TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 29, 2010

Bird's Flu once more

Kumakalat na naman ang bird flu.

Kung anu ano nang sakit ang kumakalat ngayon ano?

Dati hayop lang ang nagkakasakit. Ngayon pati tao ay nahahawa na sa sakit nila.

Sabi nga ng katrabaho ko ay dahil daw sa sobrang dumi na ng mundo ngayon. Kaya naman kung anu ano na ang lumalabas na sakit ngayon sa mundo. Ngayon lang namang 20th century lumabas ang mga modernong sakit na iyan.

Ang mga baka merong Mad Cow Disease o Bovine Spongiform Encephalopathy. Imagine pati mga baka naluluka luka huh.

Tapos mga ibon naman ay nagkaruon ng Bird o Avian Flu na likha ng H5N1 virus. Libu libong manok at mga ibon kaya ang kinatay sa Hongkong at China nung isang taon lang dahil sa sakit na ito, na pwede rin daw makahawa sa mga tao. Mabuti na lang at ang ibon ng tao ay hindi nahahawaan nito hi hi hi.



At ngayon ay mga baboy naman ang may mga Swine Flu na naging pandemic na sa buong mundo na nagsimula lang sa bansa ni Thalia. Hindi kaya babala na ito sa mga taong gumagawa ng kababuyan na sila ang madaling mahahawa nito huh.

Napansin nyo ba na lahat ng kinakain ng tao ay nagkakaruon ng mga bagong sakit?

Ano kaya ang susunod, Carabao Flu kaya o Goat Flu? Ang mga isda kaya posible ring magkaruon ng Fish Flu?

Kakatakot kung magkaruon tayo ng Dog Flu o Cat Flu dahil marami sa atin ang may alaga sa mga ito huh. At marami din ang kumakain sa mga ito, espesyal na pulutan kaya ang aso ng mga tomador, at ang pusa naman, ginagawang asado para sa siopao huh.

Kailan lang ay ang mga bakla ay nagkaruon ng AIDS na sa kanila lang daw lumalabas. Baka in the future ay magkaruon na din tayo ng specific case disease tulad ng Lesbian Flu, Richness Flu, Actor's Disease , Sportsman's Sickness o Politician's Flu kaya?

The bottom line is, habang patuloy na dumudumi, literally at figuratively , ang mundong ito ay lalabas at lalabas ang mga bagong sakit na tatapos sa race ng tao. At huwag naman sanang dumating ang time na maging Planet of The Apes na lang tayo dahil bukod tanging sila ang natira sa planetang ito na punong puno na ngayon ng pang-uunggoy at panloloko.

Ano kaya ang susunod na flu?

Sana Corrupt Politician's Flu naman he he he.

At nawa magkaruon iyan ng outbreak he he he.

No comments:

Post a Comment