TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 9, 2010

A Nightmare On Elm Street


Paborito ko ang pelikulang ito simula pa nuong aking kabataan.

At ngayong ni-remake ito ngayong 2010 ay siyempre hindi ko ito palalampasin sa sinehan.

Wala pa ring tatalo sa original siyempre.

At mas gusto ko pa rin bilang si Freddy Kruger si Robert Englund kaysa sa bagong gumanap dito na si Jackie Earle Haley.

Konti din lang ang mga magagarbong dream sequence dito kesa sa original.

At parang hindi pinag-isipan ang mga eksenang isasali para sa mga dream sequence.

Walang kakaiba sa mga horror at thriller na patayan sa panaginip sa bagong remake na ito.

Hindi katulad sa original na bongga at pabulosa ang mga " bangungot na nagiging totoo " ng mga biktima ni Freddy.

I am deprived of sleep nowadays dahil nga sa trabaho sa pang-gabing call center.

Kaya very timely ang pelikulang ito sa mga taong tulad ko na kapos na kapos sa "matinong pagtulog"

Nakaka - relate ako sa mga bida na namamaga ang mga eyebags at ngarag na ngarag sa puyat dahil tiyak na kapag natulog sila ay todas sila kay Freddy Kruger.

Pinaka masamang atake ko ng bangungot ay nuong ako ay isang teenager .

Nagising na lamang ako na basa ang kamang tinutulugan ko ng aking wiwi he he he.

Naihi ako sa kama sa sobrang tensyon at kaba na dulot ng bangungot na iyon.

Ngayon , bihira na akong bangungutin.

Dahil bihira na akong matulog.

He he he.

At kahit day-off , puyatan pa rin dahil sa kakarampa sa gabi ha ha ha ha.

Ayyy , tama na , matutulog muna ako.

Kahit na bisitahin pa ako ni Freddy on my catching some ZZZZZ's , wala na akong paki.

Basta gusto kong matulog , period.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZ!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment