TRAVELBOOK NOW!

Sunday, November 21, 2010

Salamat

Nung isang gabi ay bigla na lang akong nagising sa kalaliman nito.

Di na ako makatulog.

Naisip ko marami pala akong dapat ipagpasalamat.

Di ko lang namamalayan.

Binilang ko.

Ang dami.

Sa dami di na ako nakatulog.

Hanggang mag-umaga na di pa rin ako natatapos.

Sa dami ng mga bagay.

Na dapat kong ipagpasalamat.

Salamat sa Diyos. Dahil kilala ko Siya.

Maraming salamat! Dahil mahal Niya ako!

Salamat po! Kasi laging nandiyan ka, kahit na laging wala ako!

Lubos po ang pasasalamat ko. Dahil sa pag-ibig mo!

Salamat sa aking ama! Dahil pinapalakas niya ako!

Humarap sa mga pagsubok. Matutong maging matatag at matibay.

Salamat sa lahat. Maging sa mga pag-iyak.

Dahil dito naging malakas ako. Natutong lumaban.

At mangarap. Nang buong pagsisikap.

Salamat sa aking ina! Na laging umuunawa.

Tumutulong at kumakalinga.

Bagama't nahihirapan. Nandyan pa rin at handang umalalay.

Alam ko ang pagdurusa mo. Subalit wala rin akong magawa.

Dahil ako rin ay mahina.

Kung wala ka.

Siguro matagal na akong sumuko.

Salamat sa aking kapatid. Nag-iisa kong kapatid.

Na laging dulot ko ay pasakit. At kahihiyan.

Bagama't hindi nagkakaintindhan minsan . Pagtulong ay nandyan pa rin.

Sa pagtatanggol at pakikipaglaban. Maaasahan pa rin.

Salamat sa aking mahal. Na minsan hindi ko nauunawaan.

Laging pinag-aawayan. Maliliit na tampuhan.

Subalit dahil sa iyo. Nabuksan ang isip ko.

Na hindi pala ganun kadali ang magmahal. Na marami pa pala akong hindi alam.

Inspirasyon ko. Sa buong buhay ko.

Salamat.

Dahil nakilala ko. Ang isang taong tulad mo.

Na nagpabago sa buhay ko.

Salamat sa bahay. Na nasisilungan ko.

Kapag umuulan.

O umaaraw man.

Salamat sa mga kamag-anak ko.

Na nakakaintindi. Ganun din sa mga hindi.

Salamat pa rin dahil pinapalakas nyo ang loob ko.

Salamat sa mga kaibigan. Na handang dumamay.

At makiramay. Sa oras ng kalungkutan.

At nakikisaya. Sa oras ng pagtawa.

Salamat sa lahat ng pinagdaanan ko. At pinagdadaanan pa.

Dahil aking naranasan. Ang pighati man o saya.

Salamat sa lahat ng pagsubok. Na dumating at darating pa.

Nawa'y lagi akong maging masaya.

At mapagpasalamat.

Dahil alam kong may bukas. Na darating sa bawat isa!

Ubusin ko man ang lahat ng oras. Hindi ito kakasya.

Dahil sa dami ng dapat kong ipagpasalamat!

No comments:

Post a Comment