TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 17, 2010

The Expendables


Latest kong napanuod sa sine ang pelikulang The Expendables kung saan nagsama-sama ang mga bigating action stars para sa bagong direksyon ni Sly Stallone.

Napakagandang pagmasdan ang pagsasama-sama ng mga luma at bagong mga action stars sa isang pelikula : ang mga beteranong sina Slyvester Stallone , Dolph Lundgren , Mickey Rourke , Steve Austin , Jet Li at sina Bruce Willis at Arnold Schwarzenegger ( na may mga cameo role lamang ) at ang bagitong si Jason Statham ay napakasarap pagmasdan sa telon kapag nagsasama sama upang pumatay, magpasabog, magpagulong-gulong , tumalon at sumirko -sirko sa mga eksenang kanilang pinagbibidahan.

Bagamat aminadong matatanda na at medyo kumukulubot na ang mga balat ay mapapabilib ka pa rin sa gilas at tikas ng mga ito pagdating sa sagupaan.

Bagamat simple lamang naman ang storyline tungkol sa mga mersenaryo na binayaran upang likidahin ang isang diktador na umaalipin sa isang bansa ay maayos naman nitong naipakita at naipadama ang tema ng pelikula na tungkol sa pagkakaibigan, pagtatanggol sa mga naaapi at pagiging tapat at maaasahan sa kapwa.

Bagamat parang mahirap nang mapaniwalaang magagawa pa ng mga gurang nang sina Sylevster, Dolph at Jet Li ang makipagbasagan ng mukha sa kanilang mga kalaban pero dito ay naipakita nila na may ibubuga pa rin sila pagdating sa aksyon.

Ganito rin ang dilemma ko sa Chinese action superstar na si Jackie Chan na tila ba dahil sa katandaan minsan ay nagiging awkward nang magkikilos sa mga latest martial arts movie niya sa Hollywood hindi katulad nuong bata pa siya.

Bilib na bilib naman ako sa gilas at tikas ng bagong action hero na si Jason Statham dahil talagang mapapahanga ka sa kanyang estilo at galing sa mga stunts na pinapagawa sa kanya. Bukod sa bata pa ay talagang mapapaniwala kang magaling siya sa action dahil sa ganda ng katawan niya .

Anyway , kung ang hanap ninyo ay pure bakbakan at riot to the max ay ito ang panuorin ninyo.

Lagyan lamang ng ear muffs ang mga tenga para hindi mabasag ang eardrums dahil sa sobrang ingay ng mga sound effects ng pelikulang ito.

No comments:

Post a Comment