TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 16, 2010

Hagupit ni Basyang


Ngayon lang nagkakuryente dito sa amin kaya ngayon lang ako nakapag-blog about the second typhoon to hit the Philipine Area of Responsibility which was named Basyang.

The first typhoon to enter the PAR was named Agaton ( international name is Omais ) pero hindi man lang tumama sa kalupaan ng bansa at nagparamdam , bagkus ay lumihis at tumama at nanalasa sa bansang Vietnam. Typhoon Basyang( international name Conson ) is the second one so far. The Philippines is one of the countries in the Pacific typhoon belt na palagiang hinahagupit at binibisita ng hindi bababa sa 20 bagyo kada taon.

Martes, July 13 , nang itinaas ng Pagasa ang storm signal warning dito sa Metro Manila at mga karatig lugar into signal number 1 kaya naman sinuspinde ang antas ng klase sa elementarya at high school sa buong rehiyon.

Napanuod ko sa early evening news TV Patrol ang Pagasa bulletin na tatama sa kalupaan ang mata o sentro ng bagyo mga hatinggabi pa ng araw ding iyon. Nang hapong iyon ay nasa ilalim pa lamang ng signal number 1 ang buong Metro Manila at ni hindi pa umuulan man lamang o humahangin kaya kampante ang lahat na baka isa na naman itong "mis-forecast" ng Pagasa.

Ilang beses ko na bang naranasan, lalo na nuong nag-aaral pa ako , na kapag sinabi ng Pagasa na may bagyo at isinailalim sa signal number 3 ang aming lugar at suspendido ang klase ay saka naman nakatirik ang araw at kami ay naglalaro ng patintero sa kalsada, amoy pawis at nangigintab ang mukha sa sebo.

At kapag inihayag naman ng Pagasa na walang bagyo at ambon lamang ang mararanasan sa buong maghapon ay saka naman walang puknat ang buhos ng ulan at bayo ng hangin sa aming eskuwelahang pinapasukan. At kung kailan kami basang basa na sa bayo ng hangin at ulan ay saka kami papauwiin at saka sususpendihin ang klase. Hindi lang ito isang beses na nangyari kundi marami na at magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin.

Ito na lamang kay Basyang ay signal number 1 pa lamang ng hapon na iyon ang kanilang paalala at sige ang announcements nila na sa Central Luzon daw tatama ang bagyo at dito babaybay. Nang mag-gagabi na ay saka ibinalita na nagbago daw ng direksyon ang bagyo at sa bandang Kabikulan na daw ito mananalasa at mga hating - gabi pa daw dadaan malapit sa Metro Manila.

Marami ang nagsawalang-bahala dito dahil nga sa kadalasan ay mga palpak na mga forecast ng Pagasa. Kaya naman na-caught by surprise ang marami ng bandang alas onse pa lamang ng gabi ay bumayo na ang pagkalakas- lakas na hagupit ng bagyong Basyang dito sa Maynila. Hindi nila namalayan na nandito na pala sa Kamaynilaan ang bagyo dahil saka pa lamang itinaas sa storm signal number 2 ang Metro Manila bandang alas onse na ng gabi eh yun pala ay dumadaan na ang mata ng bagyo malapit dito huh.

Kahit ako nga na nasa bahay lamang ay hindi rin ito expected. Mga 10 ng gabi ay mahinang ulan at hangin pa lamang ang aming nararamdaman kaya naman kampante ako na hindi ito lalakas kaya bumanat na ako ng tulog at hilik ng mga oras na iyon.

Namputsa, napabalikwas ako ng bangon mula sa aking mahimbing na pagkakatulog mga bandang alas -dose ng hating gabi dahil tila ba iniaangat na ang bubong ng tindahang aking tinutulugan. Eh mag-isa pa naman ako ditong natutulog. Wala na ring kuryente. Hilong talilong ako sa paghahanap ng kandila at flashlight.

At this time ay ang lakas na ng hagunot ng hangin. Parang isang ipo-ipo na ibinabagsak ng bigay-todo sa kabuuan ng aming bahay. Sa itaas ay maririnig mo ang nagngangalit na ihip at daluyong ng hangin nito. Salit salitan ang hampas at langitngit ng mga bubong, yero, bakal , kahoy , sanga at kung anu-ano pa na nagsasalimbayan sa aming bubong. Pagsilip ko sa labas ay nakita kong nagliliparan ang mga yero sa kalsada. Kawawa ang sinumang mga nasa labas nang oras na iyon dahil siguradong mapupugutan ng ulo. Ang sungit sungit ng panahon. At ang lamig-lamig.

Ang malaking gate ng aming tindahan ay binabayo ng dagundong ng hangin. Kaya naman simula alas dose ng hating-gabi hanggang mga bago mag-alas dos ng madaling araw ay tangan tangan ko ito at hindi binibitawan dahil oras na bitawan ko ay siguradong hahampasin ng hangin papasok na maaaring humampas sa mga sasakyang nakaparada sa loob ng tindahan. At dahil umaanggi sa loob ng garahe ay may hawak din akong payong sa kabilang kamay para naman hindi ako mabasa ng ulan. Imaginin nyo ang hitsura ng lola nyo ha ha ha ha.

Mag-aalas dos ng maramdaman kong medyo humina ang intensity ni Basyang kaya nagpasya na akong muling humilata sa kama at saka managinip.

Kinabukasan paggising ko ay namasdan ko ang iniwang lagim ng pagngingitngit ni Lola Basyang - nagtumbahang mga puno sa paligid ng kalsada namin, natuklap na bubong sa aming bahay, nagkanda bali-baling mga antenna at poste sa bubong namin, at nalagot na mga wire ng kuryente sa aming lugar at pati ang tubo ng tubig ay nalagot din dahil natamaan ng bumagsak na sanga ng puno ng bulak sa aming bakuran.

Signal number 2 pa lang iyan ha, eh paano kung signal number 3 na? At lalo na kung iyong mga perfect storm ngayon na nauuso ngayong mayruon tayong climate-change kung saan nagsisignal number 4 ang lakas ng hangin at tinataguriang super- typhoon ang tumama sa atin?

Sana lang, next time ay may pag-asa na tayo sa Pagasa para naman hindi tayo laging nagugulat sa kanilang mga prediksyon ano! Ano ba talagang problema P-Noy, kulang ba talaga sa gamit, incompetent ang mga tauhan o maling oras ng mga announcements ? Ano ba talaga Kuya Nilo? Tama yung proposal ng isang Senador, dapat pag may bagyo oras oras kayong nagpapalabas ng bulletin para masusubaybayan ng publiko kung sakali man na nagbabago ang landas ng bagyo. Unpredictable kasi ang galaw ng bagyo eh , salawahan ikanga , pabago bago ng isip, kaya dapat oras oras din ang monitoring at bulletin na ipinapalabas ninyo di ba?

Hay naku , pangalawa pa lang iyan ha, may hinihintay pa tayong 18 bagyo pa na darating huh!
Pray ko lang, huwag na sana tayong ma-Ondoy pa ulit hu hu hu hu.

Gising , gising.

No comments:

Post a Comment