TRAVELBOOK NOW!

Friday, August 27, 2010

Major...Major....



Nakakaloka nga naman talaga ang naging sagot ng pambato ng Pilipinas na si Maria Venus Raj para sa katanungan ng judge na si William Baldwin sa katatapos na Miss Universe Beauty Pageant na ginanap sa Amerika nitong nakaraang Martes.

Tanong ni William: "What is one big mistake that you've made in your life and what did you do to make it right?"

Sagot ni Ms. Raj : "Thank you so much, Sir for that wonderful question....You know what , Sir in my 22 years of existence I can say that there is nothing major major, I mean, problem that I have done in my life. Because I am very confident with my family, with the love that they are giving to me. So, thank you so much that I am here, thank you thank you so much,"

He he he he.

Napapanahon nga ang panawagan ni dating Miss Universe Gloria Diaz na magkaruon na ng interpreter ang mga Pilipino sa ganitong mga paligsahan na karaniwang Ingles ang isinasagot sa mga katanungan.

Hindi naman ibig sabihin kasi nito na mahina na tayo sa pag-i-inggles. Kundi nais lamang nating masiguro na malinaw na maisasalin ang mga kataga o salita na nais nating sabihin sa wika o lengguwahe na naiintindihan at alam natin.

At minsan kasi ay dahil sa nerbyos o kaba ay hindi natin naisasalin ng tama at tugma ang ating mga saloobin sa isang wika na hindi natin kabisado , katulad ng English.

Hindi naman ito masasabing isang kahinaan eh . Bakit nga ang ibang mga bansa ay gumagamit din ng mga interpreter katulad ng Japan ,Venezuela , India at iba pa para sa kanilang mga kandidata di ba?

Kaya sana ay pag-isipan ito ng mga producers ng naturang pageant next time para maiuwi na natin muli ang pinakamimithing korona na matagal na nating hindi nahahawakan.

Samantala, pinagpiyestahan ang video na inupload sa Youtube tungkol sa makapigil-hiningang pag-antabay ng apat na bakla sa mga kaganapan sa katatapos na Miss Universe.

Ang apat na joklang panalo at win na win ang mga reactions sa show na kanilang pinanonood, ha ha ha ha.

Winner kayo mga ateng!!! Go go go go mga sisterette.....

No comments:

Post a Comment