TRAVELBOOK NOW!

Sunday, July 4, 2010

July 4 - Filipino American Friendship Day

Ito ang natatanging araw para sa mga Amerikano, Fourth of July, dahil sa araw na ito nuong 1776 ay idineklara ang kalayaan ng bansang Amerika mula sa pananakop ng bansang Great Britain sa kanila.

Isang malaking selebrasyon ito at pagdiriwang sa buong United Sates of America na sinasabayan ng mga parada , fireworks display, palabas , parties , kainan at mga engrandeng salu-salo at kasiyahan na bubusog hindi lamang sa iyong sikmura kundi maging sa iyong limang sense organs.

Dito sa Pilipinas ay inoobserbahan din ito bilang araw ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika.

Marami ang tumitingala sa Amerika bilang siyang pinaka-makapangyarihan sa buong mundo.

Mula sa dati'y isang maliit at mahinang konglomerasyon ng 13 Colonies, ay isa na itong higanteng maituturing sa buong mundo na siyang tinitingala at kinikilala bilang land of milk and honey.

The Great American Dream- ito ang walang kamatayang pangarap ng halos lahat ng tao sa buong mundo na matupad at maranasan sa kanilang buhay.

Kaya naman ang pila sa lahat ng US Embassy sa bawat bansa ay palaging umaapaw dahil sa dami ng mga taong nagnanais na makatuntong sa lupaing ito ng mga pangarap.

Ikanga, hindi kumpleto ang buhay mo kung hindi ka nakatapak sa Amerika.

Kasama na ang mga Pilipino na palaging nangangarap na makatuntong sa lupain ng mga Negro, Puti, Kayumanggi, Dilaw at iba pang lahi dahil sa nagsilbing melting pot na ito ng ibat ibang kultura sa daigdig.

To Uncle Sam and all the Stars and Stripes of this mighty land- A joyous Fourth of July to you all.

May the partnership and friendship between our countries continue towards the new millennium and beyond!

No comments:

Post a Comment