TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 30, 2010

Inception



Masterpiece ang bagong pelikula ni Director Christopher Nolan na Inception starring Leonardo DiCaprio as Dominic Cobb na isang dream extractor o nagnanakaw ng mga eksena o memory ng isang tao mula sa isang panaginip.

Dahil sa angking galing niya sa trabahong ito ay kinausap siya ng isang mayamang Japanese magnate na si Mr. Saito ( Ken Watanabe ) para naman sa panibagong misyon na magtanim o mag-implant ng mga bagay na gusto niyang ipasok sa isipan ng kaniyang kalaban sa negosyo na si Maurice Fischer ( Pete Postlethwaite ) sa pamamagitan ng anak nito na si Robert Fischer
( Cillian Murphy ). Lahat ay idadaan sa isang panaginip.

Bago ang ideyang ito kaya nag-aatubiling sumunod si Dominic.

Ngunit dahil sa pangako ni Mr. Saito na makakabalik siya sa Amerika at muling makakapiling ang kaniyang mga anak na nawalay sa kaniya , ay napilitan siyang suungin ang ganitong sitwasyon kahit na mangahulugan ito ng kaniya mismong kapahamakan at mabingit sila sa kamatayan maging ng kaniyang mga makakasama sa nasabing death-defying mission.

Ito ang premise ng pelikulang ito na hanep sa special effects lalo na sa bandang ending ng pelikula.

Nakakawindang ang mga mala roller coaster fighting scenes nila sa loob ng "panaginip" na kung saan sila ay naglalaban laban ng patagilid , bumabalentong at sumisirko sa loob ng isang van.

Gayundin ang mga eksena ng pag-eevolve ng isang lugar tungo sa bagong lugar na kung saan ay mistulang nilalamon ng isang eksena ang kasunod nitong eksena para sa bagong dream sequence.

Ang pinaka-nakakabilib sa lahat ay ang bagong story line nito na ngayon lamang na-incorporate sa isang pelikula: ang pagnanakaw at pagtatanim ng mga memorya sa pamamagitan ng isang panaginip.

Ang screenplay ay karapat-dapat manalo ng Oscars sa susunod na taon.

Gayundin ang bonggang bonggang production design ng pelilkula.

Kudos to director Christopher Nolan na nagustohan din namin sa pagdidirek niya ng
Batman :The Dark Night.

No comments:

Post a Comment