TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 31, 2010

Nakakalokang konduktor ...


Kaloka ang konduktor na ito ng jeep na nasakyan ko isang araw huh...

Nang may madaanang mag-syotang yapusan ng yapusan at halikan ng halikan ; kuntodo PDA sa kalsada, ito ang kanyang hirit:

" O tama na iyan at baka maubos . Sa bahay ang kainan at hindi sa daan! "

Nang humaharurot na tumatakbo ang sasakyan at bumababangking pa na halos ikatuliro ng mga pasahero nito:

" Oh kapit lang po sa matulis na bakal ha , huwag na huwag lang sa titing matulis hane!"

Nang may madaanang mga pokpok na mga babaeng kalalabas lang galing sa isang beerhouse at ang iingay sa daan , patutsada niya:

" Oh sakay na mga ate , maluwag pa sa kakagamit , sagad -sagaran hanggang sa singit !"

Nang may sumakay na isang lalaki at babaeng pasahero:

" Oh dito ka sa kanan kuya, tutal mahilig ka naman diyan ; at ikaw naman ate , mangaliwa ka na lang ! "

Nang may madaanang grupo ng mga bakla na rumarampa sa kalsada:

" Ay mga bakla, saan naman ang rampa? Gabi gabi na lang humahada, di nagsasawa sa titing mahahaba"

Nang may sumakay na isang buong batalyon ng pamilya:

" Oh konting ipit lang po mga kuya ; gayahin nyo si ate , para hindi masilipan. Baka nakikita na ang inyong kadakilaan. Galaw galaw lang po baka ma-stroke tayo . Bawal dito ang may rayuma at mga joke joke joke"

At nang malapit na kami sa aming terminal:

"O iyong mga may amnesia diyan , nakakalimot pa magbayad, nandito na po tayo sa terminal, baka ibaon ko kayo sa imburnal"

Kalokah!

It's one hell of a ride!

No comments:

Post a Comment