TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 10, 2010

Shutter Island


Ang ganda naman ng bagong pelikulang ito ni Martin Scorsese.

Shutter Island starring Leonardo Di Caprio.

A psychological horror and drama with a twist.

Ang intense ng sounds and score ni Robbie Robertson huh.

Dito ko napatunayang nakakatulong ang sounds para mag-generate ng takot at kaba sa iyong panoood ng isang pelikula.

At habang tumatakbo ang istorya ay imbes na maliwanagan ka ay lalo pa yatang pinapagulo at pinapasalimuot nito ang istorya na akmang akma sa isang psychological thriller na nakakatorete at nakakawindang ng utak.

At sa ending ay manantili pa rin ang katanungan sa iyong isipan kung alin ba talaga ang totoo?

Ang senaryong nilikha at pinaniniwalaan ni Edward "Teddy " Daniels ( Leonardo Di Caprio)

O ang kuwento ng mga namamahala sa Shutter Island sa pamumuno ni Dr. John Cawley ( Ben Kingsley )

Paano mapaghihiwalay ang ilusyon sa katotohanan?

Ask yourself this question : "what is better : to live as a monster, or die as a good man"

Find out for yourself in Shutter Island.

No comments:

Post a Comment