TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 2, 2010

Bagong Pilipinas

Inawit sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino ang awiting Bagong Pilipinas na kinompose nina Ogie Alcasid at Noel Cabangon.

Maganda ang liriko at mensahe ng nasabing awitin na akmang akma sa pagsalubong sa bagong kabanata sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Swak na swak sa makabayang damdamin na sinasagisag ng bagong administrasyon ni Noynoy Aquino.

Bilang pakikiisa sa sambayanang umaasa ng tunay na pagbabago sa ating burukrasya, sama sama nating awitin ang " Bagong Pilipinas " upang salubungin ang umagang hitik na hitik at umuusbong sa pag-asa at pagtitiwala.

Narito ang liriko niya at video:

BAGONG PILIPINAS
Music & Lyrics: Ogie Alcasid and Noel Cabangon

Anuman ang iyong kulay
Ang Pilipinas ay nagtagumpay
Kahit galing sa dilim
Alam natin ang araw ay sisikat din

Tayo ma'y hiwa-hiwalay
Isa ang ating mithiin at pangarap
Bahagharing abot-tanaw
Mula ngayo'y ating mararating

Bagong Pilipinas
Sama-samang ihayag ang tagumpay
Bagong Pilipinas
Salubungin natin ang bagong umaga
Muli nating itanghal bayang nagkaka-isa
Simulan na natin ang Bagong Pilipinas

Bridge:
Sa tulong at patnubay ng Panginoon
H'wag na nating sayangin ang pagkakataon
Lubos na ang pagtitiwala sa isa't isa
Ang s'yang maghahatid ng bagong pag-asa



No comments:

Post a Comment