TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 27, 2010

Mga lamok sa tag-ulan...

Bakit ngayong may pera at datung na naman ako ay ang dami na namang nagpaparamdam sa akin?

Eh nung time na wala akong pera at namumuraot lang ay tila ba walang nakakakilala sa akin?

Nagkaruon ako ng maraming pera nuong time na nagka-negosyo ako at kumita ako ng limpak limpak dahil dito.

Tubong lugaw ikanga.

But then dumating ang time na dahil na rin sa aking mga kalukahan at kabobahan ay unti unting nawaldas at naubos ang aking perang pinaghirapan na inipon ng ilang taon.

At nalugmok ako sa kawalan.

Ito yung time na ultimong pang -load sa cellphone ay wala ako at nakiki-text lang sa mga kakilalang may cellphone.

Ito yung time na dahil sa pagtitipid ay nilalakad ko ang isang kilometrong kalsada sa ilalim ng init ng araw dahil wala na akong maipamasahe sa jeep.

At ito yung time na ang aking tanghalian ay isang tokneneng at gulaman at sago na nabili ko sa isang bangketa.

Natatandaan ko na nung time na sandamukal ang perang lumalabas mula sa aking balon , ay marami ang lumalapit at nakikipag-kaibigan.

Lahat sila ay magiliw na dumidikit sa akin at nag-aalok ng kanilang kamay para makipag-apiran at high -five.

Lahat sila ay may iisang layunin kung bakit sila dumidikit na parang pagkit.

Para ako ay hiraman ng anda.

Ngunit nung dumating ang time na ako naman ang wala , at ako naman ang manghihiram , kataka- taka , naglalaho silang parang mga bula.

Very vivid pa sa aking memory ang isang eksena sa bahay ni A.

Nais ko sanang makiusap sa ibang mga nanduruon na kung puwede ay maki-text muna ako dahil walang wala akong load nung mga oras na iyon.

Subalit lahat sila ay nagsabing wala rin daw silang load . Yung iba expired na daw ang load nila . At yung iba , ang sabi ay lo-bat daw sila.

Ni walang naawang nagpahiram ng cellphone nila at nag-patext sa akin.

Ngayon , mayaman na naman ako.

Maraming pera.

Makapal ang bulsa dahil sa mga barya.

At ang nakakapagtaka , nandyan na naman sila.

Parang mga zombie na biglang nabuhay at nagparamdam.

Parang multong biglang sumulpot mula sa kung saan.

Parang mga lamok na biglaang dumadami kapag panahon ng tag-ulan.

At lahat sila ay susugod sa iyo na bubulong bulong na tulad ng mga lamok ay handang sumipsip at sairin ang iyong dugo.

Subalit kakatwa dahil hindi "bzzzzzz" ang naririnig kong isinisigaw ng mga lamok na ito.

Kundi ang naririnig kong kanilang inuusal ay : " Pahiram naman "

Ahhh.

Gusto ko nang maging matalino.

Ayaw ko nang maging bobo.

Dahil ayoko nang sa huli ako din ang kawawa.

At ako din ang iiyak.

Kaya sa mga multong muling nagpaparamdam.

Go back in your coffin.

Stay in your limbo .

And disturb me no more.

Peace!

1 comment:

  1. Its meaningful and somehow sharing this to readers like me, makes me want to surf the web to be able to get more wonderful ideas.Thank you for posting this. Thank you

    ReplyDelete