil ang tamang sagot ay " Radar", kaya balik siya sa 150,000 pesos na safe haven.

Tumunog ang buzzer. Ubos ang isang buong show kay Paolo.

Next episode taping.

Dinner break muna. Bumalik kami ng past nine ng gabi. Kaunting retouch lang tapos salang na sa show.

Malamig sa loob ng studio. Duon pa ako natapat sa mismong nilalabasan ng air conditioner. Kaya sobra ang pangangatog ko sa aking kinauupuan. Game na game si Bossing sa pakikipagbiruan at feel at home sa aming lahat na nasa loob ng studio.

Ipinakilala na kaming mga sampung contestants. Panghuli ako, sabi ni Vic , " at si Ramel Briones ng Antipolo City"

Unang FFF, mali ang sagot ko. Nalito ako sa pag-aayos alphabetically ng mga choices.

Si Loi Landicho ang pinakamabilis. Siya ang unang sumalang sa hot seat.
Umabot si Loi hanggang 70,000 para sa tanong kung sino ang prinsesang inililigtas nina Luigi at Mario , at inilaban ang kanyang sagot na si Princess Portia ,para dito.
Unfortunately, mali ang sagot niya, dahil Peach ang pangalan ng nasabing prinsesa,kaya balik siya sa 20,000 na safe haven.

FFF ulit. Tama ako, pero hindi ako ang pinakamabilis, kundi si Samer Asim.

Siya ang pangalawang sumalang sa hot seat.
Mabilis ang tanungan, hanggang sa question worth 100,000.
Inofferan siya ni Vic " to go home with 100,000.00", pero inilaban niya ang sagot niya na "Birdie" para sa tanong kung " ano ang tawag sa two under par sa larong golf?" Ang tamang sagot ay " Eagle". Balik siya sa 20,000 safe haven.

FFF ulit. Tama na naman ako, pero hindi na naman ako ang pinakamabilis kundi si Alan Navarro. Siya ang pangatlong sumalang sa hotseat. Sunod sunod ang tanong ni Vic sa Easy Round. Hanggang makaabot sa 20,000 worth question na safe haven sana.

Ang tanong, " ano ang international name ng bagyong si Ondoy?"

A. Parma
B. Ketsana
C. Melor
D. Katrina

Sagot ni Alan: "B. Parma"
Tanong ni Vic: " Is that your final answer?"
" Final answer" sabi ni Alan.
"A. Parma........is wrong" litanya ni Vic. " the correct answer is Ketsana"
Gulat na gulat si Alan. Di niya sukat akalain na mali siya sa sagot niya.
Sayang, wala siyang naiuwi kahit piso.

FFF ulit for the fourth time.
Tama na naman ang arrangement ko, pero naunahan na naman ako ni Manolo Rivera.
Siya ang pang-apat na umupo sa hot seat.

Maya maya pa, tumungo na ang buzzer, hudyat na tapos na ang game proper.
Ipagpapatuloy na lang next week ang paglalaro ni Manolo.
Pack up ang taping. Kinamayan na kami isa isa ni Bossing.
Sayang ,di man lang ako natawag at nakaupo sa hot seat at nakaharap ang bossing ng mga game shows.

Di bale , sulit na rin dahil may pabaon sa aming allowance para pamasahe.

At may chance pa akong sumali ulit next time.
Malay nyo, next time ay ako na ang uupo sa hot seat, at tuloy tuloy manalo towards 2,000,000 pesos.

Malay!

Sana!

Sa susunod!

2 comments:

  1. Who wants to be a millionaire is truly one of the most famous tv game show that really talks about talent. If you are interested to read more you can read it at http://paidcritique.blogspot.com/2011/06/who-wants-to-be-millionaire.html


    Read to Learn, Learn to Read.

    ReplyDelete
  2. Hello po. Nag-audtion po ako last week, August 25,2013 po. Nakapasok po ako sa TOP 10, ininterview at sinabing tatawagan po ako 2-3 weeks after. Ang problema po, yung number na ibinigay ko hindi na po siya gumagana ngayon dahil NAHOLDAP po ako, kanina lang po, yung phone ko nakuha at iyon ang number na alam ng Who wants to be a millionaire. Nagwoworry po ako baka po kasi sakaling matanggap ako, di po ako mainform kasi nga po wala na yung number ko na binigay ko nung audition. So EMAIL address nalang po yung nasa kanila. Tanong lang po kung nagee-mail po ba ang staff ng WTBAM kung pasok ka na po o sa phone lang po talaga? Tsaka po yung isang staff na nag-interview po sa akin ay kinuha niya ang number ko (same number na naholdap) pero yung sa iba po hindi naman daw po kinuha. Ano po kaya ang ibig sabihin nun? SAYANG po kasi talaga :'( Sana po makasagot kayo, SALAMAT PO.

    ReplyDelete