TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 3, 2010

Bayan Ko

Dahil makabayan pa rin ang mood na umiihip sa ating bansa ngayon, naturalmente na hindi mawawala ang makabayang awitin na minahal nating mga Pilipino; ang " Bayan Ko "

Napakaganda ng mensaheng nakapaloob sa kantang ito na originally ay isang tula na isinulat ni Jose Corazon De Jesus o mas kilala sa tawag na Huseng Batute nuong 1929.

Later ay nilapatan ito ng melody ni Constancio De Guzman at simula nuon ay inawit na ng mga ibat ibang kilalang musikero sa ating bansa.

Pinakatanyag marahil na bersyon ng awiting ito ay ang kay Ka Freddie Aguilar na unang narinig nuong dekada 80 partikular sa panahon ng kamatayan ni Senator Ninoy Aquino at nuong People Power nuong 1986.

Masyadong associated sa Aquino Family ang awiting ito na naglalahad ng labis na pag-ibig ng lahing kayumanggi sa kanyang bansa at sa paglaya mula sa kamay ng mga mapanakop at mapaniil.

Kaya naman nang araw ng libing ng dating pangulong Corazon C. Aquino ay muli itong narinig sa himpapawid at nito ngang inagurasyon naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino ay muling umalingawngaw ang makabayang liriko nito sa puso ng bawat mamamayang Pilipino na nagmamahal sa kalayaan ng kanyang bansa.

Ating awitin ng sabay sabay at damhin ang mensaheng nakapaloob dito:

Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto't bulaklak.
Pag-ibig ang sa kaniyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kaniyang yumi at ganda,
Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.

Koro:
Ibon mang may layang lumipad,
kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayang sakdal dilag,
Ang 'di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha ko't dalita,
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

No comments:

Post a Comment