TRAVELBOOK NOW!

Saturday, September 25, 2010

Adik ka ba?

BAKIT ANG TAO PARANG ADIK ?

Pag kulot ang hair inuunat
Pag straight, kinukulot

Pag madali ang buhay, nabobored
Pag mahirap, nagsu-suicide

Pag mataba, nagpapapayat
Pag payat, nagpapataba

Pag maitim, nagpapaputi
Pag maputi naman, nagsasun bathing para umitim

Pag malapit nang mamatay, gusto pang mabuhay
Pag buhay naman, gusto nang mamatay

Pag mahal mo di ka naman mahal
Pag mahal ka, di mo naman mahal

Pag nandyan gustong mawala
Pag wala naman,namimiss at gustong makita

Pag buhay pa, walang pakialam
Pag patay na, kung anu-anong tribute at post humous award ang ibinibigay

Pag malago ang buhok, gusto magpakalbo
Pag kalbo naman, gusto magpatubo ng buhok

Pag mainit gusto malamig
Pag malamig naman, gustong uminit

Pag banal at maka- Diyos, nagbabanal banalan lang daw
Pag maka-Demonyo naman, lumapit daw sa Diyos

Pag baliw, magpakatino daw
Pag matino naman, maging baliw din naman paminsan- minsan

Pag marami daw bisyo, masama daw
Pag wala namang bisyo, kung hindi abnormal, bakla o baka daw may sayad

Pag masama, kinamumuhian
Pag mabait naman, boring

Pag matalino, nerd
Pag bobo, kinakahiya

Hayyyzz, ang tao nga naman
PARANG ADIK

IKAW ADIK KA BA?

No comments:

Post a Comment