TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 17, 2010

VP-Nay at HUDCC


Hayy, salamat naman at tinanggap na rin ni Vice President Jejomar Binay ang alok ni Pangulong Noynoy na kaniyang pamunuan ang pangangasiwa sa pabahay sa bansa sa ilalim ng ahensya ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

Salamat naman at hindi na siya nagpatumpik tumpik pa sa pagpili ng pamumunuang ahensya kahit na ang inaasam asam niyang pamunuan ay ang DILG nuong una.

Subalit hindi ito ibinigay sa kaniya ni P-Noy bagkus ay ibinigay ang paggiya kay former Naga City mayor Jesse Robredo para sa Department of Interior and Local Government na saludo naman tayo dahil bagay na bagay ito para sa nasabing magaling na Bikolano.

Ang sa akin lang ay kahit saan ka ilagay kung talagang ang hangarin mo ay makatulong , pihadong ibubuhos mo ang iyong buong lakas at isip nang sa gayon ay maging isa kang epektibong lingkod ng bayan sa abot ng iyong makakaya. Maraming marami pa rin tayong mga kababayan na wala pa ring sariling lupa at bahay na matitirhan. At ang karamihan ay iskwater sa sariling bansa nila. Ang karamihan ng mga nagmamay-ari ng lupa dito ay mga banyaga at iyong may mga dugong-banyaga na siyang naghaharing-uri dito sa Pilipinas. Pero ang mga purong Pilipino, walang mga sariling bahay na matutuluyan sa sarili nilang lupain!

How sad!

Kaya iyan ang dapat na tutukan at gampanan ni VP -Nay!

I'm sure, VP Binay will make a legacy in accepting the rend to preside over at HUDCC just like what his predecessor former VP Noli De Castro did at the said agency.

To P-Noy and VP-Nay , keep up the good teamwork!

Umaasa ang sambayanan sa inyo!

No comments:

Post a Comment