TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 20, 2010

brrr na naman...

Ang ginaw ng panahon ngayon , brrrrrr.

Masidhi kasing umiihip ang Hanging Amihan dito sa Pilipinas sa ganitong mga panahon, kaya super lamig ngayon. Sabi sabi hanggang Pebrero pa daw ito. Taena, isang buwan pang maghahalukipkip ako sa aking maiksing kumot.

Sabi nga sa text jokes: may kinakaharap na malaking pagsubok ang buong Pilipinas ngayon---ang pahirapang maligo sa umaga he he he he he.

Para sa akin mas gusto ko ang ganitong panahon na malamig kesa sa panahon ng tag-init.
Kapag ganitong panahon kasi mas malalamig din ang ulo ng mga tao. Hindi katulad kapag tag-init, madali ring uminit ang ulo ng sambayanan. Dahil sa sobrang alinsangan sa kalsada.

Mga mayayaman lang ang hindi apektado kapag tag-init; kasi de- aircon ang mga mansion.

At kahit mga sasakyan, kuntodo aircon din. Kaya para sa kanila; taglamig sa buong taon ha ha ha ha ha ha .

Kaya nga paborito ko ang Baguio City eh. Kasi duon, all year round malamig. Lalo na siguro sa Iceland. O Antarctica. O sa North Pole. Kina Santa Claus?

Kung ako magkakabahay, gusto ko magpatayo sa Baguio. Wag lang lilindol ha, he he he he.

Marami ding natitipid kapag malamig ang panahon. Tingnan nyo:

Tipid sa tubig- kasi hindi madalas maligo dahil sa sobrang lamig ng tubig he he he. Kailangan pa munang magpainit ng tubig bago makaligo at sumuong sa nagyeyelong agua. Kaya ang ending maghapon nang hindi nakaligo. Tipid tubig!

Tipid sa paglalaba at sabon-Hindi madalas magpalaba sa mga laundry shop kasi hindi madalas magbihis o magpalit ng damit. Kahit ilang araw ng suot ang damit ay okay lang dahil hindi naman kasi bumabaho o nangangamoy dahil hindi naman pinagpapawisan. Kaya tipid na sa sabon, tipid pa ulit sa tubig.

Tipid sa kuryente- Hindi madalas magbukas ng ref o freezer dahil hindi naman madalas mauhaw. Hindi rin masyadong stressed ang makina ng Refrigerator dahil wala siyang hinahabol na temperatura. Hindi na binubuksan ang Air Conditioner o Electric Fan.

Tipid sa mga pabango at deodorants-Dahil hindi naman pinagpapawisan ang mga tao, kahit huwag nang mag-deodorant o mag body spray, okay lang kasi wala namang mangangamoy. Hindi katulad kapag tag-init na sobrang magpawis ang mga tao, kaya lahat naliligo sa beach he he he.

At higit sa lahat, Tipid sa Motel- Dahil kahit sa bahay lang puwede na, kahit walang Aircon, wag lang magpapahuli sa asawa he he he. Dahil sa ganitong panahon, masarap ang may kayakap at katabi sa kama ha ha ha ha. Kaya magtataka pa ba kayo kung bakit maraming ipinapanganak ng September, October at November? Eh ginawa kami sa ganitong panahon eh ha ha ha ha ha.

Kalokah.

Isa lang ang alam kong hindi natitipid kapag tag-lamig: ang pagkain!

Dahil kapag tag-lamig, mas masarap kumain. Lalo na ng may sopas at maiinit na sabaw!!!

Waaahhhhh, lamig ng tubigggggggg!!!!!

No comments:

Post a Comment