TRAVELBOOK NOW!

Thursday, August 12, 2010

Walang PAGASA



Sinibak sa kanyang puwesto ang weather chief na si Prisco Nilo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ni Pangulong Aquino matapos na walang kapaga-pag-asa na i-forecast ang ating mga klima nitong nakaraang mga araw, partikular ang mga bagyong dumaan na sina Basyang at Domeng.



Bata pa ako ay alam ko na ang kapalpakan ng PAGASA.

Kapag sinabi ng PAGASA na may bagyo, asahan mo at tirik ang araw at namamasa kami sa pawis nuon sa kalalaro ng patintero.

At kapag sinabi naman ng PAGASA na walang bagyo, saka mo naman asahan na hanggang dibdib ang baha diyan sa Espana. At ang bayo ng hangin ay puwedeng makatumba ng punong niyog.

Ganyan ang weather forecasting dito sa ating bansa.

Sabi nila ay dahil sa luma nang mga instrumento na panahon pa yata ni Mahoma ay ginagamit nang pang-predict sa mga weather disturbances sa atin.

Sabi naman ng iba ay dahil sa mga incompetent na mga tauhan na hindi umano skillfully trained sa pagbasa ng mga readings from those equipment.

Sa palagay ko ay marami pang dapat baguhin sa PAGASA bago ito maging pag-asa ng bayan.

Hindi lamang ang pagpapalit ng pinuno nito.

Dapat ay umagapay din tayo sa makabagong pagtataya ng panahon . Moderno at teknolohikal.

At siyempre may sapat na kasanayan ang mga taong nagpapatakbo sa nasabing ahensyang ito.

Hindi iyong mga pinulot lang sa kangkungan.

Sana sa susunod ay mas accurate na ang pagbibigay nila ng tamang forecast.

Kapag sinabing may bagyo, asahan ngang may unos na paparating at tama ang daang tatahakin nito. Hindi iyong signal number 3 , tapos ang init- init. O kaya naman ay signal number one lang pero ang lakas ng hangin ay para kang tinamaan ng twister o ipu-ipo.

Sana ay masukat na din natin ang dalang ulan nitong mga dumarating na bagyo sa atin katulad ng bagyong Ondoy nuon na nabigla lahat tayo dahil hindi natin sukat akalain na isang dagat pala ang dalang tubig na sukat ba namang ibinagsak at ibinuhos sa buong Metro Manila.

Sana this time ay may pag-asa na tayo sa PAGASA.

No comments:

Post a Comment