TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 14, 2010

Pilipinas, Win Na Win



Nadedo na sa ere ang matagal na namayagpag na programa ni Willie Revillame na Wowowee.

Pinalitan ito ng programang Pilipinas ,Win Na Win na pinangungunahan nina Kris Aquino at Robin Padilla. Plus old set of former Wowowee hosts na sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

Same old dog, but with new leash.


Because same pa rin naman ang production team behind the show.

Sa ganang akin, mabuti na rin at pinagpahinga na ang isang show na binatbat na yata ng katakut-takot na mga intriga in the history of Philippine television.

Tama bang sabihin na may kahalong jinx ang nasabing programa?

Pinaka-nakakapanindig balahibong kamalasan na nangyari sa show ay ang Wowowee Stampede na never in the history of Philippine TV na sangkaterba ang mga namatay at nasugatan dahil dito.

Sana lang ay hindi rin mabaon sa limot ang mga naging casualties ng nasabing insidente kasabay ng pagsasara ng programa.

Mukhang nakakuha ng katapat si Wawawilie sa katauhan ni Jobert Sucaldito , na hindi pinaalis ng ABS-CBN bosses kasunod ng kanyang banta na magre-resign sa programa kapag hindi pinaalis ang nasabing hitad!

Parang nag-astang diktador ang kumag ha ha ha ha.

Bakit , may porsyento na ba siya sa stocks ng istasyon at may say siya kung sino ang gusto niyang paalisin at palayasin?

I'm sure na nangatog ang tumbong ni Jobert nang malamang pinalalayas siya ni Willie nuon dahil knows niyang siga sigaan ang imahe ni Wilie sa kumpanya na maaaring pagbigyan sa "wish ko lang" nito na pagpapa-tsupi sa kanya na hindi naman nga nangyari.

Sino ngayon ang malakas sa Kapamilya?

Sa hanay naman ng mga bagong hosts ng bagong programa- akala ko ba ay hindi na tatanggap ng hosting job ang palengkerang si Kristetay matapos ma-involve sa mga controversial "slips of the tongue" niya sa SNN at The Buzz?

Aba'y, doble ang paysung na matatanggap niya dito kahit pagsamahin pa ang dalawang iniwan niyang programa huh! Aba, winner na si P-Noy, winner din si bunsong Kris huh. At ganun pa rin, puwede pa rin siyang maging taklesa dito kung iibigin niya. Huwag lang sanang gayahin si Wilieboy na kung anu-anong nonsense na komento ang ginagawa on-air para lamang mapag-usapan.

Si Robin Padilla,titignan natin kung swak ba sa pagho-host dahil first time niya itong gagawin sa TV.

May napansin lang ako,bakit tila yata mahilig sa ihi ang mga idea tungkol dito? Eh sa Wowowee, mayruong "wee" na ang ibig sabihin ay "ihi". Sa bagong show+ naman ay merong Win na Win na parang "wiwi", child term for "ihi" also. Hmmmmm, amoy mapanghi.

Ang mahiwagang tanong din: mapataob na kaya ng Pilipinas, Win Na Win ang longest running noontime show na Eat Bulaga sa kalabang istasyon?

Mapakain kaya ng alikabok ni Tetay ang kanyang Tito Joey at Bossing Vic at Tito Sen sa kabila?

Iyan ang ating aabangan!

Pilipinas, Win Na Win ka nga ba?

O baka naman lost na lost tayo diyan, ha ha ha ha.

No comments:

Post a Comment