TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 7, 2010

Ivan Padilla and Jennis Bravo

Magkasabay na nahuli at napatay ang mga kilabot na kriminal na sina Ivan Padilla at Jennis Bravo sa isang engkwentro ng mga pulis at ng nasabing mga kriminal.

Mga bata pa at panay baguntao ang nasabing mga napatay na miyembro ng masasamang elemento na mga lider ng mga grupong Ivan Padilla Gang at Snake Gang na responsable sa mga serye ng robbery, holdup, carnap at mga pagpatay dito sa Kamaynilaan at karatig probinsya.

Cry me a river at umuusok sa galit ang mga kamag-anak ng mga napatay dahil sa panggagalaiti sa umano'y overkill na kamatayan ng kanilang mga mahal sa buhay.

But then paano naman ang mga buhay na inutang ng mga pusakal na mga kriminal na ito?

Ang sabi nga ay, kapag buhay ang inutang , ay buhay din ang kabayaran.



At ang nabubuhay sa bala , ay sa bala din mamamatay.

At itong si Jennis Bravo ay ipinangangalandakan diumano ng kanyang mga kamag-anak na isang Robin Hood sa kanilang barangay na kaya nagnanakaw ay para itulong sa kanyang mga kapwa na naghihirap.

Hmmmpp, kailanman ay hindi ito naging excuse para magkasala ka sa batas at gumawa ng mga bagay na karima-rimarim at kahindik-hindik para lamang makatulong sa kapwa mo tao.

Hindi maitatama ng isang pagkakawang-gawa ang isang kamalian.

Hindi na bida si Robin Hood ngayon.

Kaya para sa akin, this is justice by God.

Dahil kapag ang Diyos ang humatol, tiyak , luluha ka ng dugo at iihi ka ng asin!

Iyan ang ating laging pakatatandaan!

1 comment:

  1. tang ina mo pla eh kung kilala mo lng si snake gago!

    ReplyDelete