TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 27, 2010

Famealy Day


Today is Famealy Day.

Spearheaded by Lucky Me Noodles , this is an event in which every members of a family will be eating their dishes and suppers all at the same time , sitting besides each other at a table.

Sabay sabay na magsisipag-kainan ang isang buong pamilya sa iisang hapag-kainan.

Ito ay upang mapalaganap ang epektibong komunikasyon sa loob ng tahanan nang sa gayun ay mapag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan at harapin ang mga isyu na kailangang matalakay nang sabay sabay bilang isang buong pamilya.

Guilty ang family namin sa bagay na ito na hindi pagsabay sabay sa pagkain.

Usually ay hiwa-hiwalay o hindi sabay -sabay na kumakain kami dahil sa pagiging busy at hectic ng aming mga schedule.

But then we make it a point na every once in a month ay we go to a retreat or a vacation na kung saan ay sabay sabay kaming kumakain o nagi- snack para ma-strengthen ang aming ties and bonds as a family.

Mahalaga ito sa isang pamilya.

Bihira naman kasi ang mga pag-uusap at paghaharap dahil nga sa very busy sched ng mga parents sa work or business nila, ganun din ng mga kids sa school at mga barkada nila. Usually ay mas mahabang oras pa ang ini-spend ng mga bata sa kanilang mga kaibigan o barkada kaysa sa kanilang mga pamilya sa loob ng bahay.

And this is dangerous dahil baka kung anu-ano ang natutunan nila sa kanilang mga peers and friends na hindi tama at hindi sila nagagabayan ng mabuti.

It is better to set aside one time of every month to sit and talk awhile everything that is worthwhile talking and explaining in front of a good meal or dishes around a table. Mas masarap kasi mag-usap kapag may pagkain na nginangata he he he.

Let your deepest secrets be revealed at this quiet and peaceful time where everyone will be listening and will be engaged in a healthful family conversation.

Hmmmmm , my greatest fear lang is when we are all at the table facing each other, and hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla kong masambit na.....

...." Papa , huwag kang mabibigla , dahil aaminin ko na ...............na isa akong sirena!!!"

I am sure na ang susunod na eksena ay , woosshhh, at biglang magliliparan ang mga baso at plato sa mesa ha ha ha ha.

Anyway, Happy Famealy Day pa rin!

No comments:

Post a Comment