TRAVELBOOK NOW!

Thursday, November 25, 2010

Pilipinas Kay Ganda



May common sentiment ang mga Pinoy dito sa bagong slogan ng Department Of Tourism na " Pilipinas Kay Ganda"

Diumano ay papalitan ang lumang slogan nito na "Wow Philippines" at gagawin na ngang " Pilipinas Kay Ganda "

Inspired ba iyan ni Vice Ganda , ha ha ha ha?

Sa aking palagay ay hindi rin nga makatwiran na pure Tagalog words ang ilagay sa isang slogan na ang mga target reader mo ay pulos naman mga banyaga o nakakaintindi lang ng salitang Inggles.

Kung ang mga targeted audience mo nga naman ay mga Ingglesero eh ba't ka mag-Tatagalog?

Alam ba nila na ang Pilipinas ay Philippines din?

Kaya dapat diyan ay iyong words na maiintindihan at babagay sa panlasa ng mga turistang ating inaamuking bumista sa ating bansa.

Aba may mga suggestions ang lola nyo.

Bakit hindi gawing " Lovely Philippines " na lang o kaya ay " Alluring Philippines " kung gusto nyo talagang i-incorporate ang salitang "ganda " sa logo nyo.

" Beautiful Philippines ' may be good but a common one.

At kung gusto nyo naman ay pagsamahin ang pagiging makabayan and at the same time ay makaka-relate ang ating mga kapitbahay na bansa ay gawin itong " Gandang Philippines " dabah?

O kaya ay puwede ring " Lakbay Philippines " to signify an adventurous journey.


Pabor din ako na gawing mukha ng DOT travel posters si Congressman at the best pound for pound boxer in the world ngayon na si Manny Pacquiao.

Tutal , no doubt about it ay siya ang pinakasikat na Filipino sa buong mundo sa ngayon.



Kaya kapag sinabing Manny Pacquiao , antimano kasunod na niyan ay ang magandang imahe ng Pilipinas bilang isang magandang tourist destination sa buong mundo.

Another good suggestion would be pop diva Charice Pempengco na bukod sa magaling nang kumanta ay isa ring magaling na artista.

Oh debah naman!

No comments:

Post a Comment