TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 21, 2010

Ninoy Aquino



Ngayon ang natatanging araw para sa isang dakilang Pilipinong nagsilbing mitsa ng pagbabago para sa Pilipinas.

Walang iba kundi ang bagong bayaning Pilipino na si Senador Benigno Aquino Junior
na ama ng ating bagong pangulo na si Noynoy Aquino at asawa ng Ina ng Demokrasya na si Gng. Corazon Aquino.

Di maikakaila na dahil sa kanyang martir na kamatayan nuong Agosto 21 , taong 1983 , ay namulat ang mga Pilipino sa kasamaang kanilang nararanasan mula sa isang mapang-aping diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

At mula duon sa mga imahe sa tarmac ng dating Manila International Airport ay nagsimulang umalab ang damdamin ng mga Pinoy para sa isang hinog na pag-aalsa na natapos sa Edsa Revolution nuong 1986.

Para sa akin ay siya ang karapat-dapat na tanghaling Ama ng Pagkakaisa ng Lahing Pilipino.

Ang kanyang kamatayan mula sa mga kamay ng mga buhong na nagplano nito ay nagpagising sa natutulog na damdamin nuon ng mga Pilipino laban sa mapang-aping kamay na bakal na sa atin ay pumipigil at kumakadena.

Ngayong tayo ay ganap nang malaya mula sa mga kuko ng agila , utang natin sa kanya ang pagdakila at papuri dahil sa pag-aalay niya ng sariling dugo at buhay matubos lamang tayo mula sa kamandag ng mga lapastangan.

Nawa ay magsilbing paalala ito na kailanman ay hindi magtatagumpay ang kasamaan.

At ang kabutihan ay laging mangingibabaw sa ating puso at isipan.

Senador Benigno Aquino Junior , tunay na ikaw ay aming bayani sa aming puso na aming pinagpipitaganan bilang tagapagtanggol ng aming kalayaan.

Patuloy kang mabubuhay sa puso ng bawat Pilipino aming mahal na Senador

Tunay na hindi ka nag-iisa , Ninoy!

Dahil ikaw lamang ang nag-iisang idolo at bayani ng aming bayan!

Truly , The Filipino Is Worth Dying For!

No comments:

Post a Comment