TRAVELBOOK NOW!

Friday, August 13, 2010

Celebrity Kidnapper



Nakakaalarma naman itong kidnapper ( Paulino Mercado ) ng tatay ni Sarah Geronimo na si Mang Delfin Geronimo na nahuli mismo sa compound ng ABS-CBN na may modus - operandi umanong mangidnap ng mga celebrity relatives at ipatubos ito sa malaking halaga.

Ang tatay nga ni Sarah Geronimo ang unang pinuntirya at binalak na kidnapin at sa kabutihang palad naman ay naagapan bago pa man mangyari ang lahat.

At mula duon sa trunk ng kotse ng nasabing kidnapper ay nakita ang iba pang mga loot bags na naglalaman ng mga give-aways diumanong ipamimigay para sa mga artista na binabalak din umano nitong agawin katulad nila Jaya , Pauleen Luna at marami pang iba.

Nakakatakot ito na kahit pala mga celebrities ay hindi na rin ligtas mula sa mga organisadong kriminal na katulad nito.

Eh kasi naman ay lantaran ang pagiging mapera at mga super mega milyonaryo ng ating mga celebrity eh kaya di kataka -takang maging target sila ng mga masasamang elementong katulad nito.

Kung ibalandra naman kasi sa TV, sa radyo , o sa mga magazine at mga diyaryo ang kayamanan ng mga ito eh ganun- ganun na na lang kaya naman ang iba ay nagkaka-interes na gawan sila ng masama tulad ng pangingidnap.

Ang sabi nga eh tatlong klase lang ang taong mayayaman sa Pilipinas: ito ay ang mga negosyante, ang mga pulitiko at ang mga artista!

So beware sa mga artista at celebrity natin. Dapat ay kumuha na kayo ng inyo-inyong mga bodyguards at pati na sa inyong mga relatives dahil unti-unti na silang nagiging target ng mga kriminal dahil sa pagpapasikat ninyo.

Kung ipag-banduhan naman kasi ang inyong mga sasakyan, ang inyong mga bahay, ang inyong mga personal na gamit na latest at high-tech ay gayun na lamang kaya hayan tuloy nagkaka-ideya ang mga kidnapper na kayo ang tuntunin at targetin debah?

So dapat , less wealth exposure , less crime.

Yun na!

No comments:

Post a Comment