TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 23, 2010

The Curious Case Of Benjamin Button

Napanood ko sa DVD ang obra na ito ni David Fincher at masyado akong nasiyahan para dito.

Bagamat mahaba ang pelikula( 165 minutes), ay hindi ka mababagot dahil sa ganda ng pacing ng pelikula, mahuhusay na artista, magagandang dialogue , nakakahalinang mga tanawin at makabuluhang storyline.

Ito ay hango mula sa maikling istorya ni F. Scott Fitzgerald na may ganito ring pangalan.

Istorya ng isang nilalang (Benjamin Button) na isinilang bilang isang matanda na habang lumilipas ang panahon siya ay bumabalik sa pagkabata hanggang sa siya ay mamatay bilang isang batang sanggol muli.

Napakagandang pagmasdan at pagbulay bulayan kung papaano nga kaya kung ang isang tao ay isinilang na matanda at pabata nang pabata habang tumatakbo ang oras.

Napakasarap isipin na mula sa isang pagiging mahina ay unti unti kang lumalakas, in contrast sa usual na takbo ng buhay ng kanyang kapwa na mula sa pagiging malakas ay unti unti namang humihina.

Ang gandang pagbulayan ang isang relasyon na habang tumatanda ang isa ay bumabata naman ang pangalawa, hanggang sa mag-meet sila sa gitna: isang matipunong binata na si Benjamin at mayuming dalaga na si Daisy Fuller( Cate Blanchett).

Maganda rin ang pagkakalarawan tungkol sa mga what could've beens sa buhay ng tao na mga coincidences lang ba o sadyang itinadhana na para sa atin. Marami tayong mga " disin sana" kapag may nangyayari sa ating kamalasan o alat sa buhay, tulad ng " disin sana" ay hindi pagkakaasidente ni Daisy kung sana ay ..........Panalo ang production design ng pelikula na nagsimula nuong taong 1918 hanggang sa 2003 ay mabusising naipakita ang kaibahan ng mga panahon , kaya naman hindi kataka - takang manalo ito sa Oscar ( Best Visual Effects) ; gayundin ang make - up nito na nanalo rin sa Academy Awards, kung saan naman ay malayang naipakita ang pagta-transform ng itsura nila mula sa pagtanda hanggang sa pagbata: mukhang sariwang dalaga si Cate Blanchett bilang si Daisy nuong panahong siya ay nasa early 20's pa lang, samantalang si Brad Pitt ay batang bata sa edad niya bilang si Benjamin nuong kanyang kabinataan.

Maraming nais ipakita ang pelikula at sabihin tungkol sa pagtanda, pagkabata, sa pagmamahal, sa pagpapatawad at maging sa buhay mismo.

Pero iisa lang ang napansin ko na pagkakapareho ng buhay ng tao, saan ka man magsimula, bilang bata o matanda: ..." ohh we all end up in diapers...."

No comments:

Post a Comment