TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 25, 2010

Miss Universe 2010



Kinoronahan bilang bagong Miss Universe ang 22 anyos na Miss Mexico na si Jimena Navarette nitong nakaraang 59th Miss Universe pageant sa Mandalay Bay Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, US.

Bale si Jimena Navarette ang pangalawang Mexican na nag-uwi ng karangalang ito matapos na pagwagian din ni Lupita Jones nuong 1991 ang nasabing prestihiyosong titulo para sa kanyang bansa.

Isa itong malaking karangalan para sa nasabing bansa na dumaan din sa mga matitinding pagsubok partikular nuong nakaraang taon nang magsimula sa kanila ang kinatatakutang H1N1 Influenza virus na kumalat sa buong mundo.

Salamat at nakabangon na rin ngayon ang bansang ito mula sa matinding trahedyang iyon.

Samantala , tinanghal namang 4th placer ang ating pambato na Bikolanang si Maria Venus Raj mula sa nasabing patimpalak. Isa na rin itong malaking karangalan para sa ating bansa lalo na at nagluluksa tayo sa pagkamatay sa isang vehicular accident ng Binibining Pilipinas Miss International na si Melody Gersbach nito lamang nakaraang Sabado na isa ring Bikolana.

Ilang taon na rin tayong tag-tuyot sa karangalang ito mula sa Miss Universe . Sana dumating na ang ulan sa ating bansa upang mapatunayan natin kung gaano kaganda ang ating lupain.

Samantala , kung ikaw ang tinanaong ni William Baldwin ng mahiwagang katanungan para sa ating pambato na si Maria Venus Raj , ano ang isasagot mo?


“What is one big mistake you’ve made, and what did you do to make it right?”


Sige nga, sagot sagot mga kapatid....

No comments:

Post a Comment