TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 12, 2010

Mga taong doble kara

Involve ngayon sa isang scandal at scam ang dati'y masipag dumakdak at magngangalngal na laban umano sa katiwalian na si Secretary Dinky Soliman ng DSWD.

Ang dating nang-aakusa , ngayon ay siyang inaakusahan.

Kita mo nga naman ang buhay ano.

Minsan , kung sino pa talaga iyong mga asong kahol ng kahol ay siya pa talaga iyong mga asong bahag naman pala ang buntot dahil may mga itinatagong garapata at pulgas.

Hala baka ang colored na bangs ni Secretary Dinky ay mamuti dahil sa ganitong problema ha ha ha .

Nasaan na ang ipinangangalandakan ninyong transparency eh kayo mismo ay may mga itinatagong " multo " at mga "kalansay " na hindi ninyo ipinapaalam sa publiko huh?

Bilyong piso gagastusin para sa isang proyektong pang-mahirap kuno?

Alam ninyo , sa halagang iyan , kung ginamit lang ng tama , lahat ng Pilipino mayaman na dapat , WALA NANG MAHIRAP huh!!

Anak ng bakang dalaga oo.

Kaya dapat ay huwag magpatumpik tumpik at walang sasantuhin ang Pangulong Noynoy dito ha.

Hindi iyong porke malaki ang naiambag sa kampanya ay aarborin na sa mga kaso at asunto .

Dapat sa mga taong nagmamay-ari ng dalawang mukha ay pinapakain sa buwaya eh

Mga #$%^&*!Q@!??;"""

No comments:

Post a Comment