TRAVELBOOK NOW!

Sunday, November 28, 2010

Purpose Driven Life?


Nakahiram ako ng libro ni Rick Warren na Purpose Driven Life na tungkol sa pagtahak sa tamang daan at sa kahulugan ng buhay mo dito sa mundo.

Di pa ako nangangalahati sa pagbabasa ng libro ay umayaw na ako at agad na isinoli ito sa aking hiniramang kaibigan.

Sa palagay ko ay hindi ko mate-take at makakaya ang mga programang inilahad ni Pastor Rick Warren sa kanyang aklat na dapat ay sundin mo upang maging ganap ang iyong magiging buhay dito sa mundo.

Nakakalula itong isipin, hindi pa man.

Para akong nalulunod sa bawat pagtitig ko sa mga salitang nakasaad dito.

Ewan , pero sa panahon ngayon ay hindi ko pa kaya yatang magpaka-banal at sumunod nang husto sa ating Panginoon.

At this point in time ay nahihirati pa ako sa mundo ng mga " makasalanan"

I belive in a God.

I believe that there is a God.

I guess lahat tayo ay may kanya- kanyang purpose sa buhay.

Kung naging masama ka man sa mundong ito at natapos kang masama pa rin-- well siguro yun ang purpose mo sa buhay! Puwede?

I have always believed in God.

Malakas ang faith ko sa Kaniya.

Eversince nung bata pa ako na lagi akong nagpi-pray.

Siguro nga kung hindi dahil sa pagtitiwala at pag-asa ko sa Kaniya ay matagal na akong sumuko at bumigay sa mga pagsubok ng buhay.

At matagal na akong sinukuan ng katinuan sa pag-iisip.

Subalit dahil sa aking pananalig sa Kaniya ay hindi ako basta basta nagpatalo.

Ganyan kalakas ang aking pananampalataya sa nasa Itaas .

But then , I guess , sa kabila nun ay isa pa rin akong mahina at mortal na taong sadyang marupok sa mga kasalanang inihahatag ng mundong ito.

Hindi mo naman maiiwasan eh.

We live in a world full of sins and sinners.

Kahit nga siguro ang mga taong nagsasabing banal sila ay dati na ring namuhay bilang isang mga makasalanang tao.

Ngunit sino nga ba ang makapagsasabi kung sino ang " Banal " at sino naman ang "Makasalanan" ?

Wala naman di ba?

Only God can tell who is right and who is wrong.

Only God can rightly judge us.

Siya lang ang bukod tanging may karapatang humusga kung sino ang aariin niyang Kaniya , at sino ang dapat kay Lucifer.

Ang pinaniniwalaan ko ay ito : Sa oras na itinakda ng Diyos , ay mangyayari ang isang kaganapan na ikaw ay kusang loob na susunod sa Kaniya ng lubos at walang pagtutol .

Na kaya mong gawin at sundin anuman ang kaniyang ipag-utos sa iyo.

In His own time.

Siguro hindi ko pa oras ngayon.

Hindi ko pa oras na maglingkod sa Kaniya ng lubusan.

At isuko ang mga bagay na hindi ko pa kayang bitawan.

Marami pa akong gustong malaman at matutunan.

Ngayon ko pa lang nadi-discover ang sarili ko.

At ang pagsunod at pagtalima sa Panginon ay tila ba malayo pa sa aking isipan.

Dahil ang pagsunod sa Panginoon ay nangangahulugan din ng pagtalikod mo sa mga bagay na maaaring makapagpasaya sa iyo.

Na tila hindi ko pa kayang gawin.

This is the supreme and ultimate sacrifice a human being can do in order to please his God.

At sa palagay ko ay hindi ko pa kayang mag-sakripisyo sa panahon ngayon.

Kung kailan , hindi ko alam.

Kung hanggang mamatay ako ay ganito na ako , no one knows.

But I believe that God is a patient God.

Isa iyan sa Kaniyang virtue.

And understanding too.

I believe that He understands me.

And I believe that in His own time ay mangyayari ang mga bagay na dapat mangyari.

Huwag igiit ang mahinog sa pilit . Karaniwang mas mapait pa ito kaysa hinog sa puno.

Minsan naiisip ko , ano kaya kung lahat ay " mabait " ?

Eh di wala na ring purpose ang mga " mababait " na tao.

Kasi wala na silang ililigtas na mga masasama.

So I guess ang purpose ng mga masasama ay : para magkaruon ng purpose ang mga mababait na magligtas ng mga masasamang kaluluwa!

Ha ha ha ha. So funny , but quite right.

I dont know.

Kahit ako naguguluhan pa rin.

What I believe is that everybody has a purpose.

Whether you are an outright sinner .

Or just a simple holy man.

Everything has a purpose .

And it is in accordance with His own plan.

The bottomline is time.

In His time.

What will happen , will eventually happen.

In his definite and infinite time!

No comments:

Post a Comment