TRAVELBOOK NOW!

Monday, July 5, 2010

Noynoy's Speech

Narinig ko at napanuod sa TV ang inaugural speech ni President Noynoy Aquino and I'm very amused.

Napansin ko na hindi masyadong magaling sa public speaking ang anak ni Aling Coring na hindi nagmana sa kaniya. Halatang binabasa niya ang scripted na speech sa isang teleprompter. Kulang din sa bigat at diin ang bawat bitaw niya ng salita. Very monotonous.

Siguro kailangan pang mag-aral ni P-Noy ng art of public speaking he he he.

Hindi katulad ng kanyang mga predecessor na sina Ferdinand Marcos, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at siyempre ang kanyang ina na si Cory Aquino na ang gagaling magtalumpati.

Subalit sa ganang akin, mas gugustuhin ko na ang isang lider na hindi marunong magsalita subalit may ginagawa,kaysa naman sa isang nangungunang hitik nga sa bulaklak ang dila at puno ng matatamis na bokadura subalit kapos naman sa mabubuting gawa.

Sa parteng ito, nais kong puntuhan ang ilang bahagi ng inaugural speech ng ating bagong presidente na si P-Noy.

"Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan" - mukhang malayo pa sa isip ni P-Noy ang katagang reconciliation. Wish ko lang na sana hindi naman maubos ang oras niya sa kakahabol sa mga "tiwali" nating nanungkulan dati. Let the wheel of justice roll , huwag lang mapa-flat huh!



"Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo" - talaga lang huh! sige hayaan mo P-Noy at marami kaming iuutos sa iyo he he he.

"Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa" - walang lamangan, hating kapatid lang he he he. Bawal ang wang wang
ha pati ang mga may wang wang sa utak he he he. Sa mga humihingi ng tong, humanda kayo dahil ubos na ang oras n'yo!

"Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster—ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon" - talagang hindi lang iyan pang-poster,dahil puwede rin iyan sa sticker o button pin he he he. Maganda kayang slogan iyan. Wag ka lang kukurap P-Noy dahil baka maisahan ka ng mga corrupt huh!

"Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din—talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino? - walang nakasulat na dapat laging magtiis ang Pilipino. Tadhana na rin ang humatol na baguhin ang kapalarang ito sa pamamagitan mo.

"Ngayon, sa araw na ito—dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan" - sana nga , sana nga, amen!

( sabay buntong hininga)

1 comment:

  1. hi edgar, i really did not vote for noynoy pero as what you said, mabuti na yung hindi man mahusay magsalita eh husto naman sa gawa. i salute our new president, na kahit sa maliit na bagay ay nagsisimula sa kanya ang magandang halimbawa. what now, mr. binay. hindi rin siya makaporma, knowing binay na super corrupt at isip eh meron siyang super power. im backing up our president and i wish him all the lucks. kung nakikita natin ang tila kahinaan sa kanyang personlidad, madiin naman niyang pinatutupad kung ano ang dapat. and nothing we can do but to help him. kelangan na talagang magbago. di ba, edgar?

    about our book, inis na ako, nakalinya pa rin for printing, konting tiis pa ha. thanks and God bless Philippines.

    ReplyDelete