TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, July 6, 2010

latest deadly road accidents



Wow, mukhang sunod sunod at nauuso ang mga aksidente sa kalsada ngayon ah. At hindi lang isa o dalawa ang mga buhay na nasasawi sa nasabing mga aksidente kundi lagpas sa sampu ang karamihan sa mga ito.

The latest is another road accident in Cebu where 15 people's lives are lost. It happened last July 3, Saturday , in Cebu where a Corominas bus slammed into a fence due to a brake-related accident killing 15 of its passengers on the spot.

Last month lang, sa Cebu rin , ay 21 buhay naman ang nalagas ( 20 Iranian and the Filipino driver ) kung saan involved naman ang JD Tourist bus sa nasabing aksidente.

At nitong Marso lamang ay 12 rin ang natigok naman sa isang malagim na aksidente diyan sa home province ng Mama ko sa La Union.

At kamakailan din lamang ay 9 na buhay din ang kinuha ni Lord diyan sa Cavite kung saan ay isang delivery truck ng mga LPG ang bumangga sa hilera ng mga bahay at kainan na nagresulta upang ito ay sumabog at magliyab.

Ano ba naman itong mga driver natin, mga adik?

Aba'y nakakatakot na ngayong magbiyahe at mag-commute dahil sa mga balitang ito ha!

Biro mo nga naman ay uuwi ka lamang ng iyong probinsya para dumalaw sa mga kamag-anak o kaya naman ay mag-relax ; at sa kaso ng mga Iranian na nag-liliwaliw lang sa ating bansa ; ay hindi mo namamalayan na nakatapak na pala ang isang paa mo sa hukay!

Aba'y mabuti pang stay put na lang sa bahay kesa mag-lamyerda at sumakay ng mga bus o jeep na tila baga mga kaskaserong karo ng patay ang dating.

May mga balita din kasing umuugong na ang ilang mga driver daw natin, lalo na iyong mga bumibiyahe nang malayuan sa mga probinsya , ay tumitira o umiinom muna ng mga gamot o substance na medyo pipigil sa kanilang antukin o makatulog sa biyahe. Pampagising ba kumbaga katulad ng shabu o marijuana.

Hindi kaya mga bangag ang mga driver na ito habang nagbibiyahe kaya nangyayari ang mga ganitong aksidente?

Aba'y ang eengot naman nila kung ang dahilan ay lagi na lang nawalan ng brake ; eh bat hindi muna nila tsekin ang kanilang sasakyan bago umalis mula sa kani- kanilang mga istasyon at tumungo sa kanilang mga destinasyon di ba?

O sadya kayang hindi maganda ang disenyo ng mga kalsada natin dito sa Pilipinas na gawa ng ating mga inhenyero?

Naalala ko tuloy iyong aksidente na aking nasaksihan nuong aking kabataan diyan sa Marikina.

Bata pa ako nuon, siguro mga 14 lang ako nuon nang mangyari ang nasabing aksidente diyan sa kahabaan ng Marcos Hi-way kung saan kami nakatira .

Nanunuod kami ng TV nung hapong iyon nang may biglang narinig kami na isang malakas na dagundong mula sa highway malapit sa amin. Sunod sunod ang dagundong ng ingay. Malalakas.

At nang puntahan namin ang lugar kung saan nanggaling ang mga kalabog, tama ang hinala namin, banggaan ng 14 na sasakyan ang tumambad sa aming paningin.

Vivid na vivid pa sa aking isipan ang eksena ng tatlong naunang sasakyan na mistulang pinitpit na lata na umilalim sa truck na kanilang sinusundan. Bale nauuna ang malaking truck na sinusundan ng 13 sasakyan na nagkandabanggaan dahil sa biglang paghinto ng nauunang truck na mabilis ang patakbo. Eh palusong pa naman ang nasabing kalsada.

Kitang kita ko ang pagsagip sa mga duguang tao na inililigtas mula sa nasabing aksidente. Lalo akong nanlambot nang makita ko ang tatlong bata na walang buhay na inilabas mula sa kotseng napitpit na parang accordion sa ilalim ng truck na sinusundan nila.

Bale ang nangyari kasi ay nauuna ang truck na biglang nag-break dahil may mababanggang sasakyan, kasunod ang tatlong kotse, tapos truck na naman ulit, tapos ay iyong iba pang mga sasakyan na nahuhuli sa kanila. Domino effect ang nangyari dahil magkakasunod ang kanilang mga takbo. Bale iyong tatlong kotse na nauuna ay na-sandwich o napitpit ng dalawang truck sa pagitan nila. Imaginin mo ang eksena kung kaya mo!

Hayy naku, kaya kayong mga driver huh, mag-isip isip bago bumiyahe.

Alalahanin ninyo na sa inyo nakasalalay ang buhay ng inyong mga pasahero na isinasakay.

Ngunit minsan ang masaklap ay hindi lang mga pasahero ang nadadamay dahil kahit iyong mga inosenteng bystander o mga bahay sa tabi ng kalsada ay nadadamay kapag inararo nila ng kanilang sasakyan.

Hayyy, ang buhay nga naman oo!

Condolence po duon sa mga namatayan sa mga road accident sa ating bansa.

No comments:

Post a Comment