TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 24, 2010

Deadly hostage stand-off in Manila part 2




Nagwakas sa isang madugo , maulan , tensyonado at nakakakilabot na eksena ang hostage-taking incident kahapon na naganap pa mandin sa mismong lugar na pinagdausan ng panunumpa ni bagong Pangulong Noynoy Aquino ilang buwan lamang ang nakakaraan - sa harap ng Quirino Grandstand na nasa Rizal O Luneta Park sa Maynila.

Kuntodo live televised and coveraged ang buong pangyayari na halos tumagal ng 11 oras na nagsimula nang alas 10 ng umaga nang kumanduhin ng isang sinibak na pulis na si Rolando Mendoza ang isang tourist bus na naglalaman ng mahigit 20 mga turista galing sa Hongkong - na masaya lamang sanang bumibisita at nagliliwaliw sa ating bansa - na natapos sa isang malungkot at madramang finale nang mapatay bandang alas-nuwebe na ng gabi ang 9 na katao habang bumubuhos ang malakas na ulan sa buong Kamaynilaan na tila ba pakikisimpatiya at pagpapahiwatig na kasamang nananaghoy ang langit sa mga namatay mula sa nasabing insidente.

Kamakailan lamang nang maganap din ang kaparehong insidente ng pang-hohostage malapit lamang sa lugar na ito nuong taong 2007 nang kinumando rin ng isang civil engineer na nagngangalang Jun Ducat ang isang school bus na naglalaman ng 32 mga bata sa Lawton Plaza, Manila sa pamamagitan ng isang granada. Salamat na lamang at walang namatay mula sa nasabing kaganapan at natapos ito ng mapayapa sa pamamagitan ng pagsuko ng hostage -taker dahil na rin sa mahusay na pakikipag-dayalogo ng mga taong involve dito nuong panahong iyon.

Tatlong taon mula nuon ay naulit ang nasabing insidente , but this time maraming buhay ang nasayang at nalagas dahil na rin sa lantarang kapabayaan at mistulang wala sa koordinasyong pagkilos ng mga kapulisan para resolbahin ng maayos ang nasabing stand-off na kitang kita sa coverage ng mga kamera sa TV.

Sikat na sikat na naman ang Pilipinas sa buong mundo at halos tayo na naman ang laman ng mga headlines sa mga diyaryo at news room kabilang na ang CNN at Time Magazine na nagpakita pa mandin ng live footage ng nasabing kaganapan sa kanilang mga lente at kamera.

Tiyak na ang unang unang maaapektuhan nito ay ang ating tourism industry na unti unti na sanang umaangat subalit ngayon ay tila patungo sa pagbagsak dahil sa nasaksihang madugong engkuwentro sa ating bansa. Marami tuloy na mga turista ang tiyakang magdadalawang - isip nang pumunta at bumisita sa ating bansa matapos masaksihan ang ganitong pangyayari. At una na ngang nag-isyu ng "black travel warning " ang gobyernong Hongkong dahil nga sa insidenteng ito.

Kapansin-pansin ang maraming mga kapalpakan at bloopers sa hostage dramang ito ng mga kapulisan na tila ba hindi pinag-isipan ng husto at hindi man lang isina-alang alang at pinansin ng mga kinauukulan . Maraming pagkakataon ang sinayang na maresolba sana ng matahimik at maayos ang nasabing gulo kung pinag-isipan lamang sana ito. Subalit hinayaan nilang umalpas ang nasabing mga oportunidad dahil sa tila ba ay pagtatakip nila ng isang " malaking kahihiyan " mula sa kanilang hanay na maaaring mabunyag kung sakaling makasuko ng maayos ang hostage-taker .

Kung anuman ito ay sila na lamang ang nakakaalam.

Kung tututusin ay maayos na nakikipag-usap ang hostage -taker eh. Hindi naman siya isang sintu-sinto na lamang na basta ito ginawa nang walang pag-iisip. I'm sure na pinag-planuhan niya ito ng maayos. At mapayapa sana itong naresolba kung marunong lamang makinig sa hinaing nito ang ating mga kapulisan!

Ang balita ko nga ay isa ito sa mga Ten Outstanding Policemen of the Philippines (TOPP) noong 1986.

Pansinin ang nakasulat sa isang malaking papel na nakapaskel sa pintuan ng bus : "BIG MISTAKE TO CORRECT A BIG WRONG DECISION."

Kahiya-hiya na naman tayo sa buong mundo!

Lagi na lamang ba?

Isa ba itong pasalubong at asalto ninyo para sa liderato ng bagong administrasyon ni Noynoy Aquino?

Ang ilagay siya sa kahihiyan sa buong mundo?

Pangulong Aquino, naghihintay ang buong mundo kung paano mo reresolbahin ang kaganapang ito na punong puno ng mga kapalpakan!

Sa mga namatay at naulila ng nasabing krimen ng isa lamang Pilipino , nakikiramay po ang pitak na ito!

At sa buong mundo, isang malaking patawad at paumanhin ang aming hinihingi!

No comments:

Post a Comment