TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 11, 2010

Charlie Davao



Isa na namang alagad ng sining ng pag-arte at pelikula ang kinuha ni Lord sa ating kalagitnaan.

Ito ay ang beteranong character-actor na si Charlie Davao dahil sa colon cancer na naging sakit din ni Tita Cory na naging dahilan din ng kanyang pagpanaw.

Tila yata dumarami ang nagkakasakit ng ganitong uri ng kanser na maaaring idinudulot ng maraming mga kemikal na nakukuha magmula sa mga pestisidyo na ibinubuga sa mga halaman hanggang sa mga preservatives at additives na idinadagdag sa ating mga kinakain na maaaring carcinogenic o cancer-causing na nagpapalala sa ating katawan.

Ilan pa sa mga kilalang personalidad na pumanaw dahil sa sakit na ito ay sina Teddy Pendergrass, Eartha Kitt , Audrey Hepburn , Peanuts creator na si Charles Schulz at si Johnny Delgado. Tila yata pang-apat na ito sa mga cancer-related causes of death sa buong mundo.

Kaya nga dapat ay mahalaga ring malaman kung anu-ano ba ang mga sangkap ng mga pagkaing ating kinakain nang sa gayon ay makaiwas tayo sa paglaganap ng pumapatay na uri ng kanser na ito.

Samantala , isa na naman ngang magaling , iginagalang at ipinagkakapuring artista ang latest na nabiktima ng mahiwagang kanser na ito.

Kahanga-hanga ang pagganap ng nasabing aktor lalo na kung pagiging kontrabida ang pag-uusapan.

Unti- unti na silang nagpapaalam sa mundo.

Patunay lamang na lahat ay dumarating at lumilisan din naman paglaon.

Lahat ay sa kamatayan din naman humahantong.

Sa alikabok tayo nanggaling , sa alikabok din tayo lahat magbabalik.

To Davao Family and Friends, condolence po!

No comments:

Post a Comment