TRAVELBOOK NOW!

Sunday, August 29, 2010

What's in Noynoy Aquino's smile?



Napansin ng international media ang pambihirang pagngiti ni Pangulong Noynoy Aquino habang isinasagawa ang pag-iimbestiga , pag-inspeksyon at pagbisita sa natapos na Manila Bus hostage crisis nitong nakaraang Lunes habang siya ay ini-interview ng mga media.

Tinawag pa nga siyang " smiling dog " ng mga ito dahil sa tila ba ay "pagngiti" nito habang nangyayari ang lahat ng krisis na ito.

What's in Noynoy's enigmatic smile nga ba?

Tila nga all-smiling face ang ating pangulo at mahilig kay Smiley na laging nakangiti.

Maski ako ay napansin ko na kahit nuong kamatayan at libing ng kanyang mahal na inang si Dating Pangulong Cory Aquino ay nanduon pa rin ang mahiwagang ngiti ni Pangulong Noynoy!

Sadya bang ganito talaga siya mag-express ng kanyang damdamin?

O sadyang masayahin lamang itong ating bagong presidente?

Sabagay mas mabuti na iyong lagi kang nakangiti kaysa naman nakabusangot o nakasimangot na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa.

Payo ko lang siguro ay medyo bawas bawasan niya ang sobra sobrang paglabas ng kanyang mga ngipin dahil napagkakamalan siyang ngumingisi lalo na sa mga sitwasyong malulungkot o sentimental na ipinagkakamali ng iba , lalo na iyong mga hindi lubos na nakakakilala sa kaniya na tila ba pagpapahiwatig na nasisiyahan ka pa sa nangyaring trahedya.


At saka parte rin ng expression ng mukha ang pagiging malungkot o Frowny lalo na sa mga seryosong sitwasyong tumatawag ng ganitong simpatiya.

Kaya sa susunod , Pnoy ....say cheese....



2 comments:

  1. Hi,
    Ok itong comment mo -- balanced kasi. Puwede kong gamitin pambalanse sa Facebook notes ko? Ilalagay ko sana ang url nito para mabasa ng notes ko itong article mo.
    Regards,
    William

    ReplyDelete
  2. okay ...feel free to share my blog...thank you

    ReplyDelete